top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 20 - Out of Your Mind

Below is the material for our Family Prayer Cell on June 02, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




Out of YourMind

June 2, 2021

Acts 12:12-18

By: Meki Carolino-Fetil

 

1. Picture Taking


2. Pagbati


Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi! Salamat sa Diyos na tayo ay magkakasamang muli para manalangin at magpuri at making sa Salita Niya! Once a week lamang itong FPC kaya naman ibigay natin ang ating buong atensyon at focus sa ating gawain ngayon.


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


Song 1: Napakabuti Ng Ating Diyos


Napakabuti ng ating Diyos

Di Sya nagbabago

Napakabuti ng ating Diyos

Di Sya nagkukulang


Itaas ang ngalan Nya

Lahat ng nilikha

Napakabuti nga ng ating Diyos

REPEAT


Nais ko'y magpasalamat,

sa ating Diyos

Ang nais ko ay magpuri,

itaas ang ngalan ni Hesus


Song #2: Dakilang Katapatan


Sadyang kay buti ng ating Panginoon

Magtatapat sa habang panahon

Maging sa kabila ng

Ating pagkukulang

Biyaya Niya’y patuloy na laan


Katulad ng pagsinag ng gintong araw

Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw

Kaya sa puso ko’t damdamin

Katapatan Niya’y aking pupurihin


CHORUS

Dakila Ka, O Diyos

Tapat Ka ngang tunay

Magmula pa sa ugat ng aming lahi

Mundo’y magunaw man,

Maasahan Kang lagi

Maging hanggang wakas

Nitong buhay


Kaya, O Diyos,

Kita’y laging pupurihin

Sa buong mundo’y aking aawitin

Dakila ang Iyong katapatan

Pag-ibig Mo’y walang hanggan


<Repeat Chorus>


CHORUS 2

Dakila Ka, O Diyos

Sa habang panahon

Katapatan Mo’y matibay na sandigan

Sa bawat pighati’t tagumpay

Man ay naroon

Daluyan ng pag-asa kung

Kailanga’y hinahon

Pag-ibig Mo’y alay sa ‘min

Noon hanggang ngayon


Dakila Ka, O Diyos

Dakila Ka, O Diyos


4. Pambungad na Panalangin


(Mag-pray ayon sa leading ng Banal na Espiritu.)

.

5. Testimony


Ibahagi sa iba ang iyong mabuting karanasan sa pagsagot ng Dios sa iyong panalangin. Simulan ito ng pagsabing: ‘I give the glory to God because…’ o “Binibigay ko ang kaluwalhatian sa Dios dahil sa Kanyang ginawa sa akin….”


Mag-isip ng ipagpapasalamat sa Diyos na FRESH at BAGONG EXPERIENCE lamang! Siguradong may ginawang mabuti ang Lord sa iyo nitong mga nakaraang linggo.


6. Pagbasa ng Scripture


Acts 12:12-18 (Basahin nang may pag-unawa.)


12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto, lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon. 14 Nakilala niya ang tinig ni Pedro, dahil sa tuwa ay tumakbo siyang papasok ng bahay nang hindi pa nabubuksan ang pinto, at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.


15 “Nahihibang ka!” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Anghel niya iyon!” 16 Samantala, patuloy na kumakatok si Pedro.


Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala. 17 Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.


18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro, at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya.


7. Pagpapaliwanag ng Mensahe


Naaalala mo pa ba ang ating storya last week? Bagamat ipinakulong si Pedro, may dumating na anghel para tulungan siyang makalaya.


Ang passage na binasa natin ngayon ay karugtong ng mga pangyayaring iyon.


v.12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin.


Pagkalaya ni Pedro sa pagkakabilanggo, pumunta sya sa umpukan ng mga kapatiran nya sa iglesya. Mapapansin natin na hindi pa nila alam ang nangyari kay Pedro. Nandoon sila at nagkatipon-tipon at malamang ay patuloy pa rin sa kanilang sama-samang ektenos prayer. Napakagandang makita na talagang patuloy sila at masugid sa pananalangin!


v.13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto, lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon.


Nang kumatok si Pedro, si Roda ang lumapit para tingnan kung sino ito. Wala tayong ibang alam masyado tungkol kay Roda bukod sa siya ay isang katulong o “servant”. Hindi naman kagulat-gulat na siya ang naatasang pumunta sa pinto dahil marahil ay karaniwan na niyang gawain ito bilang paninilbihan sa kanyang amo.


v.14 Nakilala niya ang tinig ni Pedro, dahil sa tuwa ay tumakbo siyang papasok ng bahay nang hindi pa nabubuksan ang pinto, at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.


Narinig pa lang ni Roda ang tinig ni Pedro at nakilala na niya ito! Hindi na nga niya nabuksan ang pinto para papasukin ang apostol. Marahil pamilyar siya sa boses ni Pedro dahil naririnig niya itong mag-preach at kinakausap ang pamilya ni Maria.


In-announce agad niya sa mga nasa loob ng bahay (na nananalangin na makalaya si Pedro) na nandoon na siya sa pintuan!


Wow! Pansinin ang faith na ito ni Roda. Hindi pa man niya nakikita kung si Pedro talaga ang nasa labas, naniwala siyang SIYA NA TALAGA IYON!


Malamang ay naririnig niya (o baka kasali rin siya) ang mga dalangin ng grupo ng mga Kristyano tungkol sa pagkalaya ni Pedro. Natuwa siya at ibinalita ang nangyari dahil marahil sa kanyang paningin ay NASAGOT NA ANG KANILANG DALANGIN!


Reflection:

- Kamusta tayo sa ating mga sariling buhay? Kaya ba nating maniwala na ANSWERED PRAYER na kahit na hindi pa natin nakikita ng sarili nating mga mata?


v.15 “Nahihibang ka!” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Anghel niya iyon!” 16 Samantala, patuloy na kumakatok si Pedro.


Nakakagulat ang sagot ng grupo. Sa tingin nila ay nahihibang lang si Roda – tila ba imposible na talagang makalaya si Pedro. Baka raw anghel lang ni Pedro iyon – siguro ay naiimagine lang ni Roda.


Nakakalungkot isipin na bagamat nananalangin ang grupo, parang wala silang pananampalataya na kaya ng Diyos gumawa ng kakaibang paraan para masagot ito. Siguro naiisip nila na makakalaya si Pedro sa “normal” na paraan pero hindi siguro nila inaasahan na magkakaroon ng himala para mangyari iyon!


Nakakalungkot rin na si Roda ay sinabihan na “nahihibang”. Pwede kayang hindi siya pinaniwalaan ng grupo dahil sa “mababa” nitong social status? Makikita natin kahit sa lipunan ngayon na talagang may pagtatangi minsan sa mga simpleng tao. Pwede rin kayang dahil siya ay babae? Anupaman, hindi naniwala ang grupo kay Roda.


At sa totoo lang, sino ba talaga ang nahihibang o “out of their minds”? Hindi ba’t mas kahibangan ang manalangin at HINDI maniwala?


Reflection:

- Ganito rin ba tayo paminsan-minsan? Nananalangin tayo para sa isang bagay, pero hindi natin mapaniwalaan na matutupad nga ito lalo kung parang himala ang kailangan para mangyari?

- May pagtatangi rin ba tayo kapag ang “magandang balita” ay mula sa isang ordinaryong tao na may “low social status”?


v.16 Samantala, patuloy na kumakatok si Pedro. Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala.


Nagulat sila at “hindi makapaniwala” nang nakita nila si Pedro. Parang hindi nga nila ineexpect na masasagot ang ipinanalangin nila!


Wala nang nabanggit tungkol kay Roda pero malamang ay wala na silang nasabi sa kanya ngayong nakita na nila si Pedro gamit ang sarili nilang mga mata.


Reflection:

- Naniniwala ka bang “to see is to believe”? Bakit oo o bakit hindi?


v.17 Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.


Pinatahimik ni Pedro ang grupo dahil malamang nga ay shocked na shocked ang mga ito! Ikinwento na niya kung paano siya nakalabas sa tulong ng Panginoon. Marahil ay naging lesson ito sa grupo tungkol sa pananampalataya at mga himala – na talagang walang imposible sa Diyos!


v.18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro, at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya.

Nalaman na rin ng mga kawal kinabukasan na nakawala si Pedro at hindi rin nila alam kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil hindi sila naniniwala kay Kristo – normal na reaksyon nga na maguluhan sa kung paano nangyari ang himala.


Reflection:

- Kagaya din ba tayo ng mga kawal na ‘hindi alam ang nangyari’ kapag may naranasan tayong answered prayer o himala, o na-rerecognize natin agad na ang Diyos ang gumawa ng paraan?


Conclusion:

Isang beses lang binanggit si Roda sa Bible pero litaw na litaw ang kanyang FAITH o PANANAMPALATAYA – na kahit hindi pa man niya “nakikita”, naniwala na siya sa nasagot na dalangin! Tandaan: Hindi kahibangan na maniwala sa mga himala!


8. Pananalangin


1. Concert prayer / sabay-sabay manalangin: Humingi ng tulong sa Diyos na lalong lumago ang iyong pananampalataya – at talagang matuto kang magtiwala na sumasagot sa panalangin ang Diyos!

2. Pumili ng isang prayer leader: Ipanalangin ang mga lider ng ating bansa, at ng lungsod na iyong kinabibilangan (Marikina, Antipolo, etc)—nawa ay magkaroon ng takot sa Diyos, maayos na pamamahala, at kalakasan at karunungan.

3. Ipanalangin ang mga kapatiran nating may nadarama sa kanilang mga katawan—maniwalang sila ay magaling na at i-declare ang mga pangako ng Diyos tungkol sa healing!

4. Ipanalangin ang ating church services – na nawa ay mapuspos ng Holy Spirit ang mga gawain natin online, at mas marami pang maabot, lalo ang mga kaibigan, kapamilya at mga kakilala natin!

5. Ipanalangin ang ating mga Care Circle leaders at members – na magpatuloy at huwag mapagod!

6. Ipanalangin ang JCLAM Christian School – na magkaroon ng mas marami pang enrollees ngayong taon!

7. Ipanalangin ang mga senior citizen – na ‘wag malungkot sa kanilang mga tahanan (lalo dahil hindi sila nakakalabas) at magpatuloy parin sa paglago nila sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.

8. Ipanalangin ang mga kakilala nating frontliner – na bigyan sila ng kalakasan at proteksyon lalo sa mga panahon ngayon.

9. Tanungin ang bawat isa tungkol sa prayer requests. Ipanalangin ang requests ng nasa kaliwa at kanan.


9. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


11. Mga Anunsyo


  1. Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate

  2. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.

  3. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.


126 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page