Below is our Family Prayer Cell material for Jul 22, 2020.
Praise and Worship
Opening Prayer
Praise Report
Marami tayong mga panalangin sa Dios. Hindi man sabay sabay na tinutugon ng Dios ang mga ito, ang mahalaga, ayon sa Kanyang Salita at layunin, ay natutugunan ang mga ito sa Kanyang tamang panahon. Kailangan lang nating pagtiwalaan na alam ng Dios ang Kanyang ginagawa. At hindi lilipas ang mga araw na meron tayong dapat ipagpasalamat sa Kanya sa kabila ng ating pinagdadaanan.
(Share your testimony on what GOD HAS DONE IT FOR YOU!)
Ice Breaker
Magpartner...Magkaharapan at mga 3 metro ang layo sa isa’t isa.
Subukang pumili ng isang salita o phrase mula sa material na ito na babanggitin nang walang kahit anong tunog ng isa sa pair, at huhulaan ng kapartner by LIP READING KUNG ANO ANG SINABI. Gawing salitan. (or by group, kung marami)
At least 6 rounds (3 salit-salitan)
Scripture
Mark 7:31-37 - Ang Pagpapagaling sa Taong Bingi at Pipi
Umalis si Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan sa Sidon at nagtuloy sa Lawa ng Galilea. Tinahak niya ang lupain ng Decapolis. Dinala ng mga tao sa kanya ang isang lalaking bingi at may kapansanan sa pagsasalita, at nakiusap sila sa Kanya na ipatong Niya rito ang Kanyang kamay. Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, dumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit, nagbuntong-hininga at sinabi sa lalaki, “Effata,” na ang ibig sabihi'y, “Mabuksan!” Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. Buong paghangang sinasabi nila, “Napakahusay ng lahat ng kanyang ginagawa! Binibigyan niya ng pandinig ang mga bingi at pinapagsalita ang mga pipi!”
Message Intro
Ano kaya ang mundo ng mga hindi makarinig at may problema sa pananalita?
Kung ang average ng lalaki na magsalita ay 7,00 words per day at ang babae ay almost 3x, bale nasa 20,000 words per day…….ano kaya ang pakiramdam na walang malinaw na words na nasasabi ang isang tao at wala rin siyang marinig sa kahit anong salitang sinasabi. It is the Sound of Silence….
Message
Background: Mainit pa ang dugo ng mga Pariseo kay Hesus (hindi na kasi sila ang sikat sa community dahil na kay Hesus na ang attention ng mga Judio). Pati mismong si Herod Antipas ay masama ang tingin kay Hesus kaya umiwas muna si Hesus na mangaral sa Jewish territory at sinadya Niyang pumunta sa lugar ng mga Hentil (tawag sa mga hindi Judio)...sa Decapolis.
Ang biyaya ng kaligtasan at kagalingan ay hindi lang para sa Judio kungdi para sa mga Hentil din, iyan ang turo ni Hesus.
Vs. 32 Ngunit may inilapit kay Hesus na isang taong hindi makarinig nang maayos at may problema sa pananalita. Nais nila na mabigyang lunas ang kalagayan ng kanilang kaibigan. Ang maganda rito ay naniniwala sila na maaaring gumaling ang taong ito kapag ipinatong ni Hesus ang Kanyang kamay sa kanya.
Tingnan natin ang ginawa ni Hesus sa kanya.
Vs. 33 Ibinukod ni Hesus ang lalaki. (Marahil ay nakakaranas ang lalaking ito ng kahihiyan sa matagal na kalagayang hindi makarinig at makasalita nang maayos. Baka sa bawat araw ay kantiyaw ang kanyang inaabot at alam niyang IMPOSIBLE na siya ay makaranas ng kaginhawaan at kaayusan sa kanyang katawan). (Salamat sa mga tao sa paligid niya na nagmamalasakit upang mailapit siya kay Hesus na nagpapagaling.) Minabuti ni Hesus na gawing mas private ang encounter nila (marahil ay mas concerned si Hesus na gumaling ang taong dito higit pa sa atensyong ibibigay ng mga tao sa kanya).
Vs. 33-34 Kung mapapansin natin ay may ginawang kakaiba si Hesus sa taong ito. Kung sa iba Niyang pagpapagaling ay salita lamang Niya ang ginamit, ngunit dito ay may ibang paraan. (Ayon sa mga commentarists, nang panahong iyon ay wala pang advance technology at medical facilities. Mataas din ang tingin sa mga “healers” na napapaniwala agad ang mga tao na gagaling sila (placebo effect) kahit “fake” healers (tila mang kepweng, mga nagriritwal na quack doctors, etc. Kaya ginawa ni Hesus ay tila nag-sign language para maintindihan ng taong gusto Niyang pagalingin sa paglagay ng Kanyang daliri sa mga tainga ng lalaki at paggamit ng Kanyang “spit” o dura para sa Kanyang kagalingan sa pananalita.) Sa simpleng salita, gusto ni Hesus na abutin ang taong ito sa paraan na alam ng mga tao sa Decapolis NA MAIINTINDIHAN NG TAONG HINDI NAKAKARINIG AT NAHIHIRAPANG MAGSALITA). What matters ay seryosong hinarap ni Hesus ang pangangailangan ng taong ito, higit sa concern sa sasabihin ng mga tao.
HUWAG NATING ISIPIN NA MAY MAGIC O FORMULA O RITUAL SI HESUS BAGO MAGPAGALING. This was one of the rare times that God uses agents to heal. WHAT IS IMPORTANT IS THAT: JESUS HEALED THIS MAN WHO ALMOST HAD NO HOPE OF BEING HEALED.
Vs. 34 Ang pagbuntong-hininga ng Panginoong Hesus at pag-tingala ay nagpapakita ng masidhing kagustuhan Niya na gumaling ang taong ito. Sa ibang batayan, ang buntong hiningang ito ay tila paglapit sa Dios nang may pagtangis. Gustung-gusto ni Hesus pagalingin ang taong ito.
(Note: Bakit kaya sinabi ni Hesus na huwag munang ipagsabi ang nangyari? Most probably, He needs to reach more areas that if He will be mobbed in a certain place, it would be difficult to reach the other places to minister)
Vs. 34 Gaano kahaba ang panalangin ni Hesus? Sumisigaw ba Siya? Isa lang ang sinabi NIya sa lalaki: EPHPHATHA! (Effata)... na ang ibig sabihin ay “BE OPENED!”
Isang diretsong utos sa bahagi ng katawan ng tao na “nakasara” at hindi makarinig...NA MABUKSAN UPANG ITO AY MAKARINIG NA. Simpleng salita ngunit makapangyarihan.
Application:
May mga kalagayan ang tao na tila sa kanilang isip ay MAHIRAP NANG MAAYOS. May mga nasasara, may bumabagsak,may lumalala, may nahihirapan, may nalilito o hindi ayos sa pangangatawan. Ngunit sa isang Salita na mamumutawi sa ating labi nang may kapangyarihan batay sa Salita ng Dios, tayo ay makakasumpong ng kagalingan at kaayusan sa lahat. Hindi ritwal kungdi ang paglapit at PAGTINGALA sa Dios na makapangyarihan ay kailangan nating gawin.
Ayon sa kalooban ng Dios, ang nakasara ay mabubuksan, ang mga nakabukas ay masasara, ang mga kailangang maalis ay maalis, ang mga wala ay magkakaroon, ang mga may kulang ay mapupunan, atbp. Kung gagamitin ng Dios ang mga gamot na ating iniinom upang bigyan tayo ng kaginhawaan ay isang dahilan pa ring TUMINGALA AT MAGPASALAMAT. Kung ang mga natural herbs ang gagamitin ni Hesus ay, muli, thank You, Lord. Ang mahalaga, anumang matuwid na kaparaanan, babalik at babalik tayo sa katotohanang NAGMAMALASAKIT SI HESUS AT NAGPAPALING!
Nawa’y patuloy nating pagtiwalaan ang kayang gawin ng Dios sa ating buhay o sa buhay ng ating mga mahal sa buhay o kakilala.
Intercession
Sambahin muna natin ang Ating Panginoong Dios! Because of what He does and Who He is!
Ipanalangin ang mga may sakit (magbanggit ng mga pangalan: a) Compassion mother and child na COVID positive, b) Barangay Kap Mak ALFONSO ng Malanday, c) isang kapatiran sa isang Foursquare church sa QC, at iba pang may sakit na kapatiran o kakilala)
Mga nagsarang negosyo: declare natin that they will BE OPENED soon, through the wisdom of the Holy Spirit.
Mga nawalan ng trabaho: declare natin na they BE EMPLOYED in HIs name
Mga taong tila ayaw magbago: declare natin na they BE CHANGED by the Lord through His wonderful touch
Mga may utang na tila imposible nang mabayaran: declare natin that they will BE PAID sa pangalan ni Hesus
That church doors will BE OPENED for mass gathering and that NO HARM shall befall us.
Mga nalulungkot at nag-iisa (OFWs, families left behind, senior citizens who cannot leave their homes, the children, the youth who are experiencing loneliness): declare natin that they BE COMFORTED by the Holy Spirit
Israel: declare that PEACE CONTINUE in their nation
Personal prayer concerns
Offering
Announcement
Livestream Prayer Meeting on July 29, 2020 at 7 pm with Fasting!
Snacks & Closing Prayer & Picture Taking
Closing prayer, prayer for snacks, prayer for the host home.
PIcture-taking and i-comment agad sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture!
Comments