top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 28 - Utang Na Pagmamahal

Below is the material for our Family Prayer Cell on July 28, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Utang Na Pagmamahal

July 28, 2021

By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


Pinakaba tayong lahat ng bagyo at pagbaha. Ngunit dito rin nasubok ang ating pagtitiwala sa Dios sa pagtawag sa Kanyang tulong. Maraming lumikas ngunit marami ring hindi na. Purihin ang Dios dahil nararanasan natin ang pagsagot sa ating panalangin. Kaya hindi tayo tumitigil sa sama-samang pananalangin.


2. Pag-aawitan


(Kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios.)





(round song)

Love, love, love, the Gospel in one word is LOVE

Love your neighbor as your brother/sister/yourself, love, love, love.


Song 2:


They will know us by our love. They will know us by our love.

Just one way that He says, they will know we are His, they will know us by our love.

3. Pambungad na Panalangin


Dios naming Ama, lumalapit po kami sa inyong presensya, na mag pagtitiwala na ang mata po Ninyo ay nakatutok sa amin at ang Inyo pong mga tainga ay nakatuon sa aming mga panalangin at pinaguusapan. Mapasaya nawa naming Kayo sa lahat ng aming gagawin. Nawa’y gawin naming ang pananalanging ito ng nang may sinseridad at integridad. No short-cuts, no hypocrisy po. Salamat na po nang advance sa pagtugon Ninyo. Sa pangalan ni Hesus. Amen.


4. Praise Reports / Testimony


I want to praise the Lord because………


5. Scripture Reading and Message


Nakita natin sa lesson last week na walang kahit anong bagay ay makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios. Maliban na lamang kung tayo na mismo ang nagdesisyon na mag-rebelde sa Kanya at umayaw sa Kanya, hindi Siya basta mang-iiwan. Hindi sinungaling ang Dios sa Kanyang pangako na hindi tayo iiwan ni pababayaan man.


Pero, kailangan nating makita na ang pagmamahal ay may dalawang direksiyon: Patayo (vertical) at pahalang (horizontal). Tiyak na tiyak na tayo sa relasyon ng Dios sa atin at sa Kanyang pagmamahal (senyas ng pa-vertical line, mula taas, pababa) at naiintindihan na natin na kailangan din nating mahalin ang Dios kung talagang tayo ay mga anak Niya. (senyas mula ibaba pataas)


Dahil dito, kailangang mabantayan din natin ang pahaIang nating relasyon (senyas ng pahalang – horizontal line) natin sa mga tao sa paligid natin. Hindi natin puedeng sabihin na mahal natin ang Dios ngunit mayroon naman tayong kinamumuhian.


Basahin natin ang ating Scripture ngayon:


Scripture Reading: Romans 13:8-10 (mbbtag)

Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.


Explanation: Tingnan natin muli ang verse 9. May summary pala ang Sampung Utos. Kahit hindi natin ma-memorize yung 10 utos, ito ang paliwanag ng Dios sa pamamagitan ni Apostol Pablo: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.


Subukan nating ipakita ito sa bawat UTOS sa SAMPUNG UTOS. Exodus 20:1-17


Sampung Utos ng Dios AT Paano mailalapat ang PAG-IBIG sa utos:


1. “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa Akin.” -vs. 3


Isa lang ang Dios. Ang mamahalin ay isa lang. Walang kaagaw. Kaya nga nagkakahiwalay ang ibang mag-sing-irog dahil may ibang mahal. Kung mahal natin Siya, Siya lang ang sasamabahin. Nag-iisa Siyang dapat na FOCUS ng ating pagmamahal. Ano kaya ang pakiramdam mo kung sinabihan kang: My only One. Yun pala hindi lang ONE ang sinabihan? (give other examples)


2. Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos.” – vs. 4-6


Naninibugho ang Dios kapag may ‘kaagaw’ Siya sa buhay natin. Sa mga mag-sing-irog, di ba nasasaktan ang isang panig kapag may ibang bagay (hal. cellphone, kotse, aso, atbp.) o tao (kalaguyo, kaibigan kaysa asawa, atbp.) na mas nabibigyan niya ng priority at asikaso. Ang masaklap pa, gagawa pa ang tao ng mga imahen na akala ng tao ay kayang mag-represent sa Dios…yun ginawa nya ang inalayan, niyukuran, sinamba. Ano kaya ang pakiramdam mo kung sa ‘yo ginawa ito? (give other examples) Tandaan: naninibugho ang Dios kasi gusto Niya hindi ka umalis sa Kanyang kamay ng pagpapala.


3. “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.” – vs. 7


Para sa mga Judio, napakahalaga ng pangalan at ang kahulugan nito. Lalo na ang pangalan ng Dios. Kung paanong ang persona ng Dios ay ginagalang, gayundin ang Kanyang pangalan. Kaya hindi maaring gamitin ito sa walang kapararakang bagay. Minsan nga kapag narinig natin ang pangalan natin at dinikit nila sa masamang bagay, sobrang nagagalit na tayo. Lalo na siempre ang Dios, dahil Dios Siya at karapatdapat na igalang. Kung mahal nati ang Dios, igalang natin Siya (wag basta sambitin sa bulaklak ng dila, at dahil habit lang)


4. “Lagi mong tandaan at ilaan para sa Akin ang Araw ng Pamamahinga.” – vs. 8-11


Mahal tayo ng Dios. Ibig Niyang may panahon upang ‘magpahinga’ sa pagtatrabaho upang mapagtuunan ang kabutihan Niya. Hindi lang yun, kungdi, upang makapahinga rin talaga ang ating pisikal na katawan at ma-punan muli ng panibagong lakas. Kapag wala nito, parang ang tingin natin ay abuso o cruelty. Kung meron, dama ang malasakit.


5. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” vs. 12


Ang ating mga magulang ay Ibinigay ng Dios hindi lang maging provider at helper sa tahanan. Sila ay karapat-dapat na igalang. Ito ang utos na may pangako na pahahabain ang buhay ng marunong gumalang sa magulang. Kung ikaw ay magulang, di ba nararamdaman mo na mahal ka kasi ginagalang ka?


6. “Huwag kang papatay. “– vs. 13


Napaka-obvious naman po nito. Mayroong bang nagmamahal na gusto niya ay patayin ito dahil sa pangsariling motibo at sa matinding galit? At kung mahal mor in ang sarili mo, hindi mo gugustuhin na mapahak ang sarili mo at mga mahal mo sa buhay kung gagawin mo ang bagay na ito.


7. “Huwag kang mangangalunya.”– vs. 14

Boluntaryong pagsisiping ng dalawang taong may kanya-kanyang asawa- ito ang pangangalunya. May kanya-kanya palang aasawa na dapat ay nagmamahalan, dapat ang sexual na kasiyahan ay para lamang sa tunay na asawa. Kasi nga nagmamahalan. At ang pagmamahal ay pinipili, hindi lang basta nararamdaman. Kaya ang Dios ay pinili tayong mahalin kahit hindi tayo kaibig-ibig. Kaya..kahit hindi kaibig-ibig pinipili pa rin nating amgmahal at makipagtalik sa sarili nating asawa.


8. “Huwag kang magnanakaw.”. – vs. 15

Kung may malasakit tayo sa ibang tao, isang organisayon, isang lipunan, hindi natin kukunin nang palihim ang hindi atin. Hindi katanggap-tanggap ito sa kahit anong culture ng kahit saang bayan. May karampatang parusa ang mga ito. Ang masakit: tila wala nang natitirang pag-ibig ang mga tao dahil left and right ang pagnanakaw – maliit man o malaki. Masakit kasi parang hindi pa natatauhan. Basta makalusot, okay. KApag nabisto, sisikapin pang lusutan sa teknikal na paraan o gamit ang koneksyon. Sariling kadugo, nagnanakawan. Nasaan na ang pagmamahalan?


