Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for January 15, 2023.
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
January 1 Ptra Kay God Being First with No Equal
Seeking God first and foremost
January 8 Ptr Martin First Light
Delighting and Following the Light
Today: FIRST CRACK , UNANG PAGKAKATAON
The earliest chance or opportunity
The first attempt. First opportunity
Speaking of opportunity, I thank God for this chance, its been a while since I had my last chance to preach here in front of you and I missed it. I recently had my cast removed, yesterday lang po. Sa mga di po nakakaalam, nagkaroon po ako ng fracture sa right foot ko, and it was literally my first crack physically.. Maybe that’s why Ptra Kay has given me this topic, (joke). 😊But really I thank God for this opportunity.
Introduction:
Story of a young man who wish to marry a farmer’s beautiful daughter. He went to the farmer and ask for his permission to marry his daughter. The farmer looked him over and said, “Son, go stand out in the field. I’m going to release 3 bulls one at a time. If you can catch the tail of any one of the 3 bulls (toro), you can marry my daughter.”
The young man stood in the pasture awaiting the first bull. The barn door opened and out ran the biggest, meanest-looking bull he had ever seen. He decided that one of the next bulls had to be a better choice than this one, so he ran over to the side and let the bull pass through the pasture out the back gate. The barn door opened again… and unbelievable! He had never seen anything so big and fierce in his life. He said,”whatever the next bull was like, it had to be better choice than this one.” He ran to the fence and let the bull pass through the pasture out the back gate.
As the barn door opened a third time, a smile came across his face. This was the weakest, scrawniest little bull he had ever seen. This one was his bull. As the bull came running by, he positioned himself just right and jumped at just the exact moment.
He grabbed, but the bull had no tail! He missed all 3 opportunities just because he let the first opportunity passed.
Ano po yung lesson dito. He missed all 3 opportunities just because he let the first opportunity passed.
Kapag pinalagpas natin ang unang pagkakataon, nababawasan ang pag-asa na makuha ang ating minimithi.
Katulad ng lalaki sa kwento, sino po dito sa atin ang nakamiss na ng mga opportunities na pinanghinayangan nyo, na sana nung unang opportunity pa lang ginrab ko na agad.
Dito sa buhay natin, minsan di natin namamalayan na dami na palang dumarating na opportunities pero pinalagpas lang natin.
Example of missed opportunities.
- Courtship (may nanligaw sayo na mabait at masipag, pero naghintay ka sana ng mas pogi, pinalampas mo yung mabait at masipag, later on nalaman mo, kinasal na at ang ayos ng buhay nya ngayon)
- Job (may nagoffer sayo ng job pero tinanggihan mo dahil mas gusto mo ng mas madaling trabaho, pinalampas mo, hanggat wala nang opportunidad for new job)
- Finish college (may pagkakataon ka na makatapos ng pag-aaral kahit hirap kayo sa buhay, pero dahil sa mga barkada at boyfriend, nawala yung opportunity mo, pinalagpas mo lang )
- Share the gospel (pinakamasakit sa lahat) friends relative na lumisan na hindi nakilala sa Diyos, may chance ka na gawin yun pero pinagpabukas mo at inisip na may iba pang araw.
What is the greatest opportunity that you ever had in life? Na sinabi mo sa sarili mo, buti na lang tama yung decision ko sa opportunidad na ito, sige po isipin nyo kung ano ito.
Pakitanong po yung katabi nyo kung ano ito. Tignan ko po kung pare-pareho tayo. Receiving Jesus Christ as your Lord and Saviour! tama po ba? This is the best opportunity that God has given us, sending His son Jesus on earth, whoever believes in Him should not perish but have an everlasting life.
God is good. He is a good God. He is the God of opportunities, He wants to see us happy in life.
So, we also wanted to share this greatest opportunity we have to others. Opportunity for them to have a good life, guided by the Holy Spirit.
