top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 20 - Continue

Below is the material for our Family Prayer Cell on May 25, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


CONTINUE

By: Bro. Martin Valenzula

 

1. Introduction


Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa gawain ng pananalangin! Naniniwala po tayo na hindi po sayang ang bawat panalanging ating inilalapit sa Panginoon. Para po tayong nagtatanim, at sa takdang panahon, tayo po ay aani! Kaya tuloy lang po tayo sa pananalangin.


Katulad din po ng ating topic sa araw na ito – CONTINUE. Sa araw na ito tayo po ay mapapaalalahanan kung bakit kailangang magpatuloy at hindi sumuko. Ngunit bago po ang lahat, tayo pong lahat ay umawit muna sa ating Panginoon.


2. Pag-aawitan


Matt Redman - 10,000 Reasons (Bless the Lord) Link: https://www.youtube.com/watch?v=XtwIT8JjddM&t=2s


Bless the Lord O my soul

O my soul

Worship His Holy name

Sing like never before

O my soul

I’ll worship Your Holy name


The sun comes up

It’s a new day dawning

It’s time to sing Your song again

Whatever may pass

And whatever lies before me

Let me be singing

When the evening comes


You’re rich in love

And You’re slow to anger

Your name is great

And Your heart is kind

For all Your goodness

I will keep on singing


Ten thousand reasons

For my heart to find


And on that day

When my strength is failing

The end draws near

And my time has come

Still my soul will

Sing Your praise unending


Ten thousand years

And then forevermore


3. Praise Report


Ngayon naman po pakinggan natin ang mga patotoo at pasasalamat ng bawat isa. Kung meron po sa inyo ang may gustong ipasalamat sa ating Panginoon, maaari niyo pong ikwento sa lahat upang maging encouragement po ng grupo.


4. Pambungad na Panalangin


Panginoon maraming salamat sa pagpapahintulot mo na maging bahagi kami ng gawain ng pananalangin ngayong araw. Buksan mo po ang aming puso at isipan upang maunawaan naming ang iyong mensahe para sa amin. At tulungan mo rin po kami na maging teachable upang ma-apply po namin ang iyong salita sa aming buhay. Pagpalain mo po kaming lahat nang naririto, at maging pagpapala sa inyo ang lahat ng aming mga gagawin at sasabihin. Linisin mo po ang aming mga puso. Amen.


5. Scripture Reading


12 Indeed, all who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted, 13 while evil people and impostors will go on from bad to worse, deceiving and being deceived. 14 But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed, knowing from whom you learned it 15 and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. (2 Timothy 3:12-15, ESV)


12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, 13 samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din.

14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. (2 Timothy 3:12-15, MBB)


6. Message


Kung babasahin po natin ang buong 2 Timothy, paulit-ulit nating mababasa ang salitang “suffering.” When Paul wrote this letter, siya po ay nasa kulungan, sa panahon na tine-terrorize ni Emperor Nero ang lahat ng mga Christians. At isa nga po si Paul sa mga nabilanggo sa panahong ito.


Alam ni Paul na hindi na nasa dapithapon na siya ng kanyang buhay, kaya maaari din nating tignan ang 2 Timothy bilang isang liham ng pagpapaalam. Nagbibigay si Paul ng instructions sa batang pastor na si Timothy dahil malapit na niyang ma-accomplish ang mission niya. Nagbibilin na siya.


At isa nga ito sa kanyang mga bilin: Timothy, magpatuloy ka. Si Paul na dumaranas ng “suffering” ay nagtuturo kay Timothy, magpatuloy ka!


Ano nga ba ang mga maaaring maging dahilan kung titigil si Timothy sa kanyang pagsunod sa Panginoon?


1. Pag-uusig (Persecution). Sa panahon ni Timothy, hindi lang sila basta sinusubok – sila ay inuusig at pinapatay. Hindi lang sila tinataboy ng kanilang mga kalaban, pinagbabantaan din ang kanilang mga buhay. Ang sabi sa mga commentaries, ang mga Kristyano noon ay ginagawang mga ilaw sa kalsada, sinisilaban para magsilbing mga poste sa gabi. Sila din ay ginagawang source of entertainment. Pinapakain sila sa mga leon sa harap ng maraming tao na nagtatawa sa kanila. Hindi biro ang pag-uusig na kanilang pinagdaanan.


2. Pandaraya (Deception). Ang church sa panahon ni Timothy ay na-infiltrate na rin ng mga false teachings. Iba-ibang paniniwala na ang niyayakap ng mga tao at pinakikinggan nila ang mga katuruang masarap sa kanilang pandinig. Maaaring madaya siya at mapapaniwala ng mga maling katuruang ito, kaya kailangan niyang maging mapagbantay. Mahirap po ang sitwasyon ni Timothy bilang pastor.


3. Pagkapagod (Exhaustion). Dahil sa patuloy niyang pagbabantay at pag-aalaga sa kanyang church, maaari ding maka-experience si Timothy ng labis na pagkapagod – physically at emotionally. Napaka-challenging po na task ang pagtutuwid ng mga baluktot na kaisipan, lalo pa at ang nakataya ay kaligtasan ng kanyang mga miyembro. Kaya hindi po maaaring alisin ang idea na sa labis na pagkapagod, maaaring tumigil na rin sa pagsunod ang isang lingkod ng Panginoon.


Ilan lang po yan sa mga maaaring maging dahilan para tumigil sa paglilingkod si Timothy. Nakaka-relate ka rin ba?


Ngunit ang bilin ni Paul – magpatuloy! Hindi ito ang panahon para tumigil sa paglilingkod, lalo na at malapit na ulit bumalik ang Panginoon. Dapat tayong magpatuloy dahil:


Persecution tells us we are in Christ. Sa tuwing tayo po ay nakakaranas ng pag-uusig, count it all joy sabi sa James 1:2! Think of it this way: Kaya tayo inuusig dahil tayo ay nasa panig na ng Diyos. Kung wala tayo sa kanyang panig, hindi tayo uusigin!


Bakit kung kailan tayo naging Christians tsaka tayo nakaka-experience ng mga persecutions? Bakit tayo nakakarinig ng mga bulong galing sa mga kaibigan natin at kasama sa dati nating pamumuhay? Bakit tayo nililibak, kinukutya, o di kaya ay binibigyan ng unfair treatment dahil sa ating pananampalataya? Yan ay dahil sa relasyon natin kay Jesus (Luke 21:17, Matthew 10:22).


Kaya magpatuloy tayo kahit may pag-uusig, dahil alam natin na tayo ay nasa panig ni Kristo! Magpalakas at humingi ng lakas mula sa Diyos na mapagtagumpayan ang lahat ng pag-uusig!


Deception tells us Christ is coming soon. Kagaya nang napag-aralan natin last week, may mga verses po na nagsasabi na sa mga huling araw, magiging malala na po ang mga tao. Isa sa mga ito ay ang pagiging mapangdaya sa iba! There will be increased deception, at marami ang madadaya!


1 John 4:1 “Dear friends, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, because many false prophets have gone out into the world.” Marami ang nagsasabi na sila ang daan, sila ang tunay na diyos, sila ang kaligtasan… All with the intention of deceiving people away from salvation. Double time na po ang kaaway sa panahon ngayon dahil po bilang na ang oras niya!


Kaya mas lalo po tayong magpatuloy at wag magpadaya! Lalo po tayong kumapit sa ating pananampalataya. Wag nang bumitaw!


In our exhaustion, Christ restores our strength. Darating din ang panahon, sabi sa Bibliya na marami ang manlalamig sa pananampalataya. Magba-backslide. Mawawala sa focus, madi-distract sa kung anumang ‘makinang’ na bagay. Malalayo sa pananampalataya. Mapapagod.


Subalit ang pangako rin ng Bibliya ay kalakasan sa mga nanghihina (Matthew 11:28).


May mga panahon na mapapagod tayo dahil challenging naman po talaga ang ministry. We are part of kingdom building, at hindi po basta-basta ang pagdi-disciple, paggawa nang tama sa gitna ng mundong sanay gumawa nang mali, at pagiging committed kung napakadali na lang para sa marami ang sumuko.


Pero tayo bilang mga mga Kristyano ay dapat na magpatuloy, dahil alam natin na nasa likod lang natin ang ating Panginoon, handang magbigay sa atin ng kalakasan sa ating mga panghihina.


Bago tayo manalangin, isang encouragement kung bakit kaya nating magpatuloy sa pananampalataya kahit sa gitna ng mga pagsubok ay mismong ang katotohanan ng Salita ng Diyos.


14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Kaya nating magpatuloy dahil alam natin na mapagkakatiwalaan natin ang Salita ng Diyos. Hindi tayo bibiguin ng kanyang mga pangako. Maaari tayong magpatuloy sa pananampalataya dahil binigyan na tayo ng Diyos ng lahat ng ating kailangan sa ating buhay Kristyano (2 Peter 1:3). Babasahin na lang po natin. Pag-aaralan.


Magpatuloy po tayo. Kahit may suffering, kahit may persecutions, kahit may magulo ang mundo. Magpatuloy po tayo dahil alam natin na may Diyos tayong masasandalan. Patunay po dyan ang Kanyang mga salita mismo.


7. Pananalangin


1. Manalangin po tayo ng kalakasan at katagumpayan sa ating mga personal “sufferings” at hindi po ito maging dahilan upang tayo ay tumigil sa ating pananampalataya.

2. Ipanalangin po natin ang mga kapatiran natin na “hindi na nagpatuloy”. Pangalanan sila sa iyong mga panalangin.

3. Isama sa panalangin ang ating discipleship program na maging matagumpay upang mas lumago at magpatuloy ang bawat isa sa pananampalataya. Nawa’y maging parang apoy ito na kumalat sa buong iglesia ng JCLAM.

4. Ipanalangin ang ating mga kapatirang senior citizens. Ipanalangin ang kanilang sigla at sigasig sa paglilingkod at pagsamba.

5. Ipanalangin natin ang mga may karamdaman.

6. Ipanalangin ang mga walang trabaho, naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho.

7. Ipanalangin ang ating mga personal prayer requests.


8. Closing Prayer


Maraming salamat, Panginoon sa paalala ni Pablo na kami ay magpatuloy katulad ni Timothy. Nawa Panginoon hindi po kami manghinawa sa aming paglilingkod at pagsunod sa Iyo, maging sa gitna ng mga pag-uusig at paghihirap. Wag nawa po kaming madaya ng kaaway.


Tulungan mo po kaming manatiling committed sa Inyong Salita. Panghawakan namin ang Inyong mga pangako at magpatuloy po kami sa Inyong layunin para sa aming buhay. Salamat din po sa mga panalangin naming na Inyo nang binigyang katugunan.


Ikaw po ang aming tanggulan. Amen.


9. Announcements


1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.

Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



130 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page