Below is the material for our Family Prayer Cell on January 27, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Supernatural
January 27, 2021
John 1:35-51
By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
1. Picture Taking
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.
Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC – kahit late na kayo mag-FPC :)
2. Pagbati
3. Pag-aawitan
SONG #1: Our God
Am F C Am F C
Water You turned into wine, Opened the eyes of the blind
Dm G
There's no one like You None like You
Into the darkness You shine, Out of the ashes we rise
There's no one like You None like You
Chorus:
Am F
Our God is greater Our God is stronger.
C G/B
God You are higher than any other
Am F
Our God is Healer…. Awesome in power
C G
Our God, Our God
Bridge:
Am F C G
And if our God is for us Then who could ever stop us.
C G Am F C G
And if our God is with us Then what could stand against
SONG #2: Great is the Lord and Most Worthy of Praise – chorus only
(C7) F Am
And Lord we want to lift Your name on high;
F Bb C
And Lord, we want to thank You for the works You’ve done in our lives.
F Am
And Lord, we trust in Your unfailing love.
Bb Bbm C F
For You alone are God eternal throughout earth and heavens above.
4. Opening Prayer
.
5. Scripture
John 1: 35-51 (PLEASE OPEN YOUR BIBLE AND READ.)
6. Mensahe
Ang Chapter 1 ng Aklat ni Juan ay nagpapakita kung paano isa-isa ay tinatawag ni Hesus ang Kanyang mga alagad. Naunang pinakilala ni Juan Bautista si Hesus sa mga tao. Ang tanong nga ni Hesus sa kanila sa vs. 38 ay “WHAT DO YOU SEEK?” Sa sagot nila ay tila curious sila kung saan nakatira si Hesus. Marahil ay gusto nilang makilala si Hesus sa personal na level kaya pati ang tirahan Niya ay gusto nilang puntahan. Matapos ang 2 disipulo na sumunod sa Panginoong Hesus, si Andres at si Pedro (magkapatid) naman and sumunod kay Hesus. Sa verse 42 nga ay makikita natin na kilala ni Hesus si Pedro.
Kinabukasan, nagplanong pumunta si Hesus sa Galilee. Nakita ni Hesus sa Philip (magkakababayan sila nila Andrew at Peter) at tinawag Niya rin ito. Si Philip naman ay hinanap si Nathanael para masabi sa kanya na nakita na nila ang Messiah (si Hesus) na nasusulat sa Old Testament na darating na Tagapagligtas.
Nang nalaman ni Nathanael na si Hesus ay taga Nazareth, kinuwestion nya agad ang lugar na pinanggalingan ni Hesus. “NAZARETH! CAN ANYTHING GOOD COME FROM THERE?” Tila hindi masyadong impressed si Nathanael sa origin ni Hesus na Nazareth – tila probinsiya, malayo sa siyudad, hindi sikat na lugar, hindi puntahin, at walang mga bonggang kuwento ang lugar na iyon. Kaya, hindi siya agad bilib na ang Messiah ay manggagaling doon. Ang Nazareth kasi ay ginawang barracks din ng mga tropa ng Romanong sundalo at doon nila dinadala ang kanilang mga dios-diosan. Doon din nila lalong pinapakita ang pagpapahirap nila sa mga Hudio at patuloy nilang pagkakasala laban sa Dios. Kaya hirap siyang isipin na doon manggagaling ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.
Ngunit sabi pa rin ni Philip sa kanya: “COME AND SEE.” Kumbinsido kasi si Philip na si Hesus na nga ang nabanggit sa mga hula sa Law ni Moises na ipinangakong Tagapaglitas na taga-Nazareth at magiging anak ni Jose.
Nang nakita ni Hesus sa Nathanael na papalapit, sabi ni Hesus sa kanya: “HERE IS A TRUE ISRAELITE, IN WHOM THERE IS NOTHING FALSE.”
Nagulat si Nathanael kasi kilala agad siya ni Hesus. At ang ganda pa nang sinabi ni Hesus tungkol sa kanya.
Sa vs. 48 Nagtanong si Nathanael kung paano siya nakilala ni Hesus. Sinagot siya ni Hesus na NAKITA NA NIYA SI NATHANAEL SA MAY ILALIM NG PUNO NG IGOS BAGO PA SIYA TAWAGIN NI PHILIP. Hala! Alam na ni Hesus agad si Nathanael bago pa sila magkita. Batid ni Hesus kung saan siya nakapuwesto nung panahong iyon!
Kaya sa v. 49, galing na mismo sa bibig ni Nathanael ang ganito: “Rabbi, You are the Son of God; You are the King of Israel.” Isang mariing deklarasyon ng pagiging Messiah ni Hesus. Isang pangungusap na may pagtitiwala na si Hesus nga ay Anak ng Dios! Samantalang kanina lamang ay hindi siya bilib na may mabuting manggagaling sa Nazareth. Ngunit, nag-iba na! Bigla siyang naniwala kasi narinig niya mismo na sinabi ni Hesus na NAKITA SIYA ni HESUS bago pa siya tinawag ni Philip at alam Niya kung saan siya nakapuwesto.
