top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 33 - True Wisdom

Below is the material for our Family Prayer Cell on November 16, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


True Wisdom

By: Martin Valenzuela

 

I. INTRODUCTION


It’s a joy to have you po sa ating Family Prayer Cell! Ginagawa po natin ito dahil naniniwala tayo sa kapangyarihan ng panalangin at nananampalataya tayo na tumutugon ang Diyos sa ating mga prayer and petitions. Sa atin pong pagsisimula, ine-encourage ko po kayo na buksan ang inyong mga puso at ihanda ang inyong sarili sa pagkilos ng ating Panginoon sa ating kalagitnaan – habang tayo ay nakikinig sa kanyang salita, umaawit, at nananalangin. Atin pong simulan ang ating gawain nang may kagalakan!

II. OPENING PRAYER


Panginoong Hesus, salamat po at pinahintulot mong kami ay magsama-sama para sa iisang layunin: ang magpalakasan ng aming pananampalataya sa aming sama-samang pananalangin. Wini-welcome ka po naming kumilos nang malaya sa aming kalagitnaan. Pagpalain mo po ang bawat isa na handang tumanggap ng iyong paalala, pagtapik, at pagpapala. Maging focus ka po ng gawaing ito. Amen.


III. WORSHIP TIME


Ikaw Po Ang Itataas - Foursquare PH | MMND | You Are My God


Verse 1

Uhaw kong kaluluwa,

Ikaw po ang katighawan

Lito kong kaisipan,

Ikaw po ang kapayapaan

Nasasaktang damdamin,

Ikaw po ang kaaliwan

Kaya’t bawat papupuri,

Ikaw po’ng pag-uukulan

Chorus

(Dahil) Ikaw po ang lahat-lahat

(Dahil) Ikaw po ang tunay na lunas

(Dahil) Ikaw po ang dakila’t tapat

Ikaw po ang itataas

(Dahil) Ikaw po ang lahat-lahat

(Dahil) Ikaw po ang tunay na lunas

(Dahil) Ikaw po ang dakila’t tapat

Ikaw po ang dapat ngang itataas


Verse 2

Anumang gawain ko,

Ikaw po ay inaalala

Sinumang kausap ko,

Ikaw po’y ipapakilala

Saan man tutungo,

Ikaw po’y ilalathala

Kailanman sa buhay ko,

Ikaw po’y ibabandila


Bridge

Kayo po ang buhay at pag-asa;

Wala na ngang iba,

wala na pong iba!

IV. TESTIMONY


Kung may mga nais pong magbigay ng kanilang pasasalamat sa kabutihang ginawa ng ating Diyos, ito po ang inyong pagkakataon para ipagmalaki kung gaano ka-faithful si Lord sa kanyang mga pangako. Wag po tayong mahihiya! [Maghintay ng responses/testimonies]


V. SCRIPTURE READING


13 Who is wise and understanding among you? By his good conduct let him show his works in the meekness of wisdom. 14 But if you have bitter jealousy and selfish ambition in your hearts, do not boast and be false to the truth. 15 This is not the wisdom that comes down from above, but is earthly, unspiritual, demonic. 16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice. 17 But the wisdom from above is first pure, then peaceable, gentle, open to reason, full of mercy and good fruits, impartial and sincere. 18 And a harvest of righteousness is sown in peace by those who make peace. – James 3:13-18 ESV


Meron ba sa inyong matalino at nakakaintindi? Patunayan nyo yan sa mabuti nyong pamumuhay. Ipakita nyo sa mga ginagawa nyo na humble at matalino kayo. Pero kung sa puso nyo, bitter kayo, naiinggit, at puno ng mga selfish na ambisyon, wag kayong magyabang or magmalaki para pagtakpan ang katotohanan. Yang ganyang karunungan, hindi yan galing sa langit, galing yan sa mundo. Hindi yan sa Diyos, sa demon yan. Kasi kung saan may inggitan at pansariling ambisyon, nandun ang gulo at lahat ng klase ng masamang gawain. Pero ang karunungan na galing sa Diyos, una sa lahat, pure, nakikipagkasundo sa lahat, mabait, pinagbibigyan ang iba, sobrang maawain at nagbubunga ng mabubuting gawa, at hindi unfair o plastik. Hustisya ang aanihin ng taong nagtatanim ng kapayapaan. – James 3:13-18 NTPV


VI. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS


Sinulat ang Epistle of James para sa mga Christians para paalalahanan sila na iayon ang pamumuhay nila sa kanilang pananampalataya. In other words, walk your talk. Bagay ba ang kinikilos mo sa sinasabi mong standing mo sa Diyos? Totoo bang Christian ka na at binago ka na? Patunayan mo! Yan ang message ni James – practical at direct to the point.


