top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 30 - Joy in Trials

Updated: Sep 28, 2022

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 20, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Joy in Trials

By: Martin Valenzuela

 

I. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


Maraming salamat, Panginoon sa iyong pag-iingat sa bawat isa sa amin. Sa kabila nang pabago-bagong panahon, palagi kang nakabantay sa amin. Maraming salamat sa mga panalanging tinugon mo na mula noong nakaraang FPC at nakalipas na Faith Night. Samahan mo po kaming muli at pakinggan sa aming pag-aaral ng iyong Salita, sa aming pag-aawitan at pananalangin, at sa aming pagpapatotoo ng kabutihan mo. Amen.

II. PASASALAMAT


Kung sino man po ang may patotoo sa ginawa ng Panginoon, lalo na kung kayo po ay naka-attend ng Faith Night, maaari niyo pong ibahagi sa grupo upang ma-encourage din sila kung paano tumutugon ang Diyos sa ating mga panalagin.


Gayun din kung sino man po ang may pasasalamat sa Panginoon dahil sa kabutihan niya sa inyo sa buong linggong lumipas, maaari niyo rin po itong i-share sa group.


Makigalak po tayo sa patotoo ng isa’t isa.


III. PANIMULA


Noong nakaraang FPC, pinag-aralan po natin ang buhay ng mag-among sina Philemon at ang run-away slave niya na si Onesimus. Natutunan natin na maaaring maging over-the-top concern din natin ang pagpapatawad sa mga naka-offend sa atin, katulad ng encouragement ni Paul kay Philemon para sa kanyang slave na si Onesimus. Mahirap – pero hindi imposible. At magagawa natin ito sa tulong at biyaya ng Panginoon.


Ngayon naman po ay lilipat na po tayo ng book sa Bible – tayo po ay nasa book of James na (Santiago sa Tagalog Bibles)! At ibang klaseng kagalakan po ang ating pag-uusapan ngayong araw – “Joy in Trials” o “Kagalakan sa Gitna ng Pagsubok”

IV. PAG-AAWITAN


Bago po ang lahat, tayo po muna ay umawit sa Panginoon:


This is my prayer in the desert

When all that's within me feels dry

This is my prayer in my hunger and need

My God is the God who provides


And this is my prayer in the fire

In weakness or trial or pain

There is a faith proved

Of more worth than gold

So refine me, Lord, through the flame


And I will bring praise

I will bring praise

No weapon formed against me shall remain

I will rejoice

I will declare

God is my victory and He is here


And this is my prayer in the battle

When triumph is still on its way

I am a conqueror and co-heir with Christ

So firm on His promise I'll stand


All of my life

In every season

You are still God

I have a reason to sing

I have a reason to worship


This is my prayer in the harvest

When favor and providence flow

I know I'm filled to be emptied again

The seed I've received I will sow


V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


James 1:1-4, ESV

1 James, a servant of God and of the Lord Jesus Christ,

To the twelve tribes in the Dispersion:

Greetings.


2 Count it all joy, my brothers, when you meet trials of various kinds, 3 for you know that the testing of your faith produces steadfastness. 4 And let steadfastness have its full effect, that you may be perfect and complete, lacking in nothing.


Santiago 1:1-4, MBB

1 Mula kay Santiago, lingkod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:

Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa iba't ibang bansa.


2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.


VI. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS


Sinulat ang aklat ng James para sa mga mananampalatayang dumaranas ng persecution at kahirapan. Marami silang kinakaharap na social at spiritual conflict. Ang ibang mga believers ay nagiging compromising na rin sa kanilang buhay. Nais ni James na itama sila at i-challenge na hanapin ang katwiran ng Diyos upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga pagsubok.


Ang aklat ng James ay nagtuturo sa ain na dapat nating ipamuhay ang pananampalatayang tinanggap natin. At sinimulan nga ito ni James sa pagtuturo ng dapat maging attitude ng isang mananampalataya tuwing humaharap siya sa pagsubok.


1. Be Prepared for trials – Maghanda sa pagsubok (1)


Mula kay Santiago, lingkod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:

Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa iba't ibang bansa.


Ang pagbati ni James ay specific sa lahat ng mga mananampalataya – mga hinirang ng Diyos na nasa iba’t ibang panig ng mundo. Nagkahiwa-hiwalay man dahil sa persecution, ngunit iisa ang kanilang pagkakatawag sa pangalan ng Panginoong Hesus.


Hindi tayo na-exempt sa mga trials at testings nang tinanggap natin si Hesus bilang Panginoon. Sa kabaligtaran pa nga, dahil sa pakikiisa natin kay Hesus, nakikiisa na rin tayo sa kanyang mga sufferings. Kaya maging handa tayo sa mga pagsubok! Kung si Hesus ay dumanas ng mga pagsubok, tayo pa kaya na mga tagasunod niya?

Sinasabi ito sa atin hindi upang takutin o i-discourage tayong sumunod sa Diyos. Sinasabi ito upang maging ready tayo at hindi na magulat tuwing sinusubok ang ating pananampalataya. Bahagi ito ng buhay Kristyano. At may dahilan ang Diyos kung bakit pinapayagan niya ito.


2. Be Patient in trials – Magtiyaga sa pagsubok (2-3)


Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.


Parang kabalintunaan (ironic) na tayo ay i-encourage na magalak kung dadaan tayo sa pagsubok, pero ito ang sinasabi ng Bibliya. Bakit kaya?


Hindi ito pagbabalewala ng hirap natin tuwing tayo ay sinusubok. Hindi rin ibig sabihin na huwag nating seryosohin ang bawat pagsubok na dinadanas natin. Ang nais ituro sa atin ni James ay magpalit tayo ng “mindset”. Sa halip na feeling bagsak, talunan, at takot na takot tayo tuwing sinusubok, bakit hindi tayo magalak?


Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok


Maaari tayong magalak sa kabila ng pagsubok dahil alam natin na pinatatatag ng pagsubok ang ating pananampalataya. Ang tuhod ng isang bata ay mas tumitibay kung gagamitin ito mas madalas sa paglakad at pagtakbo. Kung hindi ito gagamitin, magiging mahina ang tuhod at hindi nito masusuportahan ang bigat ng katawan.


Kung walang pagsubok, walang paglago. Mananatili lang tayong mga “baby Christians” na madaling madaya, ma-offend, mag-compromise, at marupok sa kasalanan.


Kaya magalak kapag sinububok ng buhay. Ibig sabihin, may opportunity tayong lumago at mas lumalim pa sa Panginoon.


Sa halip na magreklamo, “ano ba yan, problema na naman!”, pwede nating tignan ito na “paano kaya ipapakita ni Lord ang katapatan niya sa pagsubok na ito?”


3. Be Perfected in trials – Magtagumpay sa pagsubok (4)


At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.


Ang nakakalungkot lang sa mga dumadaan sa pagsubok, may mga mananampalatayang sumusuko na lang ang nawawalan na ng tiwala sa Diyos. Habang pinatatatag ang kanilang faith na magpo-provide si Lord, bumibigay ang iba at humahanap ng sariling paraan. Habang sinusubukan ang faith nila na si Lord ang magbibigay ng “tamang partner,” naiinip kaya napupunta sa maling relasyon. Hindi tuloy nape-perfect ang goal ng trials sa buhay nila.


Ang sabi ng sumulat ng Hebrews patungkol kay Jesus: Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.” (Hebrews 12:2b)


Ang nagtitiyaga sa panahon ng pagsubok ay nagtatagumpay. Katulad ni Hesus – na dumaan sa pinakamatinding pagsubok pero nagtagumpay, at batid niya ang kagalakang naghihintay sa kanya! Ang pananampalataya ay parang isang binhi na kailangang mag-ugat, kumapit at tumubo sa ating puso. At sa susunod na tayo ay susubukin ng kaparehong problema o sitwasyon, ang pananampalataya natin ang magpapatatag sa atin. Hindi na tayo madaling bumigay at bumagsak.


Ang ibig sabihin ng steadfast /-ness sa verse 4 ay a man who is not swerved from his deliberate purpose and his loyalty to faith and piety by even the greatest trials and sufferings. Sa madaling sabi, hindi madaling bumigay. Kapag nangakong susunod sa Diyos, magpapatuloy. Kapag nanumpa na magiging tapat sa gawain, hindi basta-basta babagsak kahit anong pagsubok. Magkasakit, maghirap, mapagod, o dumaan man sa anumang kabigatan, nananatiling tapat. Di ba’t yan naman ang gusto natin?


Kaya tayo ay magtiyaga sa anumang pagsubok – upang maging perfect ang ating pananampalataya.


At sa lahat ng ito ang confidence natin ay hinding-hindi tayo iiwan ng ating Panginoong Diyos. Kasama natin siya sa lahat ng ating pagsubok. Subok na natin yan.


VII. PAGNINILAY-NILAY

1. Anong attitude mo sa pagharap sa mga pagsubok?

(Takot? Malakas ang loob? Inis? Etc.)

2. Madali ka bang sumuko sa mga pagsubok?

3. Anong nabago sa pananaw mo sa pagsubok pagkatapos ng mensaheng ito?



VIII. PANALANGIN


1. Personal Prayer: hilingin sa Diyos na tulunga ka na magkaroon ng panibagong “mindset” tuwing humaharap ka sa mga pagsubok.

2. Ipanalangin ang mga kasamang dumadaan sa pagsubok ngayon. Hingin sa Diyos na bigyan sila ng panibagong lakas upang magtiyaga at magtagumpay sa kanilang hinaharap na pagsubok.

3. Ipanalangin ang ating water baptism activity. Nawa’y magpatuloy ang mga magpapabaptize sa pagsunod sa Diyos at lumago sila sa pananampalataya nang may kagalakan at katatagan.

4. Ipanalangin ang ating mga pastors at workers. Hingin sa Diyos na punan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Bigyan sila nawa ng anointing na galing sa Panginoon.

5. Ipanalangin ang mga kapatirang may karamdaman. Hingin sa Diyos ang kanilang kagalingan. Pangalanan kung kinakailangan.

6. Ipanalangin ang mga seniors. Hingin sa Diyos na bigyan sila ng ibayong lakas at creativity para sa kanilang paglilingkod sa kingdom.


IX. PANGWAKAS NA PANALANGIN


Salamat, Panginoon sa pagpapaalala sa amin na kami po ay hindi dapat matakot sa bawat pagsubok na dumadaan dahil kasama ka namin sa bawat hakbang. Tulungan mo po kami na magtiyaga at magtagumpay – at magkaroon ng kagalakan sa aming mga pagsubok. Nawa’y ang bawat pagsubok ay magbunga ng pananampalatayang “ganap at walang pagkukulang.” Amen.


X. PAALALA

1. Water baptism – kung may kakilala kayo na nais sumunod sa Panginoon sa water baptism, ipagbigay alam sa office o kay Ptr. Noolen

2. Alabaster Outpouring ng mga kababaihan – this September 2022. Pwede pong isabay sa ating mga offerings

3. Missions Offering – ihanda ang mga pledges at offerings.

4. Be a part of a Care Circle, at kung nais maging involved sa discipleship journey, magsabi lang sa ating mga pastor at leaders.


XI. PAGBIBIGAY

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


· Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

· Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

· Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622

82 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page