Below is the material for our Family Prayer Cell on August 11, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Tuluy-Tuloy
August 11, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
Hindi mapipigilan ng ECQ ang pananalangin ng mga anak ng Dios! Mas lalo nga nating kailangang gawin ito para lagi nating nababantayan ang ating sarili na hindi magreklamo katulad ng mga taong hindi nakapasok sa Lupang Pangako. Kailangang ituloy at magtuluy-tuloy para tuluy-tuloy ang pagpapala!
2. Pag-aawitan
(Kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios.)
Song 1
Oh God, we ask for Your favor
Come and sweep through this place
Oh, we desire You
I just wanna be with You, be where You are
Dwell in your presence, oh God
Oh, I wanna walk with You
And I will climb this mountain
And I'll step of the shore
And I have chosen to follow
And be by Your side forever more
Tell me what You want me to do, Lord God
Tell me what You want for my life
It's Yours, oh God, it's Yours
Do your will, have Your way
Be Lord God in this place
Oh, I want Your will to be done
Song 2
The Lord is good, the Lord is good. Blessed is the man who puts his trust in Him
The Lord is good, the Lord is good. Taste and see that the Lord He is good.
Taste and see that the Lord He is good!
Song 3
My only hope is to hope in Jesus
My only trust is to trust in Him
My only Refuge is Jesus
And He knows those who put their trust in Him
3. Pambungad na Panalangin
Father God, You are holy! You are good! We come before You, today, with confidence according to Your Word that when we ask in Your name, You will answer us! Kaya, patuloy po Kayong mangusap sa amin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at tulungan Ninyo po kaming makinig sa Inyong tinig upang ang aming sasabihin, gagawin, uugaliin at ipapanalangin ay magiging kaaya-aya sa Inyo! Salamt po sa pagsama Ninyo sa aming spiritual journey na ito. Sa pangalan ni Hesus.
4. Scripture Reading and Message
Nagigising na nga ba tayo batay sa ating pinag-usapang Salita ng Dios last week?
Nawa, unti-unti na nating nasusunod ang kalooban ng Dios sa ating buhay. Basta maging consistent lang. Hindi atras-abante bagkus steady kahit hindi masyadong mabilis.
Ang sarap malaman na may nagdadalanginan sa isa’t isa. Hindi man natin naririnig ang mga ito, alam ng Dios ito at Siya na ang tumutugon sa mga ito sa Kanyang tamang paraan at panahon. Maganda rin na maging ganito ang laman ng ating mga panalangin sa ibang tao.
One-verse Scripture: Romans 15:13
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. (MBBTAG)
May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit." (NIV)
Explanation:
Panalangin ito ni Apostol Pablo para sa mga Gentile Christians sa Rome. Isa-isahin natin ang panalangin na ito:
1) God of Hope – Bukal ng Pag-asa –
Wala nang hihigit pa sa Dios na nagbibigay ng pag-asa. Maraming nag-aalok at nagpapa-asa (aaahhh…) pero hindi naman tinutupad o kaya naman ay kapag nakuha na nila ang gusto nila, bigla ka lang lalayasan nang walang paliwanag (aaaaahhh…). Hindi ganyan ang Dios natin! He is THE GOD OF HOPE! Kitang-kita ito sa Kanyang mga Salita habang patuloy nating pinagbubulayan ang mga ito. Hindi Ninyo ba napapansin na tumataas ang inyong level ng panananmapalataya at lumalakas ang inyong pag-asa sa bawat araw?
2) May fill you – Puspusin kayo; pagkalooban kayo
Imagine Ninyo ang isang basong punung-puno. Kapag nilagyan mo pa ay tatapon na ang laman nito. Ngunit kung ang laman naman nito ay tulad ng inggit, galit, kasalanan, pag-aalala, atbp., kailangan talagang mapalitan na ito. Maaaring mangyari ito sa pagbuhos ng kapalit na mabuting bagay. Ang tamang panalangin ay punuin ng Dios ang ating buhay para mapalitan ang mga laman nitong pagdududa, kahihiyan na lumapit, at sama ng loob. Buksan natin ang ating puso at buhay upang tuluy-tuloy na dumaloy ang pag-asang ito lalo na sa gitna ng ating mga nararanasan sa panahon ngayon.
3) With all joy – Ng buong kagalakan
Ang magpupuno sa atin nawa ay ang Kanyang buong kagalakan. Mahirap nga naman talaga sumaya kapag puno ang puso ng alalahanin. Ngunit ito ang magandang panalangin: na pagkalooban tayo ng kumpletong kagalakan – hindi batay lang sa magagandang nangyayari sa kapaligiran kungdi, katuwaan sa Dios sa ating puso at espiritu. Kahit hindi ayos lahat sa paligid, maging panalangin pa rin natin na pagkalooban tayo ng Dios ng galak na kailangan natin.
4) (With all) peace – Ng buong kapayapaan
Hindi lang kagalakan kungdi kapayapaan. Itong klaseng kapayapaan na ito ay hindi kayang ipaliwanang ng mga walang relasyon sa Dios. Ang kapayapaang ito ay hindi kayang ibigay ng mundo. Hindi basta ito nalililirip o naiiintindihan. Maging magandang panalangin ito para sa iba na maipagkaloob din ng Dios ang buong kapayapaan – hindi konti lang, hindi kalahati, kungdi buo. Masarap matulog, may ganang kumain, hindi irritable, kasi may kapayapaan.
5) As you trust in Him – Habang patuloy kayong nagtitiwala sa Kanya
Paano mangyayari ang mga ito? Kapag tuluy-tuloy din ang pagtitiwala sa Dios. Hindi panalangin ni Apostol Pablo na basta ihuhulog lang ng Dios ang joy at peace na parang ‘magic’ kungdi ipinapanalangin niya na habang nagtitiwala ang mga anak ng Dios ay hindi sila mabibigo na makaranas ng tuluy-tuloy na kagalakan at kapayapaan. Ito ang sikreto: Tuluy-tuloy na pananalig sa Dios! Hindi kasi SIya liko sa Kanyang mga pangako!
6) So that you may overflow with hope – Upang mag-umapaw ang inyong pag-asa
Ang magiging bunga ng panalanging ito ay ang buhay natin ay magiging tila alulod (drain/channel) na dinadaluyan ng tuluy-tuloy na pagkakaloob ng Dios ng nararanasang joy at peace, kaya tuluy-tuloy ring aapaw ang pag-asa hanggang makamit ang ating hinihiling o hanggang dumating ang Panginoon!
7) By the power of the Holy Spirit – sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu
Puede ba talagang mangyari ang overflow ng hope na ito sa maraming tao? Maaari bang maranasan ito kahit gaano kabigat ang pinagdadaanan? Alam ni Pablo na hindi basta ito mangyayari kungdi sa tulong ng Banal na Espiritu. Ang Dios Espiritu Santo na nananahan na sa bawat anak ng Dios ay tumutulong na magkaloob ng tuluy-tuloy na pag-asa . Hindi matatawaran ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na kumikilos sa ating buhay. Kung sa sarili lang natin ito, baka matagal na rin tayong bumigay at sumuko pero dahil sa Banal na Espiritu na tuluy-tuloy na nananahan sa atin at binibigyan ng pagkakataong kumilos sa ating buhay, nagiging tuluy-tuloy din at nag-uumapaw ang ating pag-asa.
Conclusion: PURIHIN ANG DIOS! Nawa’y maging panalangin mo ito lagi. Hindi lang para sa sarili mo kungdi para sa ibang tao sa paligid mo. Mahalagang maisuko nila ang kanilang buhay sa Dios nang may tunay na pagsisisi sa kasalanan upang manahan din sa kanila ang Banal na Espiritu.
Malakas ang loob nating makapanalangin dahil nakaakibat sa atin ang umaapaw na pag-asa na didinggin tayo ng Dios ayon sa Kanyang Salita at kalooban.
5. Praise Report and Testimony
Simulan nang ganito: Tuluy-tuloy ang aking pasasalamat sa Dios dahil…..
6. Pananalangin
· Tuluy-tuloy na tapang at karunungan sa ating mga manggagawa sa church – mga Pastor at leaders
· Tuluy-tuloy na probisyon ng pangangailangan habang ECQ. Tuluy-tuloy na maayos na distribution ng ayuda at kadalisyan sa mga namumuno sa atin (mula sa itaas hanggang ibaba)
· Tuluy-tuloy na kagalingan sa mga may karamdaman (banggitin ang pangalan)
· Tuluy-tuloy na paglago sa pananampalataya ng mga Christians lalo na sa JCLAM family
· Tuluy-tuloy nap ag-asa sa nawawalan na ng pag-asa (magbanggit ng kapatiran)
Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
7. Closing Prayer
Salamat po, Panginoong Diyos, sa patuloy Ninyong pangungusap sa amin. Totoong sa Inyo lang po galing ang aming kapayapaan at kagalakan na nagdudulot sa amin ng naguumapaw na pag-asa. Salamat po Banal na Espiritu na patuloy po Ninyong pagsama at paggabay sa amin. Salamat po sa kasagutan sa aming panalangin.
8. Picture Taking
Always take pictures and post to encourage others!
9. Paalala
1) No physical service while we have ECQ
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
댓글