Below is the material for our Family Prayer Cell on August 4, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Gising Na!
August 04, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
May naging banta na naman ng baha nung Lunes dahil sa tuluy-tuloy na ulan sa Montalban/Rodriguez Rizal. Patuloy ang pag-iingat ng Dios sa bawat isa sa atin! Praise God! He is our Hiding Place! Our Sure Protection!
2. Pag-aawitan
(Kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios.)
Arise, shine! For the Light has come! Arise, shine! For the Light has come! The glory of the Lord has risen; The glory of the Lord has come The glory of the Lord has risen upon thee! I’ll live for Jesus, day after day. I’ll live for Jesus let come what may. His Holy Spirit I will obey. I’ll live for Jesus, day after day! (Let others see Jesus in you/me Tagalog) Makita sa ‘kin si Hesus, Makita sa ‘kin si Hesus Laging ipahayag, tuwina’y magtapat Makita sa ‘kin si Hesus. (In my life, Lord, be glorified Tagalog) Sa ‘king buhay, Ika’y mal’walhati, Ika’y mal’walhati Sa ‘king buhay, Ika’y mal’walhati ngayon!
3. Pambungad na Panalangin
Dios naming Ama, itinataas po namin Kayo ngayong araw na ito na may buong paggalang dahil Ikaw ay Dios ! You deserve the Highest Praise! You are Everything! You are All in All! Salamat po dahil patuloy po Kayong nagpapatawad sa aming gma kasalanan at nagtutuwid sa aming mga pagkakamali. Napakabuti Mo, Panginoon! Hindi Ninyo po kaming hinahayaang magpatuloy sa aming kalagayan na malayo ang puso sa Inyo. At sa aming gagawing Prayer Meeting na ito, malugod Ka nawa. Anoint our prayers this day, believing that You are The prayer-answering God! In Jesus’ name we pray.
4. Praise Reports / Testimony
Simulan nang ganito: Itinataas ko ang pangalan ni Hesus sa ginawa Niya sa akin.………
(remember A B C of sharing testimony)
5. Scripture Reading and Message
Last week, ipinakita sa atin ng Salita ng Dios na ang Sampung Utos pala ay maaaring i-summarize sa salitang: PAG-IBIG. OO nga naman. Kapag mahal natin ang Dios, kapwa natin at sarili natin, sisikapin natin na gawin ang tama. Sisikapin nating hindi gawin ang alam nating hindi makakalugod sa sinuman – sa Dios, sa neighbor at sa sarili natin. We strive to obey these laws because they are from God. At hindi antin kaya itong gawin kung walang pag-ibig na nanggagaling sa Dios na inilagay Niya sa ating mga puso. Imposibleng masunod ang gm auto kung walang ‘agape’ kind ng pag-ibig.
At ngayong araw na ito, ituturo sa atin ng Salita ng Dios kung paano lalo pang maging ‘blessing’ o ‘good testimony’ sa ibang tao, karugtong ng utos na magmahal.
Scripture Reading: Romans 13:11-14 (mbbtag)
11Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.[b] 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Message Intro:
Sino ang gising nung nangyari ang lindol nitong kamakailan lang? (taas ang kamay)
Sino naman ang nagising sa lakas ng lindol? (taas ang kamay)
Sino naman ang mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog at nagulat ka na lang paggising mo na ang daming nag-post tungkol s amalakas na lindol? (aminin!)
Explanation:
Ang passage natin ngayon ay pinaghahanda ang mga anak na Dios sa nalalapit na katapusan ng mundo. Ang mga salitang ginamit ay:
1) “Ang ating pagliligtas ay higit nang malapit kaysa noong una tayong sumampalataya” - ibig sabihin, yung pag-complete ng ating ‘redemption’ o ‘pagliligtas’ ay malapit nang dumating. Oo, ligtas na tayo pero yung pagsama natin sa piling ng Dios ang magkukumpleto ng kuwento. Palapit na nang palapit. Nasa mga huling araw na tayo ng mga Huling Araw/Last Days (period before the Lord’s coming).
2) “Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag”- Ito ay expression ng pagtatapos. Yung Bukang Liwayway – pagsisimula ng bagong yugto. At wala nang atrasan sa gabi. Tila nagbabadyang “goodbye earth” at “hello heaven”.
Ang pagtatapos ng lahat ng bagay ay hindi natin alam kung kailan. Parang yung lindol na bigla na lang nangyari at ang iba ay hindi nakaalam nito. Kaya, may pinagagawa sa atin ang Dios sa pamamagitan ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Roma. PANAHON NA PARA:
1) Vs. 11 - Gumising! Hey, gising! Ang hirap mag-gising sa isang taong napuyat. NIlalakakas natin ang ating boses para gisingan sila. Niyuyugyog para bumangon na. Pero gustong-gusto pa nilang matulog. Yung mga mata nila, kahit gusto nilang idilat, ay bumabagsak at sumasara. Mas lalong mahirap gisingin ang nag-tutulug-tulugan – na kahit anong lakas ng boses at kahit anong yugyog, ay hindi mapapakilos at mapapatayo. Kaya ang sinasabi ng binasa nating verse, it is time to WAKE UP! The end is almost near. Matatapos ang lahat ng bagay --- ang trabaho natin, ang ating tinatangkilik, ang mga pag-aaral, ang ating mga pag-aari sa mundong ito, lahat ng ito ay lilipas. Baka busy pa tayo sa ganitong mga bagay o ‘tulog pa’ , at di natin namalayan na huli na ang lahat.
2) Vs. 12a – Layuan ang masasamang gawain! Huy, layuan daw, at hindi lapitan! Iwasan, huwag nang isubo o i-presenta ang sarili sa mga ganitong bagay
3) Vs. 12b – Italaga ang sarili sa paggawa ng mabubuti! Hay, kadugay na! Kapag sinabing italaga – committed ka na sa ganoon. Desidido ka na sa sarili mo na gawin ang nararapat. Hindi na magbabago ang isip. Sisikapin mo lagi na gawin kung ano ang mabuti.
4) Vs. 13a – Mamuhay sa liwanag! Oy, huwag sa dilim! Maraming kalokohan at kamalian ang nangyayari sa dilim, di ba? Kapag maliwanag, kita ng lahat ang ating ginagawa. Hindi makakapagtago. Kaya, malakas ang loob mong ipakita ang iyong ginagawa kasi alam mong wala kang ginagawang hindi-kaaya-aya. Walang secret sins at walang maiitim na balak at hangarin.
Conclusion: Dahil malapit na ang katapusan ng lahat sa mundong ito, gamitin na natin ang nalalabing panahon ayon sa nais ng Dios para sa buhay natin. Let us BEHAVE DECENTLY!
Vs. 13b – Huwag gugulin o sayangin ang panahon at bawat pagkakataon para lamang sa mga ganitong bagay:
a) sa magulong pagsasaya (orgies) – walang taros na kasiyahan sa sex at palipat-lipat ng kaulayaw (wild living and enjoyment)
b) sa paglalasing (drunkenness) – nagsisimula sa kaunti ngunit hindi na mapigilan at napapadami, kaya yung espiritu ng alak ang nangingibabaw sa katauhan na dumadating sa situwasyong:
- hindi na makapagpigil kaya nanghahalay,
- nanggulo – nabubulabog ang tahanan, buong kalye nadidistorbo,
- nag-iiba ang personalidad – madalas nakakairita ang pinapakita
- nauubos ang oras sa walang kapararakang huntahan, bolahan at paninirang-puri
- nauuwi pa minsan sa pikunan at awayan
c) sa kahalayan (sexual immorality) – sexual activity anytime, anywhere, with anyone
d) sa kalaswaan (debauchery) - – sa mga titig, sa mga kilos, sa mga iniisip, sa pananalitang bastos, green, foul, at mahalay
e) sa alitan (dissension) – sobrang ikli na lang ng buhay para mag-away-away pa! Iwasan ang mga bagay na alam nang magbubunsod sa alitan at awayan. Huwag nang pabigla-bigla sa mga reaksyon ng tampo, inis, sama ng loob at galit.
f) sa inggitan. – maging masaya para sa bagay na mayroon tayo. Kung loloobin ng Dios na dagdagan pa ang mga ito batay sa ating kasipagan at batay sa Kanyang pabor, e di, dagdagan natin ang ating pasasalamat at contentment. Contentment is the key to happiness. Tigilan na ang “sana all” na expression. Hindi ito nakakatulong sa ating contentment.
Vs. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
SANDATA – ibig sabihin, DAMIT NA LAGING SINUSUOT. At si HESUS ang lagi nang “sinusuot” saan man tayo mapadpad o mapunta para hindi na matukso ang laman natin na gawin ang maling hilig nito. Wala nang hubaran ng sandatang ito – kahit sa bahay, sa opisina, sa barkadahan – hindi lang natin dala-dala ang sandata kungdi suot-suot na nakikita ng lahat! KITANG-KITA NILANG LAHAT SI HESUS SA ATING BUHAY!
Kaya, sa kaunting panahon na natitira na lamang sa atin, manatili tayong “GISING!” pero hindi PRANING! Bagkus, patuloy na gumagawa ng mga bagay na mabuti habang naghihintay sa biglaang pagtatapos ng mundo. GISING NA! UMAGA NA!
6. Pananalangin
1) Paghahanda ng lahat ng ating mga mahal sa buhay sa katapusan ng mundo.
Pati na rin kahit hindi natin kilala, ipanalangin sila na makilala rin nila si Hesus nang lubusan.
2) Probisyon ng pangangailangan sa pagdaan natin sa ECQ mula August 6. Hindi lang pangangailangan kungdi katatagan ng puso.
3) Pag-aaral - kaayusan, pambayad ng tuition, probisyon ng gadget na kailanganz, talino, sipag, gana at inspirasyon
4) Kagalingan sa mga may sakit (magbanggit ng kilala) – covid, cancer, colds, atbp.
5) Paggabay sa mga leaders at ‘mentors’ ng church sa pag-usad natin na maging HEALTHY CHURCH.
6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
7. Closing Prayer
Salamat po, Panginoong Diyos, sa patuloy Ninyong pangungusap sa amin. Minsan, masakit ang pagtutuwid ngunit salamat pa rin po kasi ang ibig sabihin po nito ay mahal po Ninyo kami at nais Ninyong kami ay mapabuti. Salamat po sa kasagutan sa aming panalangin. At nawa ang kapayapaan ng Dios ang sumaaming lahat sa aming pagtatapos. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!
8. Paalala
1) No physical service while we have ECQ
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking
Paalala: Huwag lang picture ang i-share sa FB kungdi kung ano ang natutunan. I-share ang YouTube ng MFGC tungkol sa series sa pamilya (Parts 1 to 4 – in this order) sa mga kakilala nating pamilya na alam nating nangangailangan ng mensahe.
10. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
Comments