Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for January 8, 2023.
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
First Light
Psalm 63:1-8
Introduction Happy New Year po! Ang bilis ng araw di po ba? Pumikit lang tayo saglit, naka-isang linggo agad tayo sa 2023! Ang maganda po kapag New Year ay namo-motivate tayong magsimula ulit. Kahit na pwede naman nating gawin talaga lahat ng mga resolutions natin anytime, iba ang excitement at motivation kapag Bagong Taon.
Ngayong araw, itutuloy po natin ang ating series na First and Foremost. Unahin ang dapat unahin. Last week, we talked about God being First With No Equal. Hindi po God Among Equals dahil wala po siyang katulad, kundi siya ang una, higit, at ang pinaka! At walang makapapantay sa kanya.
Ngayon naman po sa pagpapatuloy natin ng ating serye, we’ll talk about First Light. First Light is the time when the sun first appears in the morning. Example: we'll leave tomorrow at first light. In other words, daybreak. Takipsilim.
Sino po sa inyo ang maagang gumising? Aminado po ako na hindi po ako morning person. Kung kailangan talagang magising nang sobrang aga, katakot-takot na alarm ang kailangan kong iset para lang magising. Kaya bilib po ako sa mga maaagang gumising, mga 3am-4am kumikilos na sa bahay. Tapos nagwawalis na ng bakuran. Grabe, sobrang aga. Meron ba sa inyo nun dito?
If you have your Bible with you, let’s read together Psalm 63:1-8.
1 O God, you are my God; earnestly I seek you; my soul thirsts for you; my flesh faints for you, as in a dry and weary land where there is no water. 2 So I have looked upon you in the sanctuary, beholding your power and glory. 3 Because your steadfast love is better than life, my lips will praise you. 4 So I will bless you as long as I live; in your name I will lift up my hands. 5 My soul will be satisfied as with fat and rich food, and my mouth will praise you with joyful lips, 6 when I remember you upon my bed, and meditate on you in the watches of the night; 7 for you have been my help, and in the shadow of your wings I will sing for joy. 8 My soul clings to you; your right hand upholds me. Psalm 63 is considered a lament psalm. Ang ibig sabihin po, ito ay isang awit na nagpapahayag ng matinding lungkot dahil sa mga kaganapan sa paligid ng psalmist. Hindi na po natin binasa yung karugtong na verses 9-11 pero dun po natin makikita na may labanan na nagaganap at may gustong pumatay kay David. Isinulat po ito ni King David habang siya ay tumatakas sa anak niyang si Absalom na nais agawin ang trono sa kanya.
Imagine, sariling anak niya ang kumakalaban sa kanya, at gusto pa siyang ipapatay! Hindi lang yan, dinungisan ng kanyang anak na si Absalom ang kanyang pagkatao sa mga harapan ng kanyang mga nasasakupan. Kaya kailangan niyang tumakas para makaiwas sa mas malala pang pwedeng mangyari – sa bayan at sa kanyang sariling pamilya.
At sa kanyang pagtakas, nakarating po siya sa Desert of Judah. Sa ibang Bible translations po ang sabi, wilderness. Isang lugar kung saan sobrang dalang ng ulan, at halos walang kapuno-puno. Tuyot, tigang, mainit, parang walang buhay. At dun po nasulat ni David ang Psalm 63.
Imagine David sa isang depressing situation, madilim at parang mahirap maghanap ng pag-asa. Hindi lang po ito basta nakakalungkot, talagang dark moment po ito. Na-encounter niyo na po ba ito? Parang sobrang dilim ng sitwasyon at halos panghinaan tayo ng loob. Nakakatakot.
At sa panahon ng dilim, wala tayong ibang hinahangad kundi liwanag. We are expecting no more than the First Light.
Nagsisimula pa lang tayo ng taon pero bakit parang wilderness at dilim na agad ang pinag-uusapan natin Kuya Marts? Opo! At mas mauunawaan po natin yan as we go along our lesson. Ready na po ba kayo?
I. Desiring the Light (1-2)
1. Seek Him first thing in the morning
Himayin po natin ang mga sinabi ni David.
“earnestly I seek you!”
When he said seek, he meant seeking very early in the morning. First light! Madaling-araw pa lang! Ang sabi pa nga, with earnestness, ibig sabihin with determination and seriousness, walang halong biro. Ang gustong iparating ni David – “Lord, unang una pa lang sa umaga ikaw na agad ang hinahanap ko!”
Bukod pa po dun, ang ibig sabihin ng phrase na yan sa Bible ay painstakingly. May sakit. May sakripisyo. Naranasan niyo na po bang gumising ng umaga na parang pagod na pagod, antok na antok, at halos wala pang energy pero kailangan mong bumangon? Pero si David, he wakes up early in the morning to seek the Lord – with determination and even painstakingly. Ganun siya kaseryoso sa paghanap sa Panginoon.
“my soul thirsts for you”
Ang ibig sabihin ng thirst dito ay higit pa sa pagkauhaw – kundi talagang to suffer dahil sa kanyang pangungulila sa Diyos.
Ang sabi sa Insider.com, the human body can survive weeks without food, but can only survive 2-4 days without water. Kung nasubukan niyo na pong sumama sa mga hiking, mahirap magtuloy-tuloy na walang iniinom na tubig! Nakakatuyo ng lalamunan, nakakapanghina ng pakiramdam.
Ganyan po ang pakiramdam ni David. Ang kanyang kaluluwa ay nauuhaw sa presensya ng Diyos. Kung sa culture po natin ito maririnig, sasabihan pa natin siya na, “ang OA mo David ah!” Pero ganun katindi ang paghahangad niya sa presensya ng Diyos, na hindi masasatisfy ang kaluluwa niya hanggang hindi niya natatagpuan ang Diyos. May suffering. May paghihirap.
“my flesh faints for you”
Yung pangungulila ni David ay umaabot na sa punto na nanghihina na siya. Ang sabi sa ibang translation is longing, pero ang pinaka-ibig sabihin ay to faint. Yung halos himatayin na siya.
Alam na alam ito ng mga kabataan - “mama, mamamatay ako kapag di ko siya nakita!” “tay! Wag niyo kaming paglayuin, ikamamatay ko kapag pinaghiwalay niyo kami!” tapos after ilang linggo may bago nang ka-chat.
Pero yung kay David, matindi. Nanghihina ang katawan niya dahil nangungulila siya sa Panginoon. May mga naka-experience dito na mapalayo sa mahal sa buhay, mga OFWs, di ba sa sobrang pagkamiss sa pamilya, halos magkasakit na? Ganyan po ang naramdaman ni David.
Seek. Thirst. Faint.
Sa totoong buhay po iisa lang naman ang sinasabi ng mga salitang yan, pero bakit inuulit-ulit ng Bible? Kasi may gusto po siyang sabihin. Kapag nagbabasa po tayo ng Bible, dapat po I-take note natin yung mga salita o mga ideas na paulit-ulit nababanggit dahil ibig sabihin nun, may importanteng mensahe ito para sa atin.
Remember, David was away from his home. Nasa wilderness siya. Sa lugar na walang pagkain, walang inumin, walang maayos na higaan. Nasa sitwasyong madilim! Pero hindi ang mga ito ang hinanap niya kundi ang presensya ng Diyos. Bakit? Kasi malayo din siya sa templo! Malayo siya sa bahay sambahan. At para sa kanya, ang presensya ng Diyos, ang marinig ang Salita ng Diyos ay kanyang liwanag. Higit sa sino at anuman, ang Diyos at ang kanyang Salita ang kanyang hinahanap-hanap! Sa dilim ng kanyang sitwasyon, wala siyang ibang hinangad kundi ang liwanag na nagmumula sa Diyos!
Do we have the same longing for the presence of the Lord kagaya ni David?
Sa umaga ba, sino ang una nating hinahanap? Ano ang una nating kinakapa pagkagising?
There's a reason why the Bible speaks of seeking the Lord in the morning. Sabi sa Psalm 5:3, “O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch.” Bakit morning? Kasi wala pa tayong masyadong alalahanin, wala pang masyadong ingay sa paligid, hindi pa tayo preoccupied, fresh pa ang ating isip at lakas, at bukas na bukas ang ating espiritu na makinig sa kanya.
Pero hindi ibig sabihin na sa literal na umaga lang ito pwedeng mangyari. Paano kung sa BPO ka nagwo-work at graveyard shift ka? Kung iba ang takbo ng oras mo dahil sa trabaho? Ibig sabihin lang po nito, sa unang bukas pa lang ng iyong mga mata, liwanag agad ng Diyos ang hinahanap natin. Salita niya agad ang una nating gustong marinig.
Yung liwanag ba niya ang una nating hinahanap sa umaga? O yung latest chika, latest news, latest notification ang una nating binabasa?
Saan tayo nauuhaw? Sa material na bagay? Sa kasikatan? Sa paghahanap ng pera? Sa atensyon ng tao?
Minsan po pakiramdam natin nasasatisfy tayo sa mga bagay na ito, pero ang totoo walang ibang makakapuno ng kakulangan natin kundi ang Panginoon. Ang sabi ni Blaise Pascal, “There is a God-shaped vacuum in the heart of every [person] which cannot be filled by any created thing, but only by God the Creator, made known through Jesus Christ.” Kahit anong habol natin sa pera, kasikatan, o kahit anuman, kung malayo sa Panginoon, kukulangin pa rin. Hindi pa rin tayo masasatisfy. Para lang tayong kumain ng ice cream pagkatapos magpakapagod. Mauuhaw pa rin tayo pagkatapos.
Sa anong bagay tayo nangungulila to the point na nanghihina ang ating katawan?
Hinihimatay pa tayo kapag nakikita nati ang paborito nating artista, paborito nating banda, paborito nating pagkain, paborito nating team sa basketball! Pero pag kay Lord, wala lang. Optional. Walang ganung effect. Yung effort natin for the other things ay hindi man lang natin binibigay for the Lord. Hindi tayo ganun ka-excited, hindi ganun ka-dedicated. Baka nga hindi natin namimiss si Lord e. Ok lang tayo kung hindi natin siya naririnig, ok lang kung wala tayong encounter sa kanya during the week. But with David? Feeling niya hinang-hina siya physically dahil miss na miss na niya ang presence ng Panginoon.
David was in one of his darkest moments. At sa pagkakataong yun, wala siyang ibang hinahanap kundi ang Diyos. Kailangan niya ng liwanag. Ayaw niyang mangapa sa dilim. First and foremost, God. Umaga pa lang, si Lord muna. Paggising pa lang, si Lord agad.
HInahanap pa ba natin ang liwanag ni Lord? Kumusta ang devotion and Bible reading natin? Hindi natin pwedeng sabihin na hinahanap natin si Lord kung hindi naman natin binubuksan ang Bible natin. Pero ang tanong, meron po ba tayong Bible? If we are serious in our relationship with the Lord, the first thing we should be taking seriously is His Word. Pero kung optional lang din sa atin ang Bible and Bible reading, pwede din ba nating sabihin na optional lang din sa atin si Lord? Let’s reflect on this.
2. Seek Him in the sanctuary
We should not just seek him early in the morning but also seek him where he could be found. At saan yun? Unang una, in His sanctuary! Sa church! “E Kuya Marts, di ba omnipresent naman si Lord, kahit saan nandun siya? At hindi siya pwedeng ma-contain sa isang lugar lang?”
Tama po! Mae-encounter at mae-experience natin ang presensya ng Diyos kahit saan po tayo nandun! Pero there are many reasons why we should go to church, at kung iisa-isahin natin, aabutin po tayo ng ilang oras dito. But what David is telling us here is that when he encountered the Lord in the sanctuary, his has never been the same.
Maraming tao naghahanap ng liwanag sa buhay, ng liwanag sa kanilang mga suliranin. Pero naghahanap sila ng liwanag sa maling lugar. Parang ganito lang po yan. Single ka, tapos naghahanap ka ng taong seryoso sa relationship niya sa Diyos, may maayos na pananaw sa buhay, maayos ang ugali, etc. Pero naglalagi ka naman sa mga sugalan, sa mga cabaret (lakas maka-90s – may cabaret pa ba?), sa mga maling lugar! Maliit ang chance na makita mo ang tamang tao sa maling lugar, kaya ang gagawin natin, dun tayo sa tamang lugar!
Kung ang hanap pala natin ay taong may magandang relationship sa Diyos, nasa church po sila nagse-serve! Nandun sila nagga-gather sa lugar kung saan kinikilala ang Diyos, pinupuri ang Diyos, at inuuna ang Diyos.
Likewise, if we desire the light of God, we should go to the place where His light is being shed. Wag na tayong tumambay sa dilim. Dun tayo sa liwanag! Kagaya ng nabanggit ni Ptra K last week, babalik at babalik din naman tayo sa Lord, bakit kailangan pa nating umalis alis?
Ang sabi ng verse, “so I have looked upon you in the sanctuary, beholding your power and glory.” God reveals himself marvelously inside the church! Di ba sa church meron tayong corporate worship, may laying on of hands, may encouragement tayong binibigay sa isa’t isa. Sa church may discipleship, may fellowship. Iba kaya ang joy kapag nakikita mo ang ngiti ng mga kapatiran natin every week di ba? Kung hindi masyadong maayos ang family relationship mo, dito sa church makakatagpo ka ng spiritual family. Tignan mo nga sa mata yang katabi mo. Yang mukhang yan, wala yan sa labas! Sa church lang yan! That’s the power ang glory of God revealed through the church!
No wonder sobrang miss na miss na ni David ang presence ni Lord, at namimiss niya ang experience niya nung siya ay nasa sanctuary pa. Nung nasa wildnerness siya, wala siyang ibang iniimagine kundi ang makabalik sa sanctuary ng Diyos.
Tayo kaya? Encouragement ko lang po sa mga di pa ulit nakakapag-church since nagkaroon ng lockdown. Yes, thankful tayo sa online platforms, pero wag po nating ipagpalit ang actual physical fellowship sa pagharap sa screen. May our attitude be like David – sobrang sabik na sabik ma-encounter ulit ang Panginoon sa sanctuary. Sobrang sabik na maranasan ulit yung kagalakan na kasama ang mga kapatiran! Kasabikan po natin ulit ang presensya ng Panginoon!
Kung matagal ka nang hindi nakakabalik sa church, I would love to tell you: the Lord has something for you. Miss ka na po namin dito! Balik ka na po.
Church, let us all desire the light.
II. Contrasting the Light (3-5)
Kapag sinabi po nating to contrast, hinahanap po natin ang kaibahan. Kinukumpara natin kung ano ang meron sa isa, ano ang wala sa isa. Balik po tayo sa Psalm. May dalawang paghahambing na ginawa si David.
1. His love is better than life
Because your steadfast love is better than life, my lips will praise you.
Dahil naranasan ni David ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos, hindi mapigilan ng kanyang mga labi ang pagpupuri at pasasalamat.
Para mas maintindihan natin kung bakit ganun na lang ang pasasalamat ni David, alamin po natin kung saan siya nanggagaling.
Una, alam naman natin na mula sa pagiging batang pastol, tinawag siya ng Diyos para maging hari. Dati, mga tupa at kambing lang ang inaalagaan niya, pero binigyan siya ng isang kaharian na kailangan niyang pangasiwaan!
Pangalawa, nung una mga oso, leon, at mababangis na hayop lang ang kanyang tinutumba para maingatan ang mga alaga niya, pero dumating ang panahon, sa tulong ng Panginoon, na pinabagsak niya ang higanteng si Goliath, at maraming mga gyera pa ang pinanalo niya! Hindi po dahil malakas lang ang loob niya kaya siya nanalo sa mga laban niya. Hindi dahil nagkataon lang o skilled lang siya. Kaya siya nagtatagumpay dahil lumalakad siya sa liwanag na bigay ng Salita ng Diyos! Kapag humaharap siya sa kalaban, ang battlecry niya, “the battle is the Lord’s!” First and foremost, ang takbuhan niya ay ang salita at presensya ng Diyos!
Nang mahulog siya sa kasalanan kay Bathsheba at narealize niya ang pagkakamali niya, bumalik siya sa Diyos at ninamnam ang kapatawaran ng Diyos sa kanya. Talagang nanangan siya sa mensahe ng Panginoon sa buhay niya. Hindi siya naghanap ng ibang kakampi, sa Diyos siya umiyak at lumapit. At niyakap niya ang kapatawaran.
Kaya ang sabi sa kanya sa Acts 13:22, he is a man after God’s own heart. Ibig sabihin, ang heartbeat niya ay sinasabay niya sa heartbeat ng Diyos. Kung ano ang nagpapasaya sa Diyos, nagpapasaya sa kanya. Kung ano ang nagpapalungkot sa Diyos, nagpapalungkot sa kanya. Ang desire buhay niya ay ikinabit niya sa salita ng Diyos. No wonder, 73 sa 150 Psalms ay attributed sa kanya! Ganun niya kamahal ang salita ng Diyos!
Kaya ang sabi niya, ang pag-ibig ng Diyos ay higit pa sa kanyang buhay! Dahil para sa kanya, walang saysay ang buhay kung hindi dahil sa pag-ibig ng Diyos sa kanya. Nagkakaroon lang ng halaga ang buhay dahil may personal siyang relasyon sa Diyos.
Masasabi din ba natin na God's love is better than life? O mas gusto pa rin nating pangunahan ang sarili nating buhay? Sarili nating desisyon, sarili nating direksyon, sariling mundo.
Kung kayo po ay may relasyon na kay Jesus, Balikan po natin ang mga buhay natin bago natin siya nakilala. Kumusta po? Di ba dati wala tayong direksyon. Lumalakad tayo sa dilim. Dati sarili lang natin ang iniisip natin. Dati wala tayong pag-asa. Kung hindi tayo iyakin nun, ang siga siga natin. Ibang-iba tayo! Pero nang nakilala natin si Jesus, biglang nag-iba ang takbo ng buhay natin. Nakita natin na wala nang higit na mahalaga kaysa sa pag-ibig niya. Na hindi lang pala tayo nabubuhay para sa sarili lang natin. Hindi lang direksyon, binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan! Gusto pa po ba nating bumalik sa dati nating buhay?
Nagkaroon ng liwanag ang buhay natin nang tinanggap natin ang pag-ibig ni Jesus! Kasi even in the dry and parched land of our problems, God’s love is better than life. Thankful po ba tayo dun?
2. His presence is better than pleasure
At hindi lang po yan. Nang tinanggap natin ang liwanag ni Jesus, biglang hihina ang kapit natin sa mga bagay na walang eternal value. May student po ako ngayon sa Bible school na nag-testify na dating chain smoker. Pero mula nang tinanggap niya si Jesus, nawala ang panlasa niya sa sigarilyo. Dati hindi pwedeng hindi makakahithit, pero biglang pumait ang panlasa niya at nawalan ng interes. At hindi lang po siya ang may ganyang story!
For sure meron po dito sa inyo, dati puro pasarap sa buhay ang gusto. Pleasure. Self-glorification. Walang humpay na kasiyahan. Pero nang makilala si Lord, biglang preno sa bagay na makamundo, para mag-focus kay Kristo.
Ang presensya ng Diyos ay higit sa kahit anong kasiyahan. Amen po ba? Sabi ni David, “my soul will be satisfied as with fat and rich food, and my mouth will praise you with joyful lips.” Masarap ang taba ng baboy, tama? Mga ihaw-ihaw, barbeque! Ang tiyan ng bangus, grabe! Sino po ba dito ang mahilig sa masasarap na pagkain? Pero higit sa samgyupsal at unliwings, higit sa buy one take one na giant sized burger, higit sa masayang experience ng travel packages, binge-watching sa Netflix at Disney+, ang kagalakan na kayang ibigay ng presensya ng Diyos sa buhay natin. Because when we are in Christ, we have everything we need!
Remember Daniel? Naging lesson po natin siya minsan sa Faith Night. Inofferan siya ng choice food ng Babylon – steak, wine, kebab, shawarma, etc – mga pagkaing inalay muna sa diyos-diyosan. Pero ang sabi niya, dun siya pagkaing hindi siya makokompromiso. Higit sa pleasure na makukuha ng tastebuds niya, mas gusto niya na maplease ang Diyos na pinaglilingkuran niya.
Church, His presence is far greater than any pleasure this world can give us. Yung sandaling nakaw na ligaya, walang wala yan sa kasiyahan na ibibigay ng Diyos basta maghintay lang tayo sa takdang panahon niya. Yung mga biglang yaman, hindi nyan mapapantayan ang yamang espirituwal na ino-offer sa atin ng Diyos. Yung instant fame and glory, wala yang silbi kung hindi naman aprub sa Diyos ang lahat ng ating kinikilos at sinasabi.
Kaya nga ang sabi ni David, “I will bless you as long as I live; in your name I will lift up my hands.” Kasi kahit saan pa niya ikumpara, wala nang makahihigit pa sa pag-ibig at presensya ng Panginoon. He is satisfied with God, first and foremost. Secondary na lang ang yaman, ang kapangyarihan, ang anumang kasiyahan, ang kanyang mga relasyon, ang kanyang mga pangarap. Everything pales in comparison with the light of God’s love and His word.
Si David din ang nagsabi, Psalm 19:10-11 “More to be desired are they than gold, even much fine gold; sweeter also than honey and drippings of the honeycomb. Moreover, by them is your servant warned; in keeping them there is great reward.”
Kahit ginto at pinakamamahaling hiyas ay hindi makakatapat sa liwanag ng Salita ng Diyos! At ang kanyang testimony, kapag tinago natin ang kanyang liwanag sa puso natin, pagpapalain tayo ng Diyos!
Saan po natin pwedeng ikumpara ang liwanag ng salita ng Diyos? Confident po akong sabihin na katulad ni David, wala pong makalalapit man lang sa pag-ibig at presensya ng Diyos. At dahil dyan, isa lang po ang reasonable nating maging response – to follow the light.
III. Following the Light (6-8)
1. Until the end of the day
“when I remember you upon my bed, and meditate on you in the watches of the night; for you have been my help, and in the shadow of your wings I will sing for joy.” Hindi lang first thing in the morning, kundi hanggang bago matulog si David, ang liwanag pa rin ng Panginoon ang tumatakbo sa kanyang isip niya.
Instead na mag-daydream si David ng kung anu-ano, inaalala niya ang liwanag ng Salita ng Diyos sa buhay niya. Marami po yun, pero let’s focus on just two:
Enlightenment Ang salita ng Diyos ang nagbibigay ng kaliwanagan sa mga bagay na mahirap intindihin, sa mga bagay na hindi malinaw. Remember that David was running away from trouble dahil sa kanyang anak na si Absalom. At the back of his mind siguro nagtatanong siya – “Lord, bakit may mga ganitong pangyayari? Bakit anak ko pa? Bakit ganito, bakit ganun?”
For sure nagkaroon na din tayo ng mga ganitong klaseng tanong. Lalo na sa Psalms, “why do bad things happen to good people?” “Bakit parang tahimik ka Lord pagdating sa injustice?” “Bakit parang unfair ang buhay?”
But when we come to the word of God we’ll find enlightenment from the Lord. Nabibigyan tayo ng kasagutan sa ating mga katanungan. Ang ating mga kalituhan, nabibigyan ng solusyon. Nakikita natin na may mga nangyayari sa buhay natin na consequence lang din pala ng ating mga choices. At kung hindi man tayo mabigyan ng direct na sagot, bibigyan tayo ng kapayapaan.
How many of you have experienced being enlightened by the Word of God? Sa pagbabasa niyo ng Salita ng Diyos, bigla na lang kayong mapapasabi ng, “ah kaya pala inallow mo Lord na dumaan ako sa ganitong pagsubok, kasi may plano ka!” “Lord, kaya pala kailangan kong daanan yung ganung season ng buhay ko para mas lalo akong maging matatag spiritually” “Lord, dito mo pala ako gagamitin sa ministry na ito kaya pala maraming beses sa buhay ko ganitong klase ng tao ang naeencounter ko. Hindi pala yun nagkataon lang!”
Naliliwananagan tayo sa buhay. Binibigyang kahulugan ng Diyos ang bawat araw na dumadaan sa atin.
Guidance Hindi lang enlightenment ang binibigay ng liwanag sa atin kundi maging gabay sa ating araw-araw na desisyon sa buhay. Hindi natin alam kung anong magiging desisyon natin, pero sa paghingi natin ng gabay sa Panginoon, nagkakaroon tayo ng direction. Kahit paano nagiging confident tayo na sa pagsunod natin sa Diyos, alam nating hindi tayo nag-iisa sa ating mga pagpapasya.
Sa case ni David, malaking bagay na nagagabayan po siya sa mga decisions niya lalo pa at nasa madilim na yugto siya ng buhay. Hindi siya nangangapa sa dilim kasi alam niyang pwede niyang sandigan ang liwanag ng Salita ng Diyos. Napaka-crucial ng sitwasyon niya kaya hindi siya dapat magpadalos-dalos sa mga decisions niya. May guidance siya!
At ito po ang mga mine-meditate ni David bago siya matulog. Hindi pwedeng matapos ang araw na hindi niya babalikan ang daily encounters niya kay Lord.
Bago po matapos ang araw niyo mamaya, balikan niyo po ang mga encounters niyo sa Panginoon. Lumakad po ba tayo sa liwanag niya ngayon? Nanghingi po ba tayo ng enlightenment at guidance sa kanya ngayon? Gawin po natin itong daily spiritual exercise. Wag po tayong matutulog na hindi man lang tayo nagbigay ng pasasalamat sa kanya sa bawat hakbang na ginabayan niya tayo!
Anuman ang sitwasyon natin ngayon, marami pa rin tayong maaaring ipagpasalamat sa kanya. Hawak niya tayo sa kanyang mga kamay – mula sa ating paggising hanggang sa ating pagtulog, at habang tayo ay nahihimbing!
2. Until the end of our life
“My soul clings to you; your right hand upholds me.”
Ang buhay Kristyano ay hindi one-time event na nangyari nung tinanggap natin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ito po ay panghabang-buhay na commitment. Hindi po tayo dapat tumigil sa pagsunod sa panahon na tayo ay malungkot, nasasaktan, o kaya ay sobrang saya natin na parang wala nang puwang para sa Panginoon.
May madalas mabanggit na salita po si Ptra K tungkol dito. Nangungunyapit. Yun po ang ibig sabihin ng cling. Sa original translation, ang sabi to be joined together. Parang mag-asawa. Yan po ang dedication ni David. Ang kanyang buong pagkatao at kaluluwa ay makikipag-isa na sa Diyos! Ganyan din po tayo! Tayo po ay kaisa na ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.
Nakakalungkot lang po kasi may mga kakilala tayo na kasama natin dati tapos ngayon di na natin madalas makita. Ok lang po sana kung nasa ibang church lang, kaso ang mabigat sa pakiramdam ay kung sila ay nagbackslide na at kaya ay tuluyan nang lumayo sa Panginoon. Masakit kung na-snatch pa sila ng mga maling paniniwala.
Kaya ang challenge po sa atin, walang bibitaw! Sabihin mo sa katabi mo, walang bibitaw! Masaya man o malungkot ang buhay, sagana man o salat, may kasabay ka man o nag-iisa, tuloy lang sa pagsunod sa Panginoon! Follow and always stay in the light of God!
Isa po sa inspiration ko sa ministry si Ptr. Ernie Lagasca. Sa ilang pagkakataon po recently lang, naririnig ko po ulit yung mga testimonies ng mga taong dinisciple niya noong kabataan niya. Syempre isa na po si Ptr. Starsky at Ptra K. Pero nabibilib po ako dun sa nag-testify na pinupuntahan niya pa sa Mindoro, tapos meron din sa Pangasinan. At alam kong marami pang iba! Mga taong naging bahagi ng kanyang pagsunod sa Panginoon at nadala niya sa liwanag ng Salita ng Diyos.
Then meron din tayong Sis. Amelia. Ilan po dito ang nabisita niya sa bahay, naturuan niya sa Sunday School, nabigyan niya ng declaration habang kinakamayan natin siya sa ground floor. Maraming mga tao na na-inspire sa kanyang pagsunod sa Panginoon.
At marami pang iba na tumanda na sa pananampalataya at nagpapatuloy pa rin! Imagine if at one point in their life tumigil sila at di na nagpatuloy?
Yun din po ang desire naming mag-asawa. Gusto naming tumanda na naglilingkod sa Panginoon! Kahit mahina na at malabo na ang mata, tuloy pa rin sa pagsunod kay Kristo. Gusto niyo rin po ba yun?
Kaya po wag na wag po kayong titigil sa pagsunod sa Panginoon. Wala na pong atrasan! Tignan niyo po ang picture – “My soul clings to you; your right hand upholds me.”
Nakahawak tayo sa kanya, nakasabit, nangungunyapit – tapos ang kanyang kanang kamay nakakapit sa atin para hindi tayo makabitaw. Hindi ba napakabuti ng Diyos? Si Lord na ang bahalang humawak sa atin habang nakahawak tayo sa kanya. Church, let’s follow the light, daily – until the end of our life! Conclusion Gaano kadilim ang buhay mo ngayon? Katulad din ba ni David na nanganganib ang buhay dahil hinahabol ng mga gustong pumatay sa kanya? Siguro naman hindi kasing dilim ng sitwasyon niya. Pero baka maraming utang, may problemang hindi malusutan, malaking desisyon na kailangang gawin. Gaano man kadilim ang buhay mo ngayon, tandaan na may liwanag na naghihintay sayo. Desire the light! Desire the First Light!
At kapag nasumpungan mo na ang liwanag na ito, Follow the Light! Wag nang bumalik sa dilim, manatili na sa Liwanag! Hindi kailanman maikukumpara ang liwanag na ito sa kahit anumang bagay!
Let us desire the light, and continue to follow the light!
Reflection [Magnilay-nilay]
Paggising sa umaga, ano ang iyong hinahanap?
Bago matulog sa gabi, ano ang iyong hinahanap?
Practice [I-apply ang Natutunan]
· Maglaan ng oras araw-araw upang basahin ang Salita ng Diyos at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu upang magkaroon ng pang-unawa at pananampalataya upang i-apply ito sa iyong buhay.
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments