Below is the material for our Family Prayer Cell on March 17, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Sino ang Tunay Mong Ama?
March 17, 2021
John 8:42-47
By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
Instruction: Maraming bolero sa paligid natin:Sa manliligaw, sa mga politico, sa mga scammer… Ngunit ang Salita ng Dios ay kahit kailan hindi nambobola. I-grab natin ang ganitong mga pagkakatipon at huwag nang hintayin na ipagbawal pa sa atin ito bago pa natin ma-enjoy ang ganitong gawain.
1. Picture Taking
Smile! Picture muna. Pero pagkatapos ng picture, hear and pray na. Tiyakin na napost sa FB under the FPC announcement.
2. Pagbati
We thank God for everyone who cooperates not just sa activity ng FPC kungdi sa mismong dalanginan. Iba ang kapangyarihan ng panalanging sama-sama! God answers prayers!
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Ikaw ang Tunay Na Dios
C Am Dm G
Pupurihin Ka O Diyos Ang aming alay ay pagsamba
C CM7 F G
Kaluwalhatian buong karangalan Kapangyarihan Mo'y walang katulad
(Koro)
C CM7 F Dm G
Ikaw ang tunay na Diyos Ika'y walang katulad Ika'y nag-iisa Ikaw lamang wala ng iba
C CM7 F Dm G C
Sa'yo ang aming awit dinggin ang aming tinig Isisigaw sa buong mundo Kadakilaan Mo.
For You Alone – Tagalog
G7 C D Bm Em
Tanging sa ‘Yo binibigay ang nararapat na luwalhati
G7 C D Bm E
Tanging sa ‘Yo inaalay ang kataas-taasang papuri
G7 C D Bm Em Am D G
Ang mukha Mo ang laging hanap, sa piling Mo ako’y ganap Ama, iniibig Ka, sa Iyo sumasamba
4. Pambungad na Panalangin
.
5. Pagbasa ng Scripture
John 8:42-47 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
42 Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo Niya ako. 43 Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong tanggapin ang itinuturo ko? 44 Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. 45 Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagkat katotohanan ang sinasabi ko sa inyo. 46 Sino sa inyo ang maaaring magpatunay na ako'y nagkasala? At kung katotohanan ang sinasabi ko, bakit ayaw ninyong maniwala sa akin? 47 Ang mula sa Diyos ay nakikinig sa mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig sa akin sapagkat kayo'y hindi mula sa Diyos.”
6. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Background:
As usual, ang mga Pariseo ay nagyayabang na sila ay galing sa ninuno nilang si Abraham (John 8 vs.33). Hindi sila makapayag na kailangan nilang makalaya dahil sa pilosopong sagot na kahil kailan daw ay hindi naman sila naging alipin. Ang tinutukoy ni Hesus, siyempre, ay ang personal Niya bilang Katotohanan na magpapalaya sa mga tao sa kanilang pagkakagapos sa kasalanan. Hindi nila ‘feel’ o tanggap ang mga katagang ito ni Hesus. Jesus challenged them more na kung sila talaga ang descendants of Abraham ay bakit nila gusto Siyang patayin (vs. 39,40). Kahit kailan ay walang ginawang ganun si Abraham. At nagbanggit na si Hesus sa vs. 41 na ginagawa ng mga Pariseo ngayon kung anong ginagawa ng totoo nilang tatay o ama. Kaya ganoon na lang ang pagtanggol nila sa kanilang sarili na hindi sila anak sa labas at ang tunay daw nilang ama ay ang Dios Ama mismo.
Main Content:
Ilagay natin sa isang table ang pagkakaiba ng ama na tinutukoy ni Hesus: (Kung walang printed material, pagusapan na lang ang pagkakaiba diretso mula sa Salita ng Dios at hayaan ang mga participants na sabihin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap o katangian)
Kung sino ang tunay na ama ng mga Pariseo
Conclusion:
Gustong ipakita at iparealize sa mga Pariseo na hindi ang Dios Ama ang tunay nilang ama kungdi ang diyablo dahil pareho ang kanilang ginagawa: Nagsisinungaling, hambog at ayaw maniwala kay Hesus bilang Anak ng Dios at hindi nakikinig sa Salita ng Dios.
Ang mga Pariseo ay napikon at nagalit at inakusahan at tinawag si Hesus na isang Samaritano (ibig sabihin, hindi lahi ni Abraham, hindi Judio) at Siya raw ay demon-possessed (sa vs. 48) Kumbaga, tahasan nang sinsabi ni Hesus na ang tunay na tatay ng mga Pariseong kausap NIya ay ang Diyablo. Kumbaga, sa titulo lang sila Judio at lahi ni Abraham ngunit ang puso nila ay malayo sa TUNAY NA DIOS.
Reflection:
Pansinin ang ating mga sinasambit, ginagawi at saloobin tungkol sa Dios. Kung hindi natin nagagawa ang nasa huling column ng picture (banggitin isa isa kung walang printed copy), sa malamang ang tunay mong ama ay ang Diyablo. Hindi tayo ang nagsasabi nito kungdi ang Bibliya. Alam ng Dios kung sino ang nasa panig Niya at kung sino ang patuloy na nabubuhay nang may pagpapaimbababaw.
7. Pananalangin
Manalangin sa sarili lamang at sinserong lumapit sa Tunay na Dios. Iwaksi at irebuke ang Diyablo sa iyong buhay.
Tumataas muli ang Covid cases. Ingatan nawa tayo ng Panginoon at bigyan ng kagalingan ang ating mga mahal sa buhay na dumadaan dito.
Ipanalangin na ma-enkuwentro ng mga mahal natin sa buhay si Hesus upang tumigil na sa pamumuhay ng pagsisinungaling at simulan nang pagtiwalaan si Hesus.
Ipanalangin ang mga matatandang hindi natin nakakasama sa church (magbanggit ng mga pangalan)
Ipanalangin na ang mga anak ng Dios ay magkaroon ng layunin sa buhay ayon sa itinakda ng Dios
Mga walang trabaho, mga taong baka mawalan ng trabaho, at ang mga tamad na tila ayaw magtrabaho; gayundin ang mga nagtatrabaho na palakasin ni Lord.
Personal Requests - Ipanalangin ang nasa kaliwa at kanan
NATIONWIDE PRAYER AND FASTING MULA Feb. 28 hanggang April 4. Fresh Anointing ng Banal na Espiritu.
8. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I truly honor God…’ o “Dinadakila ko ang Dios dahil…”
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
10. Mga Anunsyo
Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination) sa ganap na 8:00 hanggang 9:00 ng GABI. Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. MARCH 7, Linggo ng gabi 7:50-9 pm. Makibahagi sa gawain ng Foursquare National. Link ay nasa FB Page natin. Kung maaaring 2 meals sa March 29 (maliban kung may sakit)
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need ng bagong grupo, message Ate Meki.
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
コメント