Below is the material for our Prayer Cell #4 for the year 2023.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Silent Worship
By: Ptr. Martin Valenzuela
I. INTRODUCTION
Magandang gabi po sa bawat isa! Welcome po sa lahat ng kasama natin sa Zoom, at sa lahat po ng nanonood sa ating FB Live. Maaari niyo pong isend ang link ng ating live sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay na maaaring matulungan ng gawain natin ngayong gabi.
At sa mga kasama po natin ngayon, kaway kaway naman po sa Zoom, at type in your comments sa comment section ng ating live! Gusto po naming maramdaman na kasama po namin kayo.
II. PRAISE REPORTS
Simulan po natin ang ating gawain sa papuri at pasasalamat! Meron po ba sa inyo na gustong mag-testimony sa kabutihan ng Diyos sa buhay niyo o ng inyong pamilya ngayong linggo?
Sa mga nasa FB Live, maaari niyo pong I-comment ang inyong mga patotoo upang maging encouragement naman po ito sa iba.
III. PAG-AAWITAN
Still by Hillsong
Hide me now
Under Your wing
Cover me
Within Your mighty hand
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with you above the storm
Father, You are King over the flood
I will be still know You are God
Find rest my soul
In Christ alone
Know His power
In quietness and trust
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with you above the storm
Father, You are King over the flood
I will be still know You are God
IV. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoong Diyos, kami po ay nagpapasalamat sa pagkakataong makapagtipon virtually upang manalangin at makinig ng inyong salita. Maraming salamat po na kahit sa pamamagitan ng Zoom at ng FB Live, kami po ay nakakapagtipon at maidudulog namin sa inyong paanan ang aming mga panalangin at pasasalamat. Hinihingi po namin ang pagsama mo sa bawat isa, sampu ng aming pamilya at mahal sa buhay. Buksan mo ang aming puso at spiritual senses upang makita at matunghayan namin ang pagkilos mo sa aming buhay. Maitaas ka po sa gawain ngayong gabi. Amen.
V. MESSAGE
Background:
Excited po akong ibahagi sa inyo ang mensahe ng Panginoon ngayong gabi! I encourage you to let the Word of God speak and give you revelation through His wonderful, life-giving, and life-transforming message tonight.
Kung kayo po ay may mga Bibliya, sundan niyo po ako sa Joshua 5:13-6:27. Hayaan niyo pong I-lead ko po kayo sa ilan lang sa mga highlights ng kwentong ito.
To put things in context, at this point, the Israelites just crossed the Jordan river. At ang pagtawid nila ay hindi basta-basta, kundi katulad kung paanong lumakad ang mga magulang nila sa Red Sea! Sa pamumuno ng kanilang leader na si Joshua, nahati ang tubig sa gitna ng Jordan river at lumakad sila sa tuyong lupa.
At ready na nga ang mga Israelites na i-claim ang Promised Land. Ito ang matagal nang ipinangako ng Diyos sa kanyang mga anak, mula pa kay Abraham, Isaac, at Jacob, at ang pangako din na ibinigay kay Moses. At ngayon nga, sa leadership ni Joshua, sisimulan na nila ang pagpasok sa Promised Land. At magsisimula sila sa Walled City of Jericho. Ang unang challenge na dapat lampasan ay ang makakapal na pader ng Jericho.
At dito po papasok ang pag-aaralan natin ngayong gabi.
Are you for us, or for our adversaries?
13 Minsa'y napadako si Josue malapit sa Jerico, nang biglang nagpakita sa kanya ang isang lalaking may hawak na tabak. Nilapitan ito ni Josue at tinanong, “Ikaw ba'y isang kakampi, o isang kaaway?”
14 “Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.”
Nagpatirapa si Josue at sumamba. Sinabi niya, “Ano po ang ipinag-uutos ni Yahweh sa kanyang alipin?”
15 Sumagot ang pinuno ng hukbo ni Yahweh, “Alisin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat lupang banal ang iyong tinutuntungan.” At ginawa nga ni Josue ang iniutos sa kanya.
Yan ang tanong ni Joshua sa 5:13. Natanong niyo na po ba ito? “Lord, kakampi ba talaga kita? Bakit parang ang hirap-hirap, parang ang bigat-bigat naman ng sitwasyon ko?” Hindi kita masyadong maramdaman. Ang dami-daming umaaway sa akin, ang laki-laki na ng problema ko pero parang mag-isa lang ako sa laban. Kakampi ba talaga kita?
Naniniwala po ako na nauunawaan ng Panginoon ang mga tanong nating katulad nito. Kapag tayo ay nalilito na at nabibigatan sa ating mga suliranin, hindi lingid yun sa paningin ng ating Panginoon. Pero minsan, instead na tanungin natin siya kung “are you on my side Lord?”, tanungin natin ang ating sarili, “am I on your side, Lord?” Tayo ba ay nasa panig ng Panginoon?
Hindi naman pipili ng panig si Lord. Kasi hindi naman siya ang dapat na mag-adjust sa atin. In our relationship with the Lord, we must make sure that we are on His side! If we want victory in our battles, dapat alam natin kung saan tayo dapat pumosisyon. Instead na tanungin natin si Lord kung nasa panig ba natin siya, tanungin natin ang sarili natin kung nasa panig ba niya tayo. Ask yourself, “am I on the Lord’s side?”
At kung wala pa, inaanyayahan ka niya! Tandaan na hindi tayo magtatagumpay kung wala tayo sa team niya.
A fortified city
1 Isinara ang mga pintuan ng Jerico upang huwag makapasok ang mga Israelita. Ipinagbawal na lumabas o pumasok ang sinuman.
Sa 6:1, biglang tumalon ang narrative sa description ng city of Jericho. Ano po ang sabi? The city was securely shut up because of the children of Israel. Saradong-sarado. Walang makakapasok, walang makakalabas. Ang pinaka-best na description sa city nila ay impenetrable. Hindi mabubuwag.
Jericho is considered the first fortified city in history. It is around 40k square meters in land area, and with double walls of 3.6 meters high, 1.8 meters wide and stone towers of 8.5 meters high.
Tinignan ko kung gaano kalaki ang Jericho and somehow, halos kasinglaki ito ng Philippine Arena, o para mas makarelate tayo, mas malaki ng isang ektarya kaysa Marikina Sports Center. Marahil hindi ganun kagulat-gulat sa panahon natin, pero sa panahon ni Joshua, sobrang advanced na ng city na ito! May double walls, saradong-sarado, at para sa isang bansang hindi naman sanay sa pakikipaglaban, nakakatakot po ito!
Sa tantya mo, gaano kataas ang mga pagsubok na kinakaharap mo ngayon? Gaano kalaki ang iyong mga problema? Parang mataas na tore na hindi kayang tibagin? Parang imposibleng magkaroon ng crack kahit anong bangga mo?
Sa laki ng utang mo, kahit anong bayad mo parang hindi naman nababawasan. Yung mga gamot na iniinom mo, parang wala namang effect. Yung mga panahong ginugugol mo sa panalangin, parang walang nangyayari. Ang laki laki ng problema, nakakalunod na!
Impenetrable. Saradong-sarado. Paano pa natin maipapanalo?
As good as accomplished
2 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Pakinggan mo ito! Ibinigay ko na sa iyong mga kamay ang Jerico, upang sakupin ito at gapiin ang kanyang hari at magigiting na kawal.
Gusto ko po kayong I-lead sa 6:2. Basahin po nating mabuti ang sinasabi ng verse. “I have given Jericho into your hand.” Ang ibig sabihin po ng given ay to place, to set, to put. Kung paanong inilagay ng Diyos ang buwan, mga planeta at mga bituin sa kalangitan, ay ganun din niya inilagay sa mga kamay ni Joshua ang impenetrable city of Jericho! Hallelujah!
Ano po ang gusto nating sabihin dito? Ang sinasabi lang ng Panginoon kay Joshua, “consider it done!” Hindi ka pa lumalaban, panalo ka na! Ako na ang bahala. Yung pinoproblema mo, sagot na kita.
Pansinin niyo rin po ang sentence. Hindi siya “I will give you” - hindi siya future tense. Hindi rin siya “I might give you” na pwede pang magbago ang isip ni Lord. Binigyan niya ng assurance si Joshua na ibibigay niya ang Jericho sa kanila – ang hari nito, at ang lahat ng taong nakatira dun!
Marami sa atin favorite verse ang Matthew 6:33, “Seek first the Kingdom of God and His righteousness and all these things will be added unto you.” Pero alam niyo po ba kung ano ang kasunod nun? Nasa Luke 12:32, "Do not be afraid, little flock, for your Father is pleased to give you the kingdom.”
Sa totoo lang, binigay na po sa atin ang tagumpay! Kukunin na lang po natin. Aangkinin na lang po natin. Pero ang tanong, paano po natin ito aangkinin? Paano natin makukuha ang tagumpay? Mamaya babalikan po natin ang sagot.
A divine strategy
3 Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa loob ng anim na araw. 4 Pauunahin mo sa Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang mga trumpeta na yari sa sungay. Sa ikapitong araw, pitong beses kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga pari ang dala nilang trumpeta. 5 Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, lahat kayo'y ubod-lakas na sisigaw. Sa sandaling iyon, babagsak ang mga pader ng lunsod at walang sagabal na makakapasok doon ang lahat.”
Si Joshua po ay isang warrior. He is a skilled soldier. For sure, marunong siyang mag-strategize kung paano maipapanalo ang isang laban. He is a man of war.
Pero dahil siya po bilang leader ng mga Israelites ay nasa Team ng Diyos, remember sa verse 5:13, ang susundin niyang strategy ay ang strategy ng Panginoon. At dahil matindi ang kalaban, dapat matindi din ang strategy. Ano ba ang strategy?
Ang instruction ni Lord sa kanya, sa loob ng anim na araw, iikutan nila ang Jericho nang tahimik. Kasama nila ang pitong priests na may dalang trumpeta, at ang ark of the covenant, na sumisimbulo ng presensya ng Diyos. Anim na araw, tahimik. Walang gagawa ng ingay. Pagkatapos ng isang ikot, babalik sa kampo.
Pero pagdating ng ika-pitong araw, iikot sila nang pitong beses. At sa hudyat ni Joshua, pagkatapos ng tunog ng trumpeta, at sa signal ni Joshua, ang lahat ay sisigaw nang malakas! At babagsak ang mga pader ng Jericho!
Ang ganda ng strategy no? Nakakakilabot! Pero kung kayo si Joshua na sanay sa gyera, anong mararamdaman mo? “Ano ba to? Parang walang sense!” “Strategy ba yan? Bakit hindi na lang tayo sumugod agad!” “Lord, ako na nga bahala sa problema ko!”
Pero dahil si Joshua ay nasa team ng Diyos, sino ang dapat masunod? Ang strategy ng Panginoon!
Ito po ang sagot sa iniwan nating tanong kanina. Paano natin makukuha ang tagumpay? Sa pamamagitan ng pagsunod! Our obedience to God, not our abilities and skills, brings us to victory.
At iyon nga ang ginawa ni Joshua at ng mga Israelites. Umikot sila sa impenetrable wall of Jericho ng tahimik sa loob ng anim na araw, at sa ika-pito, pagkatapos ng pitong ikot, silang lahat ay sumigaw sa abot ng kanilang makakaya, at gumuho ang pader ng Jericho. At sila ay sumugod, at na-conquer nila ang pinaka-unang hadlang sa pagpasok nila sa Promised Land. Tinupad ni Lord ang kanyang pangako kay Joshua!
Ang istoryang ito ay isa sa pinaka-nakakakilabot, at pinaka-amazing na kwento sa Bible. Pero ano naman ang kinalaman nito sa ating mga sarili?
Application
Alam ko po na sa lahat ng nakakarinig ng tinig ko ngayon, may ilan po sa atin ang may kinakaharap na pagsubok sa buhay.
§ It could be a relationship problem. Anak o asawa na ang tagal-tagal mo nang pinapanalangin pero parang ang tigas-tigas pa rin ng puso.
§ It could be a major decision. Iiwan ko ba ang pamilya ko para magtrabaho abroad, o sama-sama na lang kami kahit sobrang hirap ng buhay?
§ It could be a financial dilemma. Ang laki-laki na ng utang ko. Hindi ko na alam saan ko kukunin ang pambayad. Wala na akong mukhang maiharap sa tao, at wala na rin akong matakbuhan.
§ It could be a health issue. Hirap na hirap ka na sa karamdaman mo, o karamdaman ng mahal mo sa buhay. Hindi mo na alam kung paano pa igagapang ang susunod na araw. Nawawalan ka na ng pag-asa.
Kung isa ka sa mga ito, o ang sitwasyon mo ay kasing bigat at kasing hirap ng mga ito, ang mensaheng ito ay para sayo.
Ang tagal-tagal mo nang umiiyak nang tahimik sa kwarto mo. Walang nakakaalam, walang nakakaintindi, walang nakakaramdam sa mga hikbi mo gabi-gabi. Minsan di ka na makatulog. Minsan hindi ka mapakali. Sa sobrang laki ng problema mo halos lunurin ka na.
But we can always turn those silent tears and silent cries into silent worship. Paano? Ipagkatiwala mo lang sa Panginoon ang laban mo! Gaano man kataas ang tore, gaano man kakapal ang pader, gaano man katibay ang harang, ipagkatiwala mo lang yan sa Panginoon at siya ang bahalang magpabagsak niyan sa harap mo!
Ang pinakamalakas nating pagsamba ay ang pagtitiwalang walang ibang makaririnig kundi ang Diyos Ama. Maging ang pinakamahina nating “Panginoon, bahala ka na” ay ang pinakamalakas nating pagtawag sa kanya.
Alam niyo po kung ano ang nagpanalo sa mga Israelites? Hindi po yung sigaw. Hindi po yung pag-ikot. Kundi ang presensya ng Diyos at ang kanilang pagsunod. Sumunod sila kahit hindi nila naiintindihan ang plano ng Diyos. Kahit parang hindi nagme-make sense, sumunod sila. Kahit mahirap intindihin, sumunod sila. At ibinigay sa kanila ang tagumpay na inilaan naman na sa kanila.
Yung pagiging “weird” ng strategy na ginawa ng mga Israelites ay nagpapakita lang na ang laban ay hindi sa kanila. Kung strategy ni Joshua ang masusunod, maaaring maging mayabang sila. Pero sa pagkakataong ito, ang nagbigay ng tagumpay ay tanging ang Panginoon lang.
Mga kapatid, yung provision, nandyan na. Yung healing, nandyan na. Yung restoration, nandyan na. Yung victory, nandyan na. Pero baka hindi pa natin makuha-kuha kasi wini-withhold pa natin yung pagsunod na nararapat sa Kanya. Ano po ang pumipigil sa atin para sumunod? Dahil ba tingin natin hindi workable ang pinagagawa ng Diyos sa atin? Dahil ba gusto pa rin nating sundin ang ating mga sariling strategy at mga plano?
Pero alam niyo po, kung tayo ay magtitiwala at susunod sa Panginoon, katulad ng mga Israelites habang sila ay umiikot sa wall of Jericho, ang ating mga silent worship ay masusundan ng shout of victory!
Palitan na po natin ang ating mga iyak nang sigaw ng tagumpay! Hindi ko po alam ang mga sitwasyon niyo ngayong gabi. Pero ang sigurado po ako, ang gusto ng Diyos sa atin ngayon ay ibigay sa atin ang tagumpay na nakalaan naman talaga sa atin noon pa.
Ang tanong lang, ready na po ba tayong angkinin ang ating tagumpay ngayong gabi? Ready na rin po ba tayong sumunod at magtiwala sa kanyang strategy?
Pabagsakin po natin ang ating mga pader ng pagsubok. Tayo po ay manalangin.
Panginoon, maraming salamat sa tagumpay na ibinibigay mo! Pinipili ko pong manatili sa panig mo, at manatiling kakampi mo Panginoon. Sa aking mga laban sa buhay, tulungan mo po akong huwag lumayo sa presensya mo. Sa aking mga iyak, mga hikbing walang ibang nakaririnig, salamat dahil ikaw ay nakatuon sa akin. Salamat dahil naiintindihan mo ako. At maraming salamat dahil ang bawat silent worship na ito, ang aking pagtitiwala sa kaya mong gawin sa buhay ko, ay kaya mong gawing sigaw ng pasasalamat sa takdang panahon mo.
VI. PANALANGIN
1. Ating ipanalangin ang ating mga kapatirang dumadanas sa mga suliranin sa buhay. Ang kanilang mga luha ay palitan ng Panginoon ng kagalakan at pasasalamat.
a. May mga sakit
b. May mga utang
c. May mga relasyong nasira
2. Hingin natin sa Diyos ang tagumpay sa ating mga plano ngayong taon. Breakthrough!
3. Ipanalangin natin ang ating mga pastors at leaders sa church. Bigyan sila ng karunungan at anointing na nanggagaling sa Panginoon.
4. Idulog natin ang ating discipleship programs. Maging isang malagong pamilya tayo na sumusunod at gumagawa ng tagasunod ni Hesus.
5. Isama natin sa panalangin ang ating mga Senior Citizens. Hingin natin ang kalakasan at patuloy na pag-iingat sa kanila sa araw-araw.
VII. ANNOUNCEMENTS
1. Faith Night on Feb 22, 2023 (wednesday) @ 6:30pm
2. Missions Giving on Feb 26, 2023 (sunday), prepare your pledges
3. Mass Wedding on Apr 1, 2023 (saturday); look for the pastors for requirements
VIII. PANGWAKAS NA PANALANGIN
Maraming salamat sa tagumpay Panginoon! Ikaw ang Diyos ng tagumpay, at ang Diyos na tumutugon sa aming mga panalangin! Pinupuri ka namin Panginoon sa lahat ng iyong ginawa, ginagawa, at gagawin pa! Salamat sa lahat ng pader ng pagsubok na pinabagsak mo na! Amen!
IX. PICTURE TAKING, OFFERING and FOOD
Take pictures and post sa FB page ng JCLAM for attendance sake and most especially to encourage others to join us pray for the country, church & family.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comentarios