Below is the material for our Family Prayer Cell on April 28, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Get What You Need, Give What You Have
April 28, 2021
Acts 3:1-10
By: Meki Carolino-Fetil
1. Picture Taking
2. Pagbati
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Song 1: Mighty to Save (Youtube link)
Everyone needs compassion A love that's never failing Let mercy fall on me
Everyone needs forgiveness The kindness of a Savior The hope of nations
Chorus
Savior, he can move the mountains My God is mighty to save He is mighty to save Forever author of Salvation He rose and conquered the grave Jesus conquered the grave
So take me as you find me All my fears and failures And fill my life again
I give my life to follow Everything I believe in And now I surrender, I surrender
(Repeat chorus)
Song #2: How Great is Our God (Youtube link)
The splendor of a King, clothed in majesty Let all the Earth rejoice, all the Earth rejoice
He wraps himself in light and darkness tries to hide And trembles at His voice, trembles at His voice
Chorus
How great is our God, sing with me How great is our God, and all will see How great, how great is our God
Age to age He stands, and time is in His hands Beginning and the end, beginning and the end
The Godhead Three in One, Father Spirit Son The Lion and the Lamb, the Lion and the Lamb
(Repeat chorus)
Name above all names, You are worthy of our praise And my heart will sing, “How great is our God!”
(Repeat chorus)
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, salamat sa araw na ito na kami’y pinagsama-sama Mo para makinig sa Iyong salita at manalangin para sa aming mga pangangailangan at para sa iba. Tulungan Mo po kaming huwag gawin ang FPC na ito dahil lang nakasanayan na o na-require kundi buksan Mo ang aming mga puso na mataniman ng Iyong salita para lumakas ang aming pananampalataya. Humihiling rin kami ng ‘spiritual understanding’ para lubusang maintindihan ang nais Mong ituro ngayong araw. Salamat pong muli. Sa pangalan ni Hesus, Amen.”
.
5. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”
Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.
6. Pagbasa ng Scripture
Acts 3:1-10 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
1 Minsan, nagpunta sina Pedro at Juan sa Templo; alas tres ng hapon noon, ang oras ng pananalangin.
2 Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon.
3 Nang makita nito sina Pedro at Juan na papasók sa Templo, siya'y humingi ng limos.
4 Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, “Tingnan mo kami!”
5 Tumingin nga siya sa kanila sa pag-asang siya'y lilimusan.
6 Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”
7 Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki;
8 palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad. Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos.
9 Nakita ng lahat na siya'y naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
10 Nang makilala nilang siya ang pulubing dati'y nakaupong namamalimos sa Pintuang Maganda ng Templo, namangha sila at nagtaka sa nangyari sa kanya.
7. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Sa ating pag-aaral ng Salita ng Diyos sa araw na ito, ilalagay natin ang ating sarili sa posisyon ng lalaking lumpo, at ni Pedro at Juan.
Relating with the Lame Man [Makiugnay sa Lalaking Lumpo]
1. Umaasang makakuha ng material provision
Ayon sa binasa natin sa v.2, itong lalaki ay lumpo simula pa nang siya ay isilang. Dinadala siya sa Templo araw-araw para manghingi ng limos.
Pansinin natin na mula pagkabata pa lang, lumpo na ang lalaki na ito. Marahil simula pa noon, ito na ang nakasanayan niyang buhay – pupunta sa Templo o kung saan man maraming tao, manlilimos, at uuwi. Malamang ay kailangan nga niya ng pera – siguro dahil hindi siya makapagtrabaho at walang mapagkukunan ng pantustos sa araw-araw niyang pamumuhay.
Pero, sa totoo lang ay hindi pera ang pinakamahalaga niyang pangangailangan. Isang araw, nang nakita ng lalaki si Pedro at Juan at hiningan niya sila ng limos (v.5), nakuha niya ang higit pa sa kanyang inaasahan.
Reflect muna:
- Ano ang madalas mong hinihingi sa Diyos?
- Minsan ba ay naiisip mo na magiging mas masaya ka o ma-sosolve ang lahat ng iyong problema kung marami kang pera?
2. Nakakuha ng kagalingan
Ayon sa v.4: Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, “Tingnan mo kami!”
Marahil ay hindi ito madalas nangyayari sa kanya – baka ang ibang taong nililimusan ng lalaki ay maghuhulog lang ng pera at tuloy-tuloy na sa paglalakad ulit, o baka ang iba pa nga ay itinataboy siya.
Pero iba si Pedro at Juan – tumingin sila sa kanya at nagbigay ng atensyon. At bukod pa dyan, ang binigay nila ay malamang hindi niya inaasahan.
Sabi sa v.7-8: Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki; palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad.
Imagine – isang lalaking lumpo mula pa pagkabata, pero dahil sa pangalan ni Hesus ay biglang gumaling! Naghihintay lang sya ng limos, pero higit ang nakuha niya. Tandaan: Hindi lang ito basta-basta “kagalingan”. Ang lalaking ito ay may sakit buong buhay niya, pero dahil sa himalang kanyang na-experience, ang BUHAY NIYA AY MABABAGO. Hindi na niya kakailanganing umupo sa Templo ulit para manlimos!
Reflect muna:
- May ganito ka bang experience? Marahil ay may “hinahanap” ka noon (probisyon, kapayapaan, kagalingan, ‘mapapangasawa’, trabaho, kaibigan, etc) pero sinagot ka ng Diyos nang higit sa iyong hinihingi at binago Niya ang iyong buhay? Share mo naman ito sa group.
3. Nagpuri sa Diyos
Ayon sa v.8: …Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos.
Ito ang pinakamagandang bagay na nangyari – nagpuri ang lalaking ito sa Diyos! Pansinin kung ano ang naging reaksyon niya – naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos. Talagang kapag naka-experience tayo ng kabutihan ng Diyos sa buhay natin, hindi tayo magsasabi ng simpleng “thank you” lang kundi mag-uumapaw tayo sa kaligayahan!
Pansinin din na hindi si Juan o si Pedro ang pinasalamatan ng lalaki kundi ang Diyos. Alam niyang ang kapangyarihan ng Diyos ang nagpagaling sa kanya, at hindi ang dalawang apostles na ito.
Reflect muna:
- Ano ang response mo sa mga biyayang nakukuha? Ang Diyos ba ang naitataas o ang taong nagbigay? Nag-uumapaw ka ba sa pagpapasalamat, o sakto lang?
- Mas madalas ka bang nagpapasalamat sa Diyos sa mga materyal na bagay mong nakukuha, o sa pagbabago Niya ng iyong buhay at pagkakaroon mo ng relasyon sa Kanya?
Relating with John and Peter [Makiugnay kay Juan at Pedro]
1. Napuno ng Holy Spirit
Gaya ng natutunan natin sa taas, ang lalaki ay lumpo mula sa pagkasilang. Siguro ay matagal na siyang nagpupunta sa Templo para manlimos. Posible rin kaya na nakikita na ni Juan at Pedro ang lalaking ito dati? Ano ang nagbago ngayon?
Kung babalik tayo ng konti sa Acts chapter 2, makikita natin ang isang napakahalagang bagay na nangyari bago itong pagpapagaling ni Juan at Pedro.
Ano ito? (Silipin ang Acts 2:1-4.) Sila ay napuspos ng Banal ng Espiritu!
Ang confidence at power na nagkaroon si Juan at Pedro ay mula sa pag-eempower sa kanila ng Holy Spirit! Mas pag-uusapan pa ang topic na ito sa ating mga Sunday service kaya siguraduhing maka-attend sa mga susunod na Sunday 😊
2. Nakita ng pangangailangan
Ayon sa v.4: Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, “Tingnan mo kami!”