9. ”Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.” – vs. 16


Kahabag-habag ang taong makukulong dahil lamang sa pagbibintang nang mali o pagsasaksi na hindi naman talaga nasaksihan. Lalo pa’t nag-iimbento ng kuwento ang bulaang saksi. Nasaan ang pag-ibig sa kapwa kung ang naiisip lamang ay sariling benepisyo at pagtakas sa pagharap sa katotohanan.


10. “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.” – vs. 17


Katulad ng Utos #7, ang pagnanasa na hindi sa atin ay ‘covetousness’. Galing ito sa greed, sa kagahaman ng tao. Sumobrang pagmamahal sa sarili na kinakalimutang may na-aagrabyado (disadvantaged) sa propeso. Hindi balance nap ag-ibig. Kapag hindi sa iyo, hindi sa iyo at huwag pagnasaan. Matuwa ka para sa ibang mayroon ibig sabihin mahal mo sila at natutuwa ka sa nangyayari sa kanila. NGunit kung ito ay magbunga ng pagnanasa bundon ng inggit, hindi na ito galling sa pagmamahal. Sasama na ang loob mo sa mga taong nakakaangat sa iyo.


Conclusion:

May utang lahat tayo na dapat sana ay nanantili: Ang utang ng PATULOY NA PAGMAMAHALAN. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Ngunit sa tulong ng kaganadahang-loob ng Dios, matuturuan natin ang ating sariling magmahal sa Dios at sa ating kapwa, at sa ating sarili. Kaya ang Sampung Utos ay tila hindi naman utos kungdi pagpapakita ng Dios na makasalanan tayo at Siya lang ang kailangan natin upang tayo’y may kakayahang magmahal. Matutupad natin ang Sampung Utos nang hindi bilang pabigat sa ating buhay kungdi dahil sa pag-ibig.


Reflection:

Nauunawaan mo na ba ang layunin ng Sampung Utos? Nagagawa mo ba ang mga ito dahil sa pagmamahal ng Dios na nasa atin? Saan dito sa Sampung Utos ang iyong struggle?


6. Pananalangin


1) Pasalamatan ang Dios sa pagibig na inilagay Niya sa ating puso. Awitin ang The Greatest Thing in All my Life.

2) Sabay sabay na ipanalangin ang mga naapektuhan pa rin ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

3) Discipleship Plan ng JCLAM church. Mabigyan ng katuparan ayon sa kalooban ng Dios. Maging bukas ang mga mentors sa pagdidisciple.

4) Mga mag-asawang dumadaan sa pagsubok. Piliin nilang magmahalan sa isa’t isa

5) Enrolment increase sa JCLAM Christian School

6) National Elections – ngayon pa lang ay bigyan na tayo ng Dios ng karunungan sa pagpili. At hindi kailangang magkahati-hati ang mga Christians dahil lamang sa politika.

7) Si Symphony ‘Empot’ Carolino – bunso ni Pastora K – probisyon ng scholarship sa pag-aaral sa America. Pag-iingat sa kanyang biyahe.

8) Personal requests


7. Picture Taking


Paalala: Huwag lang picture ang i-share sa FB kungdi kung ano ang natutunan. I-share ang YouTube ng MFGC tungkol sa series sa pamilya (Parts 1 to 4 – in this order) sa mga kakilala nating pamilya na alam nating nangangailangan ng mensahe.


8. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


10. Mga Anunsyo


  1. Maging PRAYER PARTNER ng MFGC. Bisitahin ang ating FB page o website (https://www.marikinafoursquare.com) para sa prayer item everyday.

  2. Meron na pong physical service! Pwede magsign up rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice.

  3. Hindi po ba kayo nababati sa birthday niyo? Siguraduhing nagsubmit kayo sa ating database ng inyong info. Link: https://bit.ly/mfgcpersonupdate

  4. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.


226 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page