top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 39 - Letter of Recommendation

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 13, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Letters of Recommendation

October 13, 2021

II Corinthians 3:1-6 By: Rev. Kay Oyco-Carolino


 

1. Intro


Ang laki talaga ng biyaya ng Dios! Patuloy tayong nabubuhay at hindi lang basta nabubuhay. Binigyan Niya ng kabuluhan, kahulugan at layunin ang ating buhay. Katulad ng pananalangin natin bilang pamilya o indibidwal. Hindi saying talaga ang ating ginagawa at purihin ang Dios sa ganitong bagay!


2. Pag-aawitan


(by Rommel Guevarra)

Napakabuti ng ating Diyos ‘di S’ya nagbabago Napakabuti ng ating Diyos ‘di S’ya nagkukulang

Itaas ang ngalan N’ya; lahat ng nilikha ; Napakabuti nga ng ating Diyos! (REPEAT)

Ang nais ko'y magpasalamat, sa ating Diyos! Ang nais ko ay magpuri, itaas ang ngalan ni Hesus!


(by Luis Baldomarro)

Kay buti-buti mo, Panginoon, Sa lahat ng oras, sa bawat araw

Ika'y laging tapat kung magmahal, ang Iyong kaawaan ay magpawalang-hanggan

Pinupuri't sinasamba Kita, Dakilang Diyos at Panginoon! Tunay ngang Ika'y walang katulad

Tunay ngang Ika'y di nagbabago; Mabuting Diyos na sa ami'y nagmamahal.


3. Praise Reports


Naging mabuti nga ba ang Dios sa buhay mo nitong nakaraang linggo? Nawa’y kaya pa rin nating pasalamatan ang Dios, hindi lang sa mga bagay na nakikita at nahahawakan, kungdi sa mga bagay na natututunan, napapagtagumpayan at nababago.


4. Opening Prayer


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming sa langit, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapasakop at paggalang. Salamat po dahil natatawag namin Kayong Ama namin dahil sa ginawa ni Hesus sa Krus ng Kalbaryo para sa aming kaligtasan..


Salamat po sa patuloy Ninyong pagtugon sa aming mga dalangin. Sa aming pagluhod, sa aming pagtaas ng kamay at sa paggamit ng aming bibig sa pagsambit ng Inyong mga pangako na nasasaad sa Inyong Salita, nagtitiwala po kami na tapat Kang Dios na tutupad sa Inyong mga pangako.


Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong katugunan. Purihin Ka O Dios. Sa ngalan ni Hesus!


5. Scripture Reading


Scripture: II Corinthians 3:1-6

(isa-isang verse bawat isang kayang magbasa)

Akala ba ninyo'y pinupuri na naman namin ang aming sarili? Kami ba'y tulad ng iba na nangangailangan pa ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo? 2 Kayo mismo ang aming sulat ng rekomendasyon. Nakasulat kayo sa aming puso upang makilala at mabasa ng lahat. 3 Ipinapakita ninyo na kayo ay sulat ni Cristo na ipinadala niya sa pamamagitan namin, hindi nakasulat sa tinta, kundi isinulat ng Espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas na bato kundi nakaukit sa puso ng mga tao. 4 Nasasabi namin ito dahil kami ay may pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. 5 Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos. 6 Binigyan niya kami ng kakayahang maging lingkod ng bagong tipan, isang kasunduang hindi ayon sa kautusang nakasulat kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-buhay.


6. Message


Intro:

Background: Si Apostol Pablo at ang kanyang team ay patuloy na nag-eencourage sa mga taga- Corinto. Kasi nga, maraming nang-iintriga lalo na kay Pablo mismo: na siya ay hindi talaga manggagawa ng Dios, siya ay ‘fake’, hindi raw siya karapat-dapat paniwalaan, siya raw ay hindi magaling, at siya hindi kaaya-aya tingnan. Sa unang sulat niya sa kanila ay tila matatapang ang kanyang mga sinabi dahil sa patuloy na ginagawang pagkakasala ng imoralidad sa church. Alam niyang nasaktan ang mga ito ngunit pinakita pa rin niya ang pagmamahal sa mga ito dahil ayaw niyang masayang ang ‘grace’ o kagandahang-loob na binigay sa kanila nang naging tagasunod na sila ni Kristo. Binabantayan nila Pablo ang kalagayang espiritwal ng mga taga Corinth.


Explanation: Sa totoo lang, ito ang damdamin at gustong iparating ni Pablo para sa mga Christians sa Corinth sa kanyang pangalawang sulat sa kanila:


1) Vs. 1a (basahin muli) HINDI SILA NAGBIBIDA-BIDA. Hindi sila nagyayabang para makayabang lang. Hindi binubuhat nila Pablo ang kanilang mga sarili para pangalandakan sa kanila ang accomplishments nila kungdi kailangan nilang ipakita na may mga huwad na nagtuturo sa mga taga Corinto na tila kanilang pinaniniwalaan. Kaya kailangan nila Pablo ipakita at ipabatid ang kanilang ‘credentials’ at ‘sufferings’ bilang followers ni Kristo.


(Practical illustration: Kapag nagkukuwento tayo sa iba ng ating mga karanasan at pinag-aralan, ibig bang sabihin nito MAYABANG NA TAYO AGAD? Share experience.)


2) Vs. 1b (basahin muli) HINDI NILA KAILANGAN PA NG ‘RECOMMENDATION LETTER’ na dadalhin nila lagi papunta sa Corinto, o ipapakita nila lagi sa kanilang home church kapag nanggaling sila sa Corinto. Hindi nila kailangang patunayan sa actual na sulat na okay sila Pablo, na kailangang tanggapin sila Pablo, na hindi huwad sila Pablo, na karapat-dapat pakinggan sila Pablo, at totoong tagasunod sila ni Kristo, atbp.


(Practical illustration: Sa secular na pagtatatrabaho, isa sa mga dokumento na hinihingi ay Recommendation Letter galing sa mga pinagtrabahuhan, lalo na yung pinaka-latest. Kung hindi man ay, humihingi ang papasukang kumpanya ng ‘character reference’ na maaari nilang tawagan para i-prove ang iyong ugali at hindi ka nagsisinungaling sa iyong ipinasang papeles. Share an experience.)


3) Vs. 2-3 Paul was saying that the Corinthians, THEMSELVES, are THEIR LETTERS OF RECOMMENDATION! Kung anuman ang kalagayan ng Corinthians bilang mananampalataya --- kung sila ay lumalakad na bilang tagasunod ni Kristo, kung sila ay binago na ng grace ni Lord, kung umaayos na ang kanilang buhay --- ang mga ito ang magpapakita na TOTOO ang MINISTRY NILA PABLO kasi TAMA ang GOSPEL!


(Practical illustration: Minsan, kung ano ang kitang-kita na nagawa na, iyon ang nagpapatunay sa kanilang credentials. Ex. Architect – yung maaayos na bahay o building. Ang panadero – ang maayos na tinapay. Ang chef – ang masarap at lutong may kalidad, atbp. O kaya naman, may nagpasok na kilala siya at ibinida sa management ang galing ng nirerekomenda nya. Share an experience.)


Ibig sabihin, proud si Pablo na sabihin sa kanila na SILA MISMO ANG LETTERS OF RECOMMENDATION, hindi dinaan sa sulat, kungdi NAKATITIK, NAKASULAT, NAKAUKIT SA PUSO nila Pablo. Naging mga ‘pastol’ nila sina Pablo at marami sa kanila ay tunay na naging tagasunod na ni Kristo. Sila kasi ang isa sa mga RESULT of their MINISTRY dahil sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa kanilang buhay…bunga ng kanilang discipleship at mentoring.


4) Vs. 4-5 HINDI NILA INAANGKIN ANG KANILANG GALING AT KUMPIYANSA sa sarili lamang kungdi pinapalagay nila na ang mga ito ay galing lamang sa DIOS sa pamamagitan ni Kristo Hesus! Sa Kanya sila nagtitiwala, hindi sa sarili nilang katalinuhan.


(Practical illustration: Nakakatuwang marinig ang mga success stories: from rags to riches…mga mahirap ngunit yumaman dahil sa kanilang pagsisikap. Nakakainspire nga naman: janitor naging lawyer; caretaker naging guro; simpleng kargador naging tanyag sa kanyang hobbies. May kakilala o nabasa ba kayong ganito ang nangyari sa kanya? Share a little.)


