top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 10 - Go and Sin No More

Below is the material for our Family Prayer Cell on March 10, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Go and Sin No More

March 10, 2021

John 8:1-11

By: Ptra. Kay Oyco-Carolino


Instruction: Sa maraming lugar sa mundo, wala silang pagkakataon na magtipon nang katulad ng ginagawa natin. Ang mga dahilan nila: Busy sa pagkayod dahil mahalaga sa kanila ang kumuha ng maraming pera, binawal sa lugar nila ang anumang pagtitipon na may kinalaman sa relihiyon at Bibliya, hindi sila naniniwala sa Dios o kaya naman ay wala lang silang pakialam sa pangangailangan ng kanilang kapaligiran. Mapalad ka, mapalad ako, mapalad tayo na malaya pa rin nating nagagawa ito. I-grab natin ang ganitong mga pagkakatipon at huwag nang hintayin na ipagbawal pa sa atin ito bago pa natin ma-enjoy ang ganitong gawain.

 

1. Picture Taking


Smile! Picture muna. Pero pagkatapos ng picture, hear and pray na. Tiyakin na napost sa FB under the FPC announcement.


2. Pagbati


We thank God for everyone who cooperates not just sa activity ng FPC kungdi sa mismong dalanginan. Iba ang kapangyarihan ng panalanging sama-sama! God answers prayers!


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


ANG TANGING ALAY KO by Raymund Remo


For tutorial:


Em - A - D - Dsus - Em - A - D - Dsus - Em - A - D

(1st verse) Salamat sa Iyo, Aking Panginoong Hesus

Ako'y inibig Mo At inangking lubos


D7 - G - A - F#m - Bm

(Chorus) Ang tanging alay ko sa Iyo aking Ama, Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa


Em - A - D - D7

Di na makayanang maipagkaloob, Mamahaling hiyas O gintong sinukob


G - A - F#m - Bm

Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin, Ang tanging alay ko nawa ay gamitin


Em - A - D

Ito lamang Ama wala nang iba pa Akong hinihiling


(2nd Verse) Di ko akalain Na ako ay bigyang pansin

Ang taong tulad ko Di dapat mahalin

(3rd Verse) Aking hinihintay Ang Iyong pagbabalik, Hesus

Ang makapiling Ka'yKagalakang lubos


4. Pambungad na Panalangin

.

5. Pagbasa ng Scripture


John 8:1-11 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)

Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. 2 Kinabukasan, maaga pa'y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat ng mga tao. Umupo siya at nagsimulang magturo. 3 Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya.

Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.

7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.

9 Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwannila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus.10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” 11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”


6. Pagpapaliwanag ng Mensahe


Background: Unti-unti nang nakikita ng mga tao ang tunay na misyon ni Hesus bilang Anak ng Dios na Magliligtas sa mundo. Si Nicodemus ang isa sa mga nagsisimula nang makita iyon kaya kahit salungat siya sa ibang Pariseo ay tinutuloy pa rin niya ang kanyang mga pagtatanong.


Minsan habang nagtuturo si Hesus sa Templo ay dumating ang mga Pharisees/Pariseo at tangan ang isang babaeng inaakusahan nila ng pangangalunya.


Panghuli lang ito ng mga Pariseo kay Hesus. Gustung-gusto na nilang maparatangan si Hesus upang tumigil na Siya sa Kanyang mga pagtuturo dahil nasasagasaan ang kanilang mga pinipilit na ituro: Mga batas ni Moses at may dagdag nila upang lalong pahirapan ang mga tao.


Ngunit hindi sumagot si Hesus agad. Nagsulat Siya sa lupa. (ano kaya ang sinusulat NIya? Mga kasalanan ng mga nagpaparatang? Yung Old Testament Law na punishment of death?) Anuman ang sinulat Niya, makikita natin na hindi basta basta Siya nag-judge sa babaeng dinala sa Kanya. Pinahintay Niya ang mga ito sa Kanyang “di akalaing sagot’.


Alam Niya ang motibo ng mga taong ito. Ngunit nangulit sila. Sumagot si Hesus sa verse 7.


Ano ang sagot ni Hesus? (Let all read it!) “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” Tinuloy Niya ang pagsusulat sa lupa. Bakit kaya ganito ang tugon ni Hesus?


Ang goal ni Hesus ay itama ang hypocrisy/pagbabalatkayo ng mga Pariseo at gawin ang self-examination bago humusga. Ganito lagi ang mga Pariseo: Tinitingnan nila ang kanilang mga sarili na laging matuwid at tama, at tinitingnan nila ang iba na hindi nila kauri na mas mababa sa kanila o kaya nama’y huhusgahan agad ang mga tao na walang konsiderasyon.


REFLECT:

Pareho din ba tayo ng mga Pariseo? Saang area tayo minsan nagiging judgmental sa ibang tao o kaya naman ay “feeling superior” sa ating spirituality kaysa sa iba? Pag-isipan. Magshare.


Ano ang naging reaksyon ng mga Pariseo sa verse 9? Isa isa silang nag-alisan mula sa pinakamatanda. Ano kayang nasa isip nila? (hintayin ang sagot)


Tumayo si Hesus at nagtanong: “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”


REFLECT:

Habang naguusap kanina ang mga Pariseo at si Hesus, ano kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Kung ikaw o ako ang nasa kalagayan niya, ano kaya ang inaabangan mong sagot ni Hesus? Kung hindi pa natin kilala si Hesus, marahil iba rin ang inaasahan natin sagot. Kung kilala na natin si Hesus, marahil iba na rin ang ating inaasahan. Is Jesus condemning us or not?


Sinundan ni Hesus ang tanong. At sinabi Niya ito: “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”


Si Hesus ang Anak ng Dios, ang Messias, ang Savior na nagpapatawad ng kasalanan kaya karapat dapat Niyang sambitin ang mga salitang iyon. Napakagandang marinig ng babae ito sa ganitong panahon. Hindi siya umalis sa tabi ni Hesus. Hindi siya natakot. Hindi na niya naramdaman kay Hesus ang kahihiyan kungdi ang malasakit, pagtatanggol at mas mataas na pagtingin sa kanya sa kabila ng kanyang ginawa. Nagsi-alisan ang mga humahatol sa kanya, ngunti nanatili si Hesus sa tabi niya nang walang paghuhusga.


Ngunit kapansin-pansin na hindi natapos doon ang sinabi ni Hesus. May utos Siya na hindi na dapat mamuhay ang babaeng ito sa kanyang kalagayan…na hindi na siya magtuloy sa pagkakasala.


CONCLUSION:

Ang mga Pariseo ay umalis…marahil alam na may kasalanan din sila ngunit hindi sila nanatili upang matanggap ang biyaya ng pagpapatawad ni Hesus. Ang pride nila ang nagtutulak sa kanila na patuloy pa ring gawin ang mali.


Ang babae, sa kabaligtaran, ay natanggap ang pagpapatawad ni Hesus at pinauuwi siya na dala ang kapayapaan at pagpapatawad na iyon.


Tayo ay pinatawad na ni Hesus kaya patuloy tayong mabuhay nang hindi nagpapatuloy sa kasalanan. Ngunit kung hindi pa natin naisusuko ang ating buhay kay Hesus, ngayon na ang panahon at hayaan mong maranasan ang Kanyang pagpapatawad at hindi paghuhusga. Nawa’y ang saloobin at gawi ng mga Pariseo ay hindi natin tularan bagkus patuloy tayong magpakumbaba sa Dios.


7. Pananalangin


  1. Humingi ng tawad sa Dios sa pagiging judgmental at condemning sa ibang taong nagkakasala….na magpatawad tayo sa nagkasala sa atin…na patawarin sila ng Dios

  2. Tumataas muli ang Covid cases. Ingatan nawa tayo ng Panginoon at bigyan ng kagalingan ang ating mga mahal sa buhay na dumadaan dito.

  3. Pamahalaan – bigyan ng karunungan ng Dios sa pamamalakad… Mula sa office of the President hanggang kagawad. Prayer for your mayor and barangay captain.

  4. Mga bagong plano ng JCLAM church….Nawa’y pangunahahan tayo ng Dios.

  5. Mga pastors ng JCLAM – bigyan ng wisdom and strength

  6. Bawat pamilya na magmahal sa Dios, sambahin ang Dios, ipamgmalaki ang Dios.,,at hindi pagkulangin ng Dios sa mga pangangailangan.

  7. Personal Requests - Ipanalangin ang nasa kaliwa at kanan

  8. NATIONWIDE PRAYER AND FASTING MULA Feb. 28 hanggang April 4. Fresh Anointing ng Banal na Espiritu.


8. Testimony


Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I truly honor God…’ o “Dinadakila ko ang Dios dahil…”


9. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


10. Mga Anunsyo


  1. Birthday po ni Pastora Kay today (March 10)!

  2. Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination) sa ganap na 8:00 hanggang 9:00 ng GABI. Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. MARCH 7, Linggo ng gabi 7:50-9 pm. Makibahagi sa gawain ng Foursquare National. Link ay nasa FB Page natin. Kung maaaring 2 meals sa March 29 (maliban kung may sakit)

  3. Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!

  4. Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.

  5. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.

  6. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.

142 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page