Ito ang challenge ni Hesus sa kanya: YOU BELIEVE BECAUSE I SAW YOU UNDER THE FIG TREE.
Ang obserbasyon ni Hesus kay Hesus ay mabilis siyang napaniwala dahil may KAKAIBA SA SINABI NI HESUS. MAY KAKAIBA SIYANG ALAM. MAY UNUSUAL. Palibhasa nasabi ni Hesus ang puwesto niya kahit hindi Niya siya nakikita ay biglang napaniwala si Nathanael.
REFLECTION:
Isang situwasyon pa lamang iyon ngunit napabago na ang isip ni Nathanael. Pansinin natin ang mga tao. Ang bilis napapaniwala dahil sa ‘supernatural knowledge’, ‘supernatural healing’, ‘supernatural provisions’ at iba pa.
Tingnan natin ang reaksyon ni Hesus: ‘ YOU SHALL SEE GREATER THINGS THAN THAT.’
Totoo naman ! Kasi, hindi pa nagsisimulang magpakita ng mga himala si Hesus. Alam na alam ni Hesus na mas maraming tao ang mapapaniwala kapag mas marami Siyang mapakitang ‘supernatural’ (mga hindi normal na nangyayari, higit sa natural). Diresteshan NIyang sinasabi kay Nathanael na mas marami pang higit na bagay ang mangyayari.
Enumerate natin ang mga ginawa ni Hesus: (sa mga sanay na sa Bibliya, magbanggit kayo ng mga himalang ginawa ni Hesus sa new Testament)
· Turning water into wine at a wedding – John 2
· The healing at the pool of Bethsaida - John 5
· The healing of the man born blind - John 9
· The raising of Lazarus from the dead – John 11
· And many more in the Book of Luke
CONCLUSION:
Sa ating panahon, may mga ginagawang ‘supernatural’ ang Dios sa ating buhay na nagtuturo sa atin upang maniwala sa Kanya. Paniwalaan natin ang statement ni Hesus na mas makakakita pa tayo ng higit sa mga ginawa Niya. At maaari rin NIya tayong gamitin, sa Kanyang pangalan (HINDI SA SARILI NATIN, hindi sa RELIHIYON NATIN), at walang ibang pangalan kungdi pangalan ni HESUS.
John 14:12-13 Truly, truly, I tell you, whoever believes in Me will also do the works that I am doing. He will do even greater things than these, because I am going to the Father. 13 And I will do whatever you ask in My name, so that the Father may be glorified in the Son.
7. Praise Report
Magbigay ng isang kuwento sa buhay na nagpakita si Lord ng ‘supernatural’ na lalong nagpatibay ng iyong pananalig sa Kanya.
8. Pananalangin
Manalangin na gamitin tayo ni Hesus sa pananalangin at makita natin ang mga ‘supernatural’ na mangyari sa mga buhay na ating ipapanalangin, ayon sa pangalang HESUS.
Ipanalangin ang mga may sakit, banggitin ang sakit, at palayasin ang ‘spirit of sickness and disease’ sa pangalan ni Hesus.
Isama sa panalangin ang mga taong ‘baon’ sa utang (sa anumang kadahilanan) at sila ay magpasakop sa makapangyarihang kamay ng Dios at maranasan nila ang ‘supernatural’ freedom sa utang.
Ipagpray ang mga estudyante na tila hirap na hirap sa pag-aaral…nababagot, nalilito, naiinis na at nahihirapan sa pag-aaral. Pray for ‘supernatural wisdom’ to be upon them and also their parents para makatulong sa kanila.
Isama sa panalangin ang mga ‘tila imposibleng ma-born again’ na ma-encounter si Hesus sa kanilang buhay….’supernatural encounter’ ..na magdadala sa kanila sa pagsuko sa Dios nang buong-buo.
Sama-samang idulog sa Dios ang mga maliit o malaking mga business transactions ng mga kapatiran natin…na ‘supernatural intervention (pakikialam)’ ng Dios ang maranasan nila…at hindi nila makalimutan ang para sa Dios at Kanyang mga manggagawa at iglesya.
Ilapit ang ating mga ‘single ladies and gentlemen’ na God will make all things beautiful sa buhay nila sa Kanyang tamang panahon. God will orchestrate ‘supernatural moves’ sa kanilang buhya higit pa sa kanilang inaasahan.
Ang dalang pinsala ng Covid 1 and 2 viruses will “supernaturally dissipate (mawala)” in His best time.
Other requests (if there are)
9. Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203
GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551
BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526
10. Mga Anunsyo
Pwede pong mag-signup para sa mga physical service sa Sunday ng 9 am at 2 pm. Signup here: https://bit.ly/mfgcphysicalservice
Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square
Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square
Comments