We had this opportunity of being a follower of Christ, we also have this opportunity to make followers of Christ, most of the time we are missing this mission that has given to us. Ito dapat ang priority natin pero madalas napapalampas natin itong opportunidad na ito na iniuutos sa atin ng Diyos. If this is our great commission,
Matthew 28:19-20 19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.”
meron ba dito everyday nananalangin na sana Lord this day magawa ko yung pinapagawa mo na lahat ng tao na makasalamuha ko today ay magkaroon ako ng opportunidad na mashare ang iyong kabutihan. Na when we are walking outside the street, or inside your office or any workplace you are, we don’t just see people passing, but we see lost souls, friends who need God. This is the heart of God
John 17:24 Father, I want those you have given me to be with me where I am.
This should also be our prayer, ito rin dapat laman ng puso natin, Ama, sana itong mga taong nakakasalamuha ko na di pa nakakakilala sayo ay makasama ko rin sa langit. If this is your desire, you will grab all the opportunity you have to do this great commission.
Basahin po natin ang ating bible passage for this day.
Bible passage: Luke 2: 41-52
41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. 42 Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. 43 Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. 44 Sa pag-aakalang siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit 45 hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, 47 at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot. 48 Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” 49 Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”[a] 50 Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niyang ito. 51 Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. 52 Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
Jesus started His ministry at about 30 years old na, katulad po natin si Jesus ay namuhay ng normal, mula sanggol, lumaki, nag-aral, hindi pagkapanganak nya nakapagsalita agad at alam nya agad lahat, nag-aral din po sya katulad nating lahat. Itong kwento na ito na binasa natin ay ang nagiisang kwento tungkol sa buhay ni Jesus bilang isang bata. This passage shows Jesus first crack before his ministry.
Ano ang ginawa ni Jesus sa kanyang unang pagkakataon upang magawa ang kanyang mission.
I. Seizing the First Crack
a) Jesus interacted v. 41
41 Every year Jesus’ parents went to Jerusalem for the Festival of the Passover. 42 When he was twelve years old, they went up to the festival, according to the custom.
This passover festival is to remember or celebrate the freedom brought by God to Israelites from slavery in Egypt. Here, all of them from different places get together in Jerusalem for the 7day festival. Imagine the crowd, buong clan ng mga Jews magsasama sama. Like a reunion.Jesus and his family participates, Jesus followed his parents to meet family and friends, getting along, kumustahan, sharing testimonies, the goodness of God, building relationships. Jesus interacts.
Same as Jesus Christ, we ought to interact, to go and participate in church activities. Go to church, bring your family to church. Meet with your friends in church, talk about the goodness of God. Learn from each other. Socialize! It will be hard for us to share the word of God to other people if we don’t know how to interact. Sino po ang introvert dito? Sasabihin natin na ganito ako eh, magkaiba tayo. Do you think this is how God designed us to be, na maging introvert? If you are watching “The Chosen” makikita nyo kung paanong si Jesus ay nakikisalamuha sa mga tao, nakikipaglaro, nakikipagtawanan at nakikipagbiruan. Ako po ay isang mahiyain din, pero God did not allow me to remain shy. He helped me developed, and I can say that MFCG became an instrument bakit lumago yung social skills ko, thank you Lord. Ano ba yung mission natin as Christians, not just to follow Christ, but to make followers of Christ. To go and make disciple to the ends of the earth, Pano natin magagawa ang ating mission kung di tayo marunong makisalamuha. Develop your social skills, join a care circle, small group, start building relationship with your family in Christ Kilalanin mo kung sino mga kapatiran mo, Pagdating mo sa church, imbes na yung uupuan mo yung una mong hahanapin, sa mga kapatiran ka tumingin. kung sino yung unang nakita mo at di mo kilala, ngitian mo sya, kausapin mo, makipagkilala ka, kumustahin mo sya. Umpisahan natin ngayong pagpasok ng taon, lahat tayo ay magiging magkakakilala, kaya ba natin to? Kaya! Pakisabi sa katabi. We are family. I care for you! Let us participate and interact in church activities and develop our social skills. This is our first crack to follow Christ in sharing the gospel.
