top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 35 - Magkasundo

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 15, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Magkasundo

1 Corinthians 6:1-11

September 8, 2021

By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


2. Pag-aawitan


O I love you with the love of the Lord, Yes, I love you with the love of the Lord

I can see in you the glory of my King, Yes, I love you with the love of the Lord.


We are one in the bond of love, we are one in the bond of love

We have joined our spirits with the Spirit of God

We are one in the bond of love.


3. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming sa langit, nagpapasalamat po kami ngayong araw na ito dahil patuloy po Ninyo kaming iniingatan, binibigyan ng aming pangangailangan at tinutulungan ng Inyong Banal na Espiritu.


We come to you with a humble heart, knowing that You are watching over us and listening to our prayers. Forgive us for the things that we have done that displeased You. Salamat po sa Inyong kahabagan at pagpapatawad. Punuuin Ninyo po ang aming puso ng Inyong pagibig. Nawa’y gabayan po Ninyo kami sa aming pananalangin.


Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong katugunan. Purihin Ka O Dios. Sa ngalan ni Hesus!


4. Praise Reports


Ano ang ipinagpapasalamat mo sa Diyos? Simulan nang ganito: Itinataas ko ang pangalan ni Hesus sa ginawa Niya sa akin.………


(Remember A B C of sharing testimony – Accurate, Brief, Christ-centered)


5. Scripture Reading


Scripture: 1 Corinthians 6:1-11


Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na di-mananampalataya, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila? 2 Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? 3 Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? Gaano na lang ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito! 4 Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya? 5 Dapat kayong mahiya! Wala bang isa man lang sa inyo na marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid? 6 Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga di-mananampalataya?


7 Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isa't isa ay isa nang kabiguan sa inyo. Bakit hindi na lang ninyo hayaang gawan kayo ng masama? Bakit hindi na lamang ninyo hayaang madaya kayo? 8 Subalit kayo mismo ang gumagawa ng masama at nandaraya, kahit na sa mga sarili ninyong mga kapatid sa pananampalataya. 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, 10 nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. 11 Ganyan ang ilan sa inyo noon. SUBALIT NILINIS NA KAYO SA INYONG MGA KASALANAN AT GINAWA NA KAYONG BANAL NG DIYOS. PINAWALANG-SALA NA KAYO SA PANGALAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO AT SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU NG ATING DIYOS.


6. Message


Pag-aralan muna natin ang background ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto.

Ang iglesya sa Corinto ay nagkakaroon ng pagkakahati-hati (divisions). Maraming hindi nagkakasundo. Saan sila hindi nagkakasundo?


1) May kanya kanya silang tila “fans club” ang mga church leaders. Mayroong tagasunod si Pablo, may mga loyal followers si Apollos, atbp. Sila-sila mismo ay nagkakawatak-watak dahil lang mayroon silang mas gustong leader.

2) May patuloy na sexual immorality na nangyayari sa church at ang iba ay inaapprove ito. Ang iba naman ay hindi nagugustuhan ito.

3) May grupo na nagsusulong na bawalan talaga lahat ng pagkain ng pinagbabawal ng Salita ng Dios. Ang iba naman ay patuloy naming ginagawa iyon.

4) May mga nagbibida-bida na mga ‘spiritually gifted’. Kapag ginagamit nila ang mga gifts na ito ay humahantong sa kaguluhan (ex. Speaking in tongues – hindi nagpaparaya)

5) May mga bulaang guro na nagtuturo na walang ‘resurrection’ o pagkabuhay na mag-uli kaya nawawalan ng pag-asa ang mga tao at pinipigilang magpatuloy sa paglilingkod sa Dios.

6) Atbp.


Sa verses 1-6, deretsahang nirerebuke o tinutuwid ni Apostol Pablo ang mga taga Corinto kasi…konting sigalot lang sa mga magkakapatiran ay nagdedemandahan na sila. Hindi nakakatuwa ang scenario na ito, ayon kay Pablo, dahil:

a) Ang nagsasakdal ay mga hindi mananampalataya. Nakakainsulto sa mga Kristiyano na ang nag-aayos sa sigalot ng mga Kristiyano ay mga hindi mananampalataya.

b) Ang mga hinirang ng Dios ay tila hindi kayang ayusin ang kanilang mga sarili.

c) Walang gustong magpaubaya. Walang gustong matalo sa usapan. Lahat gustong ma-prove na tama sila kaya hindi sila mapahinahon.

d) Maliliit lang ng mga bagay ay pinapalaki pa kaya lalong lumalala ang relasyon sa isa’t isa. Dapat sana ay mayroong marunong bumaba at magparaya.

e) Kapatid sa kapatid? Nakakahiya dahil ang mag-aayos ay hindi kapatiran.

f) Nagtutuloy ang dayaan, nagtutuloy ang mga awayan.

g) Maiinsulto talaga ang Dios ng mga Kristiyano. Wala nang magkakagusto na sumali sa mga Kristiyano kung sila-sila mismo ay nagdedemandahan.


Pause: Ano ang pakiramdam at tingin Ninyo sa ginawa ng mga taga Corinto? (wait for answers)


Paalala:

Hindi ibig sabihin ng passage na ito na hindi natin kailangang humantong sa pagdedemanda lalo na’t tayo ay nadedehado sa mga bagay na husgado lang talaga ang makakatulong para sa hustisyang kailangan. Ngunit kailangan nating makita na may mga bagay na kayang ayusin na lamang ng pag-uusap at hindi na kailangang pumunta sa lupon ng barangay. Ang mga anak ng Dios ay pagibig sa kanilang puso na maaaring batayan ng magiging usapan. Kung ito ang mamamayani, hindi na kailangang ibang tao pa ang mag-ayos sa ating mga alitan.


Imagine: Ano ba ang scenario sa barangay kapag may nagsusuplong?


Reflection: Mayroon ka na bang pina-barangay? Unbeliever ba o kapatiran? Masaya ka ba na gawin iyon? Mayroon ka bang inaaway sa facebook o dinala sa barangay dahil lamang sa tsismisan at intrigahan? Mayroon ka nabang dinemanda na kapatiran? Ano ang nagking bunga nito?


Conclusion: Ano nga ba ang concern ni Apostol Pablo?

1) Maingatan nawa ng mga hinirang ng Dios ang kanilang patotoo o testimony sa mga hindi mananampalataya.

2) Makita ng mga nagkakasala ang kanilang kasalanan at sikaping mapagtagumapayan ang mga bagay na iyon. Ang mali ay mali.

3) Ang mga nanghuhusga ay manghusga nang may tamang motibo: PAGIBIG at tamang paraan: FAMILY WAY (walang ibang taong kailangang magayos kungdi ang kapamilya ng Dios din)

4) Pinapaalalahanan ang mga Christians: Vs.11 (Basahin muli)


7. Pananalangin


1) Paghingi ng tawad sa Dios sa mga attitude natin sa mga kapwa believers (lalo na sa mga bagong believers na natisod sa atin)

2) Pagmamahalan sa mga believers para mapreserve ang testimony sa tingin ng mga unbelievers

3) Paghahanda ng lahat ng ating mga mahal sa buhay sa katapusan ng mundo.

4) Pati na rin kahit hindi natin kilala, ipanalangin sila na makilala rin nila si Hesus nang lubusan.

5) Probisyon ng pangangailangan sa pagdaan natin sa anumang Alert Level na ang Marikina o Metro Manila

6) Pamahalaan – darating na eleksyon (God will raise up God-fearing leaders, anuman ang political party)

7) Mga OFW na hindi makauwi dahil sa pandemya. Mga pamilya na naiwan. Patuloy na magmahalan at ingatan ng Dios.

8) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


7. Closing Prayer


Salamat po, Panginoong Diyos, sa patuloy Ninyong pangungusap sa amin. Minsan, masakit ang pagtutuwid ngunit salamat pa rin po kasi ang ibig sabihin po nito ay mahal po Ninyo kami at nais Ninyong kami ay mapabuti. Salamat po sa kasagutan sa aming panalangin. At nawa ang kapayapaan ng Dios ang sumaaming lahat sa aming pagtatapos. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!


8. Picture Taking


Always take pictures and post to encourage others!


9. Paalala


1) No physical service while we have MECQ

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


11. Pagsalu-salo




187 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page