Below is the material for our Family Prayer Cell on May 26, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
No Surprises
May 26, 2021
Acts 12:5-11
By: Meki Carolino-Fetil
1. Picture Taking
2. Pagbati
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
Song 1: God Will Make a Way
God will make a way
Where there seems to be no way
He works in ways we cannot see
He will make a way for me
He will be my guide
Hold me closely to His side
With love and strength for each new day
He will make a way, He will make a way
(repeat)
By a roadway in the wilderness, He'll lead me
And rivers in the desert will I see
Heaven and Earth will fade but His Word will still remain
And He will do something new today
(repeat chorus)
Song #2: God Is So Good
God is so good,
God is so good,
God is so good,
He’s so good to me!
(repeat)
God answers prayer,
God answers prayer,
God answers prayer,
He’s so good to me!
(repeat)
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, salamat sa araw na ito na kami’y pinagsama-sama Mo muli. Salamat sa sakripisyo ni Hesus para sa amin kaya buong tapang kaming nakakalapit sa Iyo.
Samahan mo kami ngayong araw sa aming gawain, at tulungan Mo po kami na magkaroon ng puso na handang tumanggap ng Iyong salita, at puno ng pananampalataya.
AMEN.”
.
5. Testimony
Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”
Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.
6. Pagbasa ng Scripture
Acts 12:5-11 (Basahin nang may pag-unawa.)
5 - …kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa kanya.
6 Nang gabi bago iharap ni Herodes si Pedro sa bayan, natutulog ito sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos siya ng dalawang tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. 7 Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan. Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. “Dali, bumangon ka,” sabi ng anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro. 8 “Magbihis ka't magsuot ng sandalyas,” sabi ng anghel, at ganoon nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, “Magbalabal ka't sumunod sa akin.”
9 Lumabas at sumunod si Pedro sa anghel, ngunit hindi niya alam kung totoo nga ang nangyayaring iyon. Akala niya'y pangitain lamang iyon. 10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa pintuang bakal na labasan papunta sa lungsod. Ito'y kusang bumukas at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, bigla siyang iniwan ng anghel.
11 Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya, “Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyari sa akin.”
7. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Background
Gaya ng nakita at napag-usapan natin sa mga nakaraang lingo, pinepersecute o inuusig ang mga sumusunod kay Jesus sa panahon ng mga kaganapang binabasa natin sa Acts. Sa Chapter na ito (kung babalik tayo sa verse 1), makikita natin na si Haring Herodes (King Herod) nagsimula rin na usigin ang mga kasanib sa iglesya.
Ipinapatay niya si James (na kapatid ni John), at nung makita niya na natuwa ang mga Hudyo sa ginawa niya, ipinadakip din niya si Peter.
Ikinulong niya si Peter at pinabantayan sa apat na kawal.
1. Nanalangin ang iglesya
Sabi sa v.5: “…Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa kanya.”
Ang naging response ng mga taga-iglesya nang dumaan sa pagsubok ang isa nilang kapatid (at lider) ay manalangin.
Ilang obserbasyon tungkol sa kanilang ginawa –
- Taimtim silang nanalangin. Sa Greek (ang original na language ng New Testament), ang salitang ginamit ay “ektenos”. Trivia: Dalawang beses lang ginamit ang salitang ito sa New Testament!
Ang “ektenos” ay mula sa isang salita na ang kahulugan ay “to stretch out the hand”. Sa mga English versions naman, ito ang mga ginamit na salita: NIV = “earnestly praying”, KJV = prayer “without ceasing”, NKJV = “constant prayer”, NASB = prayer made “fervently”.
Ang ganda ng mga salitang ginamit! Makikita natin na ang uri ng panalangin na ginawa ng iglesya ay tuloy-tuloy, may passion at mula sa puso, honest, sincere, may intention at determination!
- Hindi nila hinayaang si Peter lamang ang manalangin para sa sarili niya, kundi nakiisa ang iglesya sa pananalangin! Malaki talaga ang nagagawa ng ektenos prayer na may pagkakaisa o unity! Nawa ay magkaroon din tayo ng puso para ipag-pray ang mga kapatiran natin na may mga pangangailangang pisikal, materyal, emosyonal, intelektwal, o spiritwal. Hindi lang puro panalangin para sa sarili, kundi may pakialam sa iba. At nawa ay huwag tayong manghinawa na mag-FPC at maki-isa sa ating MFGC family in payer!
2. Sinagot ang kanilang dalangin!
Ano ang nangyari sa v.6 to v.10? Nasagot ba ang ektenos prayer ng iglesya?
Oo! Mula sa pagkagapos sa tanikala ni Peter (na mayroon pang bantay na mga kawal), siya ay nakawala! Makikita natin – hindi na natin babalikan step by step – na may anghel ng Panginoon na pumunta sa kulungan. Ginising niya si Peter noon gabing iyon at pinabangon – habang nakalag ang kanyang tanikala! Pinagbihis siya at pinasunod sa anghel hanggang tuluyang makalampas sa mga bantay, at makalabas ng mga pintuan.
Akala ni Peter noong una ay pangitain lamang ang nangyayari – dahil malamang ay inaasahan naman niya na siya ay tutulungan ng Diyos, at siguro sa tingin ni Peter ay pinapakita sa kanya sa “creative” na paraan na siya ay makakalaya.
Pero sa v.11, natauhan siya at na-realize na totoo pala ang lahat ng nangyari, at na-“tiyak” niya na kumilos ang Diyos para siya ay iligtas!
Conclusion
Kung inyong mapapansin, dalawa lang ang points ng ating message ngayon. Nais nating bigyang diin ang simple pero amazing na katotohanan: Kapag tayo ay nanalangin (nang ayon sa kagustuhan ng Diyos), sumasagot Siya!
Kamangha-mangha ang nangyari kay Peter – pero, hindi na dapat ito kagulat-gulat! Malamang, si Peter mismo ay na-amaze sa nangyari pero hindi na-surprise dahil nakita na niya nang maraming beses ang mga milagro at pagkilos ng Diyos noong nakasama niya pa si Hesus (panoorin sa TV show na “The Chosen – search sa Youtube, o i-download sa app), at maging sa pamamagitan ng pagkilos ng Holy Spirit nang sila ay maiwan na ni Jesus.
Kapag nananalangin ba tayo, totoong naniniwala tayo na sasagutin ito ng Diyos? Kapag nag-pray ka na ikaw ay gagaling, nagugulat ka ba na gumagaling ka nga? Hindi naman masama na tayo ay matuwa at ma-amaze sa ginawa ng Panginoon – magandang mamangha tayo sa mga pagkilos ng Diyos. Ngunit nawa ay kapag nananalangin tayo, mayroon na tayong EXPECTATION na sasagot Siya!
Ang iba kasi kapag nananalangin ay may ganitong attitude: “Mag-ppray ako, pero ihahanda ko pa rin ang sarili ko sa “worst” o sa hindi pagsagot ng Diyos.” Kaya naman ang nangyayari ay hindi na nga talaga nila nakukuha ang kanilang ipinapanalangin, o kaya surprised na surprised sila kapag hindi ang “pangit” na inaasahan nila ang nangyari.
Nawa ay hindi tayo magkaroon ng ganitong pananaw sa prayer.
Sa halip, tayo ay maniwala sa simpleng ideya na SUMASAGOT ANG DIYOS SA MGA PANALANGIN na akma sa kanyang Salita. Kaya ‘wag tayong magulat kapag nasagot ang ating prayer 😊
Reflection
1. Nakaka-relate ka ba sa pananaw na “hope for the best / pray for the best, but expect the worst” (umasa / manalangin na makuha ang magandang resulta, pero asahan ang pangit na mangyayari)? Bakit kaya?
2. Ano ang dapat nating attitude sa pananalangin?
3. Meron ka na bang experience na meron kang ipinagpray at sinagot ng Diyos, at ikaw ay thankful pero hindi na “nagulat”? I-share ito.
8. Pananalangin
1. Concert prayer / sabay-sabay manalangin: Humingi ng tulong sa Diyos na lalong lumago ang iyong pananampalataya – at talagang matuto kang magtiwala na sumasagot sa panalangin ang Diyos!
2. Pumili ng isang prayer leader: Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.
3. Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—maniwalang sila ay magaling na at i-declare ang mga pangako ng Diyos tungkol sa healing! (Note: Bukod sa pananalangin ngayon, nawa ay machallenge tayo na i-chat o i-text o tawagan ang mga kapatirang ito na may sakit at direkta silang ipanalangin.)
4. Ipanalangin ang ating church – na maging Spirit-filled ang ating mga gawain, na makapagpangaral tayo ng kabutihan ng Diyos, at na dumami ang mga DISCIPLES at DISCIPLE-MAKERS.
5. Ipanalangin ang mga trabaho at business ng ating mga kapatiran.
Tanungin ang bawat isa tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comentarios