Nang may humingi nang tulong kay Pedro at Juan – sila ay tumingin. Hindi tumingin nang may pangmamata o panghuhusga, kundi marahil ay may kahabagan at pagnanais na mapunan ang totoong pangangailangan ng lalaki.
Hindi lang din nila biglaang pinagaling ang lalaki, kundi siya’y pinatingin nila sa kanila. Marahil ito ay para makapag-focus ang lalaki sa gagawin ni Pedro at ni Juan at makuha nila ang kanyang atensyon. Hindi naman para sa sarili nilang “pagsikat” kundi para marinig ang kanilang sasabihin at mas lalo pang maging expectant o mag-abang sa magandang mangyayari.
Madalas ay nananalangin tayo sa Panginoon na gamitin Niya tayo sa kanyang kaharian – pero may panahon ba tayong “tumingin”? Nakikita ba natin ang mga may pangangailangan sa paligid natin—hindi lang sa materyal na bagay kundi ang mga may need for Jesus?
Reflect muna:
- Anong matutunan natin sa paraan ng pakikitungo ni Pedro at Juan sa lalaki bago pa man nila ito pagalingin? Paano kaya natin ito maiaapply kapag tayo naman ang nag-reach out sa mga nangangailangan kay Hesus?
3. Ibinigay kung ano ang meron sila
Ayon sa v.6: Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo…”
Umamin agad si Pedro na wala silang salapi na kayang ibigay, pero kung ano ang meron sila ay ibibigay nila sa lalaking ito. Ano ng aba ang mayroon sila? Tandaan: Napuspos na sila ng Banal na Espiritu. Nakita rin nila ang mga ginawa ni Hesus noong nasa lupa pa Siya at narinig nila nang Kanyang sambitin na gagawin rin nila ang mga bagay na iyon.
Alam ni Pedro at Juan na may access sila sa kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus. Alam nilang kaya nilang magpagaling at ipakita ang kabutihan ng Diyos sa lalaki.
Alam mo bang IKAW RIN ay may kakayahan nang magpagaling sa ngalan ni Hesus? Hindi ito isang bagay na tanging si Pedro at Juan o mga tao sa New Testament ang makakagawa, kundi tayong mga naniniwala na si Jesus ang Panginoon at Tagapagligtas at napuspos ng Banal na Espiritu ay makakagawa rin nito!
Sa totoo lang, kahit sino ay pwedeng tumulong at bigay ng materyal na bagay. Kahit hindi nakakakilala kay Hesus ay pwedeng mag-donate o mamigay ng relief (kita naman natin ang mga Community Pantry, for example).
Hindi naman sa hindi dapat tayo nagbibigay – syempre ay dapat may kalakip pa rin na pagtulong na praktikal gaya ng ginawa ng “Good Samaritan”. Pero, ang calling natin bilang mga tagasunod ni Kristo ay ipahayag ang kapangyarihan ng Diyos at ipa-experience sa mga tao ang mga bagay na magagawa lang sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus!
Yes, maganda ang tumulong sa praktikal o materyal na mga paraan, pero HIGIT PA RITO ANG MERON TAYO! Ipahayag natin ang kabutihan ng Diyos at iparanas sa iba ang Kanyang kapangyarihan dahil kung ano man ang mga ginawa ni Hesus sa mga tao noong unang panahon ay maaari rin nating gawin! Magkaroon nawa tayo ng pagnanais na makakilala ang iba kay Hesus dahil ito ang pinakamahalaga nilang pangangailan at susi para sa buhay na walang hanggan.
Reflect muna:
- Madalas ka bang tumulong sa iba sa praktikal na paraan? Madalas ka rin bang tumulong sa iba sa mga paraan na posible lang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos?
