Below is the material for our Family Prayer Cell on September 8, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Walang Yabang
1 Corinthians 1:26-31
September 8, 2021
By: Meki Carolino-Fetil
1. Introduction
Salamat sa Dios na meron tayong Jesus! Without Him, we are not able to come to God directly.
Napakahalaga na tayo ay nananalangin hindi para “baguhin ang isip ng Diyos” kundi dahil napapaalalahanan tayo kung sino Siya at napapatatag ang ating pananampalataya. Sana po ay ineenjoy natin ang panahon ng ating Prayer Cell!
2. Pag-aawitan
I WILL BOAST
Let not the wise man boast in his wisdom
Or let the strong man boast in his strength
Let not the rich man boast in his riches
But let the humble come and give thanks
To the One who made us, the One who saved us
CHORUS
I will boast in the Lord my God
I will boast in the One Who's worthy
I will boast in the Lord my God
I will boast in the One Who's worthy, He's worthy
I will make my boast in Christ alone
I will make my boast in Christ alone
He's worthy
WE FALL DOWN
We fall down
We lay our crowns
At the feet of Jesus
The greatness of
Mercy and love
At the feet of Jesus
And we cry holy, holy, holy
We cry holy, holy, holy
We cry holy, holy, holy
Is the lamb
3. Pambungad na Panalangin
Ama naming Dios, salamat sa pagkakataong ito na makakarinig muli kami ng Salita mo! Salamat rin po sa privilege to “stand in the gap” at manalangin para sa mga kapatiran at sa aming bayan. Nagtitiwala kami sa inyong pangako sa inyong Salita na hindi ka lang nakikinig sa mga dalangin namin kundi TUMUTUGON KA! We also declare your Word na lahat ng mga bagay na aming hihingin sa panalangin, NA MAY PANANAMPALATAY, ay aming tatanggapin. In Jesus’ name, Amen.
4. Scripture Reading and Message
Scripture: 1 Corinthians 1:26-31
ESV - 26 For consider your calling, brothers: not many of you were wise according to worldly standards,[a] not many were powerful, not many were of noble birth. 27 But God chose what is foolish in the world to shame the wise; God chose what is weak in the world to shame the strong; 28 God chose what is low and despised in the world, even things that are not, to bring to nothing things that are, 29 so that no human being[b] might boast in the presence of God. 30 And because of him[c] you are in Christ Jesus, who became to us wisdom from God, righteousness and sanctification and redemption, 31 so that, as it is written, “Let the one who boasts, boast in the Lord.”
MBBTAG - 26 Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika. 27 Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. 28 Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29 Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30 Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31 Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang ipagmalaki.”
Introduction / Ice Breaker:
Tanungin ang grupo: Sino para sa inyo ang mga taong hinahangaan ng mundo? Bakit kaya sila hinahangaan? (Example: Bill Gates – mayaman, matalino; Liza Soberano – maganda, Manny Pangilinan – mayaman, iba’t ibang pangulo – makapangyarihan, etc…)
Natutunan natin last week na ang city of Corinth ay very “prosperous and growing”! Sentro sila ng sports, pamahalaan, military, business – kaya normal na siguro sa kanila na pahalagahan ang success, riches, power, and strength!
Siguro kahit Christians na sila, may ganito pa ring temptasyon na makipagsabayan. O di kaya, na-pepersecute sila ng mga non-believers dahil parang ang “weird” ng idea na hindi “bongga” ang Kristo na pinaniniwalaan nila.
Kaya naman kinailangan ipaliwanag ni Pablo na pagdating sa Kaharian ng Diyos, iba ang pamantayan.
Explanation:
v.26
Kapag tumawag ang Diyos, hindi Siya nakatingin sa mga bagay na tinitingnan ng tao. Sa mundo, ang cinecelebrate ay ang mga marunong, makapangyarihan, maharlika. Maging ang mga believers ng Corinto ay halimbawa nito.
Hindi sinabi ng Diyos na: “O, magpakadalubhasa muna kayo, o maging makapangyarihan muna kayo, bago ko kayo tawagin. Tinawag sila sa KUNG ANO ANG KATAYUAN NILA. Kahit pa simple lang ang kanilang status.
v.27-28
Hindi ang mga “qualifications” natin ang tinitingnan ng Diyos.
Sa v.27, sabi ay pinili niya ang mga naturingang hangal.
- Maaaring para sa mga “marurunong” ay imposible naman ang nangyari kay Kristo o hindi maipapaliwanag ng pilosopiya at siyensya kaya hindi dapat paniwalaan. Pero sila na naturingang ‘hangal’ ay naniniwala by faith kahit na hindi maipaliwanag.
Sa v.27, sabi rin ay pinili niya ang mga naturingang mahina.
- Maaaring para sa mga “malalakas” ay dapat gumamit ng dahas, o makipag-battle, o palagi dapat panalo at hindi maagrabyado. Pero sila na naturingang “mahina” ay handang mag-suffer para sa kaluwalhatian ng Diyos kagaya ni Kristo.
Sa v.28, sabi rin ay pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina.
- Maaaring para sa mga “kinikilala” ng sanlibutan, ang mahalaga ay sarili nilang comfort, pangalan, prestige. Gusto nilang sila ang naitataas at nagiging tanyag. Pero sila na mga “pangkaraniwang” tao na pinili ay handang magpakumbaba, magbigay selflessly, at magparaya, at alam nilang hindi sila ang dapat maitaas kundi ang Diyos lamang.
v.29
Wala tayong maipagyayabang sa harap ng Diyos.
Walang benepisyo o “dagdag langit points” ang mga bagay na nakadepende sa ating sarili. Ang totoo nyan, madalas ay napapahamak pa tayo ng sarili nating karunungan, kalakasan, at kapangyarihan. Imbis na umasa tayo sa Diyos at hayaan natin Siyang kumilos, we trust ourselves.
Pero muli, wala sa mga bagay na ito kung bakit ka pinili, tinawag at niligtas ng Diyos. Hindi natin maipagmamalaki ang mga ito sa Kanya, o kahit sa iba.
v.30
Ang lahat ay galing sa Diyos. Walang kaaya-aya sa atin bilang mga tao. Sa pamamagitan lang ni Kristo Hesus tayo nagkakaroon ng:
- BUHAY – Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan! Hindi lang pisikal na pagkamatay (dahil lahat naman ay mamamatay, maliban kung abutan ng ‘rapture’) pero pati na rin spiritual na pagkamatay. Pagkalayo sa Diyos at sa presensya Niya – hindi lang sa impyerno kundi kahit nandito pa tayo sa mundo. Ganyan dapat ang kabayaran ng pagiging makasalanan natin pero dahil inako na ni Kristo Hesus ang ating kasalanan, napalitan na ito ng buhay na walang hanggan para sa atin!
- KARUNUNGAN – Dahil sa ginawa ni Hesus, may access na rin tayo sa wisdom – hindi lang gaya ng talion ng mundo, kundi God-given wisdom through the Holy Spirit na tumutulong sa desisyon natin sa araw-araw, at nagpapaalala ng mga turo ng Diyos.
- KATUWIRAN, KABANALAN, at KALIGTASAN – Muli, hindi natin kayang makuha ang mga ito sa sarili nating galing o effort. Kung naniwala tayo sa ginawa ni Hesus at tinanggap natin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng ating buhay, nagiging matuwid, banal at ligtas na tayo sa harap ng Diyos Ama. YES!!! Pwede mong sabihin ngayon – kung ikaw ay Christian na talaga – na ikaw ay RIGHTEOUS and HOLY…in JESUS CHRIST! Ang ginawang kabayaran ni Hesus na ang nakikita ng Diyos Ama kapag nakatingin Siya sa atin.
v.31
Ang tanging maipagmamalaki natin ay ang ginawa ng Panginoon para sa atin!
Nawa ay hindi natin itaas ang ating sarili o ang ating mga ginagawa. Tanging si Hesus lang ang maitaas sa buhay natin.
At ‘wag rin namang napakababa ng tingin natin sa ating sarili. Meron tayong pwedeng ipagmalaki – dahil merong ginawa ang Diyos sa buhay natin! Hindi siya nakatingin sa mga bagay na tinitingnan ng mundo.
Reflection:
1. BE HONEST: Ano ang madalas mong naipagmamalaki o naiyayabang sa iba? (Kahit in person, o sa social media, etc.) May tendency ka ba i-highlight o mag-depend sa iyong angking galing, talino, lakas, yaman, etc?
2. OK naman na ipagpasalamat ang mga ‘earthly’ things na nakukuha natin sa tulong Diyos. Pero, madalas mo bang inaalala at ipinagpapasalamat ang kaligtasang bigay sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo? Bakit kaya hindi?
3. Kung tingin mo naman ay ‘simple’ ka lang, masyado naman bang mababa ang tingin mo sa iyong sarili? (Hindi ako pwedeng magpagamit sa Lord kasi ganito lang ako…etc.) Ano na dapat ang mindset mo ngayon?
5. Praise Reports
Ano ang ipinagpapasalamat mo sa Diyos? ‘Yung hindi ikaw ang na-hhighlight, at baka pwedeng hindi lang mga materyal na bagay. Simulan mo ng ganito: “Wala talaga akong maipagmamalaki! Dahil sa Diyos lamang ako…….”
(Remember A B C of sharing testimony – Accurate, Brief, Christ-centered)
6. Pananalangin
Tandaan: Manalangin with “bent knees” – kung hindi man literal na tuhod, ay ang puso natin ay naka-“luhod” dapat sa Diyos with reverence and surrender.
Mag-assign ng isang mag-ppray bawat item:
Kagalingan sa mga may sakit (magbanggit ng kilala) – covid, cancer, colds, atbp.
Paggabay sa mga leaders at ‘mentors’ ng church sa pag-usad natin na maging HEALTHY CHURCH.
COVID situation sa ating bansa – Godly wisdom para sa mga namumuno, etc.
Pag-aaral - kaayusan, pambayad ng tuition, probisyon ng gadget na kailangan, talino, sipag, gana at inspirasyon
Mga hindi na natin nakakasama sa church – lalo nitong pandemic, nadistract na, o “nanlamig” ang spiritual life
Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
7. Closing Prayer
Salamat po, Panginoong Diyos, sa patuloy Ninyong pangungusap sa amin. Salamat po sa kasagutan sa aming panalangin. At nawa ang kapayapaan ng Dios ang sumaaming lahat sa aming pagtatapos. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!
8. Picture Taking
Always take pictures and post to encourage others!
9. Paalala
1) No physical service while we have MECQ
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Offering
Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.
Comments