top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 38 - Patawarin Na

Updated: Oct 6, 2021

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 6, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Patawarin Na

October 6, 2021

II Corinthians 2:5-11 By: Rev. Kay Oyco-Carolino


 

1. Intro


Ang kapayapaan nawa ni Dios ang sumaating lahat sa gitna ng ating nararanasan. Hindi natutulog ang Dios at batid Niya ang ating pinagdadaanan. Hindi tayo tumatambay sa ating pinagdadaanan at patuloy tayong aangat mula sa ating kalagayan – anumang aspeto ito ng buhay. Amen po?


2. Announcements

  • Thank you to all who prayer last SEPTEMBER 24, FOURSQUARE GLOBAL PRAYER

  • We thank God for the souls saved last Sunday!

  • Continue to share the link on the Sermon last Oct 3: The Good Shepherd -- to all the people you know who need to know Jesus Christ.

  • Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

  • We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

  • Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

  • Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.

  • No physical service hanggang may Alert Level 4


3. Singing



4. Opening Prayer


Ama naming sa langit, aming Pastol, nagpapasalamat po kami kasi tinawag Ninyo po kami upang makasama sa Inyong kawan. Kami po ay makasalanan ngunit tinanggap po Ninyo kami at pinili, hindi dahil magaling kami, kungdi dahil sa Inyong kagandahang-loob.


Hayaan po Ninyong patuloy kamaing sumunod sa tinig Mo, sa Inyong Salita upang patuloy rin naming masumpungan ang Inyong kasaganaan.


Samahan Nyo po kami sa aming pakikinig ng Inyong Salita at sa aming pananalangin.

Sa pangalan ni Hesus. Amen.


5. Praise Report and Testimony


Pasalamatan mo ang Panginoong HEsus kung paano Niya inaayos ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. (Maaaring pumili lang ng aspeto: Espirtwal? Pisikal? Love life/Relational? Financial? Mental? Atbp.)


(remember A B C of sharing testimony)


6. Scripture Reading


5 I don’t want to be hard on you. But if one of you has made someone feel bad, I am not really the one who has been made to feel bad. Some of you are the ones. 6 Most of you have already pointed out the wrong that person did, and that is punishment enough for what was done.

7 When people sin, you should forgive and comfort them, so they won’t give up in despair. 8 You should make them sure of your love for them.

9 I also wrote because I wanted to test you and find out if you would follow my instructions. 10 I will forgive anyone you forgive. Yes, for your sake and with Christ as my witness, I have forgiven whatever needed to be forgiven. 11 I have done this to keep Satan from getting the better of us. We all know what goes on in his mind.


MABUTING BALITA VERSION

5 Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin ginawa; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan.

6 Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo.

7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob.

8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

9 Ang isa pang dahilan ng pagsulat ko sa inyo noon ay upang subukin kayo at alamin kung sinusunod ninyo ang lahat ng ipinangaral ko sa inyo.

10 Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo,

11upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.


7. Message


Intro: (Found in verses 1-4) Sapagkat ipinasya kong huwag na munang pumunta riyan upang hindi kayo muling madulutan ng kalungkutan. Dahil kung dudulutan ko kayo ng kalungkutan, sino pa ang aaliw sa akin? Hindi ba't kayo rin? Kaya sumulat muna ako sa inyo, ayaw kong sa pagpunta ko riyan ay dulutan ng lungkot ang mga taong dapat magpaligaya sa akin. Sapagkat natitiyak kong ang aking kaligayahan ay kaligayahan din ninyong lahat. Ang puso ko'y puno ng kalungkutan at pag-aalala nang sulatan ko kayo, at maraming luha ang tumulo habang sinusulat ko iyon. Sumulat ako sa inyo hindi upang kayo'y dulutan ng kalungkutan kundi upang ipadama kung gaano kalaki ang aking pagmamahal sa inyo.


Nagkita si Apostol Pablo at si Titus at ikinuwento ni Titus ang Mabuting Balita na nagsisisi na ang mga taga Corinto na gumawa ng rebellion, pag-aakusa kay Pablo (na siya raw ay huwad na mangggagawa ng Dios, na walang siyang ‘pleasing personality’ , na mayabang raw siya, at dishonest raw siya, atbp.) Na-prove n ani Pablo sa kanila ang kadalisayan ng kanyang intention dahil for the sake of Christ and the gospel and Kanyang ginagawa. Kaya pinapadisiplina niya ang mga taong nagkasala sa pamamagitan ng non-scandalous way - the family way (personal na dinideal muna) Noong una, parang hindi pa matanggap ang kanyang rebuke ngunit paglaon ay nakaranas na rin ang mga nagkasala ng ‘godly sorrow’ – at nagsisi rin sa kanilang ginawa.


Kaya si Pablo ay sumusulat mula sa kanila upang bigyan ng encouragement ang isa’t isa lalo na ang nagkasala, full of tears but bringing love and comfort.


Pag-aralan natin ang mga gustong iparating ni Pablo:


1) Vs. 5 - Ang hinagpis o sorrow ay hindi lang iniisip na ginawa laban sa persona niya. Ang nakikita niya rito ay : kapag may ginawa o sinabing masama ang isa laban sa kanyang kapatiran ay NASASAKTAN RIN ANG MAS MARAMI (totoo naman di ba? Damay damay kasi..). Hindi niya pinalalaki ang problema kungdi kusang lumaki ito dahil hindi na-deal nang maayos agad. Isa lang ang nagkamali pero ang dulot ito ay sorrow sa kabuuan ng pamilya ng Dios.

2) Vs. 6 – Marahil ay dinisiplina siya ng church. Walang disiplinang masarap. Masakit iyon pero nagbibigay ng pagtutuwid at pagkatuto.

3) Vs. 7 – May kailangang gawin na ang church brethren: Patawarin na ang nagkasala upang hindi na madagdagan ang kanyang kalungkutan. Tapusin na ang period ng pagdidisiplina at tanggapin na siyang muli dahil nakitaan na siya ng pagsisisi. Ito ang mas mahalaga.

4) Vs. 8 – Hindi lang sinasabi ni Pablo na ‘pormal’ na patawarin para masabi lang na nagpatawad kungdi talagang pakitaan siya ng pagmamahal. Madali kasing magsabi ng “I forgive you.” pero kailangang ma-check kung dulot ito ng pagmamahal. Kailangang madama ito ng nagkasala upang mas mapabilis ang kanyang restoration.

5) Vs. 9 - Marami pang ibang instructions si Pablo sa kanila kaya tinitiyak lang niya na patuloy nilang sinusunod ang mga utos niya ayon sa utos ng Dios, kasama na rito ang pagpapatawad sa nagkasala. Ito talago ang pagdi-disciple, pagpapastol. Minomonitor ang progress ng kanyang sinsakupan upang makatiyak that they are still on the right track.

6) Vs. 10 - Mapapansin na naman natin ang paulit-ulit na salita na ginamit ni Pablos sa isang talata lamang. Ano yun? (KAPATAWARAN, PATAWARIN, PAGPAPATAWAD...) Ano ang ibig niyang iparating:

a) Na siya mismo ay naggawad na ng kapatawaran sa nagkasala at nang-intriga sa kanya, ngunit hindi pa nga niya dinirekta na may nagkasala sa kanya (kahanga-hangang katangian ni Pablo na kahit siya na ang ginawan ng akusasyon ay hindi pa rin niya inisip na may kailangan talagang partawarin).

b) Na ginawa niya ang pagpapatawad dahil kay Kristo at para sa ikakaayos ng kalagayan ng mga taga Corinto.

c) Na inaasahan niya ang mga taga Corinto na totoong magpatawad sa nagkasala sa kaniya at sa kanila.

d) Na kapag ginawa nila iyon, mas lalong masisiyahan si Pablo at pinapatawad niya rin sila.

7) Vs. 11 – Alam ni Apostol Pablo na gawa ni Satanas ang paglililinlang sa mga isip ng tao kaya lumaki ang problema. Kaya dapat silang lahat ay maging ‘aware’ sa ginagawa ng Diyablo na strategy para magkasira-sira sila.


Reflection: Ano ang masasabi mo sa passage na ito? Mayroon ka bang karanasan tungol sa ganitong usapin na gusto mong i-share sa family o group kung paano mo ito napagtagumpayan?


8. Intercession


1) Mga taong pinaiisip sa iyo ng Banal na Espiritu na kailangan na talagang patawarin. (kapamilya, kamaganak, kasama sa trabaho, kapitbahay, kapatiran, Pastor, mga guro, mga kaklase, gumawa ng masama sa atin, etc.). Nagdudulot ng kagalingan ang pagpapatawad. (Individual prayer)

2) Ipanalangin ang lahat ng may sakit: COVID ( mention names you know) CANCER (mentiona names you know ) HEART PROBLEM (?) CYSTS (?) INTERNAL ORGANS (?) EYE-EAR-NOSE- THROAT (?) atbp.

3) Mga guro na kakilala natin: Pagpalain sila ng Dios – karunungan, pagtitiyaga, katapatan (mention names) (sabay-sabay ipanalangin)

4) Program ng Metro Manila North District (MMND) buong buwan ng Oktubre –

5) Pang- young professionals (ngayong October 8), pang-kalalakihan, pangkababaihan, at pang mga guro. Anointing sa mga tagapagsalita at pagsama ng Dios sa buong program.

6) Patuloy na karunungan sa mga nagmementor, nagdidisciple – na malaman nila ang dapat gagawin kapag sila ay kinakapos na ng unawa.

7) Church Pastors – PASTOR APPRECIATION MONTH – bigyan sila ng ibayong wisdom, kagalingan sa mga sakit, pagmamahal sa sinasakupan at sa ginagawa, sipag at tiyaga.

8) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


9. Closing Prayer / Announcement


Maraming salamat po sa pagsagot sa aming panalangin para sa mga Foursquare Youth noong Oct. 1. Salamat din po sa pag-iingat Ninyo at patuloy na probisyon. Salamat po sa patuloy na pagpapatawaf sa aming mga kasalanan. Tunay ngang Kayo po ay God of mercy. Nawa’y lagi kaming tumingin sa inyo upang maipasa naming lagi ang pagpapatawad sa nangangailangan nito, kasama na rin po ang aming sarili. Bless this Family Prayer Cell. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!


10. Picture Taking



167 views0 comments

Recent Posts

See All

留言


bottom of page