4. Matapang at diretso!
Ayon sa v.6, ito ang naging “panalangin” ni Pedro: “…Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”
Pansinin natin na isang statement lamang ito pero puno ng kapangyarihan. Walang mahabang speech o gaya ng mga lagi nating sinasabi kapag tayong nananalangin: “Lord, alam mo po ang sitwasyon niya.” “Lord, please po pagaling niyo po siya. Pero kung hindi niyo po will, OK lang po.”
May kumpyansa si Pedro na ang kanyang idedeklara ay magkakatotoo (naalala niyo ba ang topic natin noong last FPC?). Alam niyang posible ang kagalingan sa NGALAN NI JESU-CRISTO. Ang deklarasyong ginawa niya ay magagawa lamang ng isang taong may pananampalataya at walang pag-aalinlangan na ang ipinanalangin sa pangalan ni Hesus ay matutupad.
Reflect muna:
- Ano ang pwede nating matutunan sa sinabi ni Pedro? Paano natin ito maiaapply sa ating personal prayer life at kapag nagmiminister sa iba?
5. Naipakita ang kabutihan ng Diyos sa ibang tao
Ayon sa v.9-10: Nakita ng lahat na siya'y naglalakad at nagpupuri sa Diyos. Nang makilala nilang siya ang pulubing dati'y nakaupong namamalimos sa Pintuang Maganda ng Templo, namangha sila at nagtaka sa nangyari sa kanya.
Hindi lang ang lalaki ang na-impact ng ginawa ni Pedro at Juan, kundi maging ang mga taong nakapaligid at nakakita ay namangha sa nangyari!
Kitang kita natin sa passage na ito na ang Diyos ay kumikilos hindi lang sa natural kundi sa SUPERNATURAL na pamamaraan.
Reflect muna:
- Agree o disagree: Kapag nakaranas ng praktikal na tulong ang mga tao, posibleng ang tao o grupong tumulong ang kanilang pasalamatan. Pero, kapag nakaranas sila ng experience na tila imposible (at posible lamang sa pagkilos ng Panginoon), mas magiging bukas sila sa katotohanang ang Diyos ay buhay at kumikilos.
- Bakit kaya minsan ay natatakot tayong gumawa ng mga ‘supernatural’ na bagay? Ano ang pwede nating gawin para mas maging confident tayo?
Conclusion
Sa ating pakikiugnay sa lalaking lumpo, nawa ay natuto tayo na tumingin hindi lamang sa tingin natin na “kailangan” natin kundi sa totoong need – at iyan ay si Hesus at ang pagbabago sa ating mga buhay. Nawa ay natuto rin tayong magpuri sa Diyos dahil sa Kanyang mga ginagawa.
Sa ating pakikugnay kay Pedro at Juan, nawa ay natuto tayo na tumingin sa mga nangangailangan at ibigay sa kanila hindi lang ang mga materyal nilang pangangailangan kundi kung ano ang meron tayo – ang kapangyarihan ng Diyos sa ngalan ni Hesus. Nawa ay maging BOLD & CONFIDENT din tayo sa ating mga dalangin at maging puno nang pananampalataya, nang marami pa ang makakilala sa Diyos at mamangha sa kabutihan Niya.
8. Pananalangin
1. Concert prayer / sabay-sabay manalangin: Humingi ng pagpuspos ng Banal na Espiritu sa iyo personally para magawa ang mga nais ipagawa ng Diyos nang may power at confidence.
Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.
Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.
Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—lalo ang mga may COVID.
Ipanalangin ang ating mga pastor at church/school/PH-208 staff – na ma-provide ang kanilang mga pangangailangan, mabigyan sila ng wisdom and strength sa lahat ng kanilang gawain.
Ipanalangin ang JCLAMCS, na magkaroon ng mga bagong enrollees at gabayan ng Lord ang mga teachers sa kanilang pagtuturo online.
Ipanalangin ang ating church – na i-guide tayo ng Lord sa kung paano magtutuloy sa ating mga ministry sa set-up ngayong pandemya.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments