top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 31 - Pasakop

Below is the material for our Family Prayer Cell on August 18, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




Pasakop

August 18, 2021

By: Ptr. Noolen Mayo

 

1. Pag-aawitan


Great is the Lord

The Maranatha Singers

https://www.youtube.com/watch?v=gwgNtLl0SsI


Great is the Lord and most worthy of praise The city of our God, The holy place

The joy of the whole earth.

Great is the Lord with whom We have the victory He aids us against the enemy We bow down on our knees


And Lord we want to Lift Your name up high And Lord we want to thank You For the work You've done in our lives And Lord we trust in Your unfailing love For You alone are God eternal Throughout earth And heaven above.


Great is the Lord and most worthy of praise The city of our God, The holy place

The joy of the whole earth.

Great is the Lord with whom We have the victory He aids us against the enemy We bow down on our knees


Repeat... And Lord we want to


2. Pambungad na Panalangin


Tunay na Ikaw ang aming Dakilang Diyos na nagbigay buhay sa bawat isa sa amin... pinupuri at pinapasalamatan Ka namin. Muli namin itataas ang pangalan Mo sa aming mga testimonies, nabigyan Ka nawa ng papuri sa aming pag-aawitan at buksan Mo ang aming mga puso sa mga Salitang aming maririning ngayon. Inaanyayahan din namin ang Banal na Espiritu sa aming kalagitnaan upang kumilos sa bawat isa sa gawain ng FPC ngayon. Ito ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen!



3. Introduction


Nawa sa lingong nagdaan ay tuloy-tuloy ang kapayapaan kahit sa gitna ng banta ng Covid 19 (Delta & Lambda variants) sa ating bansa at tuloy-tuloy ang kasiyahan kahit may natanggap kang ayuda o wala dahil alam mong sapat na ang biyaya ng Diyos sa atin at sa ating pamilya.

At ngayon ay may bago na naman tayong pag-aaralan at masasabi nating isa ito sa struggle sa araw-araw lalo na sa pakikisalamuha natin sa kapwa dahil sa kanya-kanya nating opinyon o kagustuhan; kanya-kanyang kapamaraanan at abilidad. Maging kaliwanagan ito sa atin at mangyari nawa na magkaroon tayo ng pagsunod sa Salita ng Panginoon.


4. Scripture Reading and Message


Basahin natin ang Scripture sa Romans 13: 1 - 2...


Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.

Explanation:

Kung pag-uusapan ang book of Romans, ang isa sa mga sentrong mensahe nito ay pagsasa-ayos ng buhay ng mga mananampalataya. Ang mga Christians ay hindi perpekto at banal na walang kasalanan ngunit sa biyaya ng Diyos, sila ay lumalago at nagkakaroon ng pagbabago ng buhay.


At sa Romans 13, tinutukoy nga dito ang tungkol sa pagpaPASAKOP. Tulad ng binanggit kanina, isa ito sa mahirap na gawin ng isang tao... maging mananampalataya ka ni Hesus o karaniwang tao. Ngunit sabi sa Kanyang Salita - PASAKOP SA MGA PINUNO.


May pagkakaiba ang pagpapasakop (submission) at pagsunod (obedience) ayon sa Gawa 5: 27 – 29 (kung maaari ay basahin). Ano man ang iniisip ninyo patungkol dito... ang sinsabi ng Salita ng Diyos ay gawin mong magbigay ng respeto sa authority (whether good leaders or evil leaders) dahil ito ay mula sa Kanya upang maging maayos ang civil lawlessness (kaguluhan).


Kailangan nating PASAKOP sa mga sumusunod:


1) Government Leaders (Titus 3: 1)

Ang pagpapasakop sa gobyerno ay madalas makita sa mga sulat ni Pablo. Hindi na bago ito sa mga mananampalataya kaya sa talata muli niyang pinaaalahanan na magpasakop sila sa gobyerno - hindi kinakailangang sumunod kung ito ay labag sa batas ng Diyos pero inutusan tayong magpasakop at ito ang kalooban ng Diyos. At sa huling bahagi ng talata... ang bawat isa ay dapat handang gumawa ng mabuti para sa bayan at hindi lang para sa saril - unahin ang nakakabuti para sa iba kaysa para lang sa sariling kapakanan.


2) Church Leaders (Hebrews 13: 17)

Ang pagpapasakop sa ‘spiritual leaders’ ay susi na nais mong maging disipulo ni Kristo. Bilang disipulo ay inaasahan na maging ‘cooperative as much as possible’ kaysa maging pasaway. Ito ay pagpapakita ng pakiki-isa sa layunin ng church upang mas mapadali at mapabilis na maabot ang ‘vision at mission’ nito. Sabihin mo sa katabi mo... ‘huwag kang pabigat!’ Nawa ay sabay-sabay tayo sa ating lakbayin bilang isang katawan ni Kristo. Sumabay tayo.


3) Parents (Ephesians 6: 1)

Ito ay TAMA! Ang pagpapasakop sa magulang ay tama ayon sa talata. Ito ang dapat at karaniwang inaasahan na gingawa ng mga anak sa kanilang magulang. Pero tila baliktad na ngayong panahong ito. Kaya muling pinaaalahanan na ang mga anak ay MAGTIWALA at SUMUNOD sa magulang dahil mas alam nila ang nakakabuti para sa iyo kahit minsan ay hindi mo naiintindihan. Inahalintulad din ito sa relasyon natin sa Diyos.

4) Boss (1 Peter 2: 18)

Tayo ay inutusan na maglingkod ng may respeto sa ating ‘boss’ maging mabait man siya o hindi. Ang paglilingkod natin ay hindi dahil sa kanila kundi ito ay dahil sa sumusunod tayo sa naisin ng Diyos kung papaanong relasyon ang dapat ipakita natin sa kanila. Remember... it’s all about God.


Conclusion: Kung kanina ang pagpapasakop ay pagrespeto sa goberyo, church leaders, magulang at boss na hindi kinakailangang sumunod lalo na kung ito ay labag sa batas ng Diyos, iba ang sa Panginoon! Dapat magkasama ang respeto at pagsunod, ito ang pagpapasakop sa Diyos. Lalo ng kung nais natin ang kasagutan Niya sa ating mga panalangin, kinakailangan na may tunay tayong pagpapasakop sa nais ng Diyos.


5. Praise Report and Testimony


Sagutin ang tanong... Papaano ka pinagpala ng Diyos sa iyong pagsunod sa nakatataas (either sa gov’t leaders, church pastors or leaders, parents, boss sa office o teacher sa school}?


6. Pananalangin


  1. Ipanalangin ang ating gobyerno na magkaroon ng takot sa Diyos ang bawat namumuno, pagkakaisa lalo na sa implementasyon ng mga projects at maging tapat sa kanilang tungkulin sa bayan at sa tao.

  2. Ipanalangin ang ating mga church leaders na tuloy-tuloy ang anointing ng Diyos sa kanila; maging pagpapala sa kanilang nasasakupan at sa iba pang tao; at probisyon sa kanilang personal na pangangailangan.

  3. Ipanalangin ang inyong mga magulang upang magkaroon ng patuloy na kalakasang pisikal; karunungan upang pangunahan ang inyong pamilya; at probisyon sa araw-araw na pangangailangan at babayarin.

  4. Ipanalangin ang pagbubukas ng eskwela ngayong SY 2021 – 2022. Nagsimula na ang JCLAM Christian School noong lunes (Aug 16, 2021) at iba pang private schools at sa public naman ay sa Sep 13... maging maayos ang SY lalo na sa online distance learning; kasipagan ng mga guro at estudyante; at kasiyahan sa pag-aaral kahit sa ganitong sitwasyon.

  5. Ipanalangin ang mga may-ari ng businesses (malaki man o maiit lang) upang maging maayos at makatwiran ang pamamalakad; maging matagumpay ang mga businesses na ito; at bagong clients/customers para sa kanila.

  6. Ipanalangin ang nasa kanan mo upang patuloy niyang hanapin ang Diyos sa kanyang buhay;lumago at maging mabunga ang kanyang spiritual journey; at sinserong sumunod sa kapangyarihan ng Diyos sa Kanyang buhay.


7. Closing Prayer


Patawarin mo kami Panginoon kung minsan ay di kami sumusunod sa mga nakakataas sa amin at lalo na sa Inyo. Salamat sa kahabagan Mo araw-araw para sa amin at pinapakita Mo na mahal na mahal Mo kami sa pamamagitan ng pagtugon sa aming mga panalangin. Tulungan Mo kami na patuloy na magpasakop sa Inyo at sa lahat ng namumuno sa amin ng may katapatan at sinseridad. Salamat sa pagsama Mo sa amng gawain ngayon at nawa nabigyan Ka namin ng kaluwalhatian. Amen!


8. Picture Taking


Always take pictures and post to encourage others!


9. Paalala


1) No physical service while we have ECQ

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


11. Pagsalu-salo




167 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page