Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for March 5, 2023.
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
I WILL ABIDE
[[John 15:1-11 (ESV)]
I WILL ABIDE
I. Know the TRUE VINE (1-3)
KNOW HIS IDENTITY
[[John 15:1 (ESV)]]
"...my Father is the vinedresser."
To call Him a vinedresser is to tell them He cares for them personally and is wise to know exactly what to do to make them fruitful. With such a Vinedresser, the branches can experience complete confidence and security.
- Dr. Radmacher
Ang Diyos ama ay hindi lang basta nag-aalaga ng ubasan –
nag-aalaga siya katulad ng isang ama. At ang kanyang pagiging ama ay hindi pabaya, hindi mabagsik, hindi mapanakit, at hindi absentee. Ang kanyang pagiging ama ay punong-puno nang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang mga anak.
“I am the vine, you are the branches.”
[[1 John 4:1 (ESV)]]
KNOW HIS AUTHORITY
[[John 15:2 (ESV)]]
Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa isang branch – either magbunga o hindi magbunga. At dahil dalawa ang possible outcome, dalawa lang din ang gagawin ng vinedresser – either he takes away or he prunes.
1. Every branch in me that does not bear fruit, he takes away.
“he lifts up.”
Ang mga sangang walang bunga, kailangang ayusin para magbunga!
2. Every branch that does bear fruit he prunes, that it may bear more fruit.
Ang isang sanga na nagbubunga na, kailangang I-prune ng vinedresser para mas lalong magbunga.
Iba po ang pruning sa punishment. Ang punishment, consequence ng ating pagkakamali, para itama tayo. Ang pruning, reward kasi nagiging fruitful tayo.
1 Peter 4:12-19
12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan.
1 Peter 4:12-19
13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian.
1 Peter 4:12-19
14 Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.
1 Peter 4:12-19
15 Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero.
1 Peter 4:12-19
16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.
1 Peter 4:12-19
17 Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?
1 Peter 4:12-19
18 Tulad ng sinasabi ng kasulatan,
“Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas, ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?”
1 Peter 4:12-19
19 Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
KNOW HIS PRIORITY
[[John 15:3 (ESV)]]
Ang priority po ng Diyos sa atin kung tayo ay tunay nang mga anak niya ay ang magbunga.
Sinabi ni Jesus, malinis na tayo! Wala na dapat dahilan para hindi natin bigyang priority ang pagkakaroon ng bunga. Kasi yung issue ng kasalanan ay binigyan na niya ng solusyon. Ang issue ng provision at kakakayanan natin, siya na rin ang bahala. Ang gagawin na lang natin ay magbunga. Ang expectation sa atin ay magbunga!
[[John 15:16 (ESV)]]
II. Grow in the TRUE VINE (4-8)
[[John 15:4 (ESV)]]
abide
Para tayo ay maging mabunga, ang pangunahin nating kailangang gawin ay mag-abide!
[[Galatians 6:9 (ESV)]]
Kung tayo ay hindi naka-connect sa Source ng buhay natin, hindi tayo makakarating sa ating paroroonan! At ang sangang nakahiwalay sa vine ay hindi kailanman magbubunga.
The branch that is not abiding is cast out
[[John 15:6 (ESV)]]
[[Psalm 73:27-28 (ESV)]]
The branch that bears fruit gives glory to the Father
[[John 15:7 (ESV)]]
If you want your prayers to be answered, align your wills to Jesus! Abide in him! At ang magiging bunga, mabibigyan natin ng glory ang Diyos Ama! It will end up in a cycle. We bless God, then God blesses us.
Church, grow in the true vine! Wala nang ibang paraan para mag-grow kundi ang manatili sa kanya. Wala na pong bitawan. Wala na pong talikuran. Tuloy-tuloy na po tayo, dire-diretso na. Hindi na po ito ang panahon para bumitaw pa sa Source. Let us remain connected to the Source!
III. Abide in the TRUE VINE (9-11)
Isaiah 5:1-7
1 Mayroong ubasan ang aking sinta,
sa libis ng bundok na lupa'y mataba,
kaya ako'y aawit para sa kanya.
2 Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato,
mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito.
Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan
at nagpahukay pa ng balong pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga,
ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
3 Kaya ngayon, mga taga-Jerusalem
at mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
4 Ano pa ba ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang ako'y mamitas ng bunga,
ang aking nakuha ay maasim ang lasa?
5 Kaya ganito ang gagawin ko sa aking ubasan:
Puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito
at wawasakin ang bakod.
Ito'y kakainin at sisirain ng mga hayop.
6 Pababayaan ko itong malubog sa mga tinik at damo;
hindi ko babawasan ng labis na dahon at sanga,
hindi ko bubungkalin ang paligid ng mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
7 Ang ubasang ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
ay walang iba kundi ang bayang Israel,
at ang bayan ng Juda ang mga puno ng ubas na kanyang itinanim.
Umasa siyang gagawa ito ng makatarungan,
ngunit sa halip ay naging mamamatay-tao,
inasahan niyang paiiralin nito'y katuwiran,
ngunit panay pang-aapi ang kanilang ginawa.
Ginawa at ginagawa ng Diyos na ating Ama at vinedresser ang lahat para sa atin, para tayo ay magbunga. Ang lahat ay binigay niya na sa atin. Ang gagawin na lang natin ay mag-abide sa kanya. Manatili. Magpatuloy. Wag nang magpalipat-lipat ng loyalty. Magseryoso. Yun ang will ng Diyos Ama sa atin. And at the end of all this, sasalubungin niya tayo kasi nang masayang masaya kasi naging mabunga tayo.
[[John 15:9 (ESV)]]
Know the true vine. Grow in the true vine. Abide in the true vine. And he will make you fruitful, for the glory of God, and your joy will be complete!
Reflection
· Paano ka mag-a-ABIDE sa True Vine? Anong kailangan mong gawin upang malaman mo ang Kanyang Authority at Priority?
Practice [I-apply ang Natutunan]
· Maglaan ng oras araw-araw upang basahin ang Salita ng Diyos at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu upang magkaroon ng pang-unawa at pananampalataya upang i-apply ito sa iyong buhay.
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
تعليقات