Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for October 23, 2022.
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
TEXT: 1 Thessalonians 1:1-10
[1] Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo - Para sa iglesya sa Tesalonica, ang mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos.
[2] Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.
[3] Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng Inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
[4] Mga kapatid, nalalaman namin na kayo’y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo.
[5] Ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.
[6] Namuhay kayo ayon sa aming halimbawa at ayon sa Panginoon. "Nang tanggapin ninyo ang Magandang Balita", dumanas kayo ng napakaraming paghihirap, gayunpama'y taglay pa rin ninyo ang kagalakang kaloob ng Espiritu Santo.
[7] Kaya't naging huwaran kayo ng mga kapatid sa Macedonia & Acaya,
[8] sapagkat hindi lamang ang katuruan tungkol sa Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay nabalita rin sa lahat ng dako, kaya't hindi na kailangang magsalita pa kami tungkol dito.
[9] Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos,
[10] at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito’y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.
INTRO: “To Put On” or “Putting On”.
“To put on the new self, created after the likeness of God." (Eph 4:24).
“Putting On the Breastplate of faith & love and a helmet, the hope of salvation.”(1Thess 5:8)
Sinabi ni Apostol Pablo sa 1Thess 1:2-3
"Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
Everyone Has a Part to Perform
(Ang Bawat Isa Sa Atin Ay May Bahaging Dapat Gampanan)
1. Participation Means Re-uniting
(Ang pakikilahok ay muling pagsasama-sama)
“A leader who is one step ahead of their followers is a hero. A leader who is ten steps ahead of their followers become a martyr”. -(John Kotter, Adapted from Leading Change).
Sharing their workload, enjoying a good reward, and finding help in hard times
2. Participation Means Recognizing
(Ang pakikilahok ay pagkilala sa core programs at missions nang tuloy-tuloy.)
“There is no participation in Christ without participation in His mission to the world. Hence the church is not called on to decide whether she will carry on the mission or not. She can only decide whether she wants to be the church”. - George Vicedom
God’s mission leads to saved people and His Kingdom established everywhere on earth…
a. God's Presence within us creates a response
When God is known (His work in us).
He will be made known (His work through us).
Once Christ comes in us, it is inevitable that we will go out for Him.
“Why and where does He want us to go?”
b. God wants to receive glory from all peoples
“Then I heard every creature in heaven and on earth and under the earth and on the sea, and all that is in them, singing: “To him who sits on the throne and to the Lamb be praise and honor and glory and power, for ever and ever.” (Rev.7:13)
3. Participation means to Receive and Reveal His Gospel
The context of the passage reveals that gospel comes into a non-Christian community of people and is experienced with all three dimensions, or the threefold cord...
We are building an important bridge between truth and everyday life...
Conclusion
Habang inaantay po natin ang pagbabalik ng ating Panginoong JESUS mula sa langit.
"Ang bawat isa sa atin ay may bahagi na dapat gawin":
Ang pakikilahok ay nangangahulugan ng pagkilala at pagsali sa mga programa…
Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang bahagi sa iglesya na tinanggap (receive) at bagay na dapat gawin o ipahayag (reveal) ang Mabuting Balita.
Gawin ang pinapagawa sa atin nang buong husay!
“To Have a Part...To Serve The Best God"...
"Share Something!"
We can work together when we know and understand.
DAPAT MAY PAKIKIBAHAGI!
Hindi natatapos lang kasi ito sa kwentuhan at ngitian kung di inuutusan natin ang ating mga sariling nang may sakripisyo na lumahok sa mga kaganapan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa eternal purpose tulad ng: Evangelism at Discipleship.
Ngayon po, ramdam natin lahat - sa ating espiritu:
na mayroon dito sa ating kalagitnaan na
kinaka-ugnay ng Diyos.
Maaaring GINIGISING po tayo! Ipagpatuloy po ninyo na paglingkuran ang Diyos, at mapabilang po kayo sa isang team! Sumama po kayo!
IBIGAY MO SA KANYA ANG THE BEST:
Ang pinakamahusay na paggawa
Ang pinakamahusay na mang-aawit/tumugtog!
Ang pinakamahusay na trabaho
Ang pinakamahusay na talento, at
Ang pinakamahusay na serbisyo...
... kahit na ikaw ay nahaharap pa sa mga pagsubok o
pag-kasira o sa mga pambihirang tagumpay!
Sabi ng Biblia, “…Magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, Dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa Kanya.” (1 Cor.15:58).
Reflection [Magnilay-nilay]
· Paano ka nakikilahok o nagpaparticipate sa body of Christ?
· Ano ang pumipigil sa iyo upang makilahok o makipagparticipate?
Practice [I-apply ang Natutunan]
· Maglaan ng oras araw-araw upang basahin ang Salita ng Diyos at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu upang magkaroon ng pang-unawa at pananampalataya upang i-apply ito sa iyong buhay.
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments