FPC: Breaking Free! - From Fear to Faith


FAMILY PRAYER CELL – OCT 2026, WEEK 1
THEME FOR THE MONTH: BREAKING FREE!
THIS WEEK’S TITLE: FROM FEAR TO FAITH
I. PAGBATI - ____________
Magandang gabi, Family! Maraming salamat sa ating Diyos dahil panibagong buwan na naman. Panibagong buwan, pero the same God pa rin na patuloy nating pinaglilingkuran. At sa ating pananalangin ngayong gabi, salamat sa Panginoon at muli tayong nagkatipon. Kahit marami tayong inaasikaso at kanya kanyang schedules, naglaan tayo ng oras upang magsama sama at manalangin.
Thankful tayo sa Lord dahil muli Niya tayong binigyan ng pagkakataong makapagtipon bilang isang family at sama samang lumapit sa Kanya sa panalangin.
II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN - ____________
Pray tayo. Panginoong Diyos, nagpapasalamat po kami sa gabing ito na muli Mo kaming binigyan ng pagkakataong magkatipon bilang isang pamilya. Salamat po dahil Ikaw ang may akda ng aming pamilya at patuloy Mo kaming pinagbubuklod. Thank You po sa panibagong buwan. Tunay na Ikaw ay tapat at maaasahan sa bawat panahon. Sa aming pananalangin ngayong gabi, lumalapit po kami sa Iyo nang may pagtitiwala at pananampalataya. Sa Iyo po ang lahat ng papuri at pasasalamat. Sa pangalan ni Hesus, amen!
III. PAG-AAWITAN – may mag-lead o gumamit ng videoke
My Life is in You, Lord Daniel Gardner | No Longer Slaves Bethel Music | |
My life is in You, Lord My strength is in You, Lord My hope is in You, Lord In You, it's in You.
I will praise You with all of my heart I will praise You with all of my hope With all of my life, and all of my strength
All of my hope is in You | You unravel me with a melody You surround me with a song Of deliverance from my enemies 'Til all my fears are gone
I'm no longer a slave to fear I am a child of God
From my mother's womb You have chosen me Love has called my name I've been born again to your family Your blood flows through my veins
I'm no longer a slave to fear I am a child of God | I am surrounded by the arms of the Father I am surrounded by songs of deliverance
We've been liberated from our bondage We're the sons and the daughters Let us sing our freedom
You split the sea, so I could walk right through it My fears are drowned in perfect love You rescued me so I could stand and say I am a child of God |
IV. PAGBASA NG SALITA NG DIOS – maaaring basahin ng isang tao o salitan o hali-halili
Exodo 3:1-15 MBBTAG
1 Samantala, habang nagpapastol si Moises ng kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari sa Midian, itinawid niya ang kawan sa gawing kanluran ng disyerto at nakarating siya sa Sinai,ang Bundok
ng Diyos.
2 Doon, ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kanya na parang apoy na nagmumula sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ang puno ngunit hindi nasusunog.
3 Kaya't nasabi niya sa kanyang sarili, “Nakakapagtaka naman ito! Titingnan ko ngang mabuti kung bakit hindi iyon natutupok gayong nagliliyab.”
4 Nang lalapit na si Moises, tinawag siya ni Yahweh buhat sa nagliliyab na punongkahoy,
“Moises, Moises.” “Ano po iyon?” sagot niya.
5 Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na lugar ang kinatatayuan mo.
6 Ako ang Diyos na sinamba ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob.” Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha sapagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos.
7 Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang aking bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang pagdaing.
8 Kaya't bumabâ ako upang sila'y iligtas, ilabas sa Egipto at ihatid sa lupaing mainam, malawak, mayaman, at sagana sa lahat ng bagay. Ito'y ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo.
9 Naririnig ko nga ang pagdaing ng aking bayan at nakikita ko ang pang-aaping ginagawa
sa kanila ng mga Egipcio.
10 Kaya't papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayang Israel.”
11 Sumagot si Moises, “Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang bayang Israel
mula sa Egipto?”
12 “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako
ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
13 “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako
ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
14 Sinabi ng Diyos, “Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos
na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.
15 Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos
nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman.
V. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
Pag-aaralan natin ang Salita ng Diyos through the story of Moses. Sa gitna ng kanyang pagpapastol, na-encounter ni Moses si Yahweh. Tinawag siya ng Diyos na pumunta kay Pharaoh at ilabas ang mga Israelites mula sa Egypt. Pero natakot si Moses at naisip niya, “Sino po ako?” Nakita niya ang sarili niyang kakayahan at mga kakulangan.
Pero pinaalala sa kanya ng Diyos, “I will be with you.”
Habang nagtatanong si Moses, ipinakilala naman ng Diyos kung sino Siya: “I AM WHO I AM.”
Mula sa “Sino ako?”, ibinalik ng Diyos ang focus ni Moses sa “I AM.”
Makaka-relate tayo sa mga katotohanang nakapaloob dito.
1. Ang Diyos ay hindi nagpapabaya, kahit sa gitna ng pangamba.
Sa gitna ng takot at pangamba, kaya tayong katagpuin ng Diyos. Sa mga bagay na walang katiyakan, sa ating mga pangamba, o sa kung ano ang iisipin ng iba, makakaasa tayo na tulad ni Moses, sasamahan tayo ng Diyos na kailanma’y hindi nagpapabaya. Hindi sa sarili nating kakayahan tayo aasa, kundi sa Diyos na kasama natin. Kaya sa Kanya natin ipaubaya ang lahat ng ating pangamba at suliranin.
Sa Hebrews 11:27, pananampalataya ang nag-udyok kay Moses na lisanin ang Egypt nang hindi natatakot sa galit ng hari. Matatag ang kanyang kalooban sapagkat para niyang nakita ang Diyos na hindi nakikita. Kaya kapag may kinakaharap tayong bagay na kinatatakutan natin, imbes na sarilinin at isipin na kailangan nating kayaing lahat, matuto tayong lumapit sa Diyos, manalangin, at ipaubaya sa Kanya ang hindi natin kayang kontrolin.
2. Inaalala tayo ng Diyos sa gitna ng ating mga alalahanin.
Sa halip na palaging alalahanin ang ating mga alalahanin o concerns, alalahanin natin kung paano tayo inaalala ng Diyos. Katulad ng sinabi ni David sa Psalm 56:3, “Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.”
Sa bawat oras na tayo ay may kinakaharap na takot, makakaasa tayo sa ating Diyos. Maaaring tungkol ito sa ating pamilya, trabaho, pag-aaral, finances, relationships, o mga bagay na hindi natin alam kung paano haharapin. Hindi natin kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Maaari nating dalhin sa Kanya ang ating takot at ilagak sa Kanya ang ating pag-asa at tiwala.
3. Mamuhay tayo sa pananampalataya, hindi sa nakikita.
Sabi ni Apostol Pablo sa 2 Corinthians 5:7, “Sapagkat namumuhay kami batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.” Minsan, natatakot tayo sa mga bagay na hindi pa natin nakikita, tulad ng isang desisyong kailangan nating gawin o isang bagay na matagal na nating hinihintay.
Hindi man natin nakikita kung ano ang mangyayari, maaari tayong magpatuloy dahil nagtitiwala tayo sa Diyos. Kaya sa bawat araw at maging sa bukas, piliin nating mamuhay nang may pananampalataya at patuloy na magtiwala sa Diyos. Hindi lang natin taglay ang pananampalataya, isabuhay natin ito.
CONCLUSION
Nais ng Diyos na maranasan natin ang kalayaang mayroon tayo kay Cristo Jesus at mamuhay na nakaangkla sa Kanyang mga pangako. Kahit sa kalagitnaan ng ating mga pangamba, makakaasa tayo sa ginawa, ginagawa, at gagawin pa ng Diyos sa ating buhay. Sa halip na ma stuck sa takot, piliin nating magpatuloy nang may pananampalataya sa tulong ni Cristo. Mula sa tanong na “Who am I?” itinuro ng Diyos kay Moses na ituon ang kanyang pansin sa “I AM.”
Hindi man natin alam ang bukas, alam natin kung sino ang may hawak nito.
VI. PANANALANGIN
MAG-ASSIGN SA PAMILYA KUNG SINO ANG MAY IBIG MAG-PRAY, KAHIT SIMPLE LANG BASTA MAY PAGTITIWALA SA DIOS!
1) Mapigil ang gawa ng kaaway at mapalaya tayo mula sa takot at anumang bagay na umaalipin sa atin.
2) Ating pamahalaan at mga namumuno, na bigyan sila ng Diyos ng karunungan at gabay sa bawat desisyon.
3) Mga missionaries sa field at mga nasa twilight years, na patuloy silang bigyan ng Diyos ng lakas, proteksyon, at biyaya sa kanilang buhay at ministry.
4) Mga kakilala nating may karamdaman. Banggitin ang kanilang pangalan at, kung alam ang kanilang sakit, banggitin din ito at idalangin ang kanilang kagalingan at kalakasan.
5) Personal prayer requests. Magbahagi ng nais ipanalangin, pagkatapos ay magdalanginan by pair o isang tao na lamang ang mag lead.
VII. PAGPAPATOTOO
Sino ang gustong magpasalamat sa Dios? Magpatotoo sa ginagawa ng Dios sa iyong buhay. Gawing ABC (Accurate ang kuwento; Brief lang, walang paliguy-ligoy; Christ-Centered, hindi tayo ang bida.) Itaas ang Panginoong Hesus!
VIII. MGA ANUNSYO –
1. Mag-like o mag-heart sa MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH Facebook
2. Maaaring balikan ang mga mensahe natin tuwing linggo sa ating YouTube channel
3. Patuloy na mag-attend ng ating church services:
First Service: 7:30-9:30 am Second Service: 10:30 – 12:30 pm
4. May mga department gathering tuwing 9:30-10:30 am: Adult & Senior Women (TeaTime); Adult & Senior Men (Kapehan); Teens and Youth (Brewkada); Tuwing unang Linggo ng buwan, same time: Young Adults (Breaktime)
IX. PANGWAKAS NA PANALANGIN
Magpasalamat sa Dios sa sagot sa panalangin. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyayang pagkain ng Dios, kung mayroon.
X. MAG-PICTURE-TAKING at IPASA SA KINAUUKULAN




Comments