Below is the material for our Family Prayer Cell on April 21, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
No Doubt
April 21, 2021
Matthew 21:18-22
By: Meki Carolino-Fetil
1. Picture Taking
2. Pagbati
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Song 1: God is Good All The Time
Chorus
God is good all the time
He put a song of praise in this heart of mine
God is good all the time
Through the darkest night, His light will shine
God is good, God is good all the time
(Repeat Chorus)
If you're walking through the valley
And there are shadows all around
Do not fear, He will guide you
He will keep you safe and sound
He has promised to never leave you
Nor forsake you, and His word is true
(Repeat Chorus)
We were sinners and so unworthy
Still for us He chose to die
Filled us with His Holy Spirit
Now we can stand and testify
That His love is everlasting
And His mercies, they will never end
(Repeat Chorus)
Though I may not understand
All the plans you have for me
My life is in your hands
And through the eyes of faith
I can clearly see
(Repeat Chorus 2x)
Song #2: Great is Thy Faithfulness
Great is Thy faithfulness, O God my Father,
There is no shadow of turning with Thee;
Thou changest not, Thy compassions, they fail not
As Thou hast been Thou forever wilt be.
Chorus
Great is Thy faithfulness! Great is Thy faithfulness!
Morning by morning new mercies I see
All I have needed Thy hand hath provided
Great is Thy faithfulness, Lord, unto me!
Summer and winter, and springtime and harvest
Sun, moon and stars in their courses above,
Join with all nature in manifold witness
To Thy great faithfulness, mercy and love.
(Repeat Chorus)
Pardon for sin and a peace that endureth,
Thine own dear presence to cheer and to guide;
Strength for today and bright hope for tomorrow,
Blessings all mine, with ten thousand beside!
(Repeat Chorus)
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, salamat po sa pagkakataong muli na sama-samang mapalakas ang aming pananampalataya sa pamamagitan ng Inyong salita, at sa pribilehiyo na makapanalangin tungkol sa aming mga pangangailangan at para rin sa iba. Inaamin namin na kami ay nagkasala sa iyong harapan sa buong linggong nagdaan – maaaring sa mga naisip, nasabi o nagawa naming. Pero, salamat po na kami ay nakikita Niyong malinis na dahil kay Hesus. Samahan Niyo po kami sa aming gawain ngayong araw. Amen.”
.
5. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”
Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.
6. Pagbasa ng Scripture
Matthew 21:18-22 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
18 Kinaumagahan, nang si Jesus ay pabalik sa lungsod, siya'y nakaramdam ng gutom. 19 Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na natuyo ang puno.
20 Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y namangha. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?” tanong nila.
21 Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y maniniwala at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi. 22 Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”
7. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Kaya Rin Natin!
Manghang-mangha ang mga alagad sa ginawa ng Panginoong Hesus sa puno ng igos (fig tree). Sa isang pagdeklara lamang niya na ‘wag na itong mamunga ay natuyo AGAD ang puno.
Ang nakakatuwa ay ang sinabi ng Panginoon sa verse 21: “…magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito…”
Hindi lamang Siya nagpapakitang-gilas para mang-inggit dahil sa kapangyarihan na mayroon Siya. Sa halip, gusto Niyang ang mga alagad mismo ay ma-“empower” na gumawa ng kagila-gilalas na bagay!
Hindi lamang Niya gustong matuto sila na makapagpatuyo ng puno, kundi ipinapakita ni Hesus sa mga alagad Niya na KUNG ANO ANG KANILANG SASAMBITIN AY PWEDENG MAGKATOTOO!
Ang good news: Hindi ito limitado sa kanila na nakasama ni Kristo, dahil tayo rin ay may “access” sa kapangyarihan na nasa pangalan ni Hesus. Kaya rin nating magsabi at mag-declare ng mga bagay at makita na matupad ang mga ito.
Maniwala at ‘Wag Mag-alinlangan
Ayon sa ating binasa, may dalawang kondisyon para magawa ang ginawa ni Kristo. Sabi sa v. 21: “…kung kayo'y maniniwala at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito.”
Ang dalawang kondisyon: (1) MANIWALA, at (2) ‘WAG MAG-ALINLANGAN!
Nangyari na rin ba sa inyo itong kwentong ito—
Hindi maayos ang iyong pakiramdam – masakit ang ulo, o kung ano pa. Mananalangin ka sa Diyos na nawa ikaw ay pagalingin. Sasambitin mo pa na “by His stripes, we are healed” o “sa Kanyang mga latay, tayo ay magaling na”. Pero, pagkatapos mong manalangin, bigla ka ulit magdedeklara na “Hay, sobrang sakit ng ulo ko!” o maghahanap sa internet kung ano ba ang sakit mo dahil nag-aalala ka na.
Pamilyar na storya siguro iyan para sa marami sa atin. Maraming pagkakataon na tayo ay nananalangin—para sa sarili natin o para sa iba—at “in theory” o sa isip natin ay “naniniwala” tayo sa Diyos na mangyayari ito….pero sa totoo lang, deep in our hearts and sa kung paano tayo kumilos, meron tayong mga doubts. Hindi talaga tayo sigurado.
Klarong-klaro ang sabi sa passage na binasa natin. MANIWALA at ‘WAG MAG-ALINLANGAN. Believe and do not doubt! Kailangan ang dalawang bagay na ito kung gusto nating makakita ng resulta ng ating pananalangin!
Maliit Man o Malaki
Sabi sa v. 21-22: “…magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi.”
Kung ano raw ang nagawa sa puno ng igos – na relatively ay mas maliit – ay magagawa rin sa bundok – na mas malaki!
Ang deklarasyon na ito ng Panginoong Hesus na magagawa natin ang Kanyang ginawa ay posible kahit maliit man o malaki ang hinaharap na sitwasyon!
Napakahalaga ng assurance na ito, lalo na para sa mga alagad. Hindi lang pag-iingat, o kagalingan ng ubo at sipon, o probisyon ng pagkain ang kailangan nila. Bahagi ng kanilang pagiging taga-sunod ni Kristo, sila ay maaatasan na gumawa ng mga bagay na kailangan ng tapang at confidence gaya ng pag-ppreach sa maraming tao, pagpapagaling ng may sakit, pag-cast out ng evil spirits, pagbuhay ng mga patay, at iba pa. Kailangan talaga ng pananamapalataya para magawa ang mga bagay na iyon na posible lamang sa supernatural na pagkilos ng Diyos!
Kamusta naman sa ating buhay? Nawa ay natututunan natin sa ating pag-aaral ngayon na kayang kaya WITH FAITH ang mga maliliit at malalaking bagay na ating kinakaharap.
Kung concern mo man ang iyong kalusugan, ang iyong trabaho, ang iyong negosyo, ang iyong mga relasyon, ang iyong kakainin sa araw-araw—madali lang iyan sa Panginoon!
Pero, higit sa mga bagay na pansarili, kaya rin nating gumawa ng GREAT THINGS para sa PANGINOON! Hindi na natin kailangan matakot mag-share ng Gospel sa iba. Hindi na natin kailangan matakot na manalangin ng may sakit (dahil baka “hindi gumaling”). Hindi na natin kailangan matakot na mag-deklara ng mga pangako ng Diyos. POSIBLE ANG LAHAT NG ITO!
Maniwala, at Makukuha!
Sabi sa v. 22: “Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”
Kung tayo ay maniniwala, matatanggap natin ang ating mga hihihingin habang tayo ay nananalangin!
(Syempre, itong “anuman” ay applicable sa mga bagay na ipinangako ng Diyos, mga bagay na kanyang “will” para sa atin, at mga bagay na para sa ikabubuti natin o ng iba. Hindi ibig sabihin na hihingi tayo ng 1 million pesos at dapat ay ibigay ito ng Diyos. Hindi man natin makuha ang 1 million pesos, pwede tayong humingi ng probisyon sa pang-araw-araw na sasapat sa ating pangangailangan, o extra na blessing para ma-bless ang iba. Pwedeng pwede rin tayong humiling ng kagalingan, karunungan, at marami pang bagay na ipinangako niya sa Kanyang salita.)
Nawa ay ang attitude natin tuwing nananalangin tayo ay maging FULL OF FAITH o PUNO NG PANANAMPALATAYA. Lahat ay posible, by faith! At pwede tayong maging sigurado na matutupad ang ating mga request kung tayo ay hindi nagdadalawang-isip at nag-aalinlangan sa pagtitiwala sa Diyos.
Reflection:
1. Kapag ba ikaw ay nananalangin, naniniwala ka 100% na matutupad ito? Bakit o bakit hindi?
2. Bakit kaya hindi natutupad ang iba nating mga ipinapanalangin? [Isipin ang lahat ng aspeto: ang ating pananampalataya, ang will ng Lord, etc]
3. Ano’ng maaari mong gawin para mas malaman mo ang mga pangako ng Diyos, at mas lumakas pa lalo ang iyong faith?
8. Pananalangin
Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.
Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.
Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—lalo ang mga may COVID.
Ipanalangin ang mga kapatiran na nagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng mga mahal sa buhay.
Ipanalangin ang gawain ng ating mga kabataan (FY) tuwing Sabado. Nawa ay mas maraming makadalo, at manumbalik ang
Ipanalangin na magkaroon ng desire ang mga taga-JCLAM na ipahayag si Jesus sa iba, at mag-disciple at magpa-disciple. Nawa ay mas maraming maging bahagi ng Care Circle, at maglead ng Care Circle.
Ipanalangin ang ating mga online service tuwing lingo – na hindi maging “palabas” lamang na pinapanood kundi makapagpuri at makapakinig ang mga kapatiran kahit na nasa kanilang mga bahay.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comentarios