Below is the material for our Prayer Cell #2 for the year 2023.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
God's Word vs. Satan's Lies
By: Sis. Esther Simon
I. PAG-AAWITAN
Your Word
You said You would give Your angels charge around us You said Weapons formed against us shall not prosper You said Truth will be our shield and our defender You said
You said I am the Alpha and Omega You said I am the bread of life from heaven You said I am the way, the truth, the life You said
Chorus: Your word can never be broken Can never be broken It is written and it's certain Your word can never be broken Can never be broken It is alive and it is working
You said A city on a hill cannot be hidden You said Ask of Me and I will give you nations You said The gates of hell shall not prevail against us You said
Bridge: Your light Your truth We claim the blood of Jesus Proclaim the word of Jesus At every door
II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Manalangin with HANDS RAISED)
Ama naming Dios, salamat po sa gabing ito na muli kaming nagsama sama sa pananalangin at sa pag-aaral ng iyong banal na Salita. Tunay na ang iyong mga Salita at buhay at totoo. Maraming salamat po dahil dito kami po ay may gabay sa aming buhay. Nawa’y di kami magpalinlang sa mga kasinungalingan ni Satan bagkus ay makita namin ang katotohanan sa iyong Salita na aming panghahawakan sa araw araw. Ikaw po ang magbukas ng aming kaisipan tungkol sa iyong mensahe, na ito ay magbigay buhay at katotohanan sa amin. Salamat po sa paggabay mo sa aming mga ipapanalangin, sa pangalan ni Hesus, Amen!
III. INTRODUCTION
Sino sa atin ang nakaranas nang maloko, mapag-sinungalingan, or manipula? Ano ang iyong naramdaman at ano ang inyong mga karanasan tungkol dito? Halimbawa:
1. Ikaw lang ang nag-iisa sa akin habang buhay
2. Pautang, babayarin din kita sa susunod na sahod
3. Hindi ko nabasa yung message mo. Nalowbat ako, di kita makontak.
4. Nagkasakit ako, nagLBM, masakit ang ngipin, masakit ang ulo.
Sino naman sa inyo ang may kakilala na sobrang authentic, di marunong magsinungaling? Yung parang lahat ng sinasabi ay siguradong totoo at gagawin nya? May kakilala ba kayo na ganito? Paano natin malalaman kung ang sinabi sa atin ay katotohanan o kasinungalingan?
Araw-araw nakakarinig tayo ng mga salita minsan hindi natin malaman kung ito ay katotohanan or kasinungalingan. Ang pagsisinungaling ay nandyan na simula pa lamang nung una, Si Eba ay naloko ng ahas sa pagsisinungaling nito. Ang pagbagsak ng tao ay nag-umpisa sa kasinungalingan ni Satanas. At patuloy ang pagloloko nya sa mga tao hanggang ngayon ay marami syang kasinungalingan na sinasabi sa bawat isa sa atin. Ang tanong, tayo ba ay patuloy na nagpapaloko sa kasinungalingan nya o tayo ay kumakapit sa katotohanan ng Salita ng Diyos.
IV. SCRIPTURE READING
Lucas 4:1-13
1 Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang 2 at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon, kaya't siya'y nagutom. 3 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito.”4 Ngunit sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao [kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos].[a]’” 5 Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar, at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig. 6 Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto. 7 Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito.” 8 Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” 9 Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin,sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ 11 at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’” 12 Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’” 13 Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon.
V. MESSAGE
Background: Pagkatapos na si Jesus ay mabautismuhan ni Juan Bautista sa Ilog Jordan, at bago magsimula ang kanyang ministeryo, ito ay isang paghahanda sa kanyang mission. Si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang or disyerto sa loob ng apatnapung araw ay tinukso sya ng diyablo. Di sya kumain ng kahit ano sa panahong ito at sya ay gutom na gutom.
Dito ay nakahanap ang kaaway ng pagkakataon na tuksuhin si Hesus dahil alam nya na gutom na si Hesus at Sya ay mahina sa pagkakataong ito. Nakaisip sya kung pano ito maliligaw sa kanyang mission, sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan o pandaraya.
Tignan natin ang mga pandaraya ni Satanas para linlangin si Hesus:
1) Sisirain nya ang magandang plano sayo ng Diyos. Si Jesus ay nasa disyerto sa paghahanda sa kanyang ministry o sa kanyang mission, kaya sya ay nag-aayuno. Ngunit binalak ng kaaway na ang plano ng Diyos kay Hesus ay matigil. Kaya ninais nya na sirain ang kanyang pag-aayuno. “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito” v. 3 Ano ang pangloloko o kasinungalingan dito? Iuutos nya sayo na bigyan halaga ang mga bagay na di naman kailangan sa buhay mo upang sirain ang mga planuhin ng Diyos sayo. Ano ang kasagutan ni Hesus sa kanya? ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos’. v.4 Ang katotohanan ay, nililinlang tayo ng kaaway sa maraming bagay. Mga bagay na akala natin ay kailangan natin sa buhay. Minsan akala natin gutom pa tayo kahit katatapos pa lang natin kumain. Akala natin kailangan magOT araw araw kahit sapat naman ang kinikita natin, dahil marami tayong luho sa ating sarili. Yan ang kasinungalingang ilalagay ng kaaway sa isip mo. Ngunit ang katotohanan ay, busog na ang physical na katawan mo, ang kailangan ng kain ay ang iyong Spiritu. Sya ang nangangayayat na dahil di tayo nakakakain ng Salita ng Diyos. ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos’.Basahin natin ang Salita ng Diyos, ito ang kailangan natin dahil ito ang gagabay sa atin sa magandang planuhin ng Diyos sa ating buhay. Nais ng Diyos na maging maayos ang buhay natin upang mas magampanan natin ang ating misyon bilang mga Kristiano, ngunit ililigaw nya tayo sa kanyang mga pandaraya. Iba pang mga kasinungalingan ni Satan vs. Mga katotohanan sa Salita ng Diyos.
i. Malala na yang sakit mo vs. Papagalingin ka nya 1 Peter 2:24 “He himself bore our sins” in his body on the cross, so that we might die to sins and live for righteousness; “by his wounds you have been healed.”
ii. Wala ka nang pag-asa sa buhay vs. God will give you hope Jeremiah 29:11 ~ For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, to give you a future and a hope.
iii. Ganyan na talaga buhay mo, salat at hirap, di ka na aasenso vs. You are rich in Christ Jesus Philippians 4:19 “And my God will supply every need of your according to his riches and glory in Christ Jesus.” Proverbs 10:22 “The blessing of the Lord brings wealth, without painful toil for it”
2) Susuyuin ka nya sa kapangyarihan at layaw ng mundo.
Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar. Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto. Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito.” v.5-7
Ipapakita sa atin ng kaaway ang kapangyarihan at kadakilaan ng mundo.Lilinlangin nya tao na maganda sa mundo, nakakaaliw dito. Masarap kumain, masarap matulog, nakakaaliw ang mga palabas, sports, movies, games, hobbies, etc. Hindi naman masama ito ngunit kung itong mga ito ay umuubos na ng oras natin na parang sinasamba na natin imbes na ang Diyos ang sambahin at Sya lamang ang dapat paglingkuran.
Ito ang katotohanang sagot ni Hesus.
v.8 Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”
Saan nauubos ang oras natin? Sabi ng salita ng Diyos, sino dapat ang sambahin natin? Ito ang katotohanan, Diyos lang dapat ang paglingkuran. At hindi ang kasinungalingan ng kaaway na akala natin ay magpapasaya sa atin.
3) Lilinlangin ka nya na magduda sa kakayanan at kabutihan ng Diyos. 9 Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil nasusulat,‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ 11 at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’” Ang kasinungalingan ng kaaway ay sasabihing, “totoo bang tutulungan ka ng Diyos sa mga problema mo, totoo bang papatawarin ka nya sa mga kasalanan mo? Totoo bang magpprovide sya?” Lilinlangin ka nya na magduda sa kakayanan at kabutihan ng Diyos. 12 Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’” Jesus quotes Moses from Deuteronomy 6:16 “You shall not put the Lord your God to the test, as you tested Him at Massah.” Sinubukan ng mga Israelites ang Diyos, di sila nagtiwala sa Kanya sa kabila ng mga nawitness nilang himala na ginawa nya. Psalm 33:4 For the word of the Lord is right and true, he is faithful in all he does. Ang Diyos ay dakila at tapat, sya ay mabuti at nais nya na tayo ay mapunta sa maayos na sitwasyon kaya magtiwala tayo sa kanya at huwag syang pagdudahan o subukin. He will help us, he will protect us, give us good health, he will provide for us, he will heal us. Huwag mo ito pagdudahan, ang Salita ng Diyos ay TOTOO.
John 17:17
17 Sanctify them by the truth; your word is truth.
CONCLUSION:
Alam natin kung san nagmumula ang katotohanan, ito ay sa Salita ng Diyos. Kung kaya upang makaiwas sa kasinungalingan at panloloko ni Satan, ang ating kapitan ay ang Bibliya, patuloy natin itong basahin at paniwalaan. Madali tayo malilinlang kung malayo tayo sa Salita ng Diyos at hindi natin ito alam. Kung nais nating hindi malinlang at nais natin na lumayo ang kaaway, panghawakan natin ang Salita ng Diyos, ito ay totoo. Kung meron nag-iisang kasiguraduhan dito sa mundo, ito ay ang Salita Nya, wala nang iba. Ito ay sigurado at di masisira. Ito ay buhay at kumikilos.
VI. PANALANGIN
1) Sabay sabay na manalangin, nawa ay mawari natin ang katotohanan kaysa kasinungalingan ni Satan. Patuloy na paniwalaan ang Salita ng Diyos sa ating buhay. Declare the word of God into our lives. Declare healing, financial breakthrough, restoration of broken relationship, declare great/bright future for each and everyone..
2) Personal na ipanalangin ang iyong daily devotion and Bible reading, na maibalik ang pananabik sa pagbabasa ng sariling Bibliya, I-meditate ito umaga at gabi at matutuhang I-memorize ang kanyang mga pangako sa ating buhay.
3) Ipangalangin ang ating mga pastors, na patuloy nilang panghawakan ang katotothanan sa Salita ng Diyos sa kanilang buhay, patuloy na kalakasan, provision, katalinuhan, kalusugan sa kanila at sa kanilang buong pamilya.
4) Ipanalangin ang mga inaalagaang mga disciples – na sila ay magpatuloy sa paniniwala sa salita ng Diyos. Ipanalangin rin ang mga disciple-makers na lumalim sa word of God at ito ang kanilang maging gabay sa pagdidiciples..
5) Anointing para sa mga worship services natin tuwing 9 am na live at 2pm at ang recorded streaming - buksan ng Banal na Espiritu ang spiritual understanding ng lahat ng makakajoin dito.
6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
VII. PRAISE REPORT
Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang mga salita o mga pangako na natupad sa ating buhay nitong mga huling araw o Linggo.
VIII. ANNOUNCEMENTS
1) MASS DEDICATION – Jan 28, Sabado, kung gusto pong sumabay, need ma-interview ng pastors.
2) MASS WEDDING – April 1, Sabado, kung gusto pong sumabay, makipag-ugnayan sa pastors.
3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL at sa FAITH NIGHT (alternate)
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
6) Missions Pledging ang Giving
7) Birthday po ng ating 2 pastors: Ptr. Noolen (19th) and Ptra. Glho (12th)
IX. PICTURE TAKING, OFFERING and FOOD
Take pictures and post sa FB page ng JCLAM for attendance sake and most especially to encourage others to join us pray for the country, church & family.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments