top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 40 - Light Troubles

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 20, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Light Troubles

October 20, 2021

II Corinthians 4:16-18 By: Rev. Kay Oyco-Carolino


 

1. Intro


Ang Dios ang ating Pastol, hindi tayo magkukulang. He is more than enough! Kaya nagkakasama pa tayo ngayon dahil mabuti Siya…pinapahiram pa tayo ng buhay, binibigyan ng kinakain sa bawat araw, pinapagaling sa ating sakit, pinapatulog, at pinapaligiran ng mga taong nananalangin para sa atin!


2. Pag-aawitan


Sapat Na at Higit Pa Musikatha https://www.youtube.com/watch?v=TUlseUSYR7k 'Di mangangamba sa kawalan Pagpapala Mo'y laging laan 'Di matatakot sa panganib 'Pagkat naririyan Ka palagi 'Di matitinag sa pagsubok Ang pagsama Mo'y tiyak at lubos 'Di mapipigil sa pag-awit 'Pagkat Ikaw ay mabuti 'Pagkat Ikaw ay mabuti Ikaw ang aking pastol, hindi magkukulang Sapat na (sapat na) at higit pa Biyaya Mo'y sagana at umaapaw Sapat na (sapat na) at higit pa Sapat na sa lahat kong pangangailangan Higit pa sa lahat kong inaasahan Wala na ngang mahihiling pa 'Pagkat Ika'y sapat na Ika'y sapat na at higit pa


3. Praise Reports


Ano ang mga naibigay ng Dios sa iyong buhay ngayong nakaraang linggo? Maaari mo bang i-share sa amin para mapasalamatan din naman naming ang Dios?


4. Opening Prayer


(Manalangin with HANDS RAISED)


Father, we come to you with humble hearts. You are Lord of lords and King of kings. Wala pong makahihigit sa Iyo. Totoo ang Iyong Salita at nananalig kami na tinutupad Mo ang Iyong mga pangako para sa Iyong mga anak. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.


5. Scripture Reading


Scripture: II Corinthians 4:16-18 (Contemporary English Version)

16 We never give up. Our bodies are gradually dying, but we ourselves are being made stronger each day. 17 These little troubles are getting us ready for an eternal glory that will make all our troubles seem like nothing. 18 Things that are seen don’t last forever, but things that are not seen are eternal. That’s why we keep our minds on the things that cannot be seen.


II Corinto 4:16-18 (Magandang Balita)

6 Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw. 17 Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.


6. Message


Paulit-ulit na nagpapaliwanag si Pablo sa pinagdaanan at pinagdadaanang mga hirap sa pagsunod niya sa utos ng Dios, na humayo at sabihin sa iba ang tungkol sa kagandandahang-loob ni Kristo. Ipinagtatanggol din niya ang ang kanilang ministeryo --- na hindi sila huwad, na hindi nila binabaluktot ang Salita ng Dios, na sinasabi nila ang katotohanan ng Salita ng Dios nang wala nang maraming palabok, at alam ng Dios ang kanilang motibo at ginagawa. Hindi madali para sa kanila ang pagtutuligsa mula sa mga false teachers at ang planuhin ng mga ito na i-sabotahe ang gawain sa Corinto (at ang mga false teachers na ito ang mag-te-take over na sa church!).


Ito nga ang description ni Pablo sa kanilang situwasyon: II Cor. 4:8

“Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok.”


Ngunit pansinin natin ang mga hirap ngunit may katumbas na pag-asa:

ü Kabi-kabilaan ang pagpapahirap / hard-pressed on every side

(hindi nalulupig / not crushed!)

ü Nababagabag / perplexed (hindi nawawalan ng pag-asa / not in despair!)

ü Inuusig / persecuted (hindi pinababayaan / not abandoned)

ü Napapatumba / struck down (hindi lubusang nailulugmok / not destroyed!)


Pause: Ano ba ang pakiramdam mo sa ngayon? Pumili ng isa sa apat na nabanggit. Ipaliwanag nang kaunti, kung nais.

Kaya ang encouragement sa atin ni Pablo ayon sa kanilang nararanasan:

Vs. 16a HINDI KAMI NASISIRAAN NG LOOB – we do not lose heart. Hindi kami gumi-give up, hindi kami nanghihina, hindi kami nawawalan ng pag-asa, hindi nadi-discouraged.

(nawa, huwag kang panghinaan ng loob sa anumang nanagyayari sa iyo ngayon!)


Vs. 16b KAHIT NA HUMIHINA ANG KATAWANG-LUPA – kailangan nating tanggapin na lahat tayo ay darating sa panahon na ang ating katawan ay hindi na magagawa ang mga bagay na kaya niyang gawin dati nang may lakas. (sa mga nakakaranas nito, magbigay ng mga halimbawa na nangyayari sa katawan natin na nagpapatunay na nagbabago na ito at hindi na masyadong nagfa-function nang tama)


Kahit anong lakas natin ngayon, ang bawat isa sa atin ay daratnan ng panghihina ng katawang-lupa dahil hindi tayo dinisenyo ng panghabambuhay na mananatili dito sa lupa.


Vs. 16c – PINALALAKAS ANG AMING ESPIRITU ARAW-ARAW – makikita natin ang contrast (o salungat) ng kung ano ang humihina at lumalakas. Sinasabi ng verse na ang panlabas (ang ating pisikal na katawan) ay siya lang ang humihina ngunit habang tayo ay nanatili sa relasyon natin sa Panginoong Dios, lalo naman tumatatag ang ating ‘inward man’, ang ating espiritu, ang bagay na nakikipag-ugnay sa Dios.


Hindi ninyo ba napapansin na sa bawat araw na dumadaan ay pinatitibay tayo ng Dios sa pagharap ng kahirapan sa buhay? Pansin mo na ba na may nagbago sa iyong pananalita batay sa laman ng iyong puso na nagsasambit na ito ng ‘faith words’ – mga salitang nagpapahayag ng pagtitiwala sa Dios. Dati, puro reklamo, dati puro pangit na pangungumpisal ng bibig, dati puro sama ng loob at galit sa mundo (minsan, galit sa Dios…), ngunit ngayon ay lumalakas ang ating faith --- ang ating pananalig na Salita ng Dios at sa Kanyang mga pangako.


Vs.17a ANG MGA KAPIGHATIANG DINARANAS AY BAHAGYA LAMANG (LITTLE TROUBLES) – marahil masasabi nating hindi naman talaga ‘little’, hindi naman ‘bahagya’ (little ba ang magka-COVID? Bahagya lang ba ang magka-CANCER? Panandalian lang ba ang dalamhati ng namatayan? Sa mga nakakaranas nito ay magsasabing HINDI BAHAGYANG HIRAP ito, HINDI MALIIT ang mga ito.)


Ngunit tingnan natin ang patutunguhan ng mga katagang ito:


Vs. 17b ANG MGA ITO AY PAGHAHANDA SA KAGALAKANG WALANG HANGGAN AT WALANG KATULAD – aba! May purpose pala ang mga kapighatian natin bilang Christians. Katulad nila Pablo, tayo rin ay pinaglalaanan ng Dios ng ibayong saya na hindi lang panandalian kungdi pang-habambuhay!


Iyon ang contrast! Ang problema natin ay panandalian lang…ngunit ang kasayahan ay pangwalang-hanggan! It will be an ETERNAL GLORY versus TEMPORAL SUFFERING!

The glory far outweighs the pains!!! Kapag kinumpara ang dalawa, yung mga troubles natin ay PARANG WALA LANG – parang BALE WALA LANG – tila ANG DALI-DALI lang, EASY!!! Kaliit na lang nito compared sa kaluwalhatian na mararanasan natin sa future!


CONCLUSION:


Vs. 18 Kaya nga, pinapa-focus tayo ng Salita ng Dios sa mga bagay na HINDI NAKIKITA. Ano yun? Iyon ang buhay na walang hanggan na makakapiling na natin ang Dios at makikita natin si Hesus nang mukhaan (face-to-face)!!! Hindi tayo pinatititig sa mga bagay na material at temporal --- mga bagay na ating nahahawakan at nakikita lamang – kungdi sa mga bagay na hindi nakikita (ngunit naabot na ng ating pananampalataya!).


Ang lugar na hinanda sa atin ng Dios, ang langit, ay hindi pa natin nakikita ngunit pinananaligan na ng ating espiritu kaya hindi nagpapatuloy tayo sa pag-asa.

MAGAAN lang pala ang mga problema na ATING NAKIKITA, habang ang kasiyahan nating HINDI PA NAKIKITA ay lubus-lubos!


Kaya, together with Paul, we can say… vs. 8


7. Singing (Part 2)


TRADING MY SORROWS


I'm trading my sorrows I'm trading my shame

I'm laying them down for the joy of the Lord

I'm trading my sickness I'm trading my pain

I'm laying them down for the joy of the Lord


We say

Yes Lord yes Lord yes yes Lord

Yes Lord yes Lord yes yes Lord

Yes Lord yes Lord yes yes Lord

Amen


8. Announcements

October is Pastor Appreciation month! Huwag mahiya at manghinayang na ipakita sa ating mga ‘pastol’/pastor ang ating pagmamahal at pasasalamat. Makipag-unayan kay Sis. Rochelle Valencia, sa mga council o kaya naman ay sa department heads sa mga maaaring gawin. Salamat na po sa nagpakita ng appreciation kay Ptra. Glho. Maaari pa po kayong humabol.


9. Intercession


  1. TROUBLE SA KAPERAHAN: Matuto sa prinsipyo ng Dios sa pagiging mabuting katiwala; kahabagan ng Dios na mabayaran ang mga utang.

  2. TROUBLE SA PAMILYA: Mga nahihirapan sa pagtaguyod – magulang man o anak na gumaganap nito; kabataang nadedepress na; pag-aayos ng relasyon at ma-engkuwentro lahat si Hesus.

  3. TROUBLE SA PAG-AARAL: Ganahan; Mabigyan ng resources to study; Patalasin ang isip

  4. TROUBLE SA COMMUNITY: Maayos na; Tumahimik na; Mabago na.

  5. TROUBLE SA PAMAHALAAN: Ma-expose ang mali at maitama ito; Maluklok ang kalooban ng Dios na bagong mamumuno sa bayan; ang mga Christians ay lumuhod sa Dios, hindi lang puro salita, para sa pagbabago

  6. Program ng Metro Manila North District (MMND) buong buwan ng Oktubre –pambata, pang-kalalakihan, pangkababaihan, at pang mga guro.

  7. Anointing sa mga tagapagsalita at pagsama ng Dios sa buong program.

  8. Patuloy na wisdom sa mga nagmementor, nagdidisciple – na magabayan sila ng Banal na Espiritu sa kanilang pagmiministry at hindi sila magmalaki sa kanilang accomplishments at panghinaan ng loob sa mga discouraging situations

  9. Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


10. Closing Prayer / Announcement


Maraming salamat po, Panginoon, sa mga lingkod ninyo na patuloy kaming tinuturuan at inaalagaan. Salamat rin po na ginagawa Ninyo rin kaming Letters of Recommendation na nababasa ng aming mga kamag-anak, kapitbahay at mga kaibigan. Tulungan mo po kami na patuloy na gawin ang pinagagawa mo sa amin. Dismiss us with your love. Sa pangalan ni Hesus. AMEN!

  1. Extended ang national voters’ registration kaya habol na!

  2. No physical service sa buong buwan ng October

  3. Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

  4. We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

  5. Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

  6. Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking



173 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page