top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 32 - Small But Terrible

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 5, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Small But Terrible

By: Ptra Glho Bernal-Oyco

 

I. INTRODUCTION


II. PAG-AAWITAN


Draw me close to you Never let me go I'll lay it all down again To hear you say that I'm your friend

You are my desire No one else will do Cause nothing else can take your place To feel the warmth of your embrace Help me find the way Lead me back to you

You're all I want You're all I ever needed You're all I want Help me know you are near


III. PRAISE REPORTS


Ano ang mga naibigay ng Dios sa iyong buhay ngayong nakaraang linggo? Maaari mo bang i-share sa amin para mapasalamatan din naman naming ang Dios?

IV. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


(Manalangin with HANDS RAISED)


Father, we come to you with humble hearts. You are Lord of lords and King of kings. Wala pong makahihigit sa Iyo. Tunay at totoo ang Iyong Salita at nananalig po kami na tinutupad Mo ang Iyong mga pangako para sa Iyong mga anak. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa Inyong presensya sa aming sama-samang pag-aaral at pananalangin. Ito po ang aming dalangin, sa pangalan ni Hesus. Amen.


V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


3 When we put bits into the mouths of horses to make them obey us, we can turn the whole animal. 4 Or take ships as an example. Although they are so large and are driven by strong winds, they are steered by a very small rudder wherever the pilot wants to go. 5 Likewise, the tongue is a small part of the body, but it makes great boasts. Consider what a great forest is set on fire by a small spark. 6 The tongue also is a fire, a world of evil among the parts of the body. It corrupts the whole body, sets the whole course of one’s life on fire, and is itself set on fire by hell.

7 All kinds of animals, birds, reptiles and sea creatures are being tamed and have been tamed by mankind, 8 but no human being can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison.

9 With the tongue we praise our Lord and Father, and with it we curse human beings, who have been made in God’s likeness. 10 Out of the same mouth come praise and cursing. My brothers and sisters, this should not be. 11 Can both fresh water and salt water flow from the same spring? 12 My brothers and sisters, can a fig tree bear olives, or a grapevine bear figs? Neither can a salt spring produce fresh water.

SANTIAGO 3:5-12 (MBBTAG)

5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan.

6 Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at napaamo na ng tao,

8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay.

9 Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos.

10 Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid.

11 Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat.

12 Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.


VI. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS


Magkaroon tayo ng munting survey before we start: Anung bahagi ng iyong katawan ang pinakamalakas? (Hayaang ang bawat isa ay magbigay ng kani-kanilang tugon at allow them to demonstrate ang lakas ng napili nilang body part).


Ang kasabihan na ‘SMALL BUT TERRIBLE” ay maaring pamilyar sa bawat isa. Maaring narinig mo na ito sa napanood mo na pelikula o sa mga palabas sa telebisyon. Maaring ito ay narinig mo rin na ipinatungkol sa isang tao na SMALL BUT TERRIBLE na ang ibig sabihin, kahit maliit ay may natatanging galing.

Gayundin naman ang sabi ni Santiago na ang dila ay maliit bahagi subalit ito ay inihalintulad sa isang apoy na mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. Ibig sabihin, grabe ang impact! SMALL BUT TERRBILE! Ang SMALL BUT TERRIBLE na tinutukoy sa ating passage ay ang maliit na dila subalit ang mga lumalabas na salita ay nagdudulot ng pinsala.MALAKING PINSALA.


Mga lumalabas na salita sa bibig na nakakakapinsala: 1. Puno ng kamandag na nakamamatay – ang pagpapakalat ng maling balita tungkol sa kapatiran, kamanggagawa, kaibigan, kaopisina, kamag-anak o sa pamosong salita ngayon,ang pagma-MARITESS. Ang pagkakalat ng maling balita ay pumapatay sa isang relasyon.

2. Panlalait – kasama ang back biting sa taong nilalang ng Diyos

3. Pagsisinungaling

4. Pagrereklamong walang katapusan


Malinaw na hindi naman sinasabi ni Santiago na laging masama ang sinasabi natin, na hindi lahat ng sinasabi natin ay puno ng ‘lasong nakamamatay.’ Ngunit malinaw niyang ipinapahiwatig na may mga sinasabi tayo na nakakasakit, at nakalalason pa kung minsan—at nakababahala ang bagay na iyan sapagkat nagiging kadahilanan ng pagkasira ng isang magandang relasyon.


Hindi na tayo titingin sa iba, self evaluation na lang. Pansinin mo ang inyong sarili. Ang tinig na ginagamit mo na taimtim na nagpapatotoo ng kabutihan ng Diyos, ang tinig na taimtim sa pananalangin, at umaawit ng mga papuri sa Diyos ay maaaring ang tinig din na ginagamit na nambubulyaw at namimintas, nanghihiya at nanlalait, nananakit at dahil dito ay sumisira sa espiritu mismo ng isang tao, ikipinapanlamig sa pananampalataya, at maaaring paglisan sa church.


Nawa’y sikapin nating maging na kalalakihan at kababaihan kahit man lang sa paraang ito ngayon—sa pamamagitan ng hindi paggamit ng masakit na salita, o sa mas positibong paraan, sa pagsasalita gamit ang bagong wika, ang wika nagbibigay ng kalakasan sa bawat isang makakapakinig. Ang mga salita na lumalabas sa ating bibig ay mga salitang nagbibigay buhay. At ito ay magagawa natin sa pamamagitan ng patuloy na pagpapasakop sa impluwensya ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang nagbibigay pag-asa ay pumapahid ang mga luha, nagpapagaling ng mga puso, nagpapasigla ng buhay, nagre-restore back ng mga nasirang relasyon.


Napansin nyo ba nitong nagdaang bagyong Paeng? Dati, ang Ilog Marikina, kapag sumapit na ng ikalawang alarma, maraming bahay na ang nalulubog sa tubig. Subalit nitong nakaraang bagyong Paeng, kahit nagkaroon ng pangalawang alarma ay hindi agad maraming bahay ang nalubog sa tubig-baha. Salamat dahil sinisikap ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang patuloy na pagsasagawa ng dredging upang ang tubig baha ay di patuloy na makapaminsala sa mga mamamayan ng Marikina. Ang paglalagay ng riprap ay nakatulong din ng malaki para sa maharangan ang tubig-baha sa pag-apaw sa ilog J


Ang tubig-baha ay mapaminsala, magkaminsan ay kumikitil ng buhay, sumisira sa mga tahanan at pangkabuhayan. At upang di makapaminsala, ito ay ginagawan ng paraan na ma-kontrol. Kung ang tubig baha ay kino-kontrol upang di makapaminsala, di ba mas maganda na ang bawat salita na lumalabas sa ating bibig ay nako-kontrol din?


Kapag natututuhan nating kontrolin ang ating pananalita, matututuhan nating kontrolin ang iba pang mga ikinikilos natin. At ito ay nangangailangan ng patuloy na pagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos.


CONCLUSION Ang SMALL BUT TERRIBLE na bahagi ng ating katawan, ang ating dila ay gamitin natin sa ikapagpapalakas ng bawat isa. Maging TERRIBLE sa pagbibigay ng papuri sa Dios at pagpapasakop sa Kanya.


VII. PAGNINILAY-NILAY

Papaano makakatulong ang pagkontrol natin sa ating pananalita sa pagkontrol sa iba pang ikinikilos natin?



VIII. PANALANGIN


1) Magkaroon ng personal prayer sang-ayon sa ating pinag-aralan

2) Ipanalangin ang ating 54th Church Anniversary celebration – December 3 to 4, 2022 a. Ang provision sa bawat pamilya para sa Registration Fee na Php1,000.00

b. Ang working committee with Rhythm Carolino as Anniversary OIC

3) IPANALANGIN ang mga kapatiran na may karamdaman: Bro. Jun Sazon, Angelika Manlangit

4) IPANALANGIN ang patuloy na wisdom sa mga nagmementor, nagdidisciple – na magabayan sila ng Banal na Espiritu sa kanilang pagmiministry.

5) IPANALANGIN ang ministry sa children, youth at adult departments. Gayundin ang bawat nagsi-serve sa mga naturang departamento.

6) IPANALANGIN ang bawat lugar na nasalanta ng bagyong Paeng

7) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


IX. CLOSING PRAYER & ANNOUNCEMENTS


1) MFGC 54th Anniversary - #JCLAM FAMILY CAMP on December 3 to 4, 2022 at Boso Boso Highlands

2) FAITH NIGHT – November 9, 2022

3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


X. PICTURE TAKING, PAGKOLEKTA NG OFFERING at PAGSALU-SALO

Be a part of a Care Circle, at kung nais maging involved sa discipleship journey, magsabi lang sa ating mga pastor at leaders.


XI. PAGBIBIGAY

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


· Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

· Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

· Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622

60 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page