Below is the material for our Family Prayer Cell on May 19, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Do Not Resist
May 19, 2021
Acts 7:51-53
By: Meki Carolino-Fetil
1. Picture Taking
2. Pagbati
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Song 1: Eagle's wings
Here I am waiting
Abide in me, I pray
Here I am longing For You
Hide me in Your love
Bring me to my knees
May I know Jesus
More and more
Come live in me
All my life, take over
Come breathe in me
And I will rise on eagle's wings
Song #2: Breathe on Me
Breathe on me, breath of God
Love and life that makes me free
Breathe on me, breath of God
Fan the flame within me
Chorus
Teach my heart, heal my soul
Speak the mind that in Christ we know
Take me to Your sanctuary
Breathe on me
Speak to me, voice of God
Soft and still, inside my heart
Speak to me, word of God
Comfort, heal, restore with light
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, salamat sa araw na ito na kami’y pinagsama-sama Mo muli. Itinataas namin sa Iyo ang gawin naming ngayong araw. Nawa ay mabuksan ang aming isipan sa aming pakikinig ng salita Mo at mabuksan ang aming puso sa aming pananalangin lalo na para sa iba.
Patuloy kaming naniniwala sa sinabi ni Hesus na, anuman ang hingin namin sa amin panalangin, kapag kami’y naniwalang natanggap na naming iyon, ay matatanggap nga namin!
Salamat po sa buhay ni Hesus na ibinigay para sa amin na may kakayahan na kaming lumapit sa Inyong harapan. Naniniwala rin kami na kami ay kasama na ni Hesus na nakaupo sa Iyong kanang kamay – kaya wala na kaming dapat ipangamba o ipag-alala.
Gabayan niyo po ang magbabahagi ng Inyong salita ngayong araw (o magfafacilitate)– na siya ay mapuspos ng Banal na Espiritu kahit dito sa aming FPC.
AMEN.”
.
5. Pagbasa ng Scripture
Acts 7:51-53 (Basahin nang may pag-unawa.)
51 - “Napakatigas ng ulo ninyo! Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa mga pagano! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon. Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo.
52 - Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay.
53 - Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinunod.”
6. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Background
Nag-attend ba kayo ng service noong Sunday? Nawa ay naaalala niyo pa si Stephen (mula sa point #4: Courage) – isang server na naging unang Christian martyr.
Bakit ba siya pinatay? Ayon sa Acts 6, siya ay gumagawa ng himala at kababalaghan sa harap ng madla gawa ng kapangyarihang mula sa Diyos. Hindi natuwa ang iba sa kanyang ginagawa (mga Hudyo’t mga taga-synagogue), kaya nakipagtalo sila sa kanya…pero hindi nila matapatan ang wisdom ni Stephen na galing sa Holy Spirit!
Dahil dito, nag-imbento na lang sila ng mga storya – na nilalait daw ni Stephen si Moses at ang Diyos, at nagsasalita laban sa Templo, at kung anu-ano pa.
Tinanong siya ng pinunong pari kung totoo ang mga paratang sa kanya. Sinagot niya ito sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga pangyayari mula sa mga panahon nila Abraham, Isaac, Jacob, Moses, at David. (Kung may panahon sa personal time mo, magandang basahin ang Acts 7! Ang ganda ng summary ni Stephen sa mga pangyayari ng Old Testament!)
Inilahad din niya kung paanong hindi nakikinig ang mga ninuno nila sa mga propeta, at hindi sumusunod sa mga iniutos ng Diyos.
Kaya naman ganoon ang nasabi ni Stephen sa v.51-53.
1. Huwag matigas ang ulo! Matutong makinig.
Na-frustrate na malamang si Stephen sa kausap niyang madla. Napakatigas ng kanilang ulo at pinipilit gawin ang sa tingin nila ay tama.
a) v.51 Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa mga pagano.
Tandaan: Ang mga kausap ni Stephen dito ay mga taong “naniniwala” sa Diyos, pero hindi naniniwala kay Hesus. Bagamat kilala nila ang Panginoon, para silang mga pagano sa kanilang puso at tainga dahil hindi sila bukas na makinig sa kung ano ang tama. Sinusunod lang nila kung ano ang sa tingin nila ay tama ayon sa kanilang kagustuhan – at ang masaklap, minsan ay naiimpluwensyahan ito ng desire nila for power (kapangyarihan), fame (katanyagan), o kung ano man ang makakapagpataas sa kanilang sarili.
Ganito rin ba tayo minsan? Hindi na bukas makinig at malaman ang tama, dahil ang gusto natin ay sarili lang nating desires ang ating susundin?
b) v.51 Kung ano ang ginawa ng inyong ninuno, iyong din ang ginagawa niyo.
Sinasabi rito ni Stephen na hindi na bago itong issue na ito sa kanila. Malamang ay narinig na nila ang mga istorya kung paanong hindi nakinig ang mga ninuno nila, at pagkatapos, nadala sila sa maling daan o nakaranas ng mga consequence. Imbis na iwasan ang alam nang mali – ayon sa experience nila – inulit pa nila ang mali.
Ganito rin ba tayo minsan? Nakita na natin sa experience ng iba kung ano ang resulta ng pagpapatuloy sa “wrong path”. Imbis na iwasan, ginagaya pa ba natin?
c) v.51 Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo.
Gaya ng natutunan natin noong Sunday, nangungusap ang Banal na Espiritu. Hindi Siya malayo at walang pakialam. Ang puno’t dulo (o siguro ay ang main reason) ng kanilang katigasan ng ulo ay dahil nilalabanan nila ang pangungusap sa kanila ng Holy Spirit!
Ministeryo ng Banal na Espiritu na gabayan ang mga tao patungo sa kung ano ang tama. Pero ang nangyayari, sa halip na makinig sila, hindi nila pinapansin at kinokontra pa nila o “nireresist”.
Ganito rin ba tayo minsan? Dahil tayo ay naniniwala na kay Hesus, nananahan na ang Holy Spirit sa bawat isa at nangungusap. We are being convicted – hindi para tayo ay i-judge o i-condemn, kundi tayo ay pinapaalalahanan na tayo ay righteous na sa harap ng Diyos at ito na ang dapat nating ipamuhay.
Siguro ay pamilyar na ito sa atin. Nasa isang pagkakataon ka siguro na malapit ka nang gumawa ng mali, at nangungusap sa iyo ang Holy Spirit na ang gawin ay ang tama. O kaya nasa pagkakataon ka na may DAPAT gawing tama at iyon ang nais ipagawa satin ng Holy Spirit, pero ayaw natin. Nakikinig ba tayo o nilalabanan natin?
Ang mahirap niyan ay kapag patuloy nating nireresist ang Holy Spirit, nasasanay na tayo sa ganito. Minsan ay dumadating tayo sa punto na parang may “kalyo” na ang puso at tainga natin, at mas nahihirapan na tayo lalong makinig.
2. Huwag mag-resist, nakamamatay!
Sabi sa v.52 - Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay.
Gaya ng sabi natin kanina sa background, ang mga ninuno nila ay matitigas rin ang ulo at nang-usig sa mga propeta. Hindi nila matanggap ang mga pahayag tungkol sa pagdating ni Hesus. At ganito rin ang ginawa ng mga kausap ni Stephen. Dahil hindi nila matanggap si Hesus, Siya mismo ay kanilang ipinapatay.
Paano naman sa atin ngayon? Maaaring wala tayong ipinapatay, pero ito ang resulta ng hindi pakikinig sa Banal na Espiritu. Kinokontra natin ang tama – siguro dahil na-ooffend tayo, lalo kapag nacocorrect ang mga mali nating pananaw o Gawain. Hindi man tayo pumatay physically, pero nakakagawa tayo ng mga bagay na nakakasakit sa ating sarili at maging sa iba. Nasisira ang mga relasyon, nasisira ang ating katawan, nasisira ang mga buhay, o nasisira ang mga pagkakataon na makakilala sana ang iba kay Hesus.
3. Makinig at sumunod!
Sabi sa v. 53: Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinunod.
Ang mga taong kausap ni Stephen noon ay aral na aral sa salita ng Diyos! Memorize pa nga siguro nila ang mga “law”. Pero hindi sapat na marinig lang ito at malaman. Kailangang sumunod!
Maging sa ating buhay – hindi sapat na nakikinig lang tayo sa Banal na Espiritu bilang “option” pero sariling gusto pa rin natin ang masusunod. Matuto tayong mag-“walk in step with the Spirit” – meaning, sumabay tayo sa kung saan tayo nais dalhin ng Holy Spirit! Hindi ang sarili lang nating gusting gawin.
Conclusion and Application
Sa araw-araw nating pamumuhay, matuto tayong sumunod sa leading ng Banal na Espiritu. Maliit o malaking desisyon man o aksyon. Huwag nang i-resist, dahil kapag tayo ay nakinig at sumunod, siguradong tayo’y mapupunta sa kung ano ang tama at makakabuti sa atin at sa iba.
Tandaan: Ang maganda pa niyan ay hindi lang tayo ginagabayan ng Holy Spirit na “huwag gumawa ng mali” kundi upang gawin din kung ano ang tama! Kapag tayo ay may nakakahalubilo, maging bukas tayo sa leading ng Banal na Espiritu na tayo ay makapagpahayag tungkol kay Jesus!
Reflection:
1. Bakit kaya mahirap makinig sa Banal na Espiritu?
2. Kinokonsulta mo ba ang Holy Spirit sa maliliit at malalaking desisyon o aksyon na iyong ginagawa?
3. May experience ka ba na hindi ka nakinig sa Banal na Espiritu ay hindi naging maganda ang bunga? Ano ang naidulot nito sa iyo at sa iba?
4. May experience ka ba na nakinig ka sa Banal na Espiritu at maganda ang naging bunga?
5. May experience ka ba na ni-lead ka ng Holy Spirit na mag-minister sa ibang tao, at nakinig ka at sumunod? I-share ito.
6. Ano kaya ang pwede nating gawin para mas maging “sensitive” sa pangungusap ng Banal na Espiritu?
7. Pananalangin
1. Concert prayer / sabay-sabay manalangin: Humingi ng pagpuspos ng Banal na Espiritu sa iyo personally, sa iyong pamilya, at sa MFGC family, at ipanalangin na tayo ay matutong SUMUNOD sa leading ng Holy Spirit.
2. Pumili ng isang prayer leader: Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.
3. Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—maniwalang sila ay magaling na at i-declare ang mga pangako ng Diyos tungkol sa healing! (Note: Bukod sa pananalangin ngayon, nawa ay machallenge tayo na i-chat o i-text o tawagan ang mga kapatirang ito na may sakit at direkta silang ipanalangin.)
4. Ipanalangin ang ating church – na maging Spirit-filled ang ating mga gawain, na makapagpangaral tayo ng kabutihan ng Diyos, at na dumami ang mga DISCIPLES at DISCIPLE-MAKERS.
5. Ipanalangin ang mga bata sa church – na sila ay lumago
6. Ipanalangin ang mga single young adults sa church – na matutong maghintay sa tamang panahon, ihanda nila ang sarili nila para sa future partner, na huwag mainip at mag-settle sa mga hindi tamang relasyon
7. Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Abangan po ang mga kaganapan sa ating church sa buwan na ito at siguraduhing makilahok! Patuloy rin nating ipanalangin na tayong lahat ay mag-umapaw sa pagkapuspos ng Banal na Espiritu.
May gawain po tuwing SABADO ng 7 pm ang mga kabataan. Muli, icheck na lamang ang ating FB.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments