top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 17 - Never Stop

Below is the material for our Family Prayer Cell on May 12, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Never Stop

May 12, 2021

Acts 5:38-42

By: Meki Carolino-Fetil

 

1. Picture Taking


2. Pagbati


Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


Song 1: I Could Sing of Your Love Forever


Over the mountains and the sea

Your river runs with love for me

And I will open up my heart

And let the Healer set me free


I'm happy to be in the truth

And I will daily lift my hands

For I will always sing

Of when Your love came down


I could sing of Your love forever

I could sing of Your love forever

I could sing of Your love forever

I could sing of Your love forever


Oh I feel like dancing

It's foolishness I know

But when the world has seen the light

They will dance with joy like we're dancing now


Song #2: To The Ends of the Earth


Love unfailing

Overtaking my heart

You take me in

Finding peace again

Fear is lost in

All you are

And I would give the world to tell Your story

Cause I know that You've called me

I know that You've called me

I've lost myself for good within Your promise

I won't hide it

I won't hide it

Jesus, I believe in You

And I would go to the ends of the earth

To the ends of the earth

For You alone are the Son of God

And all the world will see

That You are God

You are God.


4. Pambungad na Panalangin


“Dios naming Ama sa langit, salamat sa araw na ito na kami’y pinagsama-sama Mo muli. Sinasaway namin ang mga gawa ng kaaway na nais kaming i-distract sa aming gawain ngayon. Sa halip, hiling namin na ang aming mga puso ay buksan mo at gawing magandang lupa para lumago ang Salita na maririnig naming ngayon.


Ngayon pa lang, nagpapasalamat na rin kami sa mga kasagutan sa aming mga ipapanalangin ngayong araw, ayon sa Inyong will. Buong pananampalataya kaming naniniwala na Ikaw ay mabuti at tumutupad sa Iyong mga pangako.


AMEN.”

.

5. Pagbasa ng Scripture


Acts 5:38-42 (Basahin nang may pag-unawa.)


38 - Kaya't ganito ang payo ko: huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang plano o kilusan ay mula sa tao, ito'y kusang maglalaho.

39 - Ngunit kung ito'y mula sa Diyos, hindi ninyo ito mahahadlangan, at lilitaw pang kayo'y lumalaban sa Diyos!” Sinunod nga nila ang payo ni Gamaliel.

40 - Pinapasok nilang muli ang mga apostol, at matapos ipahagupit at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus, ang mga ito'y pinalaya.

41 - Nilisan ng mga apostol ang Kapulungan at sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Jesus.

42 - At araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, walang tigil silang nagturo at nangaral ng magandang balita tungkol kay Jesus, ang Cristo..


6. Pagpapaliwanag ng Mensahe


Background

Naaalala niyo pa ba ang topic natin last week? Pinagbawalan ang mga apostles ng High Priest at mga Saducees, pero sila ay humingi pa lalo ng TAPANG para ipagpatuloy na maipahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus.


At iyon nga ang ginawa nila. Marami silang himalang ginawa at patuloy na lumapit ang mga tao sa kanila (pati pa nga ang mga galling sa ibang bayan) para sa kagalingan at pagtaboy ng masasamang espiritu.


Nalaman ito ng mga Saducees at labis na naman silang nainggit kaya ipinadakip nila ang mga apostol at ipinakulong. Pero, noong gabing iyon na sila ay nakakulong, binuksan ng isang anghel ang kulungan para makalaya sila. Sinabihan sila na ipatuloy ang pagpapahayag tungkol sa bagong buhay kay Kristo – kaya ito ang ginawa nila noong kinaumagahan.


Samantala, pinatawag ng High Priest at mga kasama niyang Saducees ang mga apostol para sa isang pagpupulong. Laking gulat nila na wala ang mga ito sa kulungan! Hindi nila alam kung ano ang nangyari – lalo pa at ‘sure’ naman ang mga gwardya na naka-lock ang kulungan.


May dumating na nagreport sa kanila na nagtuturo muli ang mga apostol sa Templo.


Agad silang pumunta at kinuha ang mga apostol para ipaharap sa Kapulungan. Tinanong nila ang mga ito kung bakit hindi nakinig sa kanilang naunang instruction na ‘wag nang magsasalita tungkol kay Jesus. Ngunit sumagot sila Pedro na mas gusto nilang sundin ang Diyos – lalo pa at nasaksihan nila mismo ang mga ginawa ni Jesus.


Galit na galit na naman ang mga miyembro ng Kapulungan at gusto nang ipapatay ang mga apostol!


Mula rito sa Acts 5:33, tatalon muna tayo sa ating first point…



1. Hindi mahahadlangan ang Gawain ng Diyos.

Ituloy natin ang kwento sa background kanina. Habang galit ang mga miyembro ng kapulungan, may isang miyembrong Pariseo (Pharisee) na nagngangalang Gamaliel na tumayo, pinalabas muna ang mga apostol at nagsalita sa kanyang mga kasama.


Ipinaalala niya na may mga ‘leader’ na lumitaw noon at nakaakit ng maraming mga tagasunod, pero nang mamatay ang leader ay nagkawatak-watak din ang lahat at nauwi sa wala ang kilusan.


Ang kanyang payo sa v.28: “…huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang plano o kilusan ay mula sa tao, ito'y kusang maglalaho.”


At, sabi sa v.39: “Ngunit kung ito'y mula sa Diyos, hindi ninyo ito mahahadlangan, at lilitaw pang kayo'y lumalaban sa Diyos!”

Tama itong mga naging pahayag ni Gamaliel. Kung ang Gawain ay base lamang sa effort ng tao, at sa sariling mga taktika lang, mawawala at maglalaho rin ito. Pero kung galing ito sa Diyos – walang makakapigil sa nais Niyang gawin!


Minsan ay natatakot tayo na gawin ang nais ipagawa ng Diyos dahil baka tayo ay mapahiya o mag-fail lang sa ating mga effort. Pero laging tatandaan: Kasama natin Siya, at Siya mismo ang kumikilos!


Nais ng Panginoon na lumaganap ang Kanyang mga Salita at mas marami pang makakilala sa Kanya. Kung subukan mang pigilan ng mga tao o ng kaaway ang isang bagay o isang effort, siguradong kayang-kaya ng Panginoon na gumamit ng iba pang paraan para maipagpatuloy ang Kanyang Gawain.


Note: Oops – bago makalimutan. Ang tinutukoy rito ay ang paggawa ng mga bagay na kalooban Niya (God’s will)! Hindi career, pera, o probisyon ang pinag-uusapan. Oo, tayo ay may favor at blessing mula sa Panginoon, pero ang konteksto ng ating topic ay ang mga “Gawain ng Diyos”. Gaya ng nakita natin sa mga ginagawa ng apostol – ito ay tungkol sa pagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos at ng pag-ibig Niyang Kanyang ipinakita sa pamamagitan ni Jesus.



2. Magalak na may mga pagtitiis sa ngalan ni Hesus.

Sabi sa v.40: Pinapasok nilang muli ang mga apostol, at matapos ipahagupit at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus, ang mga ito'y pinalaya.

Pinakinggan ng Kapulungan ang sinabi ni Gamaliel, pero ipinahagupit pa rin sila at pinagbawal na mangaral. Walang makakapigil sa Gawain ng Diyos…pero dapat ay handa tayo sa mga pag-uusig na ating makukuha mula sa mundo. Hindi lahat ay mag-aagree at minsan ay baka ‘mapahiya’ tayo sa harap ng iba, pero hindi nawa ito maging dahilan para tayo ay patuloy nang ma-discourage.


Meron pa rin talagang sakripisyo at pag-uusig, pero tingnan natin ang reaksyon dito ng mga apostol sa v.41: “Nilisan ng mga apostol ang Kapulungan at sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Jesus.”


Ano ang reaksyon nila?


Sila ay GALAK NA GALAK! Hindi dahil sila ay mga ‘masokista’ at gusto nilang silang sinasaktan at pinapahiya. Masaya ang mga apostol dahil sila ay napahirapan pero mas lalong naitaas ang pangalan ni Hesus.


Malamang ay nakita nila bilang “privilege” na gaya ng pag-uusig ng mga tao kay Jesus, sila ngayon ay nakaka-experience rin nito. Malamang ay naisip nila na nasa tama silang landas dahil dinaranas nila ang mga dinanas rin ni Jesus. Naalalala niyo ba ang pinag-usapan natin noong mga nakaraang linggo? Dapat ay handa tayo at iexpect na natin na may persecution kung pinaniniwalaan natin at sinusunod si Jesus – dahil salungat ito sa nakasanayan ng mundo.


Note: Muling tandaan—iba ang CONSEQUENCE sa suffering for Christ’s sake! Minsan ay gumagawa tayo ng mga bagay na hindi akma sa kalooban ng Diyos, at feel natin ay napepersecute tayo kapag may hindi magandang naging bunga ang ating mga ginawa. Ang tinutukoy sa passage ay ang mga pag-uusig na naranasan dahil sumusunod ang mga apostol sa ginawa ng Diyos.

3. Hindi sila tumigil!

Sabi natin sa point 1, walang makakapigil sa Gawain ng Diyos. At meron din tayong bahagi dito.


Ang mga pinag-usapan natin ay “build up” o preparasyon para makita natin kung gaano ka-amazing ang ginawa ng mga apostol ayon sa v.42: At araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, walang tigil silang nagturo at nangaral ng magandang balita tungkol kay Jesus, ang Cristo.


Hindi lang sila naniwala na “Ah, gagawa naman si Lord ng ibang paraan para kumalat ang Magandang Balita.” Hindi sila gumawa ng excuse na “Kami na naman? Palagi na kaming nakukulong eh.” Hindi nila naisip na “Sila na lang siguro ang mag-share, baka hindi lang talaga ‘yan para sa amin.”


Sila mismo sa kanilang mga sarili ay patuloy na WILLING NA MAGPAGAMIT sa Panginoon at HINDI SILA TUMIGIL sa kanilang pagtuturo at pangangaral!


Please note:

· Nagpatuloy sila ‘araw-araw’, hindi lang one time o kapag feel lang nila.

· Ginawa nila ito sa Templo at sa mga bahay-bahay. Hindi lang natapos sa “Sunday service” o pagtuturo sa maraming tao, kundi maging sa maliliit na grupo.

· Ipinangaral nila ang GOSPEL (o ang magandang balita tungkol kay Hesus). Hindi lang nanatili sa pagpapagaling, o pagppray para sa iba. Kundi ipinakilala nila mismo ang ginawa ni Jesus!



Conclusion and Application:


Kamusta kaya tayo? Hindi rin ba tayo tumitigil – kahit na medyo challenging dahil sa pandemic (pwede naman online), kahit na merong risk of rejection, kahit na hindi ito ang ating ‘comfort zone’? O baka naman hindi pa tayo nagsisimula?


Nang ating paniwalaan na si Jesus ang ating Panginoon at Tagapagligtas, tayo ay ginawa nang ‘righteous’ o ‘matuwid’ sa harap ng Panginoon. Nailigtas na tayo hindi lang mula sa impyerno kundi pati mula sa buhay na walang saysay at buhay na bihag pa ng kasalanan. Natanggap natin yan sa grasya ng Diyos – hindi dahil sa effort natin.


Pero, tayo ay nailigtas hindi lang para sa sarili natin. Tayo ay hindi lang ‘believers’ kundi ‘followers’ rin. Naging bahagi tayo ng Kaharian ng Diyos (gaya ng mga disciples noon) na merong MISSION na dapat gawin! Ito ang command ni Jesus para sa mga totoong naniniwala sa Kanya—na tayo ay maging ‘contributor’ sa paglago ng Kanyang Kaharian sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan at pagmamahal sa iba.


Sa ating inawit kanina, ang sabi natin ay “we will go to the ends of the Earth”…pero nagsisimula iyan sa mga taong nasa paligid natin na pwede na nating mapahayagan ng ginawa ni Jesus.



Reflection:

1. Nakapagturo at nakapangaral ka na ba ng ‘Good News’ sa kahit isang unbeliever? Hindi ‘yung sa taga-church na, o sa mga ka-Care Circle, kundi sa hindi pa talaga naniniwala at tumatanggap kay Jesus. Paki-share ang iyong experience.

2. Kung oo ang sagot mo sa #1, napagpatuloy mo ba ito? Kung oo, ano ang nakatulong sa iyo na ipagpatuloy na ishare si Jesus? Kung hindi, bakit ka hindi na nagpatuloy?

3. Kung hindi naman ang sagot sa #2, ano ang pumipigil sa iyo?

4. Naniniwala ka na ba na ikaw ay “saved” at bahagi na ng Kaharian ng Diyos?

5. Naniniwala ka ba na LAHAT ng tagasunod ni Kristo ay naatasan na maghayag ng Mabuting Balita?

6. Ano ba ang meaning ng “pagpapahayag ng Mabuting Balita”? Paano ito ginagawa?

7. Dahil ikaw ay ‘saved’ na, ano ang contribution mo sa pagpapalago ng Kaharian ng Diyos?

8. Naniniwala ka ba na kaya kang tulungan ng Holy Spirit para ipangaral ang Good News?



7. Pananalangin


1. Concert prayer / sabay-sabay manalangin: Humingi ng pagpuspos ng Banal na Espiritu sa iyo personally, sa iyong pamilya, at sa MFGC family para tayo ay magkaroon ng TAPANG para ipahayag ang mabuting balita sa iba.

2. Mag-isip ng isang tao na gusto mong mabahagian ng Good News. Sabihin ito sa grupo. Hindi tayo agad-agad lang na mag-sshare sa kanila, kundi simulan natin sa panalangin. Ipagpray sabay-sabay ang taong inyong nabanggit – na ihanda sila ng Diyos na makarinig ng Mabuting Balita at nawa ay magbunga ito sa kanilang buhay.


Note: Hindi ngayon lang ang prayer! Mag-commit na ipanalangin sa Diyos itong bagay na ito everyday, at pag-uusapan ulit natin sa susunod na FPC.


3. Pumili ng isang prayer leader: Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.

4. Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—maniwalang sila ay magaling na at i-declare ang mga pangako ng Diyos tungkol sa healing! (Note: Bukod sa pananalangin ngayon, nawa ay machallenge tayo na i-chat o i-text o tawagan ang mga kapatirang ito na may sakit at direkta silang ipanalangin.)

5. Ipanalangin ang ating church – na maging Spirit-filled ang ating mga gawain, na makapagpangaral tayo ng kabutihan ng Diyos, at na dumami ang mga DISCIPLES at DISCIPLE-MAKERS.

6. Ipanalangin ang mga pamilya sa ating church – na sila ay magkaroon ng maayos na pagsasama, na ‘wag maging ‘idol’ ang pamilya kundi maging focused pa rin sa kanilang mission, etc.

7. Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.


8. Testimony


Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”


Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.


9. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


11. Mga Anunsyo


  1. Abangan po ang mga kaganapan sa ating church sa buwan na ito at siguraduhing makilahok! Patuloy rin nating ipanalangin na tayong lahat ay mag-umapaw sa pagkapuspos ng Banal na Espiritu.

  2. Mother’s Day po sa Sunday! May kaunting pakulo po sa ating FB para sa mga nanay. Abangan!

  3. May gawain po tuwing SABADO ng 7 pm ang mga kabataan. Muli, icheck na lamang ang ating FB.

  4. Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate

  5. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.

  6. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.


170 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page