Isang area na tinalakay ni James ay pagdating sa True Wisdom. “Totoo bang matalino kayo at nakakaintindi? Weh? Sige nga, prove it.”


Ang sabi ni Jesus, “Everyone then who hears these words of mine and does them will be like a wise man who built his house on the rock. And the rain fell, and the floods came, and the winds blew and beat on that house, but it did not fall, because it had been founded on the rock. – Matthew 7:24-25


Ang taong tunay na matalino, hindi basta-basta matitibag.


Pero ano nga ba ang True Wisdom?


1. Hindi pinagtatakpan ang katotohanan (14)


Ayaw ng Diyos sa mga taong mayabang. Maraming verses ang nagsasabi na ibinabagsak ng Diyos ang taong mayabang, habang itinataas ang mapagpakumbaba. Marami ding narratives ang Bible kung paanong napapahamak ang isang tao dahil sa kanyang pagmamataas. Hindi lang attitude problem ang kayabangan. Higit sa lahat, isa itong spiritual problem. Hindi lang ito kabaligtaran ng character ng Diyos, ito rin ay declaration na “hindi ko kailangan ng Diyos, magagawa ko sa sarili kong kakayanan!”


Sabi ni James, pwede kasi nating ipangtakip sa tunay na kondisyon ng ating puso ang kayabangan. “Pero kung sa puso nyo, bitter kayo, naiinggit, at puno ng mga selfish na ambisyon, wag kayong magyabang or magmalaki para pagtakpan ang katotohanan.”


Katulad ng mga bullies. Nananakot at nananakit sila para pagtakpan ang mga inner hurts nila. Ang pagmamataas ay pagtatago ng ating tunay na nararamdaman. Gusto natin ng atensyon. Gusto natin ng papuri ng mga tao.


“Kaya ko rin yan!”

“Wala yan sa lolo ko!”

“Sus, maliit na bagay lang yan. No big deal!”


Pero ang totoo, nagpupuyos na tayo sa inggit at bitterness sa kapwa. We can’t celebrate their wins because we think we lost. Pero natatalo lang naman tayo kapag niloloko natin ang ating sarili sa likod ng pagyayabang. Maaaring maitago natin ito sa harap ng tao, pero hindi sa harap ng Diyos.


Ang tunay na karunungan, hindi nagtatakip ng katotohanan.


2. Hindi pinagmumulan ng kasalanan (15-16)


Mabigat ang sinabi ni James, “Yang ganyang karunungan, hindi yan galing sa langit, galing yan sa mundo. Hindi yan sa Diyos, sa demon yan.”


Ang wisdom na galing sa Diyos ay hindi nagli-lead sa kasalanan. Hindi lang galit ang Diyos sa taong mayabang, galit siya sa kasalanan in general. At ang totoong karunungan walang halong kasalanan. Kung napapalayo tayo sa katwiran ng Diyos dahil sa inaakala nating “karunungan”, kailangang mag-isip-isip na tayo! Siguradong may mali!


Maraming ine-endorse na prinsipyo sa atin ang mundo na maganda at logical pakinggan pero malayo sa katotohanan ng Bible.


“Wag mo nang patawarin, dapat gantihan mo!”

“Ok lang yan, tanggap naman na yan ng society. Judgmental lang talaga sila.”

“Wala namang masama dyan. Ginagawa naman na yan ng lahat.”


Pero ang sabi ni James, “kung saan may inggitan at pansariling ambisyon, nandun ang gulo at lahat ng klase ng masamang gawain.”


Kung ang isang ideya o prinsipyo ay nagiging dahilan ng mga maling gawain, hindi yan galing sa Diyos. Hindi yan tunay na karunungan. Kung inilalayo ka sa Diyos ng pinaniniwalaan mong “karunungan”, hindi yan sa Diyos.


Ang tunay na karunungan, hindi pinagmumulan ng kasalanan.


3. Hindi pinaglalayo ang kapatiran (17-18)


Straightforward ang paalala ni James:

“Pero ang karunungan na galing sa Diyos, una sa lahat, pure, nakikipagkasundo sa lahat, mabait, pinagbibigyan ang iba, sobrang maawain at nagbubunga ng mabubuting gawa, at hindi unfair o plastik.”


Alam na natin ang nagagawa ng karunungang galing sa mundo: kapahamakan dahil ito ay nagli-lead sa kasalanan. Pero ang karunungang galing sa Diyos ay hindi lang naglalapit sa atin sa Diyos – kundi sa ating mga kapatiran.


Ang True Wisdom ay pure – dalisay at walang bahid-dungis.

- Magkaiba ang pagiging tuso (cunning) sa pagiging wise, dahil ang true wisdom ay naghahangad ng kabutihan ng iba – hindi ginugulangan ang iba.

- Magkaiba ang pagiging maalam (knowledgeable) sa pagiging wise, dahil ang true wisdom ay hindi lang basta head knowledge, kundi knowledge in action.


Ang pagiging cunning at knowledgeable ay nagiging dahilan para tayo ay magyabang dahil nagre-rely tayo sa sariling kakayanan. Ang pagiging wise ay nagiging dahilan para tayo ay maging humble, dahil nagre-rely tayo sa Diyos.


At kung tayo ay may true wisdom, magagawa nating makipagkasundo sa lahat, maging mabait, mapagparaya, maawain, at gumawa nang mabuti sa kapwa na hindi unfair o plastik. Pinagbubuklod ang kapatiran – yan ang true wisdom!


Panghuli, “Hustisya ang aanihin ng taong nagtatanim ng kapayapaan.” Sa tuwing ibibinibigay natin sa iba ang kagandahang-loob na bunga ng true wisdom sa atin, aani din tayo! Magiging mas malapit tayo sa mga kapatiran, at mas titibay ang ating relasyon kay Kristo.


VII. APPLICATION

Ikaw ba ay may true wisdom na? Ang pambungad ni James ay ganito:


“If any of you lacks wisdom, let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him.” – James 1:5

Humingi at ikaw ay bibigyan.



VIII. PRAYER ITEMS


Hingin natin sa Diyos na bigyan tayo ng true wisdom, at mai-apply natin ito sa ating mga relationships. Hingin na i-reveal sa atin kung may mga inggit o bitterness tayong tinatago sa likod ng ating pagmamalaki. Let the Holy Spirit minister to us in a moment of silence.


Bukod dito, ito po ang mga items na kailangan nating ipanalangin:

1. Mga may karamdaman: masakit ang ulo, katawan, paa; depression, cancer, galing sa major operation – maliit o malaki, nasa ospital o wala, hingin natin sa ating Great Physician ang kagalingan para sa kanila. Pangalanan sila hanggat maaari.

2. Mga nagluluksa: lahat nang pamilyang bumabangon emotionally dahil nawalan ng mahal sa buhay. Hingin sa atin Great Comforter na bigyan sila ng kapayapaan ng puso.

3. Mga ulila, balo, at hirap sa buhay: hingin sa ating Good Father na iprovide ang pangangailangan nila ito may ay financial, emotional, at higit pangangailangang spiritual.

4. Mga empleyado/business owners: Sa pagtanggap ng mga financial blessings, maging wise tayo sa paggamit ng ating mga resources para sa kaluwalhatian ng Diyos.

5. Church Anniversary/Family Camp: Wisdom para sa working committee at mga magiging speakers. Hingin din ang favor sa weather, maging maayos ang preparation ng venue, at magkaroon ng victory ang ating gawain.

6. Ipanalangin ang personal requests ng bawat isa.


IX. ANNOUNCEMENTS


1. Sarado na po ang registration para sa overnight ng ating Family Camp. Mag-abang ng mga announcements sa ating Facebook page. Sa mga sasama sa day tour rates, hintayin po ang paalala kung paano mag-register para sa day tour.

2. Maghanda din po ng ating Thanksgiving Offering. Ginagawa po natin ito tuwing ating anniversary service.

3. Jesus Reigns Celebration sa November 30. Kung nais maging bahagi, makipag-ugnayan kay Ptr. Noolen Mayo.


X. PICTURE TAKING, OFFERING and FOOD

Take pictures and post sa FB page ng JCLAM for attendance sake and most especially to encourage others to join us pray for the country, church & family.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



26 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page