top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 33 - Pinagyayaman

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 1, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




Pinagyayaman

1 Corinthians 1:4-9

September 1, 2021

By: Rev. Kay Oyco-Carolino

 

1. Introduction


Salamat sa Dios sa kalayaan na makalapit sa Dios sa pananalangin. Sa ibang mga lugar, hindi talaga puede ito, lalo na sa public. Paparusahan, sasaktan, ikukulong basta may ginagawang religious gestures. Maging grateful at samanatalahin natin ang ganitong kalayaan na maaaring mawal rin sa atin balang araw. MECQ pa rin po tayo pero tuloy lang sa Pananalangin.


2. Pag-aawitan


(Check Youtube to get a copy of the tunes)


IT’S ALL ABOUT YOU


Verse 1:

You are the holy one

You are the living word

You are the center of my focus, Jesus

You are the son of God

You are the the solid rock

You are the center of my focus Jesus

You're the lover of my soul

And I adore You only



Chorus:

It's all about You

All about You

It's all about You Jesus

It's all about You

All about You

It's all about You Jesus


Verse 2:

You are miraculous

You are supernatural

You are the center of my focus Jesus

You are all powerful

You are so wonderful

You are the center of my focus Jesus

You're the lover of my soul

And I adore You only


GIVE THANKS

Give thanks with a grateful heart

Give thanks to the Holy One

Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son


Give thanks with a grateful heart

Give thanks to the Holy One

Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son


And now let the weak say, "I am strong"

Let the poor say, "I am rich

Because of what the Lord has done for us"


And now let the weak say, "I am strong"

Let the poor say, "I am rich

Because of what the Lord has done for us"


Give thanks


3. Pambungad na Panalangin


Ama naming Dios, lubos ang aming pasasalamat sa patuloy po Ninyong pagsagot sa aming mga dalangin.Ang Inyong katapatan ay hindi po masusukat. Ikaw po ang Panginoon ng mga panginoon! Wala pong papantay sa Inyo.Patuloy po Ninyo kaming patawarin sa aming mga kasalanan. Muli kaming lalapit nang may kumpiyansa dahil kami ay Iyong mga anak.Salamat mo sa pribilehiyo na makalapit sa Inyong trono ng biyaya! Kasihan po Ninyo ang aming panalangin ngayong araw na ito.Sa pangalan ni Hesus!


4. Praise Reports


Simulan nang ganito: Napatunayan ko na walang iba kungdi talagang ang Dios lang ang tumutugon ng mga panalangin. (Remember A B C of sharing testimony – Accurate, Brief, Christ-centered)


5. Scripture Reading and Message


Hindi natin namamalayan na natapos na po tayo sa aklat ng Romans. Hindi man natin naisa-isa ang lahat ng chapters ng Book of Romans, ang mahalaga ay nakita natin ang damdamin at kalooban ng Dios sa pamamagitan ni Apostol Pablo na sumulat ng aklat na ito. Kapag basahin natin nang buung-buo ang aklat, makikita natin ang lalim ng mga doktrina ng Dios. (basahin po natin ito kahit hindi FPC)

Lilipat na po tayo sa First Corinthians, sa chapter 1, verses 4-9. Basahin po natin mula sa ating Bibliya.


Scripture:

4 I thank my God always on your behalf, for the grace of God which is given you by Jesus Christ;

4 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;


5 That in everything ye are enriched by him, in all utterance, and in all knowledge;

5 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman;


6 Even as the testimony of Christ was confirmed in you:

6 Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo:


7 So that ye come behind in no gift; waiting for the coming of our Lord Jesus Christ:

7 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anumang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;


8 Who shall also confirm you unto the end, that ye may be blameless in the day of our Lord Jesus Christ.

8 Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.


9 God is faithful, by whom ye were called unto the fellowship of his Son Jesus Christ our Lord.

9 Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak


(Another version – Magandang Balita)

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 5 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay, maging sa pananalita at sa kaalaman. 6 Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo 7 kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.9 Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.


Background on the city of Corinth: (do not read, just explain)

Corinth was one of the great cities of the ancient world, and a community very much like Southern California. It was prosperous, busy, and growing; it had a deserved reputation for the reckless pursuit of pleasure. Corinth had a rich ethnic mix, and it was a center for sports, government, military, and business.


i. When Paul came to Corinth in A.D. 50 the city was famous for hundreds of years before he was born. Ancient writers considered Corinth “rich, prosperous… always great and wealthy” (Mare). The Romans destroyed Corinth in 146 B.C., but Julius Caesar rebuilt the city a hundred years later.


ii. Many things made Corinth famous. Pottery and “Corinthian brass” (a mixture of gold, sliver and copper) from the city were world famous. Famous athletic contests known as the Isthmian Games – second only to the Olympian Games – were held at the temple of Poseidon in Corinth every two years. Athena, Apollo, Poseidon, Hermes, Isis, Serapis, and Asclepius, among others, had temples to their honor in Corinth.


Explanation:

Kapag nabasa na natin ang buong aklat ng Corinthians, matapang na nagrerebuke si Apostol Pablo sa mga ginagawa ng mga taga Corinto. Ngunit, sa kabila ng ito….


Vs. 4 - 5 Punung-puno pa rin ng pasasalamat si Apostol Pablo dahil kitang-kita Niya kung paano kumikilos ang Dios sa buhay nga mga taga Corinth. Puring-puri Niya ang kagandahang-loob (grace) ng Dios sa kanila. Inisa-isa niya ang mga paraan kung paano sila pinagyayaman ng Dios.


1) Vs. 5 – pinagyaman sa pananalita

Ang mga Conrinthians ay mga speakers. Sila ay matatas sa pakikipagtalastasan at komunikasyon. Maraming literary work ang galing sa kanila. They are ‘articulate’. Magaling silang magsalita sa mga usapin tungkol sa Dios.


2) Vs. 5 – pinagyaman sa kaalaman

Maraming alam ang mga Corinthians. Advanced ang kanilang natututunan sa aspeto ng secular at sa aspeto ng religious. Matalino sila at nadagdagan pa ng talion tungkol sa kaharian ng Dios.


3) Vs. 6 – pinagyaman sa patotoo tungkol kay Kristo

Marami na ang nakakaranas ng pagkilos ng Dios sa kanila buhay sa kabila ng mga challenges ng imoralidad sa paligid nila. Nakikila nila ang Dios at nababago ang kanilang mga lifestyle (o mga gawi at pinahahalagahan sa buhay). Kung anuman ang mga natutunan nila mula sa apostol, na-aapply nila at nagiging patotoo na ang kanilang buhay upang i-confirm na tama ang Salita ng Dios na tinuturo.


4) Vs. 7 – pinagyaman sa ‘spiritual gifts’ o mga kaloob

Kapag pinagusapanan ang mga kaloob, madami sila nito. Halimbawa nito ay mga ‘speaking in tongues’ ‘word of wisdom’ ‘discerning of spirits’, ‘word of wisdom’ , atbp. (research na lamang ang mga ito kung gustong malaman nang husto). Nagagamit ang mga ito upang ma-i-angat ang iglesya nila sa mga bagay na spiritual.


5) Vs. 7 – pinagyaman sa paghihintay

Ang salitang ginamit sa ibang version ay ‘eagerly awaiting’ – hindi lang basta naghihintay sa pagbabalik o kapahayagan (revelation) ng Dios kungdi may pananabik

Puno sa kagandahang-loob ang Corinthians. Their church is enjoying the abounding grace of God. They were enriched in many ways.


Reflect muna: Maaari ba nating isipin at sabihin kung saang aspeto tayo pinagyayaman ng Dios? (listen to answers)


Patuloy na in-encourage ni Apostol Pablo ang Corinthians by declaring blessings sa kanila:


Vs. 8 “God will keep you strong in the end” “Patatatagin kayo ng Dios hanggang sa huli.”


Alam ni Apostol Pablo ang mga struggles ng isang Christian --- na baka sumuko sa kalagitnaan ng journey. Kaya nabanggit niya na ‘hanggang sa huli’ --- at si Lord ang magpapalakas at magpapatatag sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan.


Tanggapin natin ang mga ganitong deklarasyon para sa ating buhay dahil ito ay kayang-kayang gawin ng Dios, gustong-gustong ibigay ng Dios, at totoong gagawin ng Dios.


Vs. 9 “you will be blameless in the coming of Christ” “matagpuan kayong walang kapintasan hanggang sa pagdating ni Kristo”


Ang pagiging ‘blameless’ ay hindi ibig sabihing ‘perfect’. Ito ay katagang ginagamit sa mga Christians batay sa pananaw ng ibang tao…na kahit nagkakasala ay napapanatili pa rin ang mabuting testimony – mas napapansin nila ang pagiging maka-Dios higit sa mga pagkakamali. This is moral integrity sa harap ng ibang tao.


Hindi lang panandalian ito o seasonal. Ang prayer ni Pablo: hanggang sa pagdating ni Hesus ay maging blameless sila.


Conclusion:

Napaka-ideal ng scenario: Ang Christians – gifted and zealous for Christ

Napaka-deal ng prayer: Ang Christians – to be strong and blameless till Christ comes.


Ngunit ano nga ba talaga ang secret nito:


Vs. 9 Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.


Kaya yumaman at pinagyamang espirtwal ang mga Corinthians ay dahil”

1) GOD HAS CALLED THEM TO BE CHRISTIANS, TO BE SAVED, TO BE ONE WITH CHRIST (hindi lang gifted at spiritual dahil sa sariling galling at effort!)

2) THE GOD WHO CALLED IS FAITHFUL!!! TAPAT ANG DIOS! TAPAT ANG DIOS! Yan ang secret ng pagyamang spiritual. Our enrichment is because of God’s faithfulness!


6. Pananalangin


Sabay sabay na pasalamatan ang Dios sa enrichment na ginagawa Niya sa ating buhay.


1) Probisyon ng pangangailangan sa pagdaan natin sa MECQ .Hindi lang pangangailangan kungdi katatagan ng puso.

2) Pag-aaral - kaayusan, pambayad ng tuition, probisyon ng gadget na kailangan, talino, sipag, gana at inspirasyon

3) Kagalingan sa mga may sakit (magbanggit ng kilala) – covid, cancer, colds, atbp.

4) Paggabay sa mga leaders at ‘mentors’ ng church sa pag-usad natin na maging HEALTHY CHURCH.

5) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


7. Closing Prayer


Salamat po, Panginoong Diyos, sa patuloy Ninyong pangungusap sa amin. Salamat po sa kasagutan sa aming panalangin. At nawa ang kapayapaan ng Dios ang sumaaming lahat sa aming pagtatapos. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!


8. Picture Taking


Always take pictures and post to encourage others!


9. Paalala


1) No physical service while we have MECQ

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


11. Pagsalu-salo




166 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page