top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 21 - Saklolo

Updated: Jun 11, 2021

Below is the material for our Family Prayer Cell on June 09, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




Saklolo

June 9, 2021

Acts 17:1-9

By: Meki Carolino-Fetil

 

1. Picture Taking


2. Pagbati


Corporate prayer works wonder! Kahit hindi ka pa sanay, ang simple faith mo ay maaari nang maging saligan upang magkaroon ka ng kumpiyansa na humarap sa Dios.


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


SONG 1:


(G) C (G) C Am Dm - G

My Glory and the Lifter of my head, my Glory and the Lifter of my head

C C7 F Dm G G C

For Thou O Lord, art a Shield to me, my Glory and the Lifter of my head

G C G C

I cried unto the Lord with my voice I cried unto the Lord with my voice

G C D7 G

I cried unto the Lord with my voice and He heard me out of His holy hill!


SONG 2:


Cm Gm Cm Gm Cm

You are the Rock of my salvation, You are the strength of my life

Cm Gm Cm Gm Cm

You are my hope and my inspiration, Lord unto You will I cry.

Ab Bb Cm Ab Bb Cm

I believe in You, believe in You, for Your faithful love to me.

Ab Bb Cm Fm G

You have been my help in time of need, Lord unto You will I cleave.


4. Pambungad na Panalangin


“Dios naming Ama sa langit, nagpapasalamat po kami sa pagkakataong magkasama-sama upang makinig ng Inyong salita at makapanalangin para sa aming pangangailangan. Patawarin po Ninyo kami sa aming pagkakasala sa buong linggong nagdaan. Patuloy po Ninyo kaming gabayan ng Inyong Banal na Espiritu sa aming pananalangin. Malugod nawa kayo sa lahat ng aming gagawin at sasabihin. Sa pangalan ni Hesus. Amen. “


5. Pagbasa ng Scripture


Dumaan sina Pablo at Silas sa Amfipolis at Apolonia, hanggang sa makarating sa Tesalonica. Sa lungsod na ito'y may sinagoga ang mga Judio, 2 at ayon sa kinaugalian ni Pablo, siya'y pumasok doon. Sa loob ng tatlong magkakasunod na Araw ng Pamamahinga, siya ay nakipagpaliwanagan sa kanila. Mula sa Kasulatan 3 ipinaliwanag niya at pinatunayan na kinailangang magdusa ang Cristo at muling mabuhay. Sinabi niya, “Ang Jesus na ito, na ipinapahayag ko sa inyo, ay ang Cristo!” 4 Naniwala at nahikayat na sumama kina Pablo at Silas ang ilan sa kanila, gayundin ang maraming kababaihang kinikilala sa lungsod, at ang napakaraming debotong Griego.

5 Ngunit nainggit ang mga Judio, kaya't tinipon nila ang mga palaboy sa lansangan at sila'y gumawa ng gulo sa lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason at pilit na hinanapsina Pablo at Silas upang iharap sa bayan. 6 Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid at iniharap sa mga pinuno ng lungsod. Ganito ang kanilang sigaw: “Ang ating lungsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating, 7 at sila'y pinatuloy ni Jason. Nilalabag nilang lahat ang mga batas ng Emperador. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala'y Jesus.” 8 Kaya't nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lungsod dahil sa sigawang ito. 9 Si Jason at ang kanyang mga kasama'y pinagmulta ng mga pinuno bago pinalaya.


6. Pagpapaliwanag ng Mensahe


Ang pangalang Jason ay tila isang common name sa mga Greeks, kung paanong ang Joshua ay palasak na pangalan sa mga Judio. Hindi siya masyadong kilala ngunit ayon sa kasaysayan, siya ay naging tunay na convert at follower ni Jesus sa pamamagitan nila Pablo at Silas. Marahil ay hindi siya matuturing na mahirap dahil tila kaya niyang tumanggap ng ilang mga tao sa tahanan niya. Naging refuge ang bhay niya sa Thessalonica para sa mga bagong converts.


At dahil dumadami na ang mga tagasunod ni Hesus, mga kababaihan, mga deboto, atbp., nabawasan ang attention sa mga Judio na lalong nagpadagdag sa kanilang inggit sa mga tagasuno ni Hesus.


Gumawa ang mga inggitero ng eksena para usigin sila Pablo. Ano’ng mga ginawa nila?

1) Tinipon ang mga palaboy sa lansangan para mag-acting na manguggulo (TAMA BA ITO?)

2) Nilusob ang bahay ni Jason at pilit na hinanap sila Pablo at Silas (TAMA BA ITO?)

3) Dahil hindi mahanap doon sina Pablo at Silas, si Jason na lang at ilang mga taong nasa loob ng tahanan niya ang inilantad sa mga pinuno ng lungsod. (MAKATUWIRAN BA ITO?)

4) Pinangalandakan nila na ang grupo nila Pablo ang nanggugulo at si Jason ang kumupkop sa kanila. (MAY KATOTOHANAN BA ITO?)

5) NIlalabag daw nila Jason ang mga batas ng kanilang emperador. Pagtatraydor sa bayan (treason). (TAMA BA ITO?)

6) Ginawan nila ng kuwento na sina Pablo ay may ipinapalit na hari sa Emperador na nagngangalang Hesus. (ITO BA ANG SINASABI NINA PABLO AT SILAS?)


Dahil sa mga imbentong kuwento at pag-uusig na ito, lalong gumulo ang bayan. Sumama ang loob at hindi matanggap ng mga pinuno na ganoon ang ginagawa nila Pablo ayon sa kuwento ng mga Judio.


Ipapakulong nila sila Jason at iba pang mga converts na nakasilong sa tahanan nila Jason. Ngunit nakapag-piyansa siya at sa kanyang mga kasamahan.


Conclusion:


Alam ninyo po bang ang pangalang Jason ay may ibig sabihin sa Griyego na: Si Hesus ang aking kaligtasan.


Ayon sa kasaysayan, kinupkop talaga ni Jason sina Pablo ngunit naitago nila at naitakas siya papuntang Berea.


Pansinin natin ang ginawa ni Jason bilang bagong tagasunod ni Hesus:

1) Kinupkop niya ang mga lingkod ng Dios. Hindi niya ipinagkait ang kanyang ‘resources’ upang makaTULONG sa gawain ng kanyang bagong Panginoon na si Hesus.

2) Sa kabila ng kanyang malasakit, “nadamay’ siya at mga kapwa mananampalataya na pinatira niya sa lugar niya. Sila ang napagbuntunan nggalit ng pamahalaan.

3) Hindi niya ‘nilaglag’ ang mga lingkod ng Dios; lakas-loob niyang hinarap ang mga nang-uusig

4) Siya pa ang naiharap sa mga pinuno upang mainsulto at mapahiya ngunit tinanggap niya ang mga ito.

5) Dahil hindi nakita sina Pablo at Silas, si Jason at ang mga kasamang converts ang nahatulan ng PAGTATAKSIL (treason).

6) Galing pa sa bulsa ni Jason ang ‘bail’ o piyansa para sa kanilang lahat na inakusahan.


KUNG KAILAN NAGING TAGASUNOD….NADAMAY NA..SUMAKLOLO PA…


Reflection:


Sa buhay natin, maraming tao sa paligid na binibigay ang Dios upang sumaklolo sa atin sa iba’t ibang paraan:


1) Kinukupkop tayo sa kanilang tahanan. O kaya naman ay inaalagaan tayo.

2) Ginagamit ang kanilang resources para i-invest sa ating buhay.

3) Tumatanggap ng kahihiyan para sa atin.

4) Tumutulong nang higit pa sa inaasahan.

5) Kino-cover tayo para maligtas sa masama.

6) At marami pang iba.


Nawa’y…


1) ma-ACKNOWLEDGE natin ang mga SAKLOLO sa ating buhay,

2) ma-THANK you natin sila,

3) maipag-PRAY natin na pagpalain sila ng Dios, at

4) maging HELP/SAKLOLO rin tayo sa ibang tao, lalo na sa mga kapatiran.


7. Pananalangin


1) Mag- concert prayer para sa mga taong ginamit ng Dios na tumulong sa iyong buhay --- sa paglago sa Panginoon, sa pisikal na gawain, sa pakikinig sa iyong iyak at hinaing, sa pinansiyal, sa rekomendasyon at pananatili mo sa trabaho, sa mga loyal clients, etc. PAGPALAIN NAWA SILA NG DIOS NANG UMAAPAW!

2) Ipanalangin ang mga kabataang hindi natin nakakasama sa church (magbanggit ng mga pangalan) – tinatamad mag-aral, huminto sa pag-aaral, walang pambayad sa pag-aaral, nahihirapan sa mga requirements at pag-unawa sa mga subjects, sa mga magdedesisyon sa susunod na schoolyear.

3) OFWS, Permanent Residents and Immigrants sa ibang bansa. Comfort ng Dios, pagsama, pagiingat, provision at maging close sa Dios.

4) JCLAMCS – more enrolees. BUSINESSES – more clients,

5) TITHERS – CONSISTENCY, HONESTY, CHEERFULNESS in giving. God bless them more and more!

6) Daughter churches ng JCLAM – Lighthouse (Ptr. Bong Perez), Door of Hope (Ptr. Jun Fajura), Light of Life (Masinag- Ptr. James Lagasca), Tumana (Ptr. Friginal), Balubad (Ptr. Elvis Hamor), Rodriguez (Ptr. Lito Arsenue), College View Park (Ptr. Bobit San Pascual) -- THEY WILL CONTINUE TO BE FRUITFUL AND MULTIPLY

7) Personal Requests - Ipanalangin ang mayroong gustong personal need na mabanggit na hindi naisama sa itaas.


8. Testimony


Pasalamatan natin ang Dios for surrounding us with people who are able to HELP us in more ways than one. Hindi man mabanggit lahat (huwag magtampo kapag hindi naisama sa patotoo) ngunit mahalaga pa rin na maacknowledge natin ang mga taong ito.


9. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


11. Mga Anunsyo


  1. Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate

  2. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.

  3. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.


138 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page