Below is the material for our Family Prayer Cell on July 7, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
You Are Precious
July 7, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
We have finished the first half of the year!!!! Woohoo!!! And we also have finished taclking some highlights in the Book of Acts. Nawa natuwa tayong Mabasa ang mga kuwento kung paano ang Banal na Espiritu ay kumilos sa early church. Nawa naaapply na rin n atin ang mga prinsipyong itinuro sa atin at hindi lang basta ito piangkukuwentuhan. Ang sabi ng Salita ng Dios: Be doers of the Word and not hearers only. Maging tagaganap tayo ng sinasabi at inuutos ng Dios at hindi lamang tagapakinig. At nawa, masaya rin tayong ginagawa ang Family Prayer Cell – hindi lang pakitang-tao, hindi lang bilang pagsunod sa requirement, hindi lang para walang masabi ang iba kungdi nakikita natin ang need na manalangin…lalo na ng ating lumalaking pamilya.
2. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
3. Pambungad na Panalangin
Our Father in heaven, we come to Your presence with humility to ask forgiveness for the sins we have done. Cleanse us from evil thoughts, wrong attitudes, and disobedience to Your commands. Thank You for Your forgiveness, Lord.
We ask You, Lord, to incline Your ears towards this family, this home, that when we hear Your message, when we pray to You, when we reflect on Your Word, and as we fellowship with one another, we are confident that You are near to help us through Your Holy Spirit.
Thank You for your blessings that You have prepared for each one of us. We pray that You will be pleased in everything we do. Ngayon pa lang nagpapasalamat na po kami sa inyong mga kasagutan. In Jesus’ name. Amen!
4. Praise Reports
Banggitin talaga kung KANINO (sa DIOS!) kayo nagpapasalamat! Tandaan ang ABC kapag nagpatotoo: Accurate (ang kuwento), Brief (walang paliguy-ligoy lalo na kung di mahalaga sa kuwento), at Christ-centered (hindi ikaw ang bida kungdi ang Dios na kumilos).
5. Scripture Reading
Romans 1:8-13 (MBBTAG)
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig. 9 Saksi ko ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng aking pangangaral ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, na lagi ko kayong idinadalangin. 10 Lagi kong hinihiling na loobin nawa ng Diyos na sa wakas matuloy din ang pagpunta ko riyan. 11 Nananabik akong makita kayo upang mamahagi sa inyo ng mga kaloob ng Espiritu sa ikatatatag ninyo. 12 Ang ibig kong sabihi'y upang magkatulungan tayo sa ikalalakas ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos.
13 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan, ngunit laging may nagiging hadlang. Nais ko ring makahikayat diyan ng mga sasampalataya kay Cristo, tulad ng nagawa ko na sa ibang mga Hentil. 14 May pananagutan ako sa lahat ng mga tao: sa mga sibilisado man o hindi, sa marurunong at sa mga mangmang. 15 Kaya nga, nais ko ring ipangaral diyan sa Roma ang Magandang Balita.
6. Mensahe
Si Apostol Pablo ay sumulat sa mga taga-Roma. Kapag tiningnan natin ang mga unang talata ng chapter na ito, ipinapakilala ni Pablo ang sarili niya nang buong inam sa kanila. Hindi dahil bago lang silang magkakilala kungdi naging mahalaga na ang mga believers sa Rome kay Pablo kaya sinulatan niya ang mga ito. (kapag sumulat sila, nauuna muna ang pangalan ng nagsusulat bago ang sinusulatan.)
Pakiramdaman natin ang pakiramdam ng sulat ni Pablo. Idiscover natin:
1) Vs. 8 – ano ang mapapansin natin? (wait for people to answer) Lubos ang kanyang pasasalamat kanino? Sa Dios? Dahil saan? (tingnan ang verse). Proud na proud si Pablo na ang faith ng mga Romano ay balitang-balita hindi lang sa kapitbahay, hindi lang sa barangay, hindi lang sa church, hindi lang sa buong siyudad kungdi sa buong mundo.
Gawin natin ang ginawa ni Pablo kahit hindi na tayo magsulat:
Reflect:
1) Sino ang isa o higit pa na gustong-gusto mong ipagpasalamat sa Dios dahil sa kanyang/kanilang PANANAMPALATAYA sa Dios?
2) Kumusta ka naman sa iyong pananampalataya? Natatanyag o balita na rin ba ang pagiging Kristiyano mo sa iba’t ibang lugar na kung saan nandoon ka? (o mas kilala ka na isang ‘notorious’ o kilala bilang masamang tao?)
Very precious (mahalaga) ang mga Romanong mananampalataya kay Pablo dahil Nakita niya kung paano lumago ang mga pananamapalataya ng mga ito.
2) Vs. 9 – saksi raw niya ang Dios sa anong bagay na kanyang ginagawa palagi? (wait for people to answer) Lagi niyang ipinapanalangin ang mga believers sa Roma.
Gawin natin ang ginawa ni Pablo kahit hindi na tayo magsulat:
Reflect:
1) Gaano tayo madalas manalangin lalo na sa mga taong tinutulungan nating umangat ang pananampalataya? Kapag naisip lang, kapag maayos lang ang relasyon sa isa’t isa, kapag may kailangan lang o tuwing may udyok ng Espiritu Santo? Ano ang laman ng panalangin natin para sa kanila?
2) May alam ka bang pangalan na alam mong laging kang pinapanalangin? Magandang magkaroon ng prayer partner.
Very precious sila kay Pablo na hindi maaaring hindi niya maipanalangin ang mga ito. Kung sinuman ang precious sa ating buhay, dapat lagi nating binabanggit natin sa Dios sa panalangin.
3) Vs. 10 & 13– Ano ang hiling ni Pablo sa Dios? (wait for people to answer) Ang matuloy na ang planong pagpunta sa Rome para makita na ang mga believers doon. Ano ang matagal na niyang balak na nahahadlangang mangyari?
Gawin natin ang ginawa ni Pablo kahit hindi na tayo magsulat:
Reflect:
1) Sa gitna ng lockdown dahil sa pandemya, sino ang precious sa buhay mo na gustong-gusto mo nang makita kaya pinapanalangin mong makaluwag na tayo upang makapunta sa kanila? Magbanggit ng mga pangalan. Pinapanalangin ba natin talaga sila o ‘wish ko lang’?
2) Palagay ba natin ay nagiging precious na rin tayo sa ibang tao na may nananabik na makasama tayo? (Pagisipan kung bakit naiisip mong tila wala. Nagpakita rin ba tayo ng kapanabikan sa kanila?) Tayo naman kaya ang magplanong dumalaw o mangumusta?
Laman ng panalangin ni Pablo na magkita na sila ng mga Roman believers. Nagpapakita talaga ito na precious sila sa kanya. Lagi siyang nag-aattempt na dumalaw. Walang precious na tao sa atin na ayaw nating makita at makausap.
4) Vs.11-12 Ano ang kinananabikan ni Pablo kapag nagkita sila? (wait for people to answer) Nasasabik siyang maibahagi ang kaloob ng Banal na Epiritu (spiritual gifts – giving a prophetic word, speaking a word of wisdom, or giving mercy or being generous….at marami pang iba) sa kanila kasi alam niyang magagamit ito para lalong silang tumatag o tumibay sa faith nila. Hindi lang iyon, kungdi alam niyang pati mismong siya ay titibay din ang pananampalataya.
Gawin natin ang ginawa ni Pablo kahit hindi na tayo magsulat:
Reflect:
1) Mayroon ba tayong gifts of the Spirit na excited tayong i-share sa mga taong precious sa atin ? Ano yun at kanino?
2) May gumawa bas a atin nito nitong mga nakaraang araw? Nanabik siya o sila na magminister sa atin?
Nasa puso ni Pablo ang patatagin lalo ang pananampalataya ng mga Romano.
Kapag precious talaga sila sa kanya, hindi puedeng wala siyang gagawin upang maipakita niya ito. Ang mas mainam pa ay hindi one-way ang bung anito. Alam niyang mismong siya ay mapapagpala ng kanilang pagkikita at pagtuturuan. Ganyang ang isang discipler – hindi nagmamarunong lang. Siya rin ay natututo at nagpapaturo.
Conclusion:
Ang pinapahiwatig sa verse 14 na si Pablo ay may pananagutan sa Dios dahil sa mga taong kanyang binanggit. Ibig sabihin, hindi lang basta ito pakikipagfellowshio nang mababaw kungdi accountability…mabigat na tungkulin na tiyaking ang mga taong nagging precious sa kanya ay nagpapatuloy at tumatatag at hindi basta sinusukuan.
Interaction: Nagiging “Pablo” ka ba sa ibang tao?
7. Pananalangin
1) Thanksgiving prayer: a) pinagaling na b) nabigyan ng trabaho c) nakakabayad ng utang d) pag-iingat sa pamilya e) patuloy kalakasan at katalinuhan
2) Ang mga “Pablo” sa ating buhay. Banggitin sa panalangin. – personal.
3) Sabay sabay na ipanalangin ang mga taong ‘precious’ sa atin – na sila ay tumatag pa sa pananampalataya (huwag magmadali sa bagay na ito.)
4) Mas marami pang disciplers (mga committed sa pagdidisciple) ang mag-respond sa panawagan
5) Kapayapaan at kaaliwan para sa mga apektado ng pagcrash ng eroplano ng mga sundalo, sa landslide sa Japan, sa pag-alburoto ng Bulkang Taal. Nawa’y ma-engkuwentro nila ang Dios sa ganitong mga panahon
6) JCLAMCS – mas dumami ang mag-enrol sa online preschool classes
7) Worship services natin ay laging Spirit-filled. Wisdom sa mga pastor na nagbibigay ng mensahe at sa lahat ng kasamang kumikilos sa worship service
8) Pagbukas ng isip at puso tungkol sa maayos na pagpapamilya.
Personal requests
8. Picture Taking
Paalala: Huwag lang magpapicture na hindi pinag-aralan o ginawa ito.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments