Below is the material for our Family Prayer Cell on January 20, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
We Are Blessed
January 20, 2021
Luke 24:50-53
by Sis. Edith Manalo
1. Picture Taking
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.
Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC – kahit late na kayo mag-FPC :)
2. Pagbati
3. Pag-aawitan
I'm blessed and I know that I am
Since Jesus took control of my life
I'm blessed and I know that I am
Since He promised me new life
I'm blessed because He walks with me
And He's with me wherever I go
And if you happen to ask me
How are you my friend?
I'm blessed, I'm blessed, I'm blessed
4. Opening Prayer
5. Praise Reports
Mauubusan ba tayo ng pasasalamat sa Kanya! Lagi natin Siyang ibida sa lahat ng ating usapan at kuwentuhan. Tiyak may ginawa Siyang mabuti sa iyong buhay. Maliit man o malaki!
.
6. Scripture
Luke 24:50-53
50 Pagkatapos, sila’y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas Niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila.
51 Samantalang iginagawad Niya ito, Siya nama’y lumalayo (paakyat sa langit)
52 Siya’y sinamba nila, pagkatapos, sila’y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan.
53 Palagi sila sa templo at doo’y nagpupuri sa Diyos
7. Mensahe
Naranasan mo na bang iwanan ng isang mahal sa buhay? Maaring napakasakit na maiwan kang ulila o hiwalayan ng asawa o iwanan ng mga taong itinuturing mong kaibigan. Maari din naman na mayroon ka ngang pamilya pero wala namang nagmamalasakit syo at pakiramdam mo’y nag iisa ka din sa buhay.
Sa nabasa nating mga talata, si Hesus ay aakyat na sa langit at maiiwan na Nya ang kanyang mga apostol at mga kaibigan. Maaring malungkot ang mga apostol sa pag-alis ni Hesus ngunit hindi sila basta basta iniwan at pinabayaan na lamang ni Hesus bagkus pinagpala pa sila ng Panginoon. Maaring nag declare Siya ng pagpapala sa kanilang buhay. Hindi sinabi kung paano sila pinagpala pero sila ay lubos na pinagpala ng Diyos bago Sya umakyat sa langit!
Ang sabi sa v. 50, Pagkatapos, sila’y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas Niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila.
Ang Betania ay nasal labas ng lunsod ng Herusalem. Ang ibig sabihin ng Betania ay “house of depression or misery”. Dito sa Betania dinala sila ni Hesus at pinagpala. Minsan tayo ay dumadaan din sa Betania at nakakarasan ang sa dagok ng buhay, depression, kawalan ng pag asa at ang pakiramdam mo ay iniwan ka ng Diyos. Ang Dios ay patuloy na pagpapala sa buhay mo, basta patuloy ka lamang manalig, manalangin at maghintay na tutupadin Nya ang pangako Nya. Huwag mawalan ng pag asa, tapat ang Diyos sa mga pangako Nya. Si Hesus ang nagsabi at siguradong ito ay mangyayari. Mula sa kawalan ng pag asa, may pagpapala ang Dios.
Samantalang ginagawad Nya ang pagpapala, Siya ay lumalayo paakyat ng Langit. Kinakailangan Nyang gawin ito:
· Para mapaghandaan Nya tayo ng titirhan sa Langit (Juan14:2)
· Para tayo ay mag karoon ng Tagapamagitan sa Ama (1Juan 2:1)
· Para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan (Juan 14:6)
Walang inisip ang Diyos kundi ang kabutihan ng tao hangang sa Kanyang pag akyat sa Langit, hindi natatapos ang pagmamahal Nya sa atin. Hindi Nya sinabi na tapos na ako sa inyo kasi namatay na ako para sa inyo bagkus patuloy ang pagmamalasakit at pag mamahal Nya sa atin.
Tignan naman natin ang ginawa ng mga apostol pagkatapos na sila’y pagpalain ni Hesus.
Noong bumalik sa Herusalem ang mga apostol, sinamba nila si Hesus. Nagkaroon sila ng intimate na pakikipag ugnayan sa Diyos. Lubos at buong puso ang kanilang pagsamba. Taglay nila ang kagalakan dahil sa pagpapalang ibinigay ng Diyos sa kanila. Alam nilang hindi sila pinabayaan ng Diyos.
Ang mga Apostol ay palagi sa Templo at doon sila nagpupuri sa Dios. Gusto nilang manatili sa presensya ng Diyos. Maaaring consistent ang kanilang attendance sa pagsimba at pagsamba sa Diyos at maaari ding naging lifestyle na nila ito. Hindi na sila kailangang pilitin na pumunta sa Templo.
REFLECTION:
Sa panahon ngayon at takbo ng ating buhay, kahit kailan ay hindi nagpabaya ang Diyos sa atin. Hangad Niya na tayo ay lagi Nyang pagpalain. Ngunit ano ang ginagawa natin para sa Kanya? Lagi na lamang ba tayong nagrereklamo at tinatalikuran ang pagsamba at hindi na mananalangin sa Diyos? Katulad ng mga apostol, lubos ang kanilang kagalakan at nagpatuloy sila sa pagsamba kay Hesus. Patuloy nilang kinikilala si Hesus bilang kanilang Diyos at hindi sila nanghinawa sa pagpupuri sa kanya. Kung nais mo ng wagas na kagalakan sa panahong ito, lumapit tayo sa Diyos at sambahin natin Sya ng buong puso.
CONCLUSION:
Hindi tayo iniwan ng Dios o inabandona man! Iniwan Nya ang kayang Banal na Espiritu para magkaroon tayo ng kapangyarihan at lakas ng loob na ihayag ang Salita Nya. Binigyan Nya tayo ng “helper”para maging gabay natin sa ating buhay.
Hindi ka nag iisa! Walang iniisip ang Diyos kundi ang ating kabutihan. Kalooban Nya na tayo’y pagpalain sa lahat ng bagay kaya nararapat lamang na Sya ay taos pusong nating sambahin at purihin.
8. Pananalangin
Consecration prayer: Manalangin nang kanya kanya, humingi ng tawad at tumalikod sa kasalanan para magkaroon ng inward change of heart and right attitude toward God
Pray na lalong maging masigasig at magkaroon ng discipline sa prayer, worship at personal devotion ang ating pamilya, at ating mga kasama sa MFGC
Pray for God’s covering and protection against COVID and its new variant
Provision sa mga mag eenroll at maging attentive ang mga bata na nag oonline class. Provision din sa mga walang trabaho o sa mga may pay cut.
Prayer for those with broken relationship (especially family relationships)
Pray for our nation and God’s intervention sa mga decisions ng ating leaders
Personal Prayer Requests
9. Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203
GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551
BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526
10. Mga Anunsyo
Pwede pong mag-signup para sa mga physical service sa Sunday ng 9 am at 2 pm. Signup here: https://bit.ly/mfgcphysicalservice
Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square
Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square
Comments