2021 Family Prayer Cell 12 - Display God's Glory
- Marikina Foursquare
- Mar 24, 2021
- 6 min read
Below is the material for our Family Prayer Cell on March 24, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:

Display God's Glory
March 24, 2021
John 9:1-12
By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
Instruction: Nawa’y habang nangyayari ang ating FPC ay hindi lockdown sa ating kalye o barangay. Ngunit kung ganoon man, magpasalamat pa rin sa Dios na hindi na lalockdown ang Salita ng Dios at ang pananalangin! Walang makapipigil na gawin natin ito! Challenge talaga! Kaya TULOY LANG!
1. Picture Taking
Smile! Picture muna. Pero pagkatapos ng picture, hear and pray na. Tiyakin na napost sa FB under the FPC announcement.
2. Pagbati
Corporate prayer works wonder! Kahit hindi ka pa sanay, ang simple faith mo ay maaari nang maging saligan upang magkaroon ka ng kumpiyansa na humarap sa Dios.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
(G) C (G) C Am Dm - G
My Glory and the Lifter of my head, my Glory and the Lifter of my head
C C7 F Dm G G C
For Thou O Lord, art a Shield to me, my Glory and the Lifter of my head
G C G C
I cried unto the Lord with my voice I cried unto the Lord with my voice
G C D7 G
I cried unto the Lord with my voice and He heard me out of His holy hill!
C G F G C G F G C
Glory, Glory, Glory to the Lamb Glory, Glory, Glory to the Lamb
C7 F G Em Am Dm G C C7
For You are glorious and worthy to be praised, the Lamb upon the throne
F G Em Am Dm G C
And unto You shall we lift our voice in praise the Lamb upon the throne.
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, nagpapasalamat po kai sa pagkakataong magkasama-sama upang makinig ng Inyong salita at makapanalangin para sa aming pangangailangan. Patawarin po Ninyo kami sa aming pagkakasala sa buong linggong nagdaan. Patuloy po Ninyo kaming gabayan ng Inyong Banal na espiritu sa aming pananalangin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.”
.
5. Pagbasa ng Scripture
John 9:1-12 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
1 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa nang ipanganak. 2 Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Rabi, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?”
3 Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. 4 Kailangang gawin natin[a] ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin[b] habang may araw pa; darating ang gabi, kung kailan wala nang makakapagtrabaho. 5 Habang ako'y nasa sanlibutan, Ako ang ilaw ng sanlibutan.”
6 Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. 7 Sinabi ni Jesus sa bulag, “Pumunta ka sa imbakan ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon.” (Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo.) Pumunta nga ang bulag, naghilamos doon, at pagbalik niya ay nakakakita na.
8 Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siya'y namamalimos pa, “Hindi ba iyan ang lalaking dating nakaupo at namamalimos?”
9 Sumagot ang ilan, “Iyan nga!” Sabi naman ng iba, “Hindi! Kamukha lang.” Kaya't nagsalita ang dating bulag, “Ako nga po iyon.”
10 “Paano kang nakakita?” tanong nila.
11 Sumagot siya, “Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at ipinahid iyon sa aking mata. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, ‘Pumunta ka sa Siloe at maghilamos.’ Pumunta nga ako doon at naghilamos, at nakakita na ako!”
12 “Nasaan siya?” tanong nila sa kanya. “Hindi ko alam,” sagot niya.
6. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Vs. 1. Hindi naman lumapit ang bulag sa mga alagad. Take note na bulag siya nang ipinanganak. (Magbanggit tayo ng mga mga kakilala natin o tayo mismo na nandun na raw ang sakit nung ipinanganak --- kahit pisikal o developmental)
Ang description na ginagamit ng medicine ay “congenital”. (Congenital anomalies can be defined as structural or functional anomalies that occur during intrauterine life. Also called birth defects, congenital disorders, or congenital malformations, these conditions develop prenatally and may be identified before or at birth, or later in life.).
Vs. 2. Sino ang nagtanong agad kay Hesus? Yes, ang mga alagad. Alam nyo po ang mga conversations na ito kay Hesus ay kuwentuhang laging may kuwenta…lagi kang may matututuhan. Siya ay kanilang guro kaya ang tawag ay Rabbi. Ano ang tanong nila?
SINO ANG NAGKASALA? Siya ba o ang mga magulang niya?
Derestsahang tanong ha. Ina-assume ng mga alagad na BULAG SIYA DAHIL MERONG MAY KASALANAN. Papipiliin na lang nila si Hesus kung sino.
Pause: Ganyan din tayo magisip, di ba? Kapag may mali, may depekto, may kapansanan, may sakit….ANG UNANG NAIISIP NATIN AY MAY GINAWANG KASALANAN. Ngunit di natin masisisi ang mga alagad kas inga ang mga turo ng rabbis noon ay: BAD THINGS HAPPEN TO EVIL PEOPLE. Kaya pati sanggol na walang malay ay maaaring pagdudahan na may dahilang magalit ang Dios sa kanya.
On one hand, totoo naming may karampatang kaparusahan ang mga pagkakasala natin ngunit hindi sa lahat ng panahon ay maku-conclude natin na lahat ng sakit ay dulot ng kasalanan…katulad ng situwasyong ito. Hinay hinay lang sa paghusga ngunit kung nagkasala naman talaga ay kailangang humingi ng pagpapatawad.
Vs. 3 Pumili ba si Hesus sa dalawang choices ng mga alagad? Yung anak ba o magulang? Ano ang sagot Niya: UPANG MAHAYAG ANG KAPANGYARIHAN NG DIOS (God’s power, God’s glory, God’s acts will be seen, shown, revealed, displayed through his sickness) Madalas kasi, ang mga tao, kailangan ng mga ganito upang malaman lamang talaga kung Siya ay tunay na sinugo ng Dios Ama. He shows off His power for people to see His glory.
Vs. 4 At gagawin ni Hesus iyon dahil hindi magbida bida lamang kungdi PANAHON NA NIYANG GAWIN IYON at sinasabi Niya ito HABANG MAY PANAHON PA SIYA. Ilang panahon na lamang ay mamatay na rin Siya sa krus kaya ang misyon Niya ay ginagawa Niya habang Siya ang Liwanag ng mundo. (vs. 5) Siya nga ang tunay na magbibigay ng liwanag sa paningin ng taong ito. At dahil sa Kanyang Liwanag, maraming makakaunawa kung Sino talaga ang Mesias.
Vs. 6-7 Gumamit si Hesus ng Kanyang sariling dura/lura at ginawang putik na pinahid sa mata ng lalaki. Pinaghilamos ito. Kailangan ba ito?
Gustong ipakita ng Dios na kahit anong bagay ay maaari Niyang gamitin, ayon sa Kanyang layon, upang ipakita ang Kanyang kaluwalhatian. Isang marahil na dahilan ay upang mafocus ang mga tao sa proseso nang mas matagal upang may panahong magnilaynilay sa nangyari. Anumang kaparaanan ng Dios, ang taong ito ay nakakita na after a long time.
Imagine the joy that this blind man has…Nakaupo lang lagi sa gilid…now..being able to see for the first time!
(Spiritually, ganyan din tayo nung nakilala natin si Hesus…tila mga bulag na walang direksiyon ang buhay ngunit tayo ay biglang nakakita…at binigyan tayo ng Dios ng kaliwanagan sa kahulugan at kabuluhan ng ating buhay. Praise God!)
Vs. 8 onwards… Nagkataka siempre ang mga kapitbahay. Ngunit tiniyak ng mamang ito na siya nga yung dating nasa sulok lang ngunit pinagaling ayon sa ginawa ni Hesus sa kanya…ngunit hindi niya personal na kilala si HESUS. Ang alam niya, tinatawag Siyang Hesus ng mga tao.
Conclusion: Nawa’y makita natin lagi ang GLORY o kaluwalhatian ng Dios sa ating mga buhay…sa mga maliliit man o malalaking bagay na gingagawa Niya sa atin.
Ikaw, ano ang reflection mo sa iyong narinig na Salita ng Dios? Ano ang mensahe ng Dios sa iyo?
7. Pananalangin
Mag- concert prayer para sa mga kilalang may CONGENITAL na sakit. Huwag magsawang manalangin! Makikita natin ang Kanyang GLORY sa mga sagot!
Tumataas muli ang Covid cases. Ingatan nawa tayo ng Panginoon at bigyan ng kagalingan ang ating mga mahal sa buhay na dumadaan dito.
Ipanalangin ang mga kabataang hindi natin nakakasama sa church (magbanggit ng mga pangalan). Pray that the glory of God will be seen through their lives.
OFWS, Permanent Residents and Immigrants sa ibang bansa. Comfort ng Dios, pagsama, pagiingat, provision at maging close sa Dios.
Sis. Lennie Bautista, at mga COVID positive na kapatiran kasama na si Ptr. Gilbert Maghirang ng Calvary Foursquare.
Personal Requests - Ipanalangin ang mayroong gustong personal need na mabanggit
NATIONWIDE PRAYER AND FASTING MULA Feb. 28 hanggang April 4. Fresh Anointing ng Banal na Espiritu.
8. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination) sa ganap na 8:00 hanggang 9:00 ng GABI. Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. MARCH 7, Linggo ng gabi 7:50-9 pm. Makibahagi sa gawain ng Foursquare National. Link ay nasa FB Page natin. Kung maaaring 2 meals sa March 29 (maliban kung may sakit)
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments