Below is the material for our Family Prayer Cell on June 23, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
A Friend in Need
June 23, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Picture Taking
2. Pagbati
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
You’ve Got a Friend
Verse 1
When you're down and troubled and you need a helping hand
And nothing, nothing is going right
Close your eyes and think of me and soon I will be there
To brighten up even your darkest nights
Chorus
You just call out my name, and you know wherever I am
I'll come running to see you again
Winter, spring, summer, or fall
All you got to do is call and I'll be there, yeah, yeah, yeah
You've got a friend
Verse 2
If the sky above you should turn dark and full of clouds
And that old north wind should begin to blow
Keep your head together and call my name out loud now
Soon I'll be knocking upon your door
Draw Me Close
Draw me close to you
Never let me go
I lay it all down again
To hear you say that I'm your friend
You are my desire
No one else will do
'Cause nothing else can take your place
To feel the warmth of your embrace
Help me find the way
Bring me back to you
You're all I want
You're all I've ever needed
You're all I want
Help me know you are near
4. Pambungad na Panalangin
5. Pagpapaliwanag ng Mensahe
Read: Acts 21:27-36 (Mag-assign ng ibang magbabasa diretso mula sa Bible)
Explanation:
Ano ang mga ginawa laban kay Apostol Pablo? Isa-isahin.
Sagot:
· v. 27 May sadyang nanggulo na mga Judio (to stir up the crowd) at humingi pa ng tulong laban kay Pablo
· v. 28 Inakusahan si Pablo na lumalaban raw sa Bayang Israel, sa kanilang Batas ayon kay Moises, at sa Templo
· v. 28 Nagdala raw si Pablo ng kuyog na mga Griyego o Hentil sa templo at nilapastangan daw nila ang Templo
· v. 30 Pinagkaguluhan siya ng mga tao, kinuyog at hinuli at sinara ang pintuan ng Templo upang bugbugin siya (marami laban sa isa)
· v. 33 Pinadakip siya ng commander ng mga sundalong Romano at pinadala sa barracks
· v. 35-36 Naging marahas ang mga tao at kung anu-ano ang isinisigaw tulad ng “Patayin siya!”
Reflection:
· Kung kayo si Pablo, ano kaya mararamdaman sa ganoong situwasyon? (Maaawa sa sarili? Magagalit sa Dios? Magagalit sa mga Judio? Deadma?)
· Ano kaya ang magiging aksyon mo? (Mumurahin sila? Sisigawan sila? Mangangatuwiran sa kanila? Titiiisin na lang lahat? Ipapapaubaya sa Dios?)
Application:
May kilala ba kayong tao na tila pagod na sa pagtanggap ng mga maling kusasyon? Palagi na lang pinagtutulungan? Laging pinag-iinitan?
Ganyan ang pinagdaanan ni Pablo. Kahit na siya ay isang alagad na ni Hesus na naaasahan na maging leader at missionary o pastor o disciplemaker, dumaan din siya sa pangangailangang espiritwal at emosyonal at pisikal. Hindi exempted ang mga servant leaders na ito sa mga problema at pangangailangan. Huwag nating isiping sila lang ang puedeng tumulong sa atin samantalang sila rin ay nangangailangan ng tulong.
Read: Acts 22:22-23 and 23:12-14 (Mag-assign ng ibang magbabasa diretso mula sa Bible)
Explanation:
Ano na naman ang mga ginawa nila laban kay Apostol Pablo? Isa-isahin.
Sagot:
· v. 22 Sumisigaw sila ng “Patayin ang taong iyan! Hindi siya dapat mabuhay!”
· v. 23 Sinabuyan siya ng alikabok sa hangin at sa hinagisan ng kanilang mga balabal
· v. 25 Binalak na siya ay hagupitin kahit na siya ay kababayan nila
· 23:12 Mga 40 tao ang sumumpa na hindi kakain at iinom hanggang hindi siya napapatay
Reflection:
· Kung kayo ang nasa lugar ni Pablo, ano ang inyong mararamdaman?
Application:
Ang pagsasaboy ng alikabok (just like throwing rocks but this time, sand) at pagshake ng garments (they not shook their garments but threw them) at pagpapakita, ayon sa kanilang kultura, ng sobrang galit na hindi na nila mapigilan. Gigil na gigil na gigil na sila kay Pablo.
May mga gumawa na ba sa iyon ng ganito? May mga nagsabi na ba sa iyo nang harapan o talikuran na “mamatay ka na sana!” “Ubusan na lang ng lahi!” O kaya naman ay sobrang galit na galit sila sa iyo?
O sa kabaligtaran….nasabi mo na ba ito o nagawa sa ibang tao? Mayroon ka bang taong sobrang kinasusuklaman dahil lamang sa mga bagay na hindi napagkakasunduan o mainit ang iyong dugo sa kanya kahit minsan ay wala naman ginagawang masama sa iyo?
Si Pablo ay nangatuwiran sa harap ng iba’t ibang taong umaakusa sa kanya. Nagpaliwanang siya ayon sa kanyang karanasan ng engkwentro niya sa Dios. Pinaliwanag niya lamang ang tunay na kaligtasan. Nagpatotoo siya ng dati niyang buhay na nang-uusig at ngayon ay sinugo ni Hesus hindi lang sa mga Hudyo kungdi sa mga Hentil.
Conclusion:
Marami pang maling paglilitis ang nangyari kay Apostol Pablo. Sinampal pa siya sa bibig kahit wala naman siyang masamang sinabi. Nagpapauso ng kuwento ang mga gumaganap na abogado ng mga nagrereklamo.
Sa sandalling ito, talagang nangangailangan din si Pablo. Hirap ang kanyang damdamin, masakit ang kanyang katawan sa mga bugbog, at lalo nang nasusubok ang kanyang pagtitiwala.
Basahin ang Chapter 24:22-23
22 Si Felix ay may sapat na kaalaman tungkol sa Daan, kaya't ipinagpaliban muna niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko ang iyong kaso pagdating ng pinunong si Lisias.” 23 Pagkatapos, iniutos niya sa kapitan na pabantayan si Pablo, subalit huwag hihigpitan kundi hayaang dalawin ng kanyang mga kaibigan upang mabigyan siya ng kanyang mga pangangailangan.
Mabuti na lamang at napayagan si Pablo na madalaw ng kanyang mga KAIBIGAN.
May mga kaibigan si Pablo para tumulong din sa kanya. Hindi lang siya ang laging tumutulong. Siya rin ay tinulungan at dapat tulungan. Purihin ang Dios sa mga taong ito.
Paalala: May mga tao sa paligid natin o tayo mismo ay lagi na lang tumutulong sa nangangailangan (nagpapayo, nagbibigay ng salapi, nakikinig sa hinaing kahit madaling araw, dumadalaw, nananalangin, atbp.) ngunit kailangan din nila o kailangan mo rin ng tulong. WE OR YOU ARE ALSO A FRIEND IN NEED!!!
Nawa maging sensitive tayo sa ating paligid. May mga lingkod ng Dios (mga nag-aalaga sa iyong buhay, kapamilya man, ka-church man, ka-small group man, kaibigan man) na nangangailangan rin ng tulong. Nawa, bigyan rin natin sila ng panahon na tanungin ang kanilang need, kung tinuturing din natin silang kaibigan.
Nawa, kung ikaw naman ang lingkod ng Dios na nangangailangan ng tulong, hayaan mo lang na na mag-reach out sila sa iyo at tanggapin ang anumang maitutulong, kasama na rito ang loving rebukes. Sila ay bigay ng Panginoon sa iyong buhay.
6. Pananalangin
1) Ipanalangin ang mga taong nagpapabigat sa kalagayan ng mga lingkod ng Dios: divine intervention sa mga wrong accusations, sa mga perescutions (mga Christians na inuusig ng kung anu-anong grupo na laban sa Kristiyanismo)
2) Ipanalangin na madagdagan ang mga kaibigan na maaaring magmalasakit sa mga iba’t ibang “disciplemakers” at pagpalin sila ng Dios sa kanilang pagtulong
3) Ipanalangin mismo ang mga nangangailangan ng panalangin na LINGKOD ng DIOS. One person can pray for about three persons that are watching over his/herspiritual life.
4) Sa mga nanghihina, napapagod na sa anumang aspeto…patibayin sila ng Dios.
5) Mga may sakit: Sis. Mercy Gutierrez, Bro. Neil dela Cruz Lazaga, atbp.) – claim God’s healing touch for them.
6) Philippine Government, Israel
7) OFWs
8) Personal Requestsf
7. Testimony
May nais ka bang ipagpasalamat tungkol sa mga tao na naging “FRIEND IN TIMES OF NEED” para sa iyo-- sa financial, sa emotional, sa spiritual, sa physical, etc?
8. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
10. Mga Anunsyo
Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments