FPC: Breaking Free! - From Hatred to Love


FAMILY PRAYER CELL – OCT 2026, WEEK 2
THEME FOR THE MONTH: BREAKING FREE!
THIS WEEK’S TITLE: FROM HATRED TO LOVE
I. PAGBATI - ____________
It’s good to have you sa ating Family Prayer Cell ngayong linggo, kung saan bilang isang pamilya, tayo ay nagsasama-sama para magpuri, makinig ng Salita ng Diyos, manalangin, at magpasakop sa authority ng Diyos.
We are so thankful sa lahat ng pagpapala na meron tayo at ine-enjoy natin bilang pamilya. At ngayong gabi, ibalik natin sa ating Panginoon ang lahat sa ating FPC.
II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN - ____________
Maraming salamat, Panginoon sa iyong pag-iingat sa bawat isa sa amin. Sa kabila nang pabago-bagong panahon, palagi kang nakabantay sa amin. Maraming salamat sa mga panalanging tinugon mo na at patuloy na tutugunin. Samahan mo po kaming muli at pakinggan sa aming pag-aaral ng iyong Salita, sa aming pag-aawitan at pananalangin, at sa aming pagpapatotoo ng kabutihan mo. Amen.
III. PAG-AAWITAN – may mag-lead o gumamit ng videoke
I'm Free to be A Servant of the Lord | Lord, I Will - Maranatha |
https://www.youtube.com/watch?v=k5ij0qJVGq4
I am free; I am free;I am free to be the servant of the Lord.I am free; I am free;I am free to be the servant of the Lord.
He taught me how to praise him.He taught me how to sing his songs.He taught me how to love,I am free to be the servant of the Lord.
| https://www.youtube.com/watch?v=JeiwrLt3ePE&list=RDJeiwrLt3ePE&start_radio=1
Lord I will, Lord I will I will love you I will praise you lord I will I have made up my mind to bless you Lord Lord I will, Lord I will
Lord I will, Lord I will I will love your chosen people lord I will Lord I will I have made up my mind to bless them Lord Lord I will, Lord I will
Lord I will, Lord I will I will follow you and serve you Lord I will I have made up my mind to live by your world Lord I will, Lord I will
|
IV. PAGBASA NG SALITA NG DIOS – maaaring basahin ng isang tao o salitan o hali-halili
Genesis 33:1-11 MBBTAG
1Natanaw ni Jacob na dumarating si Esau kasama ang apatnaraan niyang tauhan. Kaya't pinasama niya ang mga bata sa kani-kanilang ina. 2Nasa unahan ang dalawang asawang-lingkod at ang kanilang mga anak, kasunod si Lea at ang kanyang mga anak, at sa hulihan si Raquel at ang anak nitong si Jose. 3Umuna si Jacob sa kanilang lahat at pitong ulit na yumukod hanggang sa makarating sa harapan ng kapatid. 4Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid. 5Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila.
“Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,” tugon ni Jacob. 6Nagsilapit ang mga asawang-lingkod na kasama ang mga bata at yumukod; 7sumunod si Lea at ang kasamang mga bata, at sa katapus-tapusa'y si Jose at si Raquel. Yumukod silang lahat at nagbigay-galang kay Esau.
8“Ano naman ang mga kawan na nasalubong ko?” tanong ni Esau.
“Iyon ay mga pasalubong ko sa iyo,” sagot niya.
9Ngunit sinabi ni Esau, “Sapat na ang kabuhayan ko. Sa iyo na lang iyan.”
10Sinabi ni Jacob, “Hindi! Para sa iyo talaga ang mga iyan; tanggapin mo na kung talagang ako'y pinapatawad mo. Pagkakita ko sa mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang Diyos! 11Kaya, tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo. Naging mabuti sa akin ang Diyos; hindi ako kinapos sa anumang bagay.” At hindi niya tinigilan si Esau hanggang sa tanggapin nito ang kanyang kaloob.
V. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
Note to Sharer: Read Genesis 25:19-34, Genesis 32-33
Isa sa mga madamdaming tagpo sa Bibliya ay ang kwento ng magkapatid na sina Jacob at Esau. Isang mabilis na summary ng kanilang istorya: Dinaya ng bunsong si Jacob ang kanyang kuya upang makuha ang blessing ng kanilang ama. Dahil sa sobrang takot sa galit ng kanyang kapatid, nagpakalayo-layo si Jacob at nagpunta sa kanyang Uncle Laban at dun na nagkaroon ng sariling pamilya. Bilang ganti sa mga magulang at sa sobrang pagkagalit na rin sa mga nangyari, si Esau naman ay kumuha ng mga asawang alam niya na hindi magugustuhan ng kanyang mga magulang.
Namuhay si Jacob na puno ng takot. Namuhay si Esau na puno ng galit. Lumipas ang maraming taon. Hanggang sa panahon na upang magkita ang magkapatid.
1. Reconciliation must be covered in prayer Ang pakikipag-ayos ay dinudulog sa panalangin
Bago pa man magkita ang magkapatid, nagpadala ng messengers si Jacob para i-check ang kapatid. Nag-report sila kay Jacob na sasalubungin sila ni Esau, pero may kasama siyang 400 men. Kaya ganun na lang ang takot ni Jacob (Gen 32:6-7). Sa isip-isip siguro niya, hindi pa nakaka-move on ang kapatid, at galit na galit pa rin sa kanya – at may dala pang army para salubungin siya!
Kaya ang kanyang naging reaction ay nanalangin (Gen 32:9-12). At hindi lang basta panalangin, talagang marubdob na panalangin na buong gabi siyang 'nakikipagbuno' sa Panginoon!
In our case, kung nais nating makipagkasundo sa taong nakagalit natin, ang una nating dapat gawin ay idulog sa Panginoon ang ating intensyon. Reconciliation is in the heart of God, kaya makakaasa tayo na siya rin ang magbibigay sa atin ng timing, ng opportunities, at ng paraan kung paano magiging possible ang reconciliation.
May tao ka bang nais hingian ng kapatawaran, o taong gusto mo nang makaayos? Ipanalangin ang inyong sitwasyon, at isama si Jesus sa proseso ng pakikipagbati.
2. Reconciliation demands humility
Ang pakikipag-ayos ay nangangailangan ng pagpapakumbaba
Bukod sa panalangin, pinag-isipang mabuti ni Jacob kung paano niya haharapin ang kanyang kapatid: magbibigay siya ng peace offering – mga kambing, tupa, camels, baka, at mga donkeys (Gen 32:13-16). Hindi lang ito para "pampalamig" ng ulo ng kapatid, ito ay pagpapakita din ng kanyang intentionality at seriousness sa paghingi ng tawad.
Pansinin din natin kung paano siya magpakilala sa kapatid: hindi bilang bunsong kapatid, kundi bilang servant. Handa siyang magpakababa matanggap lang at mapatawad ni Esau.
Kung seryoso talaga tayo na maayos ang ating nasirang relasyon, handa tayong magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali. Handa din tayong tumanggap ng correction kung kinakailangan. Hindi yung maninisi pa tayo ng iba, magmamalinis, o ipapamukha pa na tayo na ang unang gumawa ng paraan para makipag-ayos. Ipakita ang pagpapakumbaba.
3. Reconciliation begins with forgivenessAng pakikipag-ayos ay nagsisimula sa pagpapatawad
Maiimagine natin si Jacob na kabadong-kabado habang papalapit sa kanyang kapatid. Marahil ay nire-rehearse niya na ang mga sasabihin niya habang naglalakad nang marahan. Subalit nang magtagpo ang magkapatid, iba sa ine-expect ni Jacob ang nangyari:
“Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid.” (Gen 33:4).
Napakaganda ng sinabi ni Jacob kay Esau: “Pagkakita ko sa mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang Diyos!” (Gen 33:10).
Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ang tumanggap nang kapatawaran, hindi ba? Parang nabunutan ka ng isang malaking tinik sa lalamunan. At katulad ni Jacob, talagang damang-dama natin ang pag-ibig ng Diyos Ama.
Kapatawaran din ang tinanggap natin sa Diyos Ama dahil sa ating relasyon kay Jesus. Kaya ngayon ay nakakalapit na tayo nang may confidence sa presensya niya.
Pag-ibig ang nagtutulak sa atin upang humingi ng kapatawaran, at magbigay ng kapatawaran. Kung sa atin lang, hindi natin kaya ang magpatawad, subalit dahil sa pag-ibig na nagmumula sa Diyos nagagawa natin.
Proverbs 10:12, "Hatred stirs up conflict, but love covers over all wrongs."
Pagtatapos:
May mga tao ba tayong kailangang hingan ng kapatawaran? Relasyong kailangang maayos? Simulan natin sa panalangin, at sa pusong handang magpakumbaba at marunong humingi ng tawad.
Kung sakali man na ikaw ang nasaktan, for the sake of relationship, hingin sa Panginoon na ihanda ka sa pagbibigay ng kapatawaran, at maghilom ang mga sugat at sakit ng puso.
May we all see God's face in our reconciled relationships.
VI. PANANALANGIN
MAG-ASSIGN SA PAMILYA KUNG SINO ANG MAY IBIG MAG-PRAY, KAHIT SIMPLE LANG BASTA MAY PAGTITIWALA SA DIOS!
1. Palayain tayo mula sa espirituo ng “galit at pagkamuhi” na gumagapos at nagpapahirap sa atin, at sumisira sa ating mga relasyon.
2. Ihanda tayo ng Diyos spiritually, emotionally, at maging sa tamang opportunity kung sakaling may tao na kailangan nating hingan ng kapatawaran. Ipanalanagin din na ihanda ng Diyos ang puso ng taong iyon.
3. Ipanalangin ang mga taong maaaring kinakainisan mo – sa opisina, sa eskwela, o maging sa tahanan kung meron man.
4. Ipanalangin ang unity sa church. Ipanalangin na magkaroon ng reconciliation kung meron mang hindi magkakasundo sa church.
5. Paghahanda sa banta ng El Niño, at iba pang mga natural calamities.
6. Personal prayer requests.
VII. PAGPAPATOTOO
Sino ang gustong magpasalamat sa Dios? Magpatotoo sa ginagawa ng Dios sa iyong buhay. Gawing ABC (Accurate ang kuwento; Brief lang, walang paliguy-ligoy; Christ-Centered, hindi tayo ang bida.) Itaas ang Panginoong Hesus!
VIII. MGA ANUNSYO –
1. Mag-like o mag-heart sa MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH Facebook
2. Maaaring balikan ang mga mensahe natin tuwing linggo sa ating YouTube channel
3. Patuloy na mag-attend ng ating church services:
First Service: 7:30-9:30 am Second Service: 10:30 – 12:30 pm
4. May mga department gathering tuwing 9:30-10:30 am: Adult & Senior Women (TeaTime); Adult & Senior Men (Kapehan); Teens and Youth (Brewkada); Tuwing una at pangalawang Linggo ng buwan, same time: Young Adults (Breaktime)
IX. PANGWAKAS NA PANALANGIN, PICTURE-TAKING, PAGSASALO-SALO, PAG-COLLECT NG OFFERINGS
Magpasalamat sa Dios sa sagot sa panalangin. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyayang pagkain ng Dios, kung mayroon.
Kung nais mag-collect ng offerings bilang isang pamilya, ilagay lang sa isang sobre na may label na Family Prayer Cell. Ito ay voluntary.
Kung magpo-post ng picture sa social media, icomment ito sa corresponding FB post sa fb.com/marikina4square.


Comments