b) Jesus started early v. 42
42 When he was twelve years old, they went up to the festival, according to the custom.
Jesus first crack was at his early age. It’s an advantage to start early to prepare you for the first opportunity, kasi mas exposed ka ng maaga, mas maraming chances to learn. Sino po dito sa congregation ang nakakilala at tumanggap kay Christ ng murang edad, 12, 13 or less? May I see those hands? Ako po I was 14 noon. Medyo bata pa rin. Sino naman dito yung medyo late na naging christian, mga 50+ ganun? Naisip nyo ba na sana mas maaga ko nakilala si Lord para mas maraming pagkakataon na makapagsilbi sa kanya. Sa pagresearch ko po, dito si Jesus ay getting ready na for “bar mitz-vah” isang hebrew word na ibig sabihin ay son of the commandment. It is the religious initiation ceremony of a Jewish boy who has reached the age of 13 and is regarded as ready to observe religious recepts (rule) and eligible to take part in public worship. Ibig sabihin before mareach ni Jesus yung 13 at maging participant sa laws na pinapatupad nila, he prepared himself. May preparation. His parents prepared him for this. Dahil the earlier na maexposed at mainvolve, the more opportunities for you to grow in wisdom and be part of God’s ministry. Bata ka pa lang may chance ka na makapagshare sa classmates mo mula elementary, highschool college, until nagtatrabaho ka na at may pamilya. Ex, chiz to his classmate at the age of 9. HIndi dahilan ang edad, once you have the first crack to share the gospel, do it.
Mga magulang, prepare your children. don’t let your them na di umattend ng church. Parents, bring your children with you in the church! Eh bata pa naman sya, di pa nya maintindihan. Don’t let Satan snatch them from you. Baka di mo namamalayan malayo na pala anak mo sayo, grabe na yung influence ng mundo sa kanya, or sa isip nya. Kung kaya at kung pwede bitbitin mo sya kahit sanggol pa lang. Para masanay sya sa church. Ito yung first crack ng mga anak natin para lumago sila sa kanilang faith. Hayaan mo syang makilala ng mga taga church, hayaan mo makilala nya yung mga elders ng church, para maging halimbawa nya paglaki, Gabayan mo syang umattend ng children’s church. Bata pa lang marami na sila maging kaibigan sa simbahan. Bata pa lang matuto na syang manalangin, magpuri sa Diyos at magbuklat ng Bible. Pag di mo binigay sa kanila tong opportunity na ito habang bata sila, mas mahihirapan ka na dalhin sila at imbitahan sa church pag malaki na sila. Let us grab our children first and foremost.
Sa mga kabataan naman na andito, Praise God dahil sa age nyo andito kayo ngayon nakikinig ng salita ng Diyos, lumalalim sa relasyon nyo sa Panginoon. Continue to follow Christ, hanggang may opportunity ka habang bata pa, involve yourself in church activities. attend lang kayo ng salt and light, learn more about God. Ito yung first crack mo for a better future, ito rin yung first crack mo para later on ikaw naman yung isa sa mga nagmiministry para mas marami pang tao ang makakilala sa Diyos, pagamit ka hanggat bata ka and im sure more opportunities for you are coming. I also started young in ministry, nagstart ako as DVBS teacher at 15 yrs old, later as assistant Sunday school teacher, later on naging teacher na rin. Naalala ko nung nagtuturo ako sa Sunday school, estudyante ko yan dati sila Martin, Aira, Milo, etc. And praise God alam natin na dahil sa opportunity na meron sila nung bata sila ay mas lalo sila lumago sa Panginoon, Praise God din sa ating compassion, alam natin na isa ito sa mga naging opportunity sa mga kabataan natin na makakilala sa panginoon at lumago sa kanilang faith, hindi lang ang mga bata kundi ang mga magulang nila. Start young and early in Christ, this is your first crack of more cracks in sharing the gospel.
c) Jesus bravely seized the opportunity v. 43
43 After the festival was over, while his parents were returning home, the boy Jesus stayed behind in Jerusalem, but they were unaware of it. 44 Thinking he was in their company, they traveled on for a day. Then they began looking for him among their relatives and friends. 45 When they did not find him, they went back to Jerusalem to look for him.
