Below is the material for our Family Prayer Cell on September 22, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Dios ng Kaaliwan / God of All Comfort
2 Corinthians 1:3-7
September 22, 2021
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
Nasa alert level 4 po tayo sa ating quarantine. Ngunit ano mang alert level number, ang mga Christians ay dapat na laging alerto, Alerto 24, laging nakabantay at laging handang manalangin sa mabuting panahon o kahit sa masamang panahon. Patuloy tayong lumalapit sa Kanya sa kabila ng mga sufferings o troubles na nararanasan natin…sa kalusugan, sa kalungkutan, sa kalituhan at sa kakapusan man. Kaya nagtitipon tayo ngayon ulit dahil hindi tayo puedeng mag-relax. Ang diyablo ay kumikilos at hindi siya nagrerelax. Nagdodoble kayod pa nga siya at ang kanyang mga alipores para sumuko na tayo at tumalikod na sa ating pananampalataya. Ngunit, tayo ay mga anak ng Dios at tayo ay patuloy Niyang pinalalakas sa gitna ng lahat ng ating nararanasan. Tayo pa rin ay pinagpala! We are still blessed!
2. Pag-aawitan (Pt 1)
I’m blessed and I know that I am because Jesus took control of my life I’m blessed and I know that I am because He promised He would give me new life I’m blessed ‘cause He walks with me and leads wherever I go And if you happen to ask me… (songleader will recite: How are you, _____ [mention a name]) (Name called will sing: I’m blessed, I’m blessed, I’m blessed!) [Final: How are you everybody? We’re blessed! We’re blessed! We’re blessed!]
3. Pambungad na Panalangin
(Manalangin with HANDS RAISED)
Ama naming sa langit, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapasakop at paggalang. Salamat po dahil natatawag namin Kayong Ama namin dahil sa ginawa ni Hesus sa Krus ng Kalbaryo para sa aming kaligtasan..
Salamat po sa patuloy Ninyong pagtugon sa aming mga dalangin. Sa aming pagluhod, sa aming pagtaas ng kamay at sa paggamit ng aming bibig sa pagsambit ng Inyong mga pangako na nasasaad sa Inyong Salita, nagtitiwala po kami na tapat Kang Dios na tutupad sa Inyong mga pangako.
Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong katugunan. Purihin Ka O Dios. Sa ngalan ni Hesus!
4. Praise Reports
May maise-share ka ba na situwasyon nitong nakaraang linggo na naranasan mo ang kaaliwan ng Dios sa gitna ng iyong mga pighati o kabagabagan o kaguluhan?
(Remember A B C of sharing testimony – Accurate, Brief, Christ-centered)
5. Scripture Reading
Scripture: II Corinthians 1:3-7
(isa-isang verse bawat isang kayang magbasa)
3 Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort, 4 who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves receive from God. 5 For just as we share abundantly in the sufferings of Christ, so also our comfort abounds through Christ. 6 If we are distressed, it is for your comfort and salvation; if we are comforted, it is for your comfort, which produces in you patient endurance of the same sufferings we suffer. 7 And our hope for you is firm, because we know that just as you share in our sufferings, so also you share in our comfort.
(Mabuting Balita)
3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. 4 Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. 5 Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin. 7 Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.
6. Message
Intro: Pabilisan… Anong word ang laging pinauulit-ulit sa mga verses? Ilan ang nakikita natin sa seven verses ng ating Scripture ngayon? (English or Tagalog - wait for answers)
Mas marami pa ang bilang ng salitang iyan kaysa sa dami ng verses. Ibig sabihin ay napakaimportante, napakahalaga, at kailngang i-emphasize, kailangang idiin.
Bakit sinulat ito ni Pablo sa mga taga- Corinto? Mapapansin natin ang salitang inulit-ulit na iyan ang sentro ng sulat ni Pablo.
Gusto niyang ibahagi sa mga Christians sa Corinth ang kanyang pinagdaanan at ma-relate niya ito sa mga pinagdadaanan ng mga tao sa church at kung paano malalampasan ang mga ito.
Tingnan ang unang verse 3: Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan
(sa English: 3 Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort)
Nagsimula agad si Pablo ng pasasalamat sa Dios. Nanggagaling siya sa isang situwasyong nagtagumpay siya dahil tinulungan siya ng Dios. Puno agad siya ng ‘thank you’ sa Lord. Sinimulan ng pagpupuri. Nais niya agad na ituon ng mga Corinthians sa Dios ang kanilang atensyon at papuri.
How did he describe God here?
1) GOD and FATHER of our LORD JESUS CHRIST - kitang-kita ang SOURCE, ang Pinagmulan ng lahat… ang DIOS…Siya ang Ama ng Anak NIyang si HesuKristo. (Ginagamit din ang salitang Father sa Bibliya to emphasize ownership, start of all, Source from which every joy and happiness flows). Wala nang ibang Dios. Walang ibang Ama. (kung may nagke-claim man na sila ang Dios, sila si Hesus…mga bulaan ang mga ito.)
2) Ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan
(sa English: the Father of compassion/mercies and the God of all comfort). Napaka-strong na statement ito ng pagdeclare na ang Dios na hindi natin nakikita ay ang Ama ng kahabagan- sa Kanya nanggagaling ang lahat ng awa at habag na kailangan ng tao. Hindi lang iyon. Siya rin ang Dios na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan.
Konting kaaliwan? Hindi. LAHAT ng KAALIWAN! GOD OF ALL COMFORT!
Matapos niyang maituon ang pagpupuri sa Dios, ipinakita niya muna ang kanayang pinagdaanan.
a) Pablo – (basahin ang vs. 8-9) Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. 9 Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay.
(do not read: notes only - to what part of his history the apostle refers we know not: some think it is to the Jews lying in wait to kill him, Acts 20:3; others, to the insurrection raised against him by Demetrius and his fellow craftsmen, or his stoning)
Kapag binasa natin ang mga talatang ito, ma-iimagine mo kung ano kaya ang nangyari sa kanila: Marahil, yung balak siyang ipahuli at ipapatay ng mga Judio; O kaya naman ay ang pag-aaklas ni Demetrius at ang mga kasama nito laban kay Pablo – kumbaga, ang pagtatraydor ng mga ito imbes na siya ay ipagtanggol; maaaring ang pambabato na ginagagawa sa kanya, hanggang siya ay mamatay sa hirap, ng mga taong umaayaw kay Hesus.
Anuman ang naging dahilan ng bigat ng kapighatian na naranasan ni Pablo at ng kanyang mga kasamahan, kitang-kita rito na nagtiis sila – nag-suffer. Para raw silang hinatulan ng kamatayan. (Ano ba ang parkiramdam ng hinatulan ng kamatayan? Matatakot ka rin, kakabahan, malulungkot at mabibigatang lubos.)
Pero ang paulit-ulit na sinasabi ni Pablo sa vs. 5 …kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo.
Wow! Hindi madadaig ng suffering o pighati nila ang kayang ibigay na kaaliwan ng Dios. (vs. 6a) INALIW SILA ng DIOS sa gitna ng kapighatian. Hindi sila nanatiling talunan at malungkot ngunit sila ay binigyan pa rin ng Dios ng dahilang ngumiti at sumaya.
Hindi lang iyon ang bunga ng kapighatian na nararanasan at sa kaaliwan na binibigay ng Dios – hindi lang para kela Pablo.
Tingnan natin ang vs. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo.
Wow ulit! Pinapakita ni Pablo kaya nila tiniis ang mga hirap na iyon ay para ma-preserve ang gospel --- para magpatuloy ang pagkalat ng Mabuting Balita ng pagliligtas ng Dios sa pamamagitan ni Hesus. Naranasan ng mga Corinthian Christians ang kaligtasan dahil sa pagpapagal nila Pablo. Nakaranas na rin sila, sa wakas, ng kaaliwan – yung kaligayahan na sila na ay may relasyon kay Kristo.
Nagtapos ba ang kaaliwan dito? Hindi!
b) Corinthian Christians – vs. 6b (basahin)
Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin. 7Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa
aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.
Dahil sa pagpasa ng kaaliwan mula kay Pablo sa mga taga Corinto, tumitibay sila sa pananampalataya. Kahati ni Pablo ang mga taga Corinto sa pighati pati na rin sa kaaliwan.
Nagtatapos ba rito ang kaaliwan? Hinding-hindi!
c) Ang lahat ng dumadaan sa kapighatian – vs. 4 (read)
4 Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis
Wow! Kaya pala dumadaan ang ibang mga tao sa kapighatian ay para iparanas din sa kanila ang kaaliwan na naranasan na ng ibang tao mula sa Dios. Ibig sabihin, nagkakaroon na patuloy na cycle ng kaaliwan: Ang Dios inaliw sina Pablo.. Ang buhay nina Pablo ay naging daluyan ng kaaliwan sa mga taga Corinto. Ang mga Corinthians naman ay makakapagbigay ng comfort sa mga namimighati.
Conclusion:
Ano nga ba ang tinatawag na comfort o kaaliwan? Sa Greek ito ay ‘parakaleo’ na ang ibig sabihin ay encouragement, consolation o solace -- tila ito ay pagpapakita ng isang taong dumaramay kapag ikaw ay namatayan ng mahal sa buhay. Siya yung gumagawa na maging :‘laging nandyan sa tabi’ para hindi ka mamighati sa gitna ng kalungkutan.
Ang Dios Ama natin ang ang tunay na Dios na kaaliwan. Pinadadaan tayo sa mga sufferings para matuto tayong tumingin sa Kanya bilang Source of Comfort (AT HINDI KUNG SAAN SAAN TAYO NAGHAHANAP NG ALIW). At pag nagkaganun, alam na rin nating magpasa ng kaaliwan sa mga taong dumaan sa ating piangdaanan.
At sila namang naaliw at matututo ring magpalakas sa ibang tao sa pagbigay ng encouragement sa kanilang mga nakakausap na namimighati.
And it goes ON and On and On… di ba?
7. Singing (Pt 2)
Awitin natin ang awit na ito. Hindi man nabanggit ang pangalan ng Dios, ngunit isipin nating ang Dios ang laging nasa tabi natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang lagi tayong bigyan ng kaaliwan. YOU’LL NEVER WALK ALONE (Ray Charles lyrics) https://www.youtube.com/watch?v=pklsCwbj_QM
When you walk through a storm
Keep your head up high
And don't be afraid of the dark
At the end of a storm is a golden sky
And the sweet silver song of a lark
Walk on through the wind
Walk on through the rain
Though your dreams
Be tossed and blown
Walk on
Walk on
With hope in your heart
And you'll never walk alone
You'll never walk alone
8. Pananalangin
1. Magbigay ng mga pangalan ng taong nangangailangan ng kaaliwan sa panahong ito sa dahilan ng kamatayan, hiwalayan o pagkasira ng relasyon, pagbagsak ng negosyong pinagtatrabahuhan, atbp.
2. Mga magulang na dumadaan sa anxiety, kapighatian sa mga nangyayari sa paligid nila -- tatay man o nanay o guardian.
3. Mga estudyanteng nagugulumihanan sa ganitong panahon – na bigyan sila ng kaaliwan at kapayapaan. Gayundin ang mga guro.
4. Program ng Metro Manila North District (MMND) buong buwan ng Oktubre –
Pang- youth, pang- young adults, pang-kalalakihan, pangkababaihan, at pang mga guro.
Anointing sa mga tagapagsalita at pagsama ng Dios sa buong program.
5. Patuloy na kaaliwan sa mga nagmementor, nagdidisciple – na huwag silang madiscourage kungdi magpatuloy nang may kasiyahan.
6. Church Pastors, Leaders and workers – na patuloy silang aliwin ng Dios sa kanilang mga pagpapagal.
7. Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
9. Closing Prayer and Announcements
Maraming salamat po Panginoon sa kaaliwan na aming nararanasan sa bawat araw. Tunay ngang Kayo po ang God of all comfort! Nawa’y lagi kaming tumingin sa inyo upang maipasa naman itong kaaliwan sa ibang taong nangangailangan nito. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!
1. SEPTEMBER 24, FOURSQUARE GLOBAL PRAYER – JCLAM SKED is from 12:01 noon to 3 pm. Abangan sa FB Page ang mga prayer items.
2. No physical service while we are in Alert Level 4
3. Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
4. We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
5. Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
6. Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking
Always take pictures and post to encourage others!
Comments