Below is the material for our Family Prayer Cell on June 16, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
So Long, Farewell
June 16, 2021
Acts 20:18-38
By: Ptra. Kay Carolino
1. Picture Taking
2. Pagbati
Corporate prayer works wonder! Kahit hindi ka pa sanay, ang simple faith mo ay maaari nang maging saligan upang magkaroon ka ng kumpiyansa na humarap sa Dios.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
(Kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios.)
What a friend we have in Jesus
All our sins and griefs to bear
What a privilege to carry
Everything to God in prayer
Oh, what peace we often forfeit
Oh, what needless pain we bear
All because we do not carry
Everything to God in prayer
Have we trials and temptations?
Is there trouble anywhere?
We should never be discouraged
Take it to the Lord in prayer
Can we find a friend so faithful
Who will all our sorrows share?
Jesus knows our every weakness
Take it to the Lord in prayer
4. Pambungad na Panalangin
“Dios naming Ama sa langit, nagpapasalamat po kami sa pagkakataong magkasama-sama upang makinig ng Inyong salita at makapanalangin para sa aming pangangailangan. Patawarin po Ninyo kami sa aming pagkakasala sa buong linggong nagdaan. Patuloy po Ninyo kaming gabayan ng Inyong Banal na Espiritu sa aming pananalangin. Malugod nawa kayo sa lahat ng aming gagawin at sasabihin. Sa pangalan ni Hesus. Amen. “
5. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Sino ang ayaw ng mga “goodbye’ episodes? Kapag may ihahatid sa airport na mahal sa buhay, ano ang pakiramdam mo? Kapag may balikbayan na inenjoy mong kasama, tapos aalis na naman? Umiiyak ka ba o sanay ka na? Yung loved ones mong lilipat na ng tirahan na malayo, ano ang nararamdaman mo?
Napalapit sa Apostol Pablo sa mga taga Efeso (Ephesian elders). Kapag binasa natin ang background from verse 13, binanggit dun ang journey niya at kung paano siya naglingkod sa Asia. At sa panahong ito, tila nararamdaman na ni Pablo na malapit na siyang mamatay.
Pinatawag na lang niya ang Ephesian elders (mga workers) at ito ang kanyang mga sinabi mula sa talatang 18. (Sugg. May nagbabasa nung kada verse at yung sharer ang nagbabasa ng kada paliwanag)
1) Vs. 18 - “Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyong piling, mula noong unang araw na ako'y tumuntong sa Asia.
Naging transparent ang buhay ko sa inyo. Lantad sa inyo ang aking lifestyle
2) Vs. 19 - Buong kapakumbabaan at lumuluhang naglingkod ako sa Panginoon, at nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio.
Naglingkod ako nang may pagluha at may pagtitiis ngunit may pagpapakumbaba
3) Vs. 20 - Sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa harapan ng madla o sa bahay-bahay man, hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo.
Matapang kong ipinangaral kahit saan ang anumang makakabuti sa inyo.
4) Vs. 23,24 - Ang tanging nalalaman ko ay ito: binalaan ako ng Espiritu Santo na pagkabilanggo at kapighatian ang naghihintay sa akin sa bawat bayang dadaanan ko. 24 Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.
Alam kong may pahamak na naghihintay sa akin pero mas mahalaga na matapos ko ang pinagagawa ng Dios na ipahayag ang Kanyang grace.
5) Vs. 25-27 - Nakisalamuha ako sa inyo habang nangangaral tungkol sa Kaharian. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. 26 Kaya't sa araw na ito'y sinasabi ko, wala akong pananagutan kung mapahamak ang sinuman sa inyo, 27 sapagkat hindi ako nag-atubiling ipahayag sa inyo ang buong layunin ng Diyos.
Hindi na tayo magkikita. Nagawa ko na ang dapat kong magawa at nasabi na ang dapat sabihin kaya kung mapahamak man kayo, ay hindi ko na sagutin sa Dios. Kayo na ang magsusulit sa Dios. Hindi na ko makakabalik para turuan pa kayo ulit.
6) Vs.28-31 - Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos[b] na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak. 29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyo'y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad. 31 Kaya't mag-ingat kayo. Alalahanin ninyong tinuruan ko kayo araw at gabi sa loob ng tatlong taon, at maraming luha ang pinuhunan ko.
Tatlong taon ko na kayong tinuruan ha. Araw at gabi. Maraming luha na pinuhunan ko para lumalim kayo sa pagkakilala sa Dios. Mag-iingat kayo ha. Lalo na sa mga magliligaw sa inyo palayo kay Hesus.
7) Vs. 32 - At ngayo'y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salitang nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Ito ang makakapagpatibay sa inyo at makakapagbigay ng mga pagpapalang inilaan sa lahat ng kanyang ginawang banal.
Pinapaubaya ko na kayo sa Lord at sa Salita Niya tungkol sa grace Niya. Papatibayan kayo nito. Pagpapalain kayo nito. Kaya tuloy lang.
8) Vs. 33-35 - 33 Hindi ko hinangad ang ginto, pilak o pananamit ninuman. 34 Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. 35 Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”
Hindi ako naging pabigat sa inyo. Nagbanat ako ng buto at hindi basta humihinga lang sa inyo ng tulong. Alam kong naipakita ko sa inyo na ako ay tumulong pa sa inyo. Kaya gawin nyo rin yun sa ganang kaya ninyo. Mas mapalad kayo kapag ginawa nyo yan.
9) Vs. 36-38 - Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. 37 Silang lahat ay umiiyak na yumakap at humalik kay Pablo. 38 Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya'y hindi na nila muling makikita. At siya'y inihatid nila sa barko.
Nagsiluhuran silang lahat at nanalangin si Pablo para sa kanila.
Nag-iiyakan silang lahat. Nakitaan ng matinding affection kay Pablo – yakap at halik (kulturang Judio ito). Sobrang lungkot nilang lahat kasi alam nila na last time na iyon na magkikita sila.
--
What a touching moment!!! Bakit gayon na lamang ang kanilang naging reaksyon?
1. Naramdaman nila ang sincerity ng lingkod ng Dios. Hindi lang drama ang pagluha ni Pablo. Nakita nila kung gaano siya ka-passionate sa pagtuturo sa kanila.
2. Nakita nila kung paanong hindi niya inabuso ang kanyang papel bilang tagpagturo nila. Siya pa nga ang nagpakita ng generosity.
3. Nag-invest ang lingkod ng Dios ng malasakit sa kanila para huwag na silang mapariwara. Ibinuhos niya ang ubod sa makakaya niya para magturo sa kanila.
4. Nag-iwan pa ng panalangin at basbas ng pagpapala sa kanila sa huling pagkikita.
5. (Maaari ninyong dugtungan ito ayon sa inyong na-observe)
Ang mabubuting ginagawa ng lingkod ng Dios ay hindi nawalan ng kabuluhan sa mga taong ito. Yung lungkot nila, yung luha nila, ang yakap at halik…(imagine the scenario). Napamahal na si Pablo sa kanila kahit tatlong taon lang silang magkasama.
Farewell to you, our friend…won’t see each other again.
Reflection:
1. Maganda ba ang scenario na ito para sa iyo? Bakit? Ganito kaya ang makikita ninyo sa sarili ninyong pamilya kapag dumating ang ganyang situwasyon?
2. Nakikita mo ba ang halaga ng mga lingkod ng Dios na nagpapagal para sa iyo (ang mga Pastor, ang CC Leader, ang teacher o caseworker, o Bible Study Leader o kaibigan na laging nandiyan para s aiyo)? Paano mo naipapakita iyon sa kaniya/kanila?
3. Ano kaya ang iyong mararamdaman kung “mapapalayo” (sa anumang kadahilanan) na rin sila sa iyong buhay?
4. Ano ang puede mo pang gawin upang magkaroon ng ganitong malalim na pagkakaibigan at ugnayan?
6. Pananalangin
1) Pray for God’s workers/servants na patuloy na nag-iinvest ng panahon, luha, effort at pagmamahal sa atin. Pagpalain nawa sila ni Lord ng kalakasan, karunungan at ibayong pagibig sa kanilang puso.
2) Pray that all the followers of Jesus will learn to ‘give’ and invest on other people kung paano rin naman sila nakatanggap.
3) Sa mga nanghihina, napapagod na sa anumang aspeto…patibayin sila ng Dios
4) Ipanalangin ang mga taong may pangangailangang pisikal (may sakit) – kagalingan, probisyon sa mga gamot o gastos sa ospital, peace and joy.
5) Ipanalangin ang mga taong may pangangailangang pinansyal – probisyon, opportunities, at ipanalangin rin na tayo mismo ay gamitin ng Panginoon para pagpalain sila (tandaan: ang pagbibigay at pagtulong ay hindi para lang sa mga “mayayaman”)
6) Ipanalangin ang mga taong may pangangailangang spiritual:
a. Mga kaibigan at kapamilya na hindi pa kilala ang Lord
b. Mga kasama sa church / department / CC na hindi na active ngayon
c. Mga nasa church pero hindi lumalago spiritually
7) Ipanalangin ang mga taong may pangangailangang relational/emotional:
a. Mga may hidwaan sa pamilya / pagkakaibigan
b. Mga may emotional distress – nadedepress, nababalisa, nalulungkot
8) Personal Requests - Ipanalangin ang mayroong gustong personal need na mabanggit na hindi naisama sa itaas.
7. Testimony
Ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo ngayong linggo nan ais mong ipagpasalamat?
8. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
10. Mga Anunsyo
Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments