top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 1 - He Cares, He Prays

Below is the material for our Family Prayer Cell on January 6, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




He Cares, He Prays

January 6, 2021

Luke 22:31-34

by Ptr. Kay Oyco-Carolino

 

1. Picture Taking


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.


Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC – kahit late na kayo mag-FPC :)


2. Pagbati


3. Pag-aawitan


Song #1

D - G

O what a mighty God we serve, o what a mighty God we serve

D - G - C - G - C

O what a mighty God we serve, oh, what a mighty God we serve.

(O let us sing and praise the Lord) (O let us clap…smile, wave..)


Song #2

C

Keep me true, Lord, Jesus, keep me true

G - Dm - G - C

Keep me true, Lord Jesus, keep me true

C - C - C7 - F

There’s a race that I must run, there are victories to be won

C - G - C - G - C

Give me pow’r every hour, to be true.


4. Opening Prayer


5. Praise Reports


Sobrang dami ng dapat ipagpasalamat sa Dios!

.

6. Scripture


Luke 22:31-34

31 “Simon, Simon! Makinig ka! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad sa ginagawa ng magsasaka na inihihiwalay ang ipa sa mga trigo. 32 Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.”

33 Sumagot si Pedro, “Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!”

34 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pedro, tandaan mo ito, bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong ikakaila.”


7. Mensahe


Bagong taon, bagong panimula! Yan ang tingin ng mga tao sa pagpasok ng Enero 2021. Kailangan may mangyaring iba. Dumarating ang mga tao sa puntong mangangako (ang iba ay nag-pe-peks man pa!) at itinataga pa sa kung saan (pati sa tubig?) para ipakita lang na seryoso sa ipinapangako.

Ang ating passage ay isang situwasyon ng Last Supper na kung saan malapit nang ipako si Hesus sa krus. Ang huntahan ni Hesus at ng mga alagad ay kung sino ang pinakahigit sa kanila. Kaya ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang ehemplo ng pagpapakumbaba at paglilingkod. Ipinahayag ni Hesus ang Kanyang naisin na ang Kanyang mga alagad ay makasama Niya sa kaharian.


Ngunit ang isang kapasin-pansin ay ang susunod na binanggit Niya tungkol kay Simon Pedro. It is worth noting.


1) Vs. 31 He particularly called Simon by his name. – Very personal si Hesus. Kilala Niya ang Kanyang mga alagad. He even mentioned it twice. He called his attention talaga. Bakit kaya? Alam na ni Hesus ang mangyayari sa Kanya sa mga nalalapit na araw.

2) Vs. 31 He informed them of Satan’s desire (na hinihingi ng permission sa Dios) to tempt them (to sift them like wheat, not only Simon but all of them). Humihirit si Satanas na mapasakanya pa rin ang mga tagasunod ni Hesus na kapag sinala sila na parang arina/trigo, ay titiwalag na sila mula kay Hesus patungo sa kanya, sa Diyablo. Ang tinutukoy rito ay lahat sila ngunit particular concern ni Hesus si Pedro.

3) Vs. 32 BUT THIS IS A WONDERFUL THING. May But, may NGUNIT… Sinabi ni Hesus na pinanalangin na Niya si Simon Pedro na hindi magkukulang sa kanyang pagtitiwala sa Messias, kay Hesus. Hindi pa nagtapos doon kungdi, ang tagumpay ni Pedro na makabalik sa kanyang pagkadapa ay magagamit niya mismo para ang iba naman ay palakasin rin sa kanilang panampalataya.

4) Vs. 33 With confidence, ang sagot ni Simon Pedro kay Hesus: “Lord, , “Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!” Magandang sagot, mabuting pangako, kahanga-hangang pagsunod.

5) Vs. 34 Jesus predicted that Simon Peter would betray Him three times and then the cock will crow. Isang kalunus-lunos na kalagayan ng pagkakanulo. At ayon sa kasaysayan ay nangyari na talagang hindi inamin na kasama siya ni Hesus, mariin niyang sinabi sa kausap niya na hindi niya kilala si Hesus…


Ano ang tingin ninyo sa situwasyon? Kay Hesus? Kay Simon Pedro? Maangas ba o sadya lang masigasig sa Kanyang pananampalataya?


Conclusion:

1) Nakakatuwa naman na si Hesus ay concerned sa mga alagad Niya

2) Napakabuting malaman na nalalangin Siya para sa Kanyang mga alagad (John 17) at particular, kay Simon na masugid Niyang tagasunod, ngunit babagsak pala ang paanamapalataya. Kung hindi kaya pinagpray ni Hesus sa Simon Peter, tuluyan na kaya siyang bumagsak?

3) Napakagandang malaman na may mabuting layunin talaga si Hesus sa mga tagasunod ng Dios…hindi lamang sila iligtas kungdi magamit sila --- ang kanilang karanasan, ang kanilang abilidad, ang kanilang kalakasan--- para ang iba naman ay tumatag din sa kanilang pananampalataya.

4) Mainam na makita natin ang ating sarili na marami tayong sinasabing pangako ng pagtitiwala sa Dios pero hindi rin natin ito natutupad. Hindi man tayo nangangako na hanggang kamatayan, marami rin tayong mga salita na tila may angas nating sinasabi…

5) Mabuti na lamang, nakabalik si Pedro at naging napakalaki ang kanyang naging kontribusyon sa paglaganap ng kaharian ng Dios.

Reflection:

Kumusta ka? Alam mo bang may nananalangin para sa iyo? Anong pakiramdam mo dito?Ano ang laging pangako sa Dios at naisin mon a talagang hindi ka na bumagsak sa paggawa nito?


8. Pananalangin


  1. Consecration prayer: Manalangin nang kanya-kanya upang ihingi ng tawad ang pagiging “UNFAITHFUL” sa Dios at sa mga pangakong binibitiwan.

  2. PRAYER FOR UNSAVED FRIENDS AND LOVED ONES - mention their names

  3. Prayer for the sick (Sis. Rose Atendido) and the weak (and their families, too!) May their trust in God be sustained!

  4. Wisdom sa lahat ng pagdedesisyon na gagawin ngayong January

  5. Provision para sa pambayad ng mga amelyar, bills, etc.

  6. The young and the old – na huwag manghina sa pananampalataya

  7. Those who can attend church will be willing to attend church

  8. Personal prayer requests

9. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203

GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551

BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526


10. Mga Anunsyo


11. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo

138 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page