(Ngunit, mas nakakainspire pakinggan ang mga taong ipinagmamalaki nila ang Dios sa kanilang success – na kung wala ang Dios ay hindi nagbago ang kanilang buhay at hindi nakakaimpluwensiya sa mas marami. Share an experience.)


Conclusion:


Ang binibida ni Pablo ay ang napakabuting tipanan na meron sila kay Kristo. Ito ay hindi gawa-gawa lang. Sinasabi niyang hindi ito basta nasusulat lamang kungdi ang Espiritu ng Dios ang nagpapatunay na tunay ang kanilang ibinibahagi --- kaya ang mga tao na kanilang pinaglilingkuran ay nagkakaroon ng BUHAY at hindi KAMATAYAN. Kung galing lang sa talion at gawa ng tao, walang buhay na mababago nang pangmatagalan, walang buhay na pagpapalain, walang magiging saysay ang grace ni Lord.


Reflection: Ang ating mga pastor sa church ay patuloy na naglilingkod sa atin upang maibahagi ang Salita ng Dios na nagbibigay ng BUHAY! Hindi nila itinatago sa atin ang katotohanang dapat nating malaman upang maranasan nating lumakad kasama ni Kristo nang may katagumpayan. Minsan nasasaktan tayo, minsan nadudupilas tayo, ngunit hindi tayo sinusukuan dahil tayo ang kanilang LETTERS OF RECOMMENDATION.


Tanong: Palagay mo ba…ang buhay mo ngayon ay nababasa ng marami na tila SULAT NG REKOMENDASYON ng ating mga pastor? Nagiging proud kaya sila sa nangyayari sa ating buhay – mga unti-unting pagbabago, mga unti-unting pag-improve ng kabuhayan dahil natututo nang unahin ang Dios, mabilis na pakikipagkasundo sa mga taong nakakagalit, atbp.? O, nalulungkot sila kasi napapahiya ang pangalan ni Hesus sa ating buhay at tila nababalewala ang kanilang mga pagpapagal? Pag-isipan..


7. Announcements

October is Pastors Appreciation month! Huwag mahiya at manghinayang na ipakita sa ating mga ‘pastol’/pastor ang ating pagmamahal at pasasalamat. Makipag-unayan kay Sis. Rochelle Valencia, sa mga council o kaya naman ay sa department heads sa mga maaaring gawin. Application ito ng ating mensahe noong Linggo at ngayon.


8. Intercession


  1. Ang mga Pastor natin at iba pang nagsisilbing ‘pastol’ sa ating buhay: huwag silang panghinaan ng loob kungdi maging matatag sa lahat ng kanilang hinaharap at haharapin.

  2. Ang mga attendees natin: na patuloy na maging ‘letters of recommendation’ – buhay na patotoo sa mga tao sa paligid.

  3. Ang ating mga pamilya: ang bawat isang miyembro ay ma-encounter si Hesus.

  4. Ang mga bagong tumanggap sa Panginoon at nag-YES para matuto pa sa Kanya

  5. Program ng Metro Manila North District (MMND) buong buwan ng Oktubre – pambata, pang-kalalakihan, pangkababaihan, at pang mga guro. Anointing sa mga tagapagsalita at pagsama ng Dios sa buong program.

  6. Patuloy na wisdom sa mga nagmementor, nagdidisciple – na magabayan sila ng Banal na Espiritu sa kanilang pagmiministry at hindi sila magmalaki sa kanilang accomplishments

  7. National Elections: Ma-expose ang evil at mailantad ang good! Maing mabuting botante.

  8. Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit).


9. Closing Prayer / Announcement


Maraming salamat po, Panginoon, sa mga lingkod ninyo na patuloy kaming tinuturuan at inaalagaan. Salamat rin po na ginagawa Ninyo rin kaming Letters of Recommendation na nababasa ng aming mga kamag-anak, kapitbahay at mga kaibigan. Tulungan mo po kami na patuloy na gawin ang pinagagawa mo sa amin. Dismiss us with your love. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!

  1. Extended ang national voters’ registration kaya habol na!

  2. No physical service while we are in Alert Level 4

  3. Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

  4. We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

  5. Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

  6. Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking



122 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page