top of page

2021 Family Prayer Cell 37 - Yes and Amen

  • Writer: Marikina Foursquare
    Marikina Foursquare
  • Sep 27, 2021
  • 6 min read

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 29, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Yes and Amen

September 29, 2021

By: Ptr. Noolen Mayo

 

1. Pambungad na Panalangin


O aming Ama ng Kaaliwan, salamat muli sa isang linggo na naranasan namin ang Iyong pagmamahal sa lahat ng sitwasyon ng aming buhay. May kalungkutan dahil pa rin sa pandemya pero Ikaw ang aming Kasiyahan kahit sa gitna nito; may kagalingan at kalakasan sa mga may karamdaman; Karunungan sa mga nagugulumihanan at patuloy na probisyon ng aming kakulangan, Purihin ang pangalan Mo lamang, Hesus! At muli naming iniimbitahan ang Banal na Espiritu na kumilos sa aming pakikinig ng Iyong Salita; pagbibigay papuri sa pamamagitan ng testimonies at pag-aawitan; at sa pagdirining ng aming mga ipapanalangin. Ang mga ito ang idinudulog namin sa pangalan ni Hesus, Amen!


2. Praise Report and Testimony


Sa paano mo naranasan ang kaaliwan ng Panginoong Hesus sa buong linggong nagdaan? (sagutin ng bawat isa)


3. Introduction


Pinangunahan ni Pablo base sa pag-aaral natin last week tungkol sa kaaliwan ng Diyos na pinagkalooban ang lahat sa ano mang sitwasyon ng buhay katulad ng tampuhan ng mga taga-Corinto kay Pablo. Bagamat talagang may tampuhan ang mga ito kay Pablo sa kadahilanan ng pabago-bago ang schedule ng kaniyang pagbalik sa kanilang lugar, ninais pa rin ni Pablo na I-explain sa kanila na ang lahat ng ito ay ayon sa planuhin ng Dios. Kaya’t ang kanyang ‘oo’ ay tunay at hindi ito ‘fake news’. Lalo na kapag ang Diyos ang nagsabi ng ‘oo’ sa pamamagitan ng Kaniyang mga pangako, ang mga ito ay tunay na mangyayari at matutupad.


Patunayan natin ito sa pamamagitan ng talatang ating babasahin at pag-aralan kung paano ito nagaganap sa ating mga buhay na ang OO ng Diyos ay tunay at totoo...


4. Scripture Reading and Message


Basahin natin ang Scripture sa 2 Corinto1: 18 - 22... 18 Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang aming salita sa inyo ay “Oo” kung “Oo” at “Hindi” kung “Hindi”.19 Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos.21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin.22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.


Explanation:


Sa mga talatang ito ay makikita natin kung paano kumikilos ang tatlong persona ng Diyos (TANDAAN: Iisa lang ang Diyos sa tatlong persona – ang Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Espiritu Santo).


1) Ang Diyos Ama ay tapat at nagpapatibay sa ating lahat.

Mula pa lang sa ‘creation’ (Gen 1), ipinakita na ng Diyos Ama ang Kanyang katapatan sa pamamagitan ng paghanda ng lahat ng pangangailangan ng tao bago pa man likhain ito. Ginawa Niya ang liwanag at dilim, hangin, lupa at tubig, mga puno, halaman at hayop, maging mga ibon at isda kung saan ito ang mga pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay.


Maliban sa Kanyang katapatan, pinagtibay (v. 21) Niya ang relasyon ni Pablo at mga taga-Corinto na ang Diyos ay ang kanilang Ama. Kung Siya ang ating Ama, maluwag na makakalapit tayo sa Kanya at hilingin ang mga pangangailangan natin... Gayun pa man, bago pa tayo magsambit sa Kanya, alam na Niya kung ano ang mga ito. Hingin na lang natin ito sa ating Ama.


2) Ang Diyos Anak ay nakipag-isa sa atin at lahat ng pangako Niya ay palaging ‘Oo’.

Ang Salita (Diyos Anak) ay naging tao at nanirahan sa atin (Juan 1: 14). Siya ang ‘fulfillment’ ng lahat ng pangako ng Diyos Ama mula pa sa lumang tipan. Nanahan SIya sa atin upang abutin tayo... maintindihan at maunawaan ang bawat isa... maranasan ang bawat kalagayan natin. Upang sa ganun, alam Niya kung paano tayo tugunin sa lahat ng mga ito.


At dahil diyan, ang mga pangako ng Diyos para sa atin ay laging ‘oo’ (v. 20) sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ito ay ang ‘affirmation’ na nais ng Diyos Ama ang hinihiling natin ayon sa kalooban ng Diyos Anak dahil nagkakaisa sila ng naisin. Lahat ng kalooban ni Hesus ay kalooban din ng Ama. Kaya’t ang tanging tugon na lamang natin ay ‘Amen!’ (mangyari nawa ang nais Mo).


3) Ang Banal na Espiritu ay ang tatak (seal) at tutupad ng mga ito.

Napakaganda ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga panalangin natin na ayon sa Salita ng Diyos. Ito ay tinatatakan Niya! (v. 22) Ibig sabihin may garantiya na ang mga ito ay nasa kamay na ng Diyos at hinihintay na lamang ang Kanyang katugunan sa tamang panahon.


At higit sa lahat, ang Banal na Espiritu din ang tutupad o magsasagawa ng lahat ng katugunan ng mga panalangin ayon sa Kanyang Salita. Katulad sa creations (Gen 1: 2), Siya ang kumikilos para maisakatuparan ang lahat ng sambitin ng Diyos Ama. Siya ang tutugun sa lahat ng mga sinasambit natin ayon sa Kaniyang mga Salita.


Conclusion: Ang pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang tatlong persona ang kapamaraanan kung paano tugunin ng Diyos ang ating mga panalangin. Patuloy nating I-apply ang mga natutunan natin sa lahat ng Sunday Services ngayong September patungkol sa pananalangin. Lumuhod, magtaas ng kamay, banggitin ang Kanyang mga Salita at manalangin sa espiritu at sisiguruhin kong ang lahat ng ito ay kalooban ng Diyos. At hinding-hindi manghihinawa ang Diyos na ang Kanyang tugon ay ‘OO’ at lahat na lang tayo ay magsasabi ng ‘Amen’ dahil nangyari ang Kanyang kalooban.


5. Panalangin (Ideklara at Panghawakan ang Kanyang Salita)


· Kaligtasan ng pamilya o mga mahal sa buhay

'Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.' - Gawa 16: 31

· Kagalingan sa ano mang karamdaman

'Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.' - Exodo 23: 25

· Katagumpayan sa trabaho at negosyo

'Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.' - Awit 128: 2

· Kaayusan ng relasyon sa pamilya / kamag-anak

'Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.' - Mateo 18: 15

· Kabayaran at kalayaan sa pagkaka-utang

'Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. Dahil dito, hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa.' – Deuteronomio 28: 12

· Karunungan sa mga desisyong gagawin

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. - Kawikaan 3: 5 - 6


6. Pag-aawitan


Yes and Amen

Chris Tomlin/Housefires


Father of kindness, You have poured out grace You brought me out of darkness, You have filled me with peace Giver of mercy, You're my help in time of need, Lord I can't help but sing


(Chorus)

Faithful, You are, Faithful forever You will be Faithful, You are, All Your promises are yes and amen All Your promises are yes and amen


Beautiful Saviour, You have brought me near You pulled me from the ashes, You have broken every curse Blessed Redeemer, You have set this captive free, Lord, I can't help but sing


(Repeat Chorus 2X)


I will rest in Your promises, My confidence is Your faithfulness (4X)

Faithful, You are (my heart is singing), Faithful forever You will be Faithful, You are, yes You are, All Your promises are yes and amen


My Father is faithful (Faithful forever You will be) My Father is faithful (Faithful, You are) Father, You're faithful

(All Your promises are yes and amen) (3X) all Your promises


7. Closing Prayer


O aming Dios, tunay at totoo nga ang Iyong Salita at mga pangako. Tulungan mo kaming manindigan at manampalataya sa mga salitang ito dahil hindi ito mababale-wala. Ang mga panalangin namin ay OO sa pamamagitan ng Panginoong Hesus kaya't ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami sa katugunan Mo nang may pananampalataya kay Kristo Hesus, amen at amen!


8. Picture Taking


Always take pictures and post to encourage others!


9. Announcements


1) No physical service while we have GCQ Alert 4

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe.

Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.

6) JOIN DIN PO SA MGA CONFERENCE NG MMND EVERY FRIDAY! Check our FB page.


10. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


11. Pagsalu-salo



Comments


Subscribe Form

©2019 by Marikina Foursquare Gospel Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page