Below is the material for our Family Prayer Cell on April 14, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Consider It Pure Joy
April 14, 2021
James 1:2-4
By: Meki Carolino-Fetil
1. Picture Taking
2. Pagbati
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Bagama’t nagiging mas challenging ang mga kaganapan sa ating bansa, nawa ay mas lalo tayong lumalapit sa Panginoon! Siya lamang ang makakapagbigay pag-asa sa atin at sigurado tayong nakikinig Siya sa ating mga dalangin.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Song 1: Blessed Be Your Name
Blessed Be Your Name In the land that is plentiful Where Your streams of abundance flow Blessed be Your name
Blessed Be Your name When I'm found in the desert place Though I walk through the wilderness Blessed Be Your name
Pre-Chorus
Every blessing You pour out, I'll
Turn back to praise
When the darkness closes in, Lord
Still I will say
Chorus
Blessed be the name of the Lord Blessed be Your name Blessed be the name of the Lord Blessed be Your glorious name
Blessed be Your name When the sun's shining down on me When the world's 'all as it should be' Blessed be Your name
Blessed be Your name On the road marked with suffering Though there's pain in the offering Blessed be Your name
(Repeat Pre-Chorus and Chorus)
Song #2: In Moments Like These
In moments like these I sing out a song
I sing out a love song to Jesus
In moments like these
I lift up my hands
I lift up my hands to the Lord
Singing I love You, Lord,
Singing I love You, Lord,
Singing I love You, Lord.....
I love You.
In moments like these I sing out a song
I sing out a love song to Jesus
In moments like these
I lift up my hands
I lift up my hands to the Lord
Singing I love You, Lord,
Singing I love You, Lord,
Singing I love You, Lord....
I love You.
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, nagpapasalamat po kai sa pagkakataong magkasama-sama upang makinig ng Inyong salita at makapanalangin para sa aming pangangailangan. Patawarin po Ninyo kami sa aming pagkakasala sa buong linggong nagdaan. Patuloy po Ninyo kaming gabayan ng Inyong Banal na espiritu sa aming pananalangin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.”
.
5. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”
Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.
6. Pagbasa ng Scripture
James 1:2-4 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
7. Pagpapaliwanag ng Mensahe
1. Daraan tayo sa pagsubok
Marami sa ating nakakaranas ng mga pagsubok. Hindi lang tayo at mga pamilya natin. Manood ka lamang ng TV, magbasa ng radyo, o tumingin sa Facebook at marami kang makikitang storya ng mga taong may mga pinagdaraanan. Iba-iba pa ang uri ng mga problemang kinakaharap – may iba na saglit lang at madaling ayusin (simpleng mga tampuhan, konting sakit ng ulo, etc) at may iba namang mabibigat ang dalahin (malubhang sakit, kakulangan ng finances, etc).
May mga taong ang tingin sa “Christian life” ay parang paglalakad lang sa parke—madali at walang kahirap-hirap. Tama ba ito?
Sabi sa v1 – “…kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok”. Hindi “kung dadanas” tayo ng pagsubok (if you experience various trials…) kundi “kapag kayo’y dumaranas ng pagsubok” (WHEN you experience various trials).
Maging sa buhay ni Jesus, o ng mga apostles noon panahon ng New Testament, makikita natin na naging bahagi ang suffering. Sabi sa John 16:33 ni Hesus, “in this world, you will have trouble”. Dahil dyan, hindi dapat tayo shocked or surprised kung tayo mismo ay dumaraan sa mga mahihirap na sitwasyon.
Ang will ng Panginoon para sa atin ay maayos at mabungang buhay, ngunit dahil tayo ay nasa “fallen world” pa at meron pa ring mga atake ng kaaway, dumarating pa rin ang mga problema at challenges sa buhay.
TANDAAN: May mga sitwasyon na idinulot natin sa ating sarili bilang consequence ng pagsuway natin sa Panginoon. May grace at mercy ang Panginoon para sa mga ganitong pagkakataon, pero iba ito sa mga pagsubok na ating tinutukoy.
2. Pinapatatag tayo ng pagsubok
Sabi sa v.1 ni James, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Ha? Dumadaan na nga sa mahirap na sitwasyon pero dapat pa ring magalak? Bakit?
Bilang mga Kristiyano, kaya nating magalak kahit may mga pinagdadaanan dahil alam natin na mas lalo tayong lumalago at tumatatag dahil sa mga pagsubok na ito. Sabi sa v.3: Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
Nagkakaroon tayo ng mas malalim na pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral at pakikinig ng Salita ng Diyos. Faith is PRODUCED through these things. Pero, nasusubok ang faith na ito kapag tayo ay dumadaan na sa mga challenging na bagay sa ating buhay. Faith is TESTED through these experiences.
Napakadaling magsabing nagtitiwala tayo sa Diyos kapag maayos ang mga pangyayari (e.g. wala tayong sakit, marami tayong pera, etc) pero kapag mahirap ang stiwasyon, doon mas napapagtibay ang ating pananampalataya. Sabi nga, “trials build and strengthen our spiritual muscle”. Kung ang pageehersisyo at pagbubuhat ng weights ay nagsasanay sa ating pisikal na katawan na gumawa ng mabibigat na gawain, ganoon din sa ating spiritual na buhay.
Kapag dumadaan sa challenges, mas lalo tayong nagiging matatag at nagdedevelop ng ENDURANCE at PERSEVERANCE. Kaya naman bilang Christians, kaya nating maging masaya pa rin dahil may magandang naidudulot ang ating mga pinagdaraanang pagsubok.
3. Lumalago tayo sa pagsubok
Sabi sa v.4: At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
Hindi lang natin desire na maging matatag o matuto ng endurance. Ang endurance na ating napapractice ay nagdudulot ng MATURITY and COMPLETENESS sa atin. Tayo ay mas lumalago at nagiging “like Christ” dahil sa trials. Ang maturity ay hindi lang nakukuha sa pagbabasa ng Bibliya at pananalangin, kundi sa tulong din ng paghulma ng ating karakter kapag meron tayong pinagdadaanang challenges.
Kapag dumaraan tayo sa pagsubok, nagiging pagkakataon ito na mag-grow tayo sa ating emotions (mula sa dating madaling mahagip ng hangin at pababago-bago ba ang nararamdaman, patungo sa pagiging secure at confident sa Lord), sa ating isip (mula sa dating hindi alam ang gagawin, patungo sa pagkatuto from the wisdom na binibigay ng Lord), sa ating habits and desires (nadidisiplina na, imbis na mauwi sa bisyo ay natututong sa Panginoon tumakbo at magbasa ng Bibliya at manalangin in response to hardships), etcetera.
Paano mo nararanasan ito sa iyong buhay? Hindi ba kapag humingi tayo ng PATIENCE sa Lord, hindi naman ito babagsak mula langit o iinumin mula sa tableta? Sa halip, nagkakaroon tayo ng mga opportunity kung saan natututo tayong maging mapag-pasensya. Ganito ang pagmamature dahil sa mga pagsubok. Natututo tayo at unti-unting nadedevelop ang mga kulang pa sa ating karakter, at mas nagiging handa pa tayo sa mga susunod nating haharapin sa buhay.
Maaaring hindi pa tayo magiging perfectly complete sa buhay natin rito sa mundo (dahil mararating natin ito nang tuluyan pag dumating na muli si Kristo) pero may mga pwede na tayong maidevelop sa ating character habang tayo’y nabubuhay pa.
CONCLUSION:
Nawa ay matuto tayong tanggapin na talagang bahagi ng buhay ang mga pagsubok, pero kaya nating magalak kapag dumaraan tayo sa mga ito dahil mas napapagtibay ang ating faith & trust sa Panginoon, at lumalago tayo bilang mga Kristiyano.
Ang maganda pa ay HINDI TAYO NAG-IISA sa gitna ng ating mga pagsubok. Palagi nating kasama ang Diyos na siyang gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya (Romans 8:28), at nagbibigay ng direction at wisdom through the Holy Spirit.
Kasama rin natin ang ating spiritual family para gumabay sa atin at manalangin kasama natin. Kaya naman KAYANG-KAYA NATIN ang mga pagsubok!
REFLECTION: (Tanungin isa isa ang iyong pamilya.)
1. Ano ang usual response mo sa mga pagsubok? Mula sa pinag-aralan natin ngayon, paano ito magbabago?
2. May pagkakataon ba sa iyong buhay na na-test ang iyong pananampalataya dahil sa pagsubok, pero mas lalo kang tumatag at nag-mature matapos mo itong mapagtagumpayan?
8. Pananalangin
Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.
Tumataas muli ang Covid cases. Ingatan nawa tayo ng Panginoon at bigyan ng kagalingan ang ating mga mahal sa buhay na dumadaan dito.
Mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan (kasama na si Ptra. Kay).
Ipanalangin ang mga kabataan (FY) at mga young adults (FSY) hindi natin nakakasama sa church (magbanggit ng mga pangalan).
OFWS, Permanent Residents and Immigrants sa ibang bansa. Comfort ng Dios, pagsama, pagiingat, provision at maging close sa Dios.
Ipanalangin ang ating gobyerno, na makilala ng mga opisyal ang Diyos personally at matutong maglingkod sa bayan ng may Godly wisdom at fear of God.
Mga kapatirang hirap na o hindi masyado marunong sa pag-oonline. Nawa ay magkaroon sila ng paraan na makakinig pa rin ng Salita ng Dios at makasama ang mga kapatiran.
Ipanalangin na magkaroon ng desire ang mga taga-JCLAM na ipahayag si Jesus sa iba, at mag-disciple at magpa-disciple. Nawa ay mas maraming maging bahagi ng Care Circle, at maglead ng Care Circle.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comentários