Below is the material for our Family Prayer Cell on February 17, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
At His Word
February 17, 2021
John 4:46-52
By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
Instruction: Ang material na ito ay designed para ang buong pamilya at extended family, young and old, ay magkaroon ng participation. Mas mabuting i-assign ang kani-kaniyang bahagi nang maaga upang maipanalangin at at mapaghandaan. The easier ones can be given to the new ones. Sa mga sanay na, maaaring sila ang magshare ng message. Pero later on, turuan na rin ang iba na gawin yung ibang bagay, kahit parang binabasa muna sa una. Masasanay din po. Happy FPC!
1. Picture Taking
Agad-agad gawin ito, hindi para sa pagyabang na nagawa kito kungdi bilang isang TESTIMONY na nagtitiwala sa Dios kaya tayo nananalangin at patuloy Niyang sinasagot ang ating mga panalangin. Practically, nagkukuha po ang Foursquare ng mga attendance sa mga gawain kaya marapat lamang na gawin natin ito para mas madali para sa church na makita sa mga larawan kung ilan at sinu-sino ang mga nag-attend. Salamat po ha.
2. Pagbati
We pray that we continue the ‘agape’ love of God for us and that we learn to love Him more. As we continue to pray together as a family or as a clan or as a couple, we are able to understand more how the Lord wants us to pray and the faith that keeps it going.
We pray also that you are starting to do the ACTION PLAN that you made last time. Sa tulong ng Dios, lahat ay ating magagawa kapag marunong lang tayong sumunod. Take that first step of obedience now, kung hindi pa nagagawa ito, and the Lord shall take care of the rest.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
G Gm D D6 G A D D7
Praise ye the Lord! All ye servants of the Lord! Praise the name of the Lord
G Gm D D6 G A D
Blessed be the name of the Lord from this time forth and forevermore
(D) F#m G A D F#m G A
As we gather may Your Spirit work within us, As we gather may we glorify Your name
G A D Bm G A D Bm
Knowing well that as our hearts begin to worship, We’ll be blessed because we came
G A D
We’ll be blessed because we came.
D7 G A F#m -Bm Em A D – D7
I worship You, I worship You, the reason I live is to worship You
D7 G A F#m -Bm Em A D
I worship You, I worship You, the reason I live is to worship You
4. Opening Prayer
.
5. Scripture
John 4:46-54 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
6. Mensahe
Background: Matapos na maraming taga-Samaria ay nakakilala sa Panginoong Hesus dahil sa TESTIMONY ng Samaritan ana nag-iigib ng tubig sa balon, bumalik si Hesus sa Cana na nasa Galilee. Tandaan na ito ang unang lugar kung saan nagpakita si Hesus ng Kanyang unang himala: Turning water into wine sa isang kasalanan. Tinanggap Siya ng mga taga-Galilee nang maayos dahil sa kanilang mga nasaksihan. At narito ang kanyang naabutan sa Galilee:
1) Isang royal officer ng pamahalaan ay may anak na may sakit na kasalukuyang nasa Capernaum (Mula Galilee hanggang Capernaum ay tila mula Nangka, Marikina hanggang Mall of Asia sa Pasay). Nang narinig ng opisyal na ito na parating sa Galilee si Hesus mula Judea (mga 150 kilometers, hindi natin alam kung naglakad lang si Hesus at ang Kanyang mga alagad o sumakay din ng bangka paminsan minsan), sinikap niyang puntahan at lumapit kay Hesus. At siya ay marubdob na nakiusap na pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak dahil nasa bingit na siya ng kamatayan.
REFLECT: Ano ang estado mo sa buhay? Marubdob ka bang lumalapit sa Panginoong Hesus sa iyong pangangailangan? Hanggang saan ang iyong paghanap at paglapit sa Panginoong Hesus? Kapag nahirapan ka na nang kaunti at umiyak nang kaunti ay umaayaw ka na agad? Pansinin ang opisyal na ito na SINIKAP mahanap si HESUS.
2) Ang tugon ni Hesus, hindi lang marahil sa opisyal kungdi sa mga taong nakapaligid sa Kanya: “Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.”
Paliwanag: Ang mga himala at kababalaghan (signs and wonders) na ginagawa ni Hesus ay hindi para pagkaguluhan Siya, hindi para sumikat Siya o dumami ang fans Niya, o kumuha ng attention. Ang mga ito ay para ma-VALIDATE o ma-PROVE sa mga tao ang CLAIMS Niya tungkol sa Kanyang pagiging Anak ng Dios. Hindi naisin ni Hesus na makita lang ang mga taong nag-uusyoso at interesado lang sa mga “sensational” ( kahindik-hindik) na pangyayari. Hangad ni Hesus na higit pa rito ang kanilang maging interes….NA MAGKARAON NG RELASYON ANG MGA TAO SA DIOS. He performs miracles to INSPIRE FAITH AND NOT JUST SIMPLY TO PLEASE CROWDS (hindi siya tila magician na nagpeperform para matuwa ang audience!)
REFLECT: Isa ka ba sa mga ‘usi’ (usisero)? Maaaring magsimula tayo sag anito noong bago pa lang natin nakikilala si Hesus at walang masama dito. Ngunit nawa, lumago na ang iyong interes na mas lalong makilala si Siya nang lubusan at tuluy-tuloy na mahalin Siya. Habang patuloy mong nababasa ang mga kuwentong ito sa Bibliya ay mas lumalakas ang iyong pananalig sa Kanya. Huwag nawa natin Siyang hanapin para lamang sa mga himala kungdi dahil sa Kanyang persona.
3) Pinaalala ng opisyal na kailangan na nilang umalis dahil naghihingalo na ang kanyang anak. Hindi siya napikon sa tugon ni Hesus bagkus niyaya na niya si Hesus. Nandoon ang Kanyang pananampalataya na si Hesus ang kanyang katugunan tungkol sa kanyang anak na may sakit. Ang ang tugon ni Hesus: UMUWI KA NA, HINDI MAMAMATAY ANG IYONG ANAK.” Kapansin-pansin na hindi na pinagpilitan ng opisyal ang kanyang naisin na maglakbay pa si Hesus nang malayo para lamang makita ang kanyang anak. Naniwala kaagad siya sa sinabi ni Hesus. HE TOOK JESUS AT HIS WORD!!! He believed Jesus “AT HIS WORD!” (dahil sa sinabi Niya) at siya ay umalis na.
REFLECT: Marami nang sinasabi ang Panginoong Hesus sa Kanyang Salita na kailangan nating pagtiwalaan. Do you take Him ‘at His Word’ o mas pinipili mong pakinggan at paniwalaan ang minsang ‘taliwas’ na sinasabi ng kapitbahay, ang sinabi ng mga ‘experts’ (doktok, abogado, politico, atbp), ang sinabi ng kapamilya, ng mga dabarkads? If these people give advice that confirms what that Lord said in His Word, then believe it!
4) Ang Katuparan ng Kanyang Salita: Vs. 51 – (sa susunod na araw) Habang papunta pa lamang ang opisyal pabalik sa Capernaum, sinalubong na agad siya ng kanyang mga tauhan/alipin upang sabihin ang mabuting balita na ang ANAK NIYA AY MAGALING NA! Woohoo!! Pansinin na tinanong niya sila kung anong oras bumuti ang kalagayan ng anak at ang tugon nila “kahapon ng ala-una ay nawala na ang lagnat niya.” Saktong-sakto sa WORD ni HESUS na dinekllara na magaling na ang anak niya.!!! Amazing!!!!
REFLECT: Hanggang sa huli, ipinakita sa situwasyong ito na hindi nagbago ang pagtitiwala ng opisyal kay Hesus at sa sinabi ni Hesus. He realized that it was the exact time that his son was healed when Jesus declared that is already healed.
CONCLUSION:
Babalik at babalik tayo sa SALITA ng DIOS na nasa Bibliya tungkol sa Kanyang mga pangako sa ating buhay. Nawa’y patuloy nating gawing: TO TAKE JESUS AT IS WORD! When He says it, we believe it!
Ang bunga: NAGING SAMBAHAY ang kanyang tahanan! Nanalig ang buong household!!
PAG-AKSYON SA NATUTUNAN:
Ano ang puede mo pang gawin upang mapagtiwalaan mo pa ang Dios sa Kanyang mga ipinagako sa iyo?
7. Pananalangin
Habang ginagawa ito, alalahanin ang Kanuang mga pangako kaakibat nito:
Ipanalangin ang mga action plans
Probisyon - trabaho, negosyo, savings at investments
Pag-iingat - mahal sa buhay na nagmamaneho, manananakay, naglalakad lamang
Katalinuhan – sa pagdedesisyon, sa pagpapakasal, sa pagiging estudyante, sa pagiging magulang
Pagpaplano ng church – ministry shift
Pagkasi/anointing – sa mga services sa simbahan mo o sa sambahay
Pagpapalang himala – tanungin ang lahat kung may naising himala
Pagsama sa buong Foursquare Family
8. Offering
Sa patuloy na pagsagot ng Dios sa ating panalangin, hindi bang marapat lamang na magbalik tayo ng para sa Kanya?Gawing practice ang pagbibigay!!! Let your lives be a testimony sa iba ng pagpapala at hindi lang dahil may nasasandalan at may nahihingian kungdi maranasan din ang pangako ng Dios na Siya ang magbabalik anng higit pa sa ating binigay! KEEP GIVING!
9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
10. Mga Anunsyo
Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination). Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. Banagan ang mga announcements hinggil dito.
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership.
Patuloy na sagutan ang Missions Pledge kung hindi po nagawa. Ihanda ang Alabaster Offering (mga kababaihan…P365.00)
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
11. Mensahe ni Pastora Kay
“Ipinaabot ko po sa inyo ang aking marubdob na pagbati at pasasalamat sa inyong cooperation at partnership in the Gospel. Mahal ko po kayo at dalangin ko na ang bawat tahanan ng mga JCLAM attendees ay maging ‘sambahay’ upang kahit hindi pa natin kayang lahat na mag-face-to-face ay may tumitindig sa bawat tahanan na mangunguna sa pagsamba sa Dios na buhay at lahat ay natututong mahalin Siya, mula bata hanggang matanda. Huwag po tayong manghinawa hanggang sa pagdating ni Hesus! Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon ayon sa Kanyang mga pangako na mahabang buhay, magandang buhay at mabungang buhay!”
Comments