Isa sa mga nakakuha ng pansin ko ay kung bakit di napansin ng mga magulang ni Jesus na di pala nila sya kasama sa pag uwi. Bilang magulang, syempre sisiguraduhin mo na kasama mo sa pag uwi yung anak mo, ngunit malamang ay dahil kilala nila si Jesus na responsableng bata, dahil alam nila na maasahan si Jesus kaya di nila sya hinanap ng buong araw., alam nila na kasama na nila sya habang naglalakbay sila pauwi. Mapapansin rin natin dito na bilang isang 12 year old na bata, di ka magpapaiwan sa malayong lugar na ikaw lang mag-isa. Ang lakas ng loob ng batang si Jesus. Nagpaiwan sya kahit alam nya na ilang araw ang lalakbayin nya magisa pauwi. Bakit kaya? Dahil alam nya na isa itong magandang pagkakataon para sa kanya kaya kahit na mahihirapan sya kinuha pa rin nya yung opportunity na ito.
Katulad rin ba tayo ni Jesus, na malakas ang loob, kayang harapin yung pagkakataon kahit na alam natin na mahirap at nakakatakot? Isang kadahilanan kung bakit hindi natin kinukuha ang isang oportunidad ay dahil sa takot or dahil mahirap ito. Jesus did not worry about any other things, when He had the chance, he bravely seized the opportunity. Alam nya na minsan lang ito sa isang taon at ito lang yung pagkakataon nya na mas maunawaan yung mga tanong nya sa isip nya dahil next year ay 13 na sya at paghahanda sa bar mitz-vah. At pag pinalagpas nya ito ay wala na syang ibang pagkakataon pa.
Ano ang mga kinatatakutan natin bakit di tayo makapagcommit sa Panginoon sa kanyang mga gawain? Sa pag umpisa ng taon, every year, naghahanap ng mga bagong officers ng church, new set of council, deacons, minsan dept heads, mga opportunities para sa atin na maglingkod para sa kanyang kingdom. Ilan po kaya sa atin ang naglakas ng loob na sumagot kay Ptra Kay ng opo, willing po ako sa ministry na yan o ilan kaya sa atin ang humindi? Or meron kaya sa atin na hindi na hinintay na lapitan pa sya ng opportunidad, sya na mismo ang lumapit dito at nag-alok ng kanyang serbisyo? Ang sarap po siguro nun noh Ptra. Ako na po ang mag dept head sa UFM, tapos sabihin nung isa, hindi po, ako na lang.. di ba.. nag-aagawan sa opportunity na makapaglingkod sa panginoon. Ang daming cracks po sa atin ngayon na makapaglingkod, WLT, teachers sa childrens church, etc. Bakit parang natatakot tayo na gawin yung pinapagawa ng Panginoon? Unang pagkakataon na binigay sayo, council, tumanggi ka, pangalawang pagkakataon, sige deacons na lang, umayaw ka rin, sige greeter na lang, next year na lang. Hanggang kailan ka tatanggi sa pagkakataon na makapaglingkod sa Diyos?
Here we saw how brave Jesus was, di sya natakot na wala yung magulang nya, ang lakas din ng loob nya na makisalamuha sa mga guro.Sapagkat opportunidad para sa kanya yun. Bakit tayo natatakot na tumanggap ng ministry para sa gawain ng Panginoon? Ako po I thank God sa courage na binibigay nya sa akin, ako po yun isa sa mga hindi humihindi pagdating sa ministry, not to boast but to give you a sample. Alam ko na lahat ng pagkakataon na lumalapit sa akin sa church ministry ay galing sa Diyos kaya oo lang ng oo kahit kinakabahan at natatakot po ako, kasi its for God. Everytime na iaassign ako sa pulpit, may kaba, may takot baka magkamali ako baka kung ano masabi ko, baka mabulol ako, daming baka at pag alala but because sabi dun sa promise ni God na nakakabit sa great commission.
Matthew 28:19-20 19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.”
In everything you do for the ministry, don’t be afraid, do not worry. God is telling you I am surely with you always!
Magkamali o nagfail ka man sa unang pagkakataon na ikaw ay nagshare ng good news okay lang. Ganun talaga wag kang madismaya,its still a success dahil nagawa mo yung pinag-uutos ng Diyos.Its up to God and that person kung tatanggapin nya ang salvation. You already did your part which is the change to share the gospel. Once you overcome the first crack, you will be amazed the following cracks na dumating mas madali na. You just have to try it first and foremost. then you will say, kaya pala. At sa mga susunod na pagkakataon, magagawa mo na kasi sinubukan mong gawin sa unang pagkakataon.Parang business po yan eh, kung di ka mag uumpisa pag nagkaroon ka ng kahit na maliit na pagkakataon, di mo matututunan yung pagpapalago ng business, nakakatakot man baka malugi at least naumpisahan mo na at nasubukan, sa susunod na pagkakataon mas alam mo na ang gagawin.. Ilang pagkakataon na ang pinalipas mo na sana nakapagshare ka sa ibang tao, ang sakit po malaman na may pagkakataon ka sana na ipakilala sa kaibigan mo si Jesus pero pinalampas mo at nalaman mo huli na ang lahat at namatay na sya. Hanggang kailan tayo maghihintay na magawa ito? Isa sa mga ikinalulungkot ko po ay pag may nagresign sa office namin na di ko nashare-an ng salita ng Panginoon, sobrang affected po ako at nanghihinayang. Pero at least sabi ko alam nya na christian ako at sana somehow may nacontribute ako sa kanya tungkol sa kabutihan ng Diyos. At sana may ibang tao na gagamitin ang Diyos na maligtas sya. Isa sa mga unang pagkakataon na makapagbahagi tayo ay ang malaman ng mga tao sa paligid natin na tayo ay Christian. At pag nakita nila na kakaiba ka sa kanila,sila na mismo ang magtatanong about sa faith mo. And nakakabahala kung walang pinagkaiba.. baka ikinahihiya po natin na christian tayo. Let us be brave to tell others about our faith and be proud that Jesus lives in us, Let the people around you, everywhere you are, know you’re a christian and show the difference, that is your first crack to witness.
II. Embracing the First Crack
a) Jesus showed interest v. 46
46 After three days they found him in the temple courts, sitting among the teachers, listening to them and asking them questions. 47 Everyone who heard him was amazed at his understanding and his answers.
After 3 days, they found Jesus in the temple courts, all this time na naghahanap si Josepth at Mary sa templo sya natagpuan, ano ang ginagawa ni Jesus? Sitting among the teachers, listening to them, asking questions and giving His answers. Jesus showed interest during this opportunity that he had.
It will be hard to find opportunity to share the gospel if we don’t first show interest in the people around us.Hindi pwedeng magstart ka agad ng conversation na “hoy kuya, dapat tanggapin mo si Jesus, malapit na sya dumating, magugunaw na ang mundo”. sa tingin mo makikinig ang kausap mo sa ganung paraan? We should learn to show interest just like Jesus did. Baka may kapitbahay ka na di mo man lang matignan sa mata pag nagkasalubong kayo, walang pakialam. You should start smiling, and showing them that you care.
Colossians 4:5, Be wise in the way you act toward outsiders; make the most of every opportunity. 1. Show interest in them by listening to their stories. Listening attentively na may kasamang unawa at concern. When that person saw na interesado ka pakinggan yung buhay nya na may concern ka sa kanya, mas madali na ishare ang gospel. Wag natin umpisahan yung pagshare natin agad yung hindi tayo nagpapakita na interesado tayo sa kanila.
2. Show interest in them by responding with love.
Pakicheck po yung cellphone nyo, may mga messages po ba kayo na di binubuksan? Seenzone mo sila? Di mo alam baka opportunity na yan para sayo na makapagevangelize. Baka may kamag-anak ka na nangumusta, di ka man lang ngrespond kasi iniisip mo manungutang, kung wala kang ipapautang, or ayaw mo pautangin, replayan mo pa rin at sabihin ang kabutihan ng Diyos na Sya ang ating provider. Those were our opportunities na sana pero deadma lang natin sila. Hanap tayo ng hanap ng opportunity na makashare ng gospel, baka sila pala yung mga nagmemessage sayo na sineseen zone mo lang. Wag tayo magsawa sa paggawa ng mabut at pagmamahal sa mga tao. Let us win these people to Christ.
Let us show interest sa mga taong nakapaligid sa atin, sobra sobra na yung interes mo sa sarili mo. we already are blessed, God’s favor is already in you, the Holy Spirit is guiding us through. We are already sons and daughters of God. Kung may problem ka, God listens and answers. Do not worry too much about yourself, safe ka na. Think of the people around you na di pa nakakakilala sa Diyos, ang dami pa nila. Sa trabaho sa kamag-anak, sa classmates mo. Ano po ang ginagawa natin as Christians? This is the heart of God telling you, double time anak! Double time JCLAM, magtulungan kayo to win more souls. First and foremost take all the opportunity to win them for God.
b) He Knew His mission v. 48-50
48 When his parents saw him, they were astonished. His mother said to him, “Son, why have you treated us like this? Your father and I have been anxiously searching for you.”49 “Why were you searching for me?” he asked. “Didn’t you know I had to be in my Father’s house?”[a] 50 But they did not understand what he was saying to them.
Jesus knew who he was, He is the son of man. He is the Messiah, the saviour. He knows his mission kaya sya nasa temple kasi alam nya na opportunity yun para sa kanya na magawa yung will ng Diyos sa kanya. Opportunity comes with our hearts’ desire. Kung ano ang gusto mo at desire ng puso mo, yun ang nakikita mo na opportunidad. Kahit na maraming dumating na pagkakataon, pero kung di naman yun ang gusto mo, eh di balewala lang. Halimbawa, kung ang desire ng puso mo makasama ang pamilya mo, kahit na maraming dumating na opportunidad para makapag-abroad, di mo papansinin dahil hindi yun ang gusto mo.Anong opportunity ba ang hanap natin? Opportunity na yumaman (lahat na pinasok mo akala mo opportunity yun, yun pala scams), opportunity na makapagasawa (akala mo opportunity na na magkaboyfriend ka kasi lumapit sya sayo, in the end na-broken hearted), opportunity na makagala (flight promos-piso fare). yun pala daming hidden charges. Ano ano ang hanap mong opportunity? Check natin yung laman ng puso natin, kung never ka pa nakakahanap ng opportunity to share the word of God baka dahil malayo dun ang puso natin, wala man lang sa isip natin na gawin yun. kaya kahit na ilang opportunity pa ang dumating para makapagshare ka ng gospel ay di mo ito gagawin dahil wala dun yung puso mo. If you really know your mission as Christians, we should always find these opportunities for others to know Christ.
CONCLUSION:
Eph 5:15-17 15 Be very careful, then, how you live—not as unwise but as wise, 16 making the most of every opportunity, because the days are evil. 17 Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s will is.
How do we live our lives? Are we making the most of every opportunity to do the will of God?, sabi po dito, the days are evil. The things in the world are not getting better. Bakit, pawala naman na ang pandemic, the days are evil because the days we live are evil because they are filled with sin and because they are dominated by the power of darkness. The Lord wants us to start this year first and foremost to grab every opportunity to win all possible souls we can grab. the enemy is working double time. Tayo, we are so complacent. Dahil maayos naman sitwasyon natin sa buhay, may maganda tayong negosyo at maayos trabaho natin, okay na ba yun? Be careful how you live. Not as unwise but as wise. The enemy is trying to steal lives and bringing them to hell. What are we doing, nakikipag-agawan ba tayo or hinayaan lang natin sya. Kung hindi tayo, sino ang inaasahan natin gagawa, kaya sa atin iniutos ito kasi tayo ang inaasahan ng Diyos na gagawa nito. Wag natin hayaan na yung mga kamag-anak natin o kapitbahay or kaibigan ay masteal ng kaaway.
Reflection [Magnilay-nilay]
Ano ang naghahadlang sa iyo ngayon upang i-grab ang first crack of opportunity na magbahagi ng Salita ng Diyos?
Practice [I-apply ang Natutunan]
· Maglaan ng oras araw-araw upang basahin ang Salita ng Diyos at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu upang magkaroon ng pang-unawa at pananampalataya upang i-apply ito sa iyong buhay.
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments