top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 41 - Each Man Should Give

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 27, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





Each One Should Give

October 27, 2021

2 Corinthians 8: 6 – 8 By: Rev. Noolen Jebb Mayo


 

1. Pambungad na Panalangin


O aming Diyos na mabuting Pastol – pinupuri at itinataas Ka namin sa gabing ito dahil hindi Mo kami pinapabayaan sa araw-araw. Sa Iyong pag-aalaga ay nararanasan namin ang Iyong pagkalinga at pagmamahal. Kaya patuloy kaming lumalapit sa Inyo upang idulog ang gawaing ito na pangunahan kami ng Inyong Banal na Espiritu at tanggapin ang Iyong Salita ng may kagalakan. Hinihiling namin ang lahat ng ito sa pangalan ng ating Panginoong Hesus, Amen.


2. Praise Report and Testimony


Ang bawat isa ay magsasabi ng mga pinagdaanang troubles (maliit man ito o malaki) sa nagdaang linggo at kung paano mo ito napagtagumpayan kasama ang biyaya ng Diyos.


3. Scripture and Introduction


Basahin natin ang Scripture sa 2 Corinto 8: 6 - 8...

Kaya't pinakiusapan namin si Tito, dahil siya ang nagsimula ng gawaing ito, na kayo'y tulungan niya hanggang sa malubos ang pagkakawanggawa ninyong ito. Masagana kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin ninyong maging masagana rin sa pagkakawanggawang ito. Hindi sa inuutusan ko kayo. Sinasabi ko lamang sa inyo ang pagsisikap ng iba upang masubok ang katapatan ng inyong pag-ibig.


Bago ang mga talatang ito, binigyan ng example ni Paul ang mga taga-Corinto kung paano nagbigay ang mga taga-Macedonia na sa gitna ng mahigpit na pagsubok (2 Corinito 8: 2 - 4). Sila ay masayang-masaya at bukas palad; kusang-loob sila sa pagbibigay at higit pa sa abot ng kanilang makakaya. Mahigpit ding ipinakausap na bigyan sila ng pagkakataon na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.


Tila mahirap natin itong gawin sa gitna ng pandemyang nararanasan natin ngayon, lalo na kapag tayo mismo ay naapektuhan nito tulad ng pagkawala ng trabaho o pagsara ng negosyo. Ngunit ang Salita ng Diyos ay totoo at tunay, kailangan natin itong subukan upang makita ang katotohanan at maranasan kung paano kumilos ang Diyos sa buhay natin. Kahit sa gitna ng pandemya man o sitwasyon na meron tayo ngayon na tila ang hirap bumangon sa pagkalugmok, subukan nating sumunod sa Kanyang Salita upang makita natin on-hand ang mga kamangha-manghang pagtugon Niya sa atin.


4. Message


Kaya sa pag-aaralan natin ngayon ng Salita ng Diyos ay lalo pa nating pagtibayin o hamunin sa pagsunod anf ipinag-uutos ng Diyos sa atin patungkol sa pagbibigay...


1) Huwag lang sa simula, kundi maging ‘lifestyle’ natin ang pagbibigay (v. 6).


Sinimulan ang gawain ng pagbibigay ni Tito (v. 6) at ng mga taga-Corinto (v. 10) at sila din ang naghangad nito noong isang taon pa upang tumulong sa nangangailangan sa Jerusalem. Kaya kinausap ni Paul si Tito na i-encourage kayong ipagpatuloy ito hanggang sa malubos (be full or be made perfect) ang gawain ng pagtulong o pagkawanggawa.


Ang pagbibigay ay dapat maging ‘lifestyle’ - katulad ng pagligo araw-araw; pagkain ng almusal, tanghalian at hapunan; at pag-toothbrush pagkatapos kumain. Kasama na ito sa ating pamumuhay na tayo ay maging mapagbigay. Ibig sabihin ay kahit nasa gitna tayo ng pandemya (katulad ng taga-Macedonia na nasa gitna ng matinding pagsubok), patuloy pa rin tayong magbigay.


Hindi natin maipagkakaila na kahit nasa pandemya tayo ay patuloy pa ring pinupunan ng Diyos ang ating mga kakulangan. Nagkaroon tayo ng mga ayuda (monetary or food packs); tulong ng iba’t ibang organisasyon (SSS, DSWD, DOLE, maging Tsu Tzi foundation at iba pa); may inaabot ang mga kamag-anak na nasa ibang bansa o nasaan man sila; at marami pang iba.


Kaya’t mayroon tayong pedeng maibigay o maitulong lalo na sa mga mas nangangailangan kaysa sa atin. Kahit sa anong panahon... sa kagipitan o sa kasaganaan, pwedeng-pwede pa rin tayong magbigay para ito ay maging lifestyle natin. Magbigay sa bawat pagkakataon.


Ang tanong: Kaakibat na ba sa buhay natin ang pagbibigay o sa tuwing naiisipan lang natin?

Tuwing kailan lang tayo dapat magbigay?


2) Huwag lang sa ibang bagay magaling kundi magbigay din ng may ‘excellence’ (v. 7).


Ang sabi ni Paul ay ang mga taga-Corinto ay magagaling sa maraming bagay katulad ng pananampalataya, pagpapahayag, kaalaman, kasipagan, at sa pag-ibig. Kaya’t binabanggit din niya na maging magaling (excellent) din sa gawain ng pagbibigay.


Ang encouragement ni Paul sa kanila ay kung sa lahat ng bagay ay magaling sila, maging sa gawain ng pagbibigay ay patuloy nilang ipinapakita na magaling din sila. Hindi ibig sabihin na ipagyabang ang kanilang pagbibigay kundi ito ay sakdal – to the highest level kumbaga. Hindi siya kakarampot kundi sagana.


Naisin natin na sa ating pagbibigay ay higit pa sa abot ng makakaya katulad ng mga taga-Macedonia. Masayang-masaya at bukas-palad din sila sa pagbibigay. Ang ibig sabihin ay paghandaan natin ang ating pagbibigay at maging generous din upang masabing may ‘excellence’ ang ating pagbibigay.


Huwag manghinawa sa pagbibigay. Higit pa ang binigay ng Diyos sa atin kaysa sa binibigay natin... wala tayo sa ospital; iniingatan tayo sa anu mang malubhang sakit; may natitirhan tayong bahay (nangungupahan man o pagmamay-ari), nakakakain tayo nang higit pa sa tatlong beses isang araw; kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, at marami pang iba.


Ang tanong: Nanghihinayang ka pa ba kung ikaw ay nagbibigay sa simbahan? Ok lang ba sa iyo na

magbigay ng higit pa sa kaya mo?


3) Huwag lang isipin na ito ay utos kundi katapatan ng ating pag-ibig sa Diyos (v. 8).


Ang sabi ni Paul tungkol sa pagbibigay nila ay ipinapaliwanag niya na hindi niya sila inuutusan na magbigay kung hindi, gusto niyang matutunan nila na ang pagbibigay ay out-of-love. Maibahagi nila ang pag-ibig ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng pagbibigay.


Hindi sa kadahilanan na iniuutos namin ang pagbibigay... ito ay likha ng lumalabas dapat sa atin katulad ng ‘Christ-like giving’ - ibinigay Niya ang lahat pati ang Kanyang buhay para sa atin. Hindi Siya nanghinawa para sa kapakanan natin lahat.


Kaya kapag tayo ay nagbibigay, hindi ito utos – ito ay pagpapakita ng utang na loob natin sa katapatan ng Diyos sa atin kahit sa anong sitwasyon man ang meron tayo. Ibinabalik lang natin sa Kanya ang kabutihang ginawa Niya sa atin kahit hindi man natin ito kayang bayaran.


Ang tanong: Feeling mo ba na ang pagbibigay ay isa pa ring utos na dapat sundin? Nauunawaan

mo ba yung magbigay ka out-of-love? Sa paanong paraan?


Conclusion: Kung ang pagbibigay natin ay isa nang lifestyle; o may ‘excellence’ na – hindi malayo na tayo ay nagbibigay dahil sa katapatan ng ating pag-ibig sa Diyos. Minamahal natin Siya sapagkat Siya ang unang nagmahal sa atin. Siya ang naglikha sa atin at nagbigay ng layunin sa ating buhay. Siya ang patuloy na nagpupuno ng lahat na kakulangan natin sa ano mang aspeto ng buhay. Siya ang nagbigay ng Kanyang buhay para sa atin.


Subukan mong gawin ang pagbibigay kaakibat sa mga natutunan natin ngayon at mararanasan mo ang katapatan ng Diyos sa buhay mo. Kung nais mong makita ang mga kamangha-manghang pagkilos ng Diyos sa iyo, huwag kang magdalawang-isip patungkol sa pagbibigay. Siya ay tapat at totoo, gusto din Niyang maranasan mo ang kabutihan Niya sa iyo at sa iyong pamilya.


5. Pagkolekta ng Offering


Sa pagkakataong ito... hayaan natin na magbigay tayo sa gawain ng Panginoon sa pamamagitan ng offering pagkatapos ay ipanalangin ito. At habang ibinibigay ang kaloob ay sabayan natin ng awiting nasa baba. Magbigay ng may ngiti at kasiyahan.


Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


6. Pag-Aawitan


God is Able

Bob Fitts

https://www.youtube.com/watch?v=uLKFmbZFqeA


God is able to make all grace abound to you. God is able to make all grace abound to you. So that in all things, At all times, So that in all things, Having all that you need. You will abound, in every good thing, Abound, having all that you need, Abound, in every good deed, You'll abound.


7. Pananalangin


· Mga walang trabaho o nawalan ng trabaho

Mag-isip ng isang kapatiran na sa tingin ninyo ay walang trabaho – ipanalangin siya at ganun din ipanalangin ninyo kung paano siya matulungan (tulungang maghanap ng trabaho; mag-abot ng pang-requirements; at marami pang ibang paraan)


· Mga tapat na nagbibigay ng kanilang tithes

Ipanalangin sila na patuloy ang pagbuhos ng pagpapala ng Diyos sa kanila at maging daluyan din sila ng pagpapala sa iba lalo na ang mga nangangailangan.


· Mga may agam-agam pa tungkol sa pagbibigay sa gawain ng Diyos

Huwag magdalawang-isip, subukan ang utos ng Diyos na ito at nawa ay maunawaan o maranasan ang kamangha-manghang pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay.


· Ang ‘finances’ ng simbahan

Magamit ang mga ito para sa mga program ng simbahan na maihayag ang Salita ng Diyos na maayos at malinaw sa pamamagitan ng livestream (online); sa proyekto patungkol sa evangelism at discipleship (paglago ng mga mananampalataya); at mga expenses para sa operation ng simbahan.


· Probisyon lalo sa mga nanganagilangan

Patuloy na probisyon ng mabuting Pastol para sa mga araw-araw nating mga pangangailangan tulad ng pagkain; pambayad sa mga bills; pambili ng mga gamot sa maintenance; pambayad ng tuition ng mga estudyante; at pambayad sa kautangan.


· Sa mga may negosyo (online seller man iyan o may-ari ng kompanya)

Patuloy na palaguin ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na customers/clients na maayos; pag-expand ng kanilang negosyo; at pambayad din ng kanilang mga expenditures.


8. Closing Prayer


Salamat muli Panginoon sa kabutihan mo sa amin araw-araw. Maging sa mga Salita mo na nagbibigay hamon sa amin upang sundin ng may katapatan upang makita mo ang aming pananampalataya. Tunay na Ikaw ang tunay na Diyos na hindi nagpapabaya at tumutugon sa aming mga panalangin ayon sa Iyong kalooban at panahon. Ibinabalik namin ang lahat ng papuri at pasasalamat sa pangalan ni Hesus, Amen!


9. Picture Taking

Always take pictures and post to encourage others!


10. Paalala


1) No physical service while we have GCQ Alert 3.

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

4) Go to YouTube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


11. Pagsasalu-salo




127 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page