top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 29 - Over the Top Concern

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 7, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Over the Top Concern

By: Ptr. Noolen Jebb Mayo

 

I. PRAISE REPORTS / TESTIMONIES


Tayo muna ay magkamustahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patotoo kung gaano naging mabuti ang Diyos sa atin ngayong linggong ito. Maging mapagpasalamat tayong lahat, hindi lang yung nagpapatotoo kundi maging tayo ay nagpapasalamat sa pamamagitan ng pagsabi ng Amen & praise the Lord sa dulo ng kayang testimony.

II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


Purihin ang pangalan Mo, Panginoong Hesus sa kabutihan Mo sa amin araw-araw! Ang kapatawaran Mo sa lahat ng aming karumihan at kasalanan; ang kahabagan Mo sa matitigas naming puso; at sa awa Mo na ipinapadama dahil mahal Mo kami. Tunay Kang dakila! Salamat sa Iyo.


At ngayon ay patuloy kaming lumalapit upang tulungan muli kami sa aming gawain ngayon... patnubayan Mo kami sa pakikinig ng Iyong Salita; sa pagtugon sa lahat ng aming panalangin; sa pagpuri ng Iyong pangalan sa pamamagitan ng aming testimonies. Samahan Mo kami ng Iyong Banal na Espiritu. Idinudulog namin ang mga ito sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen!


III. INTRODUCTION


Ang nakaraan nating pag-aaral sa FPC ay natutuan nating umiwas sa mga bagay na ‘useless’ o mga sitwasyon na nasasayang lang ang panahon bagkus gumawa na lang ng mga bagay na nagbibigay kaluguran sa Panginoon.


At ngayon naman, ang ating pag-aaralan ay isa sa pinakamahirap nating gawin kung sa sarili lamang natin. Ngunit kung naranasan natin ang kabutihan ng Diyos sa buhay natin; nauunawaan ang kapatawan ng Diyos sa ating mga kasalanan; at lubos nating na-eenjoy ang pag-ibig ng Diyos sa tuwina. Kayang-kaya natin itong I-apply sa ating mga buhay.

Pero bago ang lahat, tayo muna ay mag-awitan sa pamamagitan ng awiting ito...

IV. PAG-AAWITAN


Forgiven

Bethel Music


I will sing for You alone have rescued this life Jesus, You have set me free You alone took away all sin and disgrace When You gave Your life to ransom me

I am forgiven at the foot of the cross I am accepted by the power of Your love My every stain is washed away I am forgiven

Here I stand in the light of Your glory and grace Where Heaven's love and justice meet Now I live for the One who has called me by name Who is risen and alive in me

I'm embraced at the foot of the cross By the love and the mercies You have lavished on us My every stain is washed away I am forgiven


V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Philemon 1: 10 –1 8 (Pinoy Version)

Nakikiusap ako sayo para kay Onesimus. Nang nasa kulungan ako, pinakilala ko sa kanya si Christ, kaya naging anak ko siya at naging spiritual father niya ako. Dati, wala siyang silbi sayo, pero ngayon, malaking tulong siya sayo at sa akin.


Sobrang lungkot ko ngayon na pababalikin ko sayo si Onesimus. Gusto ko sana siyang mag-stay dito kasama ko, para matulungan niya ako habang nakakulong ako alang-alang sa gospel. Pag ganun, para mo na rin nagawa yung mga bagay na gagawin mo sana kung nandito ka. Pero, ayokong pilitin ka na tulungan ako, instead, gusto kong tulungan mo ako kasi gusto mo talaga. Kaya wala akong gagawin na hindi ka pumapayag.


Siguro, kaya nalayo sayo si Onesimus nang sandali parapagbalik niya, makasama mo na siya habambuhay. At ngayon, hindi na lng siya basta alipin, isa na siyang kapatid na minamahal kay Christ. Napamahal na siya sa akin, at lalo siyang mapapamahal sayo, bilang isang alipin at kapatid sa Panginoon.


Kaya, kung tinuturing mo akong co-worker, tanggapin mo siya kung paano mo ako tatanggapin. Kung may nagawa man siyang mali o may utang siya sayo, ako na lang ang singilin mo.


VI. MESSAGE


Ang background ng ating binasang mga talata ay tungkol kay Philemon bilang isang master at si Onesimus bilang isang alipin o slave. Ang pagiging isang alipin ay posibleng binili ka para maging alipin o kaya naman ay pambayad sa kautangan kaya ikaw ay naging alipin. Kaya sa kanilang kultura, ito ay isang seryosong kasalanan ang takasan ang pagiging alipin. Kaya marahil, ito ang binabanggit na nagawa ni Onesimus sa kanyang master na ni Philemon.


Ang over the top concern ngayon ni Paul (kung saan siya ang sumulat kay Philemon) ay makabalik na si Onesimus sa kanila – hindi lang bumalik kundi patawarin na sa nagawa niya o mga utang man niya at higit man doon ay tanggapin na siya hindi sa pagiging alipin kundi kapatid sa Panginoon.


Tulad nang nabanggit sa intro kanina... ito ay isang mahirap na I-apply kahit na ikaw ay mananampalataya na ng Panginoong Hesus. Kapag ang isang tao na nakasakit sa iyo, ang hirap mong patawarin o kahit ikaw man ang nakapanakit sa kapwa, ang hirap naman humingi ng tawad


Reflection:

Sagutin ng may honesty. May ganito ka bang sitwasyon sa oras na ito? Marahil ikaw ang

sinaktan o ikaw ang nakapanakit. Ano ang conviction sa iyo ngayon sa mga nangyari?


Tignan natin kung paano natin magawang tanggapin ang mga nakapanakit sa atin o kaya naman kung tayo man ay nakapanakit sa kapwa natin. Tularan natin ang mga kapamaraan na binabanggit ni Pablo sa mga talatang binasa natin.

UNAWAIN ANG PANGANGAILANGAN SA PANGINOONG HESU KRISTO – Dapat maunawan natin na sa pamamagitan nang Panginoong Hesu Kristo, tayo ay pinatawad din sa ating mga nagawang kasalanan. Tayo ay minsan din tumalikod sa Panginoon at nagpatuloy na gumawa ng di kaaya-aya sa Kanya. Mga kasalanan na nagbigay ng pasakit sa Kanya sa krus ng kalbaryo.


Kung si Hesus na wala namang ginawang masama sa atin ay nagawang patawarin ang mga kasalanan natin... ano kaya ang rason bakit di natin magawa ito sa ating kapwa? Marahil ito ay pride na alam natin na ito ay ginagamit na taktika ni satan. Kaya ba natin ibaba ang pride natin? At isaalang-alang na maunawaan na mas higit nating kailangan ang Panginoong Hesus sa buhay natin.


TANGGAPIN BILANG KAPATID SA PANGINOONG HESU KRISTO – Kapag pamilya na ang pinag-uusapan, talaga naman napakahirap silang talikuran. Ito ang hamon na binibigay sa atin ni Pablo na tanggapin ang mga kapwa lalo na ang mga nakapanakit sa atin. Tanggapin natin sila bilang kapatid sa Panginoong Hesus.


Ngunit sa realidad, tunay na mahirap tanggapin ang mga taong nakapanakit lalo na kapag malapit sila sa iyo. Pero para magawa natin ito, kailangan na ipakita natin ang pag-ibig natin sa kanila katulad ng pag-ibig natin kay Kristo. Ang utos ng Diyos ay mahalin ang mga unlovable; ang ating mga kaaway... how much more kapag sila ay kapatiran na sa Panginoon. Tanggapin natin sila bilang tunay na kapatid sa Panginoon.


GAMITIN NA KAPAKIPAKINABANG SA PANGINOONG HESU KRISTO – Isang dahilan kaya hindi makapaglingkod sa Diyos ay dahil sa mga hindrances tulad ng mga kasalanang nagawa; mga nakaraang di ka maka-move on; at mga bagay na bumabagabag sa mga damdamin na nagbibigay ng pagdududa.


Ang hamon sa atin, gamitin sila na kagamit-gamit sa kaharian ng Diyos dito sa lupa at huwag husgahan. Sila din ay nakaranas ng pag-ibig ng Diyos at nagnanais na maging kalugod-lugod din sa harap ng Hari. Huwag naman tayo ang maghadlang sa kanila ngunit tayo ang mag-encourage sa kanila at tumulong palakasin sila upang maging kapakipakinabang din sa Diyos.


Conclusion:


SI Onesimus na tinatawag na ‘run-away’, hindi lang kay Philemon kundi maging sa Panginoong Hesus ay naunawaaan ang pangangailangan niya sa Diyos kaya siya ay naging malaya sa pagiging alipin. Tinanggap siya bilang kapatid sa Panginoon at naging kapakipakinabang sa Kanyang mga gawain (isang wordplay ng kahulugan ng kanyang pangalan ay ‘useful). Ito ay naipamuhay niya at nagkaroon ng saysay ang kanyang buhay.


Maging tayo man, ang nais ng Diyos sa atin ay maging ‘useful’ din sa Kanyang kaharian dito sa luoa. Lalo din ang mga taong nakapanakit sa atin, may planuhin din Siya para sa kanila. Ang over the top concern – huwag naman tayo ang maging reason kung bakit di nila magawa ang nais ng Diyos sa kanila bagkus tayo ay maging katuwang upang magtulungan para sa gawain ng Diyos.


VII. PANANALANGIN


1) Personal Prayer. Humingi ng tawad sa Diyos dahil sa mga sumusunod:

i. Sa mga taong nagawan mo ng kasalanan

ii. Sa mga taong nakagawa ng kasalanan sa iyo

(declare that you have forgiven them too)

2) Pray for the bereaved family of Keano Torculas (son of Anne Torculas-Diancin).

3) Pray for our seekers last sunday (new believers) to continue their spiritual journey and understand their need of Jesus Christ.

4) Pray for our mentees / disciples to be excited in learning more of Jesus and be willing also to disciple others as their obedience to God’s mandate.

5) Pray for our church activities (Children’s sportsfest; young professional R&R; UFW alabaster outpouring)

6) Pray for our OFWs to have comfort & protection.


VIII. PANALANGING PANGWAKAS


Salamat O Diyos sa pagmamahal mo sa amin upang magawa rin namin ang mga hamon Mo lalo na sa mga Salita na narinig namin ngayon. Maging sa katugunan ng aming mga panalangin, alam namin na ang mga ito ay may perfect answer and timing. Patuloy Kang mapuri sa aming mga buhay at maging pagpapala kami sa aming mga kapwa. Ingatan Mo kami sa araw-araw at samahan ng Iyong Espiritu magpakailanman, Amen!


IX. PAALALA


1) Communion Sunday sa darating na linggo – ihanda ang mga elemento para dito (alak at tinapay)

2) Alabaster Outpouring ng mga kababaihan – this September 2022

3) Faith Night sa darating na Wednesday – September 14, 2022

4) Be a part of a Care Circle


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622

68 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page