Below is the material for our Family Prayer Cell on July 14, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Ikinagagalak Ko
July 14, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
Thank you all for your faithfulness to God and to this gathering. The God that we pray to is ‘not just a god’ but The One Who Rules over everything and Who reigns! Kaya hindi tayo hihinto na lumapit sa Kanya at humingi ng tulong. May pagpapakumbaba nating gawin ang lahat ng pinagagawa sa material na ito. Para lahat ito sa kapurihan ng Dios!
2. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
When the music fades
All is stripped away
And I simply come
Longing just to bring
Something that's of worth
That will bless your heart
I'll bring you more than a song
For a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart
I'm coming back to the heart of worship
And it's all about you
It's all about you, Jesus
I'm sorry, Lord, for the thing I've made it
When it's all about you
It's all about you, Jesus
King of endless worth
No one could express
How much you deserve
Though I'm weak and poor
All I have is yours
Every single breath
I'll bring you more than a song
For a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart…
3. Pambungad na Panalangin
Ama namin sa langit, lumalapit po kami nang may pagpapakumbaba sa inyong harapan. Hindi kami karapat dapat ngunit may confidence kaming lumapit sa inyong trono ng biyaya dahil sa kagandahang loob Mo sa amin sa pamamamgitan ni HesuKristo.
Salamat na po sa inyong mga sinagot na mga panalangin. Salamat din po sa pag-angat po ninyo ng aming pananampalataya upang patuloy kaming magtiwala sa inyong mga Salita. Salamat Banal na Espiritu sa pagtulong sa aming pananalangin. Nawa’y gawin naming ang lahat ng bagay nang may pagmamahal sa inyo. Ito po ang aming dalangin. Sa pangalan ng aming tagapaglitas na si Kristo Hesus. Amen!
4. Scripture Reading
Romans 5:1-5 (mbbtag)
1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.
3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga.
4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa.
5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.
(English)
1 Therefore, since we have been justified through faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, 2 through whom we have gained access by faith into this grace in which we now stand. And we boast in the HOPE OF THE GLORY OF GOD. 3 Not only so, but we also glory in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; 4 perseverance, character; and character, hope. 5 And hope does not put us to shame, because God’s love has been poured out into our hearts through the Holy Spirit, who has been given to us.
5. Mensahe
(tanungin ang bawat isa) Ano ang ikinagagalak mo sa buhay. Magbigay ng tig-dalawang sagot (isang material, isang spiritual). (Halimbawa: Aming tahanan, naging Christian ang asawa)
Iba’t iba ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng galak. Sa ating binasa. Maraming bagay ang nagbibigay ng galak (joy) kay Apostol Pablo. (Oo, si Pablo uli.)
Sa verse 1 ng Chapter 5, sinimulan ito ng SAPAGKAT o THEREFORE, sa English. Ibig sabihin, sa katapus-tapusan ng diskusyon, ito ang sinasabi ng Dios. Kung ikaw ay may relasyon na sa Dios dahil kay Kristo, inaasahan din na katulad ni Pablo, makikita natin ang mga bagay na dapat nating ikagalak sa buhay. At kung hindi ka pa Christian, hindi mo pa nararanasan ang bagay na ito. Ngunit pagkakataon na ngayon na isuko mo ang buhay mo kay Kristo, magsisi at talikuran ang dating buhay, at magsimula ng panibagong lakad kasama si Kristo.
TIngnan natin sa mga verses kung saan nagagalak si Pablo. Tandaan natin na kapag galak ang pinag-uusapan, hindi ito basta pinangiti ka lang, or pinatawa ka lang. Ang galak ay galing sa kaibuturan ng ating kaluluwa na nagpapahayag ng tuwa kahit na ano pa man ang nangyayari sa paligid. Hindi lahat ng tawanan ay nagpapakita ng kagalakan. Hindi lahat nang nakangiti ay sinsero. Ngunit ang tunay na may kagalakan ay nagbubunga ng kapayapaan ng puso at isip. Lalabas ito sa countenance (mukha, anyo) (hindi ‘aura’) ng tao. Magbago man ang situwasyon, hindi ito naapektuhan nang husto kungdi mahinahon niyang nahaharap ang mga challenges sa mga situwasyong iyon.
1) Napawalang-sala (justified) tayo dahil sa faith natin kay Kristo at sa Kanyang ginawa sa krus ng Kalbaryo.
- Sino ba naman ang hindi magagalak sa bagay na ito? Alam na natin na MAKASALANAN (sinful nature – makasalanan ang ating kalikasan) tayo pero dahil kay Kristo, tayo ay napawalang-sala. (give practical examples)
- Simple ngunit meaningful ang paraan: pananampalataya kay Kristo; hindi tayo pinahihirapan, hindi tayo pinagtatrabaho para bayaran ang kasalanan natin kungdi payak at marubdob na faith kay Kristo
2) Na mayroon tayong mapayapang ugnayan na sa Dios
- Napakalaking bagay ito na hindi na galit ang Dios sa atin. Sa simpleng salita, BATI NA! Kapag may kagalit, hindi ka mapakali. Parang tensyonado…laging nag-iisip..pero sa Dios, mapayapa na.
- Sino ba naman ang aayaw sa ganitong relasyon? Hindi magka-away kungdi bati. Kaya may kapayapaan sa isip, sa puso. Hindi dahil sa sarili nating effort kungdi dahil sa Anak mismo ng Dios na si HesuKristo!
3) Na tinamasa o nararanasan na ang kagandahang-loob ng Dios kay Kristo.
- Hindi lahat nakaka-access sa grace ni Lord pero ang mga mananampalataya ay na-avail at patuloy pang naa-avail sa bawat araw.
- Ang grace ay biyaya na hindi mo deserving pero binigay sa iyo. Ang sarap mabuhay at dumaan sa buhay na ito na may kaakibat na kagandahang-loob ng Dios.
4) Nakakaparticipate sa HOPE of GLORY
- Ito ang katotohanang alam natin na balang araw ay ma-eenjoy na natin ang piling ng Dios nang mukhaan. Magigisnan na natin ang Kanyang ‘glory’, ang Kanyang kaluwalhatian. Hindi lang yung glory Niya kungdi kaluwalhatian ng Kanyang kingdom!
- May nilu-look forward tayo. May pag-asa. Hindi tayo mabibigo!
5) Nagbubunga ng maraming bagay ang nararanasang pagtitiis:
- PAGTITIYAGA ...kahit na under pressure, kahit na maraming pinagdadaanan, hindi agad sumusuko kungdi nagtitiis.
- MABUTING PAGKATAO dahil NAGING MATIYAGA …kahanga-hanga naman ang taong hindi basta sumusuko. Nakakainspire ang taong ganito. Nagiging mabuti siya sa tingin ng ibang tao. May morap approval at acceptance. Kasi, nasasandalan. Strong character.
- PAG-ASA na hindi nabibigo…dahil bunga ito ng pagkakaroon ng mabuting pagkatao batay sa pagibig ng Dios na ibinuhos sa puso ng tao.
Pareho lang ang ikinagagalak ni Pablo --- ang kaganadahng-loob ng Dios at mga pagtitiis sa paggawa ng kalooban ng Dios. Parehong may dalang biyaya ito. Tumitibay. Tumatatag. Lumalakas. Umaasa nang hindi nabibigo!!
Sa pamamagitan ng praise reports, i-share natin ang mga maggandang bagay na ikinagagalak natin sa Dios.
6. Praise Reports
Banggitin talaga kung ANO ANG ATING IKANAGAGALAK SA DIOS. You may start by saying: Ikinagagalak ko sa Dios ang Kanyang…
(After this, reflect on the ‘sufferings’ na pinagdadaanan. Paano ito nagiging source pa rin ng kagalakan?)
7. Pananalangin
1) Pasalamatan at purihin ang Dios sa mga bagay na ikinagagalak natin.
2) Sabay sabay na ipanalangin ang BANSA natin, ang ISRAEL
3) Magbanggit ng bans ana kung saan may kilala kang OFW. Ipanalangin ang bansang iyon at ang iyong kakilala. Pag-iingat ng Dios at ma-encounter nila Siya sa kanilang buhay.
4) Discipleship Plan ng JCLAM church. Mabigyan ng katuparan ayon sa kalooban ng Dios.
5) Staff ng church, ng Compassion, ng school --- ingatan, bigyan ng katalinuhan at probisyon sa bawat araw.
6) Foursquare Family – mula Luzon hanggang Mindanao. Pagkakaisa at pagmamahalan.
7) Ministers’ Conference – First Level (Supervisors) – July 14-15. Gabayan ng Dios ang gawing ito.
8) Mga negosyo ng mga kapatiran . Banggitin kung sino ang nagnenegosyo at ano ang negosyo. Bigyan ng priority ang Dios habang nagnenegosyo. Bigyan sila ng wisdom at lakas.
9) Personal requests
8. Picture Taking
Paalala: Huwag lang magpapicture na hindi pinag-aralan o ginawa ito.
Siguraduhin din na ishare sa Facebook hindi lang ang picture kundi paki ang inyong natutunan.
9. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
11. Mga Anunsyo
Maging PRAYER PARTNER ng MFGC. Bisitahin ang ating FB page o website (https://www.marikinafoursquare.com) para sa prayer item everyday.
Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.
Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comentários