top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 27 - Hindi Mapaghihiwalay

Below is the material for our Family Prayer Cell on July 21, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Hindi Mapaghihiwalay

July 21, 2021

By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


Thank you all for your faithfulness to God and to this gathering. The God that we pray to is ‘not just a god’ but The One Who Rules over everything and Who reigns! Kaya hindi tayo hihinto na lumapit sa Kanya at humingi ng tulong. May pagpapakumbaba nating gawin ang lahat ng pinagagawa sa material na ito. Para lahat ito sa kapurihan ng Dios!


2. Pag-aawitan


(Kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios.)


Song Option 1; Ilapit mo sa’Yo (Draw me close to You) Ilapit mo sa ‘Yo Nang di na malayo Muling handog ang buhay ko Pagtanggap Mo’y dalangin ko… Ikaw ang nais ko Hangad ng puso ko Ang yakap ng pag-ibig Mo Yamang higit pa sa mundo Kahit pa nalayo ako’y lingapin mo… Ikaw lamang, Hesus ang kailangan Ikaw lamang sa ‘Yo’y mananahan… Song Option 2: Nothing Can Separate Us Link: https://www.youtube.com/watch?v=pxx0vPDfv0Q


3. Pambungad na Panalangin


Ama namin sa langit, lumalapit po kami nang may pagpapakumbaba sa inyong harapan. Hindi kami karapat dapat ngunit may confidence kaming lumapit sa inyong trono ng biyaya dahil sa kagandahang loob Mo sa amin sa pamamamgitan ni HesuKristo.


Salamat na po sa inyong mga sinagot na mga panalangin. Salamat din po sa pag-angat po ninyo ng aming pananampalataya upang patuloy kaming magtiwala sa inyong mga Salita. Salamat Banal na Espiritu sa pagtulong sa aming pananalangin. Nawa’y gawin naming ang lahat ng bagay nang may pagmamahal sa inyo. Ito po ang aming dalangin. Sa pangalan ng aming tagapaglitas na si Kristo Hesus. Amen!


4. Scripture Reading


Romans 8:28-37 (mbbtag) 28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya,[b] silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging katulad ng kanyang Anak. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid. 30 Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.


31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol upang sila'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin? 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat,


“Dahil sa inyo'y buong araw kaming pinapatay,

turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.”


37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.


5. Mensahe


Intro: Minsan, ang mga relasyon ay naapektuhan kapag may pumapagitna dito. Minsan ay ayos na ayos ang samahan, maya-maya, bigla na lang magkakagulo at magkakanya-kanyang landas na. Nakakahinayang na ganito ang nangyayari. Ang masasayang mga araw ay napapalitan ng mga nakakalungkot na scenario. Minsan, pnipili ng isang partido na iwan na lamang ang mahal sa buhay dahil sa iba’t ibang kadahilanan:


Halimbawa…


1) Kapag lumala na ang sakit ng isang mahal sa buhay, wala nang gusting mag-alaga. Nagtuturuan, nagpapasahan, walang gustong umako. Walang pera, walang panahon, walang tiyaga, walang kakayanan. Kanya-kanya nang karipasan para hindi lang mag-alaga.


2) Kapag may mga lupain o pag-aari na gustong paghati-hatian, hindi pa man din namamatay ang may-ari, ang lahat ng may interes dito ay nagsisikap na makuha ang kanyang bahagi nang madalian. Ang iba ay dumarating pa sa pandaraya ng mga dokumento para lang mabilis na mapasa-kanya ang pag-aari at worse, pagkakaitan ang iba sa tamang share nila. Simul ana ito nang hiwalayang-magkakapatid, mag-anak. Masaya naman dati ngunit nasira dahil sa kaperahan.


3) Nagkakalayo-layo at minsan pa ay nagkakasira ang pamilya dahil sa kahirapan ng buhay. Napipilitang mag-abroad para matustusan ang mga pangangailangan (pangangailangan nga lang ba?) ng pamilya. Dahil kumakalam ang sikmura, kinakailangang lumayo ang isa o dalawnag miyembro ng pamilya para makahanap ng pagkakakitaan (ex. nasa probinsiya, lumuluwas sa Maynila o kaya magtatrabaho sa abroad bilang domestic helper). Ang communication at intimacy ay nasasacrifice at tuluyan na minsang nagkakahiwalay dahil naghahanap ng kanya-kanyang “comfort” kahit na nagkakasala.


4) Sa mga war-torn na lugar kung saan lagi na lang may threat ng masasamang-loob o mga rebelde, nagkakawatak-watak ang mga mag-anak. Ang iba, hanggang ngayon, hindi pa nagkikita.


Ngunit sa ating binasang passage, may sinabi ang Dios na pangako at katotohanan na WALANG MAKAPAGHIHIWALAY SA ATIN SA DIOS!!!!

Read these again: Verses 35 to 39


Nang tayo ay nagkaroon ng relasyon sa Dios sa pamamagitan ng ating pagsisisi sa ating mga kasalanan at pagsuko sa Dios nang buong-buo, tayo ay naging MANANAGUMPAY NA dahil TAYO AY NA KAY KRISTO NA at ang PAG-IBIG NG DIOS ANG ATING NAGIGING KATIYAKAN. His love never fails, it never gives up unless na lang na TALAGANG INAYAWAN NA NATIN MISMO SI KRISTO. Hindi naman NIya ipipilit ang Kanyang sarili sa atin. But as far as He is concerned, His love is firm, steadfast, hindi nagbabago, lagging tapat.


Tayo ang maaaring mang-iwan pero hindi Siya. Kaya nga binigyan Niya tayo ng mga katotohanan ng Kanyang gustong gawin, ginawa na Niya at kaya pa Niyang gawin. Look at verse 32.


1) Hindi ipinagkait ng Dios ang Kanyang Bugtong (Nag-iisang) Anak na si Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Dapat tayo ang nagbabayad sa ating kasalanan ngunit si Hesus na ang nagbayad ng mga ito para sa lahat ng henerasyon --- sa lahat ng magtitiwala sa Kanya.


2) Kung nagawa ito ng Dios, ito ang sinabi ng talata na gagawin pa Niya:


a) Ibibigay – isang action word. Isang action ng pagpapakita ng pagmamahal – nagbibigay, hindi nagkakait, hindi nang ba-bluff at nagpa-prank, kungdi ginagawa Niya talaga.

b) Nang masagana – isang pang-abay (adverb) para ipaliwanang na ang pagbibigay ng Dios ay ‘hindi makunat’, ‘hindi kuripot’ kungdi masagana. Dumadami na ang nakakaranas nito lalo na sa mga nakakasunod sa mga prinsipyo ng Dios na nakasaad sa Bible. Higit pa sa ating ma-iimagine ang ginagawa Niya. At maraming makakapagpatotoo nito --- mga pabor ng Dios na sumasagana! Beyond measure! Overflowing!Praise God!

c) Ano’ng mga bagay? LAHAT NG MGA BAGAY! Hindi lang isang aspeto ng buhay natin ang Kanyang binibiyayaan kungdi ang buong katauhan natin. Inaayos Niya ang ating puso (mga attitudes nito), ang ating pag-uugali (ang ating asal sa loob at labas ng ating tahanan), ang ating mga pagnanasa (pinapalitan ito ng mga mabubuting hangarin), ang ating mga pagiisip (nababago ang ating mga pagtingin o perspektibo sa buhay), ang ating katawan (binibigyan ng pahinga at lakas at kalusugan at kagalingan) at gayundin ang ating mga bulsa (upang may ipang-tustos sa pangangailangan at higit pa sa pangangailangan tulad ng pagtatanim sa Gawain ng Dios)

d) Para kanino? SA ATIN? Sino yung ATIN? Nakasulat ito sa verse 28. Sa mga tinawag ng Dios. Sa mga nagmamahal sa Kanya. Sa mga pinili Niyang maging Kanya. Sa mga may relasyon sa Kanyang Anak na si Hesus. (kung hindi tiyak, manalangin ka na ngayon ng pagsuko sa Dios!)


Pinapakita talaga ng mga talatang ating binasa na hindi kailanman intenyon ng Dios na iwan tayo sa ere. Habang nasa mundong ibabaw tayo, ang puso Niya ay huwag tayong iwan at pabayaan.


Ang tanong na lamang ay kung tayo ang gustong humiwalay sa Kanya dahil sa konting gutom, dahil sa kamatayan, dahil sa sakit, dahil sa kasalatan at pagtitiis na pinagdaraanan, ay bumibigay tayo agad. NAWA AY MANGUNYAPIT TAYO SA DIOS AT SA KANYANG MGA SALITA! Tapat Siya!


Conclusion: (Basahin ng lahat ang verses 37-39)


6. Reflection and Praise Reports


Simulan ang patotoo sa ganitong phrase: Alam kong hindi ako hihiwalayan ng Dios dahil kahit na may……Tapusin ang patotoo nang ganito: Tulungan nawa ako ng Dios na lagging maging tapat sa Kanya!


7. Pananalangin


1) Mga may dinadaanang pagsubok – na patuloy na magtiwala sa Dios (mention names, if desired).

2) Mga Full-Gospel Preachers and Pastors all over the world – tapang na ipahayag si Kristo

3) Mga kaibigang Muslim – mangusap ang Dios at maisuko ang sarili sa Kanya

4) Mga mahal sa buhay na hindi pa kilala si Hesus bilang Tagapaglitas. Kahit galling pa sa iba’t ibang relihiyon. Dahil ang pagiging Kristiyano ay pakikipag-relasyon sa Dios kay Kristo Hesus at hindi lamang relihiyon.

5) Mga nagtatrabaho, walang trabaho, gustong lumipat ng trabaho, tamad magtrabaho – favor, godly contentment, gabay ng Dios, makita ang role

6) Personal requests


8. Picture Taking


Paalala: Huwag lang magpapicture na hindi pinag-aralan o ginawa ito.

Siguraduhin din na ishare sa Facebook hindi lang ang picture kundi paki ang inyong natutunan.


9. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


10. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


11. Mga Anunsyo


  1. Maging PRAYER PARTNER ng MFGC. Bisitahin ang ating FB page o website (https://www.marikinafoursquare.com) para sa prayer item everyday.

  2. Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.

  3. Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate

  4. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.


229 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page