Below is the material for our Family Prayer Cell on June 30, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Listen to Warnings
June 30, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
Note: It is important that you have a Bible (Tagalog preferably)
1. Picture Taking
2. Pagbati
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
4. Pambungad na Panalangin
O, Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa pahiram po Ninyong hininga at buhay sa bawat isa sa amin. Salamat po dahil sa kabila ng aming nakikitang hindi magandang pangyayari sa paligid, binibigyan N’yo po kami ng katiyakan na “The Lord Reigns!” at alam po Ninyo ang Inyong ginagawa. Patuloy po Kayong naghahari sa amin at hindi po Ninyo kami pinababayaan.
Itinatagubilin po namin sa inyo ang lahat ng aming gagawin, ipananalangin at mapapakinggan na mensahe mula sa Inyong Salita. Tulungan po Ninyo kaming maging mapagpasalamat at sensitive sa Inyong tinig upang ang iyong instructions ang aming sundin.
Salamat po sa pagtugaygay Ninyo sa amin. Sa pangalan ni Hesus. Amen!
5. Praise Reports
Banggitin talaga kung KANINO (sa DIOS!) kayo nagpapasalamat! Tandaan ang ABC kapag nagpatotoo: Accurate (ang kuwento), Brief (walang paliguy-ligoy lalo na kung di mahalaga sa kuwento), at Christ-centered (hindi ikaw ang bida kungdi ang Dios na kumilos).
6. Scripture Reading
Acts 27:3-12 (MBBTAG)
Nang mapagpasyahang dapat kaming maglayag papuntang Italia, si Pablo at ang ilan pang bilanggo ay ipinailalim sa pamamahala ni Julio, isang kapitan ng hukbong Romano na tinatawag na “Batalyon ng Emperador.” 2 Sumakay kami sa isang barkong galing sa Adramicio, papunta sa lalawigan ng Asia, at naglakbay kami kasama si Aristarco, na isang taga-Macedonia na nagmula sa Tesalonica. 3 Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. MABUTI ANG PAKIKITUNGO NI JULIO KAY PABLO; PINAHINTULUTAN NIYA ITONG MAKADALAW SA KANYANG MGA KAIBIGAN UPANG MATULUNGAN SIYA SA KANYANG MGA PANGANGAILANGAN.
4 Mula roon ay naglakbay kaming muli, at dahil sa pasalungat ang hangin, kami'y namaybay sa gawing silangan ng Cyprus upang kumubli. 5 Dumaan kami sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, at kami'y dumating sa Mira, isang lungsod ng Licia. 6 ANG KAPITAN NG MGA SUNDALO AY NAKAKITA ROON NG ISANG BARKONG MULA SA ALEJANDRIA PAPUNTANG ITALIA, AT INILIPAT NIYA KAMI ROON.
7 Mabagal ang aming paglalakbay. Tumagal ito ng maraming araw, at nahirapan kami bago nakarating sa tapat ng Cinido. Buhat dito'y hindi namin matawid ang kalawakan ng dagat sapagkat pasalungat kami sa hangin. Kaya't nagpunta kami sa panig ng Creta na kubli sa hangin, sa tapat ng Salmone. 8 Nahirapan kaming namaybay sa tabi hanggang sa marating namin ang pook na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa bayan ng Lasea.
9 Mahabang panahon na kaming naglalakbay. Mapanganib na ang magpatuloy dahil nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno,[a] kaya't pinayuhan sila ni Pablo. 10 Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko'y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at mapipinsala ang mga kargamento at ang barko, at manganganib pati ang buhay natin.”
11 Ngunit HIGIT NA PINAHALAGAHAN NG KAPITAN NG MGA SUNDALO ANG SALITA NG MAY-ARI AT KAPITAN NG BARKO KAYSA SA PAYO NI PABLO. 12 Dahil hindi mabuting tigilan ang daungang iyon kung panahon ng taglamig, MINABUTI NG NAKARARAMI NA MAGPATULOY SILA SA KANILANG PAGLALAKBAY, SA PAG-ASANG MAKARATING SILA SA FENIX AT DOON MAGPALIPAS NG TAGLAMIG. Ito'y isang daungan sa Creta, na nakaharap sa hilagang-kanluran at timog-kanluran.
7. Map
I-trace natin ang dinaan nila Pablo at kasamahan.
8. Mensahe
Kinailangan ni Pablo na hilingin na siya ay malitis sa korte ni Emperor Caesar na nasa Roma. Dapat kasi, pinakawalan na siya ni Haring Agrippa ng Judea at ni Festus (representative/agent of the Emperor with administrative powers) dahil wala naman silang nakitang kasalanan kay Pablo pero kinulong pa rin. Kaya gaanoon na lamang ang hiling niyang malipat. Kung tinuloy sa Judea ay baka ma-ambush ang buhay niya ng mga kababayan niyang gusting siyang patayin.
Ang daming pinagdaanan sa kanilang lakbayin na talagang delikado. I-describe nga natin ang mga pangyayari ayon sa mga verses. (Look at them again, from verse 7 onwards…Ang hangin, ang paglayag, gaano katagal, atbp.)
Sa verse 10: Ano ang naging WARNING ni Apostol Pablo sa kaniyang mga kasama: (sa barko, sa kargamento, sa mga nakasakay?)
Sa verse 11: Mas kanino sila nakinig?
Sa verse 12: Ano ang naging pasya nila? Tuloy ang paglakbay o hindi?
Ano ang reaksyon ng mga kasama niya?
(Somebody read verses 13 to 20, lalo na kung marunong sa pagbabarko)
Ano tuloy ang nasabi ni Pablo sa kanila sa verse 21?
Sa kabila ng situwasyon, anong encouragement pa rin ang binigay ni Pablo sa kanila.
Discussion:
Ano ang motibo ni Pablo sa pagbigay ng warning sa kabila ng hindi naman siya expert sa sailing?
Maraming iba’t ibang situwasyon na tayo binibigyan ng warning ng mga tao sa paligid natin.
· Mga magulang – magbigay ng mga halimbawa ng kanilang warnings (maliit man o malaki). Ano kaya ang motibo nila sa pagbigay ng mga ganoong warning? Bakit kaya hindi pinapakinggan?
· Mga guro – ano ang warnings nila? Bakit hindi sinusunod?
· Mga small group leaders – same questions
· Mga pastors – ssame questionss
· Mga Salita ng Dios
Reflection:
· Isipin kung anong mga dangers na ang nangyari sa atin dahil hindi tayo nakinig sa wisdom ng mga taong ibinigay sa atin ng Dios. (Oo alam nating may mga payong hindi tama. Ngunit ibatay natin lahat nang ito sa mga Salita ng Dios na hindi naman magsasalungat sa isa’t isa.)
· Isipin kung mas kanino pa tayo nakikinig (sa jowa? Sa bad influence na kaibigan? Sa balita sa telebisyon? Sa mga manghuhula? Sa mga experts at hindi na nakikinig sa warning ng Dios? atbp).
Conclusion:
Pansinin ang naging deklarayon ni Pablo tungkol sa Dios sa verses 23-25.
PInapakita rito ang pakikinig ni Pablo sa Dios at sa Kanyang sinasabi. He walked by faith and not just by sight. He knew how to listen to warning signs and also the encouragement from the Lord. Kung sa normal na pagtingin sa situwasyon nila sa dagat, marahil nagpanic na rin siya at tinanggap na lang na mamamatay na silang lahat. Pero ginawa ni Pablo ang magagawa niya to warn, pero kahit hindi nakinig, may knotting pagusumbat man, ay in-encourage pa rin niya sila.
Nawa, making tayo sa tinig ng Dios, Sa aknayng mga Salita, sa mga warnings ng mga taong ginagamit ng Dios upang ipakita sa atin ang gusto Niya at dapat nating iwasan upang hindi tayo mapahamak.
9. Pananalangin
1) Consecration prayer: Manalangin nang kanya-kanya upang ihingi ng tawad ANG HINDI PAKIKINIG SA KANYA AT SA MGA TAONG NAGBIBIGAY NG WARNING. Maging sharp nawa tayo sa pakikinig sa Dios
2) PRAYER FOR UNSAVED FRIENDS AND LOVED ONES - mention their names
3) Prayer for the sick, the quarantined, and the weak. (and their families, too!) May God strengthen them inside and out!
4) Ang mga young people ay making sa mga magulang ayon sa katuwiran ng Dios
5) Restoration ng mga buhay na hindi nakinig sa Dios at napahamak. Manumablik sila sa Panginoon.
6) Patuloy na probisyon sa bawat pamilya
7) Other concerns
10. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
11. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
12. Mga Anunsyo
Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments