Below is the material for our Family Prayer Cell on August 25, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Bantayan
Roma 14:19-21
August 25, 2021
By: Ptra. Glo Oyco
1. Introduction
From ECQ to MECQ, nanatili na dapat magbantayan sa pagsunod sa mga iipinagtatagubilin ng IATF at ng ating pamahalaan. Patuloy din tayong magbantayan at manatiling nagpapalakasan at nagpapalanginan sa isa’t isa. Mas lalo nga nating kailangang gawin ito para lagi nating nababantayan ang ating sarili upang sabay sabay tayong makatakbo ng sabay-sabay sa ating takbuhin at tapusin ito ng may kagalakan.
2. Pag-aawitan
I Could Sing of Your Love Forever
Mmm, ooh, ooh, ooh, ooh Over the mountains and the sea Your river runs with love for me And I will open up my heart And let the Healer set me free I'm happy to be in the truth And I will daily lift my hands For I will always sing Of when Your love came down, yeah
I could sing
I could sing of Your love
Forever
Over the mountains and the sea Your river runs with love for me And I will open up my heart And let the Healer set me free I'm happy to be in the truth And I will daily lift my hands For I will always sing Of when Your love came down, yeah
I could sing of Your love forever I could sing of Your love forever I could sing of Your love forever I could sing of Your love forever (I could sing of Your love forever) (I could sing of Your love forever) (I could sing of Your love forever) Forever (I could sing of Your love forever)
3. Pambungad na Panalangin
Aming Dios Ama, pinupuri Ka po namin at pinasasalamatan sa patuloy na pagbabantay Nyo sa amin. Sa bawat panahon at yugto ng aming buhay, nanatili Kayong matapat. Katapatan na di nagbabago, noon, ngayon at kailanman. Sa bawat araw na lumilipas ay ipinamamalas po Ninyo sa amin ang Inyong kabutihan, sa maliit o malaking kaparaanan. Igawad po Ninyo sa amin ang presensya ng Banal na Espiritu na sa aming pagtitipon bilang pamilya ay magbigay ng kaluwalhatian sa Inyo at kagalakan sa bawat isa. Hindi po kami naririto for attendance purposes subalit makita po naming na ang pananalangin ay paghingang ispirituwal at nagbibigay sa amin ng kalakasan bilang Inyong mga anak
4. Scripture Reading and Message
Matapos nating matutunan noong nakaraang Linggo na dapat ay patuloy tayong may pusong nagpapasakop sa mga itinalaga ng Dios para manguna sa atin: pamahalaan, ang mga pastors, mga magulang, ang ating mga boss sa kompanyang pinapasukan. Tayo ay patuloy magbantayan sa isa’t isa.
Napakasarap ang maramdaman ng pagpapasakop at nagpapasakop, gayundin naman ang maramdaman na merong nagbabantay at binabantayan ng may kalakip na malasakit at nagpapanalanginan sa isa’t isa ay tunay na kagalakan.
Scripture: Romans 14:19-21
19Mag-effort tayong gawin ang mga bagay na nagbibigay ng kapayapaan at nakaka-encourage sa isat’ isa. 20Wag mong hayaan na masira ang ginawa ng Diyos dahil sa paniniwala mo tungkol sa pagkain. Pwedeng kainin ang lahat ng pagkain, pero maling kumain ng kahit ano kung kung yun ang magiging dahilan para magkasala ang iba. 21Mabuting wag nang kumain ng karne, uminom ng alak, o gumawa ng kahit anong bagay na magiging dahilan para magkasala ang kapatid mo sa Panginoon. (PINOY VERSION)
19 Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20 Huwag ninyong sirain ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.- MBBTAG
19 Let us therefore make every effort to do what leads to peace and to mutual edification. 20 Do not destroy the work of God for the sake of food. All food is clean, but it is wrong for a person to eat anything that causes someone else to stumble. 21 It is better not to eat meat or drink wine or to do anything else that will cause your brother or sister to fall. (NIV) Introduction:
Mula sa pagpapahayag ng mga doktrina ay nagpatuloy si Pablo ng pagpapahayag ng tungkol sa mga praktikal na bagay-bagay. At kasamang nabanggit ang ilan sa mga nasa “gray areas”. (gray area – meaning, unclear hindi malinaw, alanganin). Kabilang sa mga gray area ay kung ano ang maari mong kainin at ano ang hindi pwedeng kainin. Tama ba na sumayaw sa pamamagitan ng Tiktok? Ang klase ng pananamit, maari bang mag-church ng naka-short shorts? Kinakailangan bang sumunod sa lahat ng makabagong pamamaraan ng pagpapaganda? Pag-inom ng alak, paninigarilyo. Kapag pinag-uusapan ang mga bagay na ito ay nauuwi magkaminsan o kadalasan sa pagtatalo. Walang pagtatalo tungkol sa kung hindi o pinahihintulutan ng Dios ang premarital sex, pagnanakaw o pagpatay. Wala rin pagtatalo kung dapat o hindi dapat magbayad ng buwis. Dapat o hindi dapat magbigay ng ikapu at kaloob. Sapagkat may malinaw na pagpapahayag para sa mga ito mula sa Salita ng Dios.
Background: Sa context ng ating scripture reference, ay sinasabi ni Pablo na ang mga Gentile believers at Jewish believers ay nararapat na magkasundo upang ang church ay hindi magkaroon ng pagkakahati-hati. Dahil ang mga Jewish believers ay niyayakap/sinusunod ang mga batas na binigay ni Moses kabilang sa kung ano ang dapat at di dapat kainin na pagkain. Ano ba ang clean foods at unclean foods. Ang mga Gentile believers naman na nakakilala sa Panginoong Hesus mula sa paganism ay di maunawaan kung bakit merong napakalaking issue when it comes to food. Kaya ang mga Gentiles ay kumakain kahit ng mga pagkain na ini-offer na sa mga idols sa loob ng mga templo at pagkatabos ay ibnibenta pa rin sa market. Ang mga naturang pagkain ay itinuturing ng mga Jewish Christians na unclean foods. Dahil dito ang mga Gentiles Christians at ang mga Jewish Christians ay nagkakaroon ng hidwaan o ng pagtatalo ng dahil lang sa pagkain na maaring humantong sa pagkasira ng kanilang relasyon at ng church as a whole. Ang mga Jewish Christians ay legalistic samantalang ang mga Gentile Christians ay walang pagpipigil sa sarili. Para sa kanila okey lang na kumain ng kahit ano, uminom ng alak sang-ayon sa kanilang kagustuhan at karapatan.
Dahil dito si Pablo ay nagbigay ng mga paalala kung anu ang nararapat na BANTAYAN upang di mapahamak at magkasala ang mga mahihina sa pananampalataya
1. Maging mapagbantay na pagsikaping gawin ang mga bagay na nagbibigay ng kapayapaan (v.19a)
Kahulugan ng phrase:
“Make every effort” – dioko – to pursue; to seek after eagerly, earnestly endeavour to acquire
pagsikapang gawin, mag-effort tayong gawin (to seek eagerly - mayroong kasabikan na hanapin), (earnestly endeavour -. to exert oneself to do or effect something; to attempt to achieve or gain) ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan.
Ito ay isang pagbabantay sa kung papaano mapapanatili ang kapayapaan. Merong dapat gawin upang matamo ang kapayapaan. Pursue – habulin, hulihin Pagsikaping gawin – merong determinasyon na piliting gawin ang mga bagay na nagbibigay ng kapayapaan; exert an effort. HINDI BASTA SUSUKO! Upang magkaroon ng kapayapaan sa isang samahan o sa isang relasyon, meron dapat PAGSIKAPING GAWIN! Illustration:
Merong isang guro na sinabihan ang kanyang anak na si Rhap, “hindi kita isasama sa Avilon Zoo kapag hindi mo muna pinatawad ang iyong kalarong si Louie na kumuha ng iyong cornetto choco ice cream”. Pero nanay, ayaw naman po ni Louie na patawarin ko sya, hindi rin po sya nakikinig sakin”. “Kung ganun, pilitin mo sya” ang mariing utos ng kanyang ina.na isang guro.
Umisip si Rhap ng paraan kung ano ang kanyang gagawin, bigla niyang sinunggaban si Loie hanggang sa ito ay mapadapa sa lupa, iniupo niya at pasigaw na sinabing: :Pinapatawad kita dahil sa pagkuha mo ng aking cornetto choco at para di mo malimutan punasin mo ang chocolate na kumalat sa mukha mo!”
Hindi tayo dapat maging ganyan agresibo upang makamit ang kapayapaan dapat ay pini-pursue. Hinahabol, pinipilit sa positibong kaparaanan.
Sa loob ng tahanan, sa opisina, sa loob ng iglesia, maraming simpleng bagay na nararapat BANTAYAN upang magkaroon ng kapayapaan. Hindi agresibo, subalit gumagawa ng mainam na hakbangin upang magkaroon ng kaapayapaan at mawala ang sigalutan.
Reflect on: Pinagsisikapan mo bang gawin ang mga bagay na nagbibigay ng kapayapaan? Ginagawa mo ba ang lahat makakaya upang makipag-ayos sa isang kapatiran na nakagalit mo o nakasamaan mo ng loob?
2. Maging mapagbantay upang gawin ang mga bagay na makakapagpalakas (edification) sa isa’t isa (v19b)
Sa panahon ng pandemnya, maraming tao ang nakararanas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. Marami ang nawalan ng hanap-buhay, nawalan ng mahal sa buhay, walang kasiguruhan sa maraming bagay, marami ang nagkakasakit, may alinlangan sa patuloy na kaligtasan ng buhay kahit pa nga meron ng mga vaccines, may at ang iba ay may ayudang natatanggap. May mga asawang emotionally battered (either the husband or the wife). Marami ang nanghihina sa pananampalataya at maaring nalalagay sa alanganin ang pananampalataya. Ang salitang makakapagpalakas o edification sa wikang Ingles ay nanggaling sa word na edify (ang Greek word: oikodome – meaning, the act of one who promotes another's growth in Christian wisdom, happiness, holiness) ay nagpapaalala na ang nararapat gawin ng isang mananampalataya ay ang mga bagay na magbibigay ng kalakasan sa kapwa mananampalataya at mag-aangat sa kalalagayan ispiritwal ng mga kapatiran. Magbibigay ng encouragement upang magkaroon ng paglagong ispiritwal. Ito ay maaari nating gawin sa ating mga care circle, sa ating pamilya, sa lugar na pinagtatrabahuan, sa paaralan. Gawing positibo ang pakikipag-usap na may kasamang magandang pananalita upang makapagbigay ng kalakasan.
Reflect on: Sa panahon na halos hindi nagkikita physically, papaano tayo magiging mapagbantay upang gawin ang mga bagay na magbibigay ng kalakasan? (Hayaan na magkaroon ng tugon ang bawat isa) TANDAAN: NAPAKAINAM NG ISANG SAMAHAN NA MAYROONG KAPAYAPAAN AT MAYROONG PAGPAPALAKASAN.
3. Maging mapagbantay upang mapanatili na ang ninanais ng Diyos ay mabigyan ng kaukulang pansin – na hindi masira ang ginawa ng Diyos ng dahil sa pagkain (v.20)
Binibigyang pansin ni Pablo na hindi dapat maging kadahilanan ng pagkatisod ng kapatiran ang mga petty things katulad ng issue ng tungkol sa pagkain. Dahil ang kaharian ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom
.
Maaring sa pananaw ng iba, Karapatan nya ang kumain ng anumang gustuhin nyang kainin at uminom ng isang baso ng alak ay hindi kasalanan in itself. Subalit kung ang bagong mananampalataya ay makikitang ginagawa ito ng matagal ng Kristyano, siya ay magkakasala kapag ginaya niya ito dahil sa puso nya alam nyang hindi ito dapat gawin.Nagkakaroon ng paglalaban sa puso ng bagong mananampalataya. Lalo na kapag naiisip nya ang sinabi sa 2 Corinto 5:17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. Dahil dito ang matagal ng Kristyano o ang may malakas ang pananampalataya na Kristyano ang nagiging sanhi ng pagkasira ng ginawa at ginagawa ng Dios sa buhay ng mahina pa sa pananampalataya.
Kaya ang admonition ni Pablo sa verse 21, kung nagiging katitisuran: Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid. Nararapat nating i-give up ang pansariling karapatan over and above ng spiritual na paglago ng bawat kapatiran at para sa pagpaglawak ng kaharian ng Diyos upang hindi masira ang relasyon bilang magkakapatiran at ang gawain ng Panginoon.
Pakisabi sa iyong katabi: BANTAYAN MO AKO UPANG HINDI AKO MAKASIRA NG GINAWA NG DIYOS.
Sabihin sa iyong sarili: BABANTAYAN KO ANG AKING SARILI AT IGI-GIVE UP ANG AKING KARAPATAN UPANG DI MAKASIRA NG GINAWA NG DIYOS
Conclusion: Ang paghahari ng Dios at pagsunod sa Kanya ay di nababatay sa pagsunod sa kung ano ang nararapat at di nararapat kainin, hindi rin ito tungkol sa inumin. Tungkol ito sa tama, payapa at masayang pamumuhay na nanggagaling sa Banal na Espiritu. Kaya nararapat na BANTAYAN natin ang ating sarili at ang bawat isa.
5. Praise Report and Testimony
Simulan nang ganito: Ang Diyos ay mapagbantay sa akin kaya….
6. Pananalangin
Maging mapagbantay ang bawat isa na maging kaparaanan ng kapayapaan at kalakasan ng bawat isa.
Maging mapagbantay sa direksyon ng Panginoon ang bawat indibidwal at bawat pamilya na magbibigay ng kapayapaan at kalakasan.
Maging mapagbantay sa direksyon ng Panginoon para sa JCLAM at bawat Foursquare church kasama ang leadership magmula sa Pangulo hanggang sa bawat Pastor ng bawat local church.
Mapagbantay sa kapatiran na nangangailangan ng kagalingan.
Mapagbantay sa nalalapit na eleksyon na mag-file ng candidacy ang mga tamang mamumuno sa bansa
Mapagbantay sa pandaigdigang kalalagayan
7. Closing Prayer
Maraming Salamat, Dakilang Dios sa Inyong pagsama sa aming Family Prayer Cell. Patuloy Nyo po kaming katagpuin sa araw-araw at maranasan po namin ang Inyong walang hanggang pag-ibig at kapayapaan na dulot ng Banal na Espiritu. Sa Inyo po naming ipinagkakatiwala ang aming mga buhay at ang lahat ng aming ipinalangin ay nakarating sa trono ng Inyong biyaya at tatanggapin namin angkatugunan ng may kagalakan sang-ayon sa Inyong kalooban. Pagplain Nyo po kami, sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.
8. Picture Taking
Always take pictures and post to encourage others!
9. Paalala
1) No physical service while we have MECQ
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer. 6) Every family is invited to join the SOCIAL MEDIA AWARENESS webinar on August 28 from 2:30PM onwards. Zoom link is to be posted both in JCLAM page and PH208-JCLAMSC Facebook page.
10. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
Comments