Below is the material for our Family Prayer Cell on January 13, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
He Cares, He Warns
January 13, 2021
Luke 23:26-31
by Ptr. Kay Oyco-Carolino
1. Picture Taking
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.
Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC – kahit late na kayo mag-FPC :)
2. Pagbati
3. Pag-aawitan
Song #1:
D – F#m – G – A – D – F#m – G – A
Mahal na mahal Kita, Panginoon
D – F#m – G – C – A
Mahal na mahal Kita Panginoon
F#m – Bm – F#m – Bm
Kailanma’y di Kita ipagpapalit, ‘Pagkat sa piling Mo’y langit
Em – A – D
Mahal na mahal Kita Panginoon.
F#m – Bm – Em – A – F#m – Bm – Em - A
Habambuhay, papupurihan Ka, Habambuhay maglilingkod sa ‘Yo.
F#m – Bm – Em - A
Habambuhay, pag-ibig ko sa “yo’y iaaalay!
Song #2
D – DM7 – G – A – D – G – A
Minamahal Kita, sinasamba Kita
D – DM7 – F#Bm
Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan
Em – A – D
Minamahal, sinasamba Kita
4. Opening Prayer
“Panginoong Dios na buhay, lumalapit po kami sa Inyo nang may pagpapakumbaba. Wala po kaming magagawa kung wala Ka sa aming buhay. Itinataas naming ang Inyong pangalan ngayon. Dakila Ka, Panginoon! Wala Kang katulad! Ginigising Mo po kami, sinasagot ang aming mga panalangin, ginagabayan sa abawat araw, binibigyan ng karunungan sa aming mga desisyon, binibigay ang aming mga pangangailangan, at marami pa pong iba! Hindi man nami tio makita, nanatili po Kayong Dios ng lahat lahat. Sinasamma po naming Kayo. Gabayan po Ninyo ang lahat ng aming gagawin. Malugod po nawa Kayo sa lahat ng ito! Sa pangalan ni Hesus, amen!”
5. Praise Reports
Mauubusan ba tayo ng pasasalamat sa Kanya! Lagi natin Siyang ibida sa lahat ng ating usapan at kuwentuhan. Tiyak may ginawa Siyang mabuti sa iyong buhay. Maliit man o malaki!
.
6. Scripture
Luke 23:26-31
26 Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na taga-Cirene na noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan dito ang krus habang pinapasunod kay Jesus.
27 Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. 28 Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. 29 Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ 30 Sa mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ 31 Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”
7. Mensahe
Sa mga nagdaang araw, maraming tao ang kumukuyog sa Panginoong Hesus dahil sa Kanyang mga pagpapagaling sa may sakit, sa Kanyang mga tinuturo ayon sa Dios Ama, at sa Kanyang pagmamalasakit sa mga gutom at sa mga makasalanan.
Ilang mga kababaihan, mga ina ng tahanan, ang laging nakasunod kay Hesus. Naging masugid din silang mga alagad ni Hesus sa kabila ng kanilang pagiging babae. (Note: patriarchal ang society ng Israel noon, ibig sabihin, ang kultura nila ay kumikiling sa mga lalaki, sa mga ama.) Saksi sila sa kabutihan ni Hesus at alam nil ana Siya ang Messias.
Kaya, nang dumating ang araw na si Hesus ay pinaratangan nang mali at pinaparusahan ng mga Romanong sundalo sa kabila ng wala Siyang kasalanan, ganoon na lang ang kanilang pagtangis. Tila sila ang ina ni Hesus.. dama nila ang hirap Niya sa paglakad nang ilang kilometro na pasan pasan ang napakabigat na krus. Umiiyak sila. Ngunit tingnan natin ang puso ng Panginoong Hesus sa kabila ng Kanyang paghihirap,
1) Dapat sana naka-focus si Hesus sa hirap at sa-kit Niya. Ang tinatahak Niya na daanan ay hindi lang pantay na daanan kungdi ma-burol…paakyat, pababa, pasan ang krus ngunit nagawa pa Niyang mapansin ang mga babaeng tumatangis para sa Kanya.
Reflect: God is never too busy or occupied with Himself. He delights in addressing man’s needs because He cares for them. He is never full of Himself that He would not care for His children. No! He is concerned about His followers, His children.
2) Kahit nahihirapan Siya, binigyan pa rin Niya ng malasakit ang mga babaeng tumatangis na huwag Siyang iyakan at, sa pagbigay Niya ng ‘warning’ o paalala sa mga hula na malapit nang mangyari .Ito ang dapat nilang iyakan: ANG INYONG SARILI AT INYONG MGA ANAK.
Reflect: God knows the future and He loves us so much to always remind us that we should we be prepared for the troubles ahead. It is such great comfort that because He cares, He will not just let us go through troubles unprepared. He equips us and makes us strong in the inside to face what is before us.
3) Bagama’t Siya ay Dios, nararanasan Niya ang hirap ng Kanyang pinagdadaanan kaya gayun na lamang ang pagsabi Niya ng matinding hirap pa na darating na matutuwa pa ang mga ‘baog’ kasi wala silang anak..hindi buntis, hindi nagpapasuso…in short, hindi nila makikita ang hirap na madadasan ng kanilang mga anak.
Reflect: This means, the coming days will be really filled with trouble. It could mean two things: (hindi pa nila noon ito, siempre kasi hula) the destruction of the whole Jerusalem (In AD70, with great brutality, the Romans killed almost every man, woman, and child. The Jewish-Roman historian Josephus estimated that over a million people died, the majority of whom were Jewish. No one was spared, and some reported that the Roman legions had to climb over heaps of dead bodies to continue their work of killing everyone in the city.) or the future judgment of the world under the rulership of King Jesus. Kaya nga, we should be alerting this generation of what is to come --- that they can no longer continue to rebel against God. Unless they want to experience the great tribulations ahead.
Conclusion:
Noong sinabi ni Hesus na “Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”, marahil ay tinututkoy NIya ang Kanyang sarili. (Take note: ang kahoy na sariwa ay mayroon pang moisture na nakakatulong upang hindi mabilis ito magdingas at masunog; kapag tuyo na ang kahoy, mabilis itong matupok).
Parang sinasabi Niya na: “Ako nga, inosente, walang kasalanan, ang bilis nilang husgahan at parusahan at gustong patayin, paano pa kaya kung mga rebelde sa pamahalaang Romano pa, di mas lalo nang matindi ang pagpapahirap sa kanila at damay damay na lahat?”
Puede ring ito ang ibig Niyang sabihin: “Inialay Ako ng Aking Ama upang dumanas ng hirap upang ang mga tao ay manamapalataya sa Akin. Ngunit kung patuloy pa rin ang pag-rerebelde ng mga tao sa Dios, ano pa kayang mas matinding kaparusahan ang mangyayari sa kanila pagdating ng Paghuhukom?”
Anuman dito sa dalawang ito, ang punto ay baka mali ang ang ating mga iniiyakan ngayon? (Ask each one ang madalas nilang iyakan…nangiiwang kaibigan, nawalan ng trabaho, bumagsak sa test, pinag-aawayang pasalubong o regalo, mga module na hindi masagutan, ang pagtanda ng walang asawa, etc.)
Pinapaalala sa atin ngayon na tumangis tayo para sa ating henerasyon. Kalunus-lunos na isipin na mawiwindang sila sa pananampalataya dahil hindi natin sila itinangis sa Panginoon ngayon?
Ganito tayo kamahal ng Dios! Nagbibigay Siya ng warning para maagapan natin ang mga bagay at maingatan ang susunod na henerasyon.
Reflection: Anu-ano ang mga naiisip ninyo sa future na puedeng mangyari na magiging delikado para sa mga darating na henerasyon?
8. Pananalangin
Pray for our church services – that people would be focused kahit nanonood sa bahay, at ang mga kaya umattend physically ay maka-attend; that the Word of God will be planted on “good soil” at magbunga sa mga buhay ng attendees – hindi lang maging requirement or ritual ang pagchuchurch
Pray for the pastors – that God would sustain them and provide for all of their needs; that God would fill them continually with the Holy Spirit para makapag-minister sa church
Pray for our church – for plans for this year 2021, at maituloy pa rin ang discipleship kahit na iba ang set-up; for more leaders (old and new) na mag-step up at mag-contribute ng kanilang time and effort para sa Kingdom ng Lord
Pray for the Foursquare family – for creativity sa mga programa ngayong taon; for provision lalo sa mga churches at pastors na na-impact ng mga nakaraang sakuna at maging ng pandemic; for the Holy Spirit to move at makita sa lahat ng ating mga simbahan at attendees that God is alive!
Pray for our nation - for the right decision re: vaccine; for integrity and fear of God for our government officials; for justice and mercy especially to the needy
Personal prayer – ask for prayer item of person to your left and right
9. Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203
GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551
BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526
10. Mga Anunsyo
Pwede pong mag-signup para sa mga physical service sa Sunday ng 9 am at 2 pm
Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square